Hanna Rolueta’s Point of view Sa dalawang linggong pagtatagal namin ni Jade sa South Korea ay marami na kaming napuntahan na mga lugar. Sulit na sulit ni Jade ang kanyang bakasyon. Pero katulad ng mga sinasabi ng karamihan, ang lahat ay may hangganan. Parang kami ni Aga, may hangganan. Kailangan na naming umuwi ng Pilipinas. Kailangan ko ng harapin ang mga magulang ko. Hindi ko maitatago ito habang buhay. Ayoko na ring magsinungaling sa kanila. “Oh my! I miss Philippines!” sabi ni Jade ng makalapag ang eroplano namin. Kung sa South Korea ay malamig ang hangin, dito ay maalinsangan na. Amoy na amoy ang alikabok sa highway. “Hanna, deretso muna ako sa bahay. Sorry ‘di kita masasamahan sa condo mo,” sabi niya sa akin at tumango naman ako. “Ano ka ba, okay lang. Masyado na nga kitang n