Agapito Agato’s Point of View “Huh? Seryoso ka ba, senpai?” tanong niya sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway at dahan-dahanjg tumango. Kahit na alam kong nabigla siya ay nanatili pa din ang ngiti sa mga labi niya. “Bakit ako? Sigurado ka ba?” tanong niya ulit at muli akong tumango. “Kakaiba ka kasi sa mga babaeng nakilala ko. I like how jolly you are. You’re always smiling,” sagot ko. “I fell in love with your smile,” dagdag ko pa. “Teka lang ah. Bigyan mo ako ng time na i-digest ang mga sinabi mo kasabay ng digesting ng lunch natin. Kaya pala niyaya mo ako dito para mag-confess. I like your courage ah,” sabi niya sa akin at uminom ng kanyang softdrinks. “You don’t have to say anything naman. Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko. I know na makakasama lang ito if I will ke