Hanna Rolueta’s Point of View
Hindi pa man nag-aalarm ang alarm clock ko ay nagising na ako. Papasikat palang ang araw ay gising na gising na ako. Hindi ko kasi maiwasang kabahan. Ito kasi ang unang araw ko bilang COO ng company naming. I know, masyadong mataas ang pagtalon ko sa trabaho but it was my dad decision. Naalala ko noong sinasabi niya sa akin na magiging COO agad niya ako.
“Why would you want to be at the bottom kung from the very start naman ay you’re already at the top?”
Bumuntong hininga ako. Nag-exercise na lang muna ako para kahit papaano ay ma-clear ang mind ko. I do the stretching, the jumping jacks, and crisscross. After that ay nag-asikaso na akon ng sarili ko.
Isinuot ko ang binili sa akin ni Mommy na isang corporate attire. Isang kulay pulang blazer at slacks. I also wear a white polo blouse, a pearl necklace and earrings. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong dumeretso sa dining area at nandoon na sila Daddy. I greeted them and kiss them bago ako umupo sa tapat ni Mommy.
“Good luck to your first day, anak,” Mom said at ngumiti ako.
“Thanks, Mom. Kinakabahan ako Daddy. What if I mess up?” sabi ko at umiling ang daddy ko.
“You’re being paranoid, Hanna. Alam mo naman na halos ang pasikot-sikot sa company,” Dad said.
“Daddy, iba pa din kapag hands-on na talaga. I was only an intern back then. Tamang pasilip-silip lang sa mga kalakaran sa company. Iba pa rin kapag ako na mismo ang hahawak ng mga works,” I said.
“Don’t worry, Hanna. Nandito naman ako para gabayan ka. I know you can do it,” sabi ni Dad and I smile at him. I am very thankful to have a father like him.
We eat our breakfast in peace.
After naming kumain ng almusal ay nagpaalam na kami kay Mommy and sabay na kami ni Daddy pumasok sa opisina. Bini-briefing ako ni Dad sa mga magiging trabaho ko as COO. Pagdating naming sa opisina ay halos nakahilera na ang mga empleyado naming. Sabay-sabay silang bumati sa akin at ang secretary ni Daddy ay binigyan pa ako ng isang bouquet ng red roses.
“Thank you so much po! Thank you for the warm welcome!” I said at yumuko sa kanila. Hinatid ako ni Daddy sa aking opisina at doon ay sinalubong ako ng aking mga staff. Nakita ko si Jade na nandoon kaya nagtaka ako. Napatingin ako kay Dad at ngumiti lang siya sa akin.
“Good morning, everyone! I am looking forward in with working with you all,” I said. They all said their own welcoming words sa akin hanggang sa nakapasok na ako sa mismong opisina ko. Dad left me at pumasok na sa kanyang opisina.
Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang aking trabaho. May mga files and folders na nakalagay sa table ko and I decided to read it. Napag-alaman kong mga sales report ito ng isa sa mga negosyo namin.
While reading the reports ay narinig ko ang pagkatok sa pinto ng office ko. I said come in and ilang sandali lang ay bumukas ang pinto revealing Jade na nakangiti.
“Friend!” sigaw niya at tumakbo papalapit sa akin. Tumayo naman ako at niyakap siya.
“How come? Hindi ko alam na nag-apply ka dito,” I said at hinampas naman niya ako sa braso.
“Girl, wala akong balak but ‘yung daddy mo ang tumawag sa akin. And guess what? I am your ever pretty and sexy secretary!” sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako.
“I see. Mukhang ikaw ang surprise niya sa akin,” sagot ko at bigla naman siyang ngumuso.
“Kung hindi lang sana maarte si Papa Aga ay dito na din sana siya magtrabaho. Pero ano nga bang magagawa natin? May prinsipoyo siyang pinangangalagaan,” sabi ni Jade.
“Jade, i-respect na lang natin ang kagustuhan niya.
The first day as a COO ay okay naman. Hindi ko pa naman kasi ramdam ang bigat ng trabaho dahil bago pa lang naman ako. After work ay nagsabi si Daddy na mauna na akong umuwi. While waiting sa elevator na bumukas ay nag-vibrate ang cellphone ko and got a text message from Aga.
Aga: Uuwi ka na? Let’s have dinner. Sa usual place.
Bumukas ang elevator at binati ako ng ilang empleyado. I greeted them back bago nag-reply kay Aga.
Me: Sure. Wait for me.
Ang usual place na tinutukoy niya ay ang fast food chain na malapit sa St. Mary’s. Ito kasi ang favorite fast-food chain namin. I think everybody does especially the kids who see the big and jolly bee. Pagdating ko doon ay nasa usual spot na naming siya. He already ordered our food. Isang spaghetti pan, two chesse burgers, and a bucket of fries.
“Kumusta ang first day of work as a COO?” tanong niya while quoting the word COO. Inirapan ko siya.
“Bakit parang malaman ang tanong mo?” I said at bigla naman siyang umiling.
“Wala akong ibig sabihin ah. Ano? Kumusta?”
“Okay naman. Jade is my secretary. Hinired pala siya ni Dad,” sagot ko. Nagsimula na kaming kumain at nakikinig lang siya sa mga kwento ko.
“Ikaw? Kumusta nag paghahanap ng trabaho?” tanong ko. Inabot niya ang kanyang drink at uminom muna bago ako sinagot.
“Ayun, bokya. But hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Expected ko naman na kasi na ganito kahirap ang maghanap ng trabaho,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
Isa ito sa mga gusto ko kay Aga. May mga prinsipyo siya na gusto niyang ipaglaban. Gusto niyang patunayan na kaya niya ang isang bagay.
“Basta if wala ka talaga mahanap, welcome ka sa Rolueta. Okay?” I said at tumango naman siya.
“Yes. Kung wala talaga, lulunukin ko ang sinabi ko and makikiusap kay Tito,” sabi niya.
“Ano ka ba. Maiintindihan ka ng family ko.”
“Pero hangga’t kaya ko maghahanap ako. Masyado pang maaga para sumuko.”
After naming kumain ay inihatid niya muna ako sa bahay namin. He greeted my mom at tumanggi ng kumain dahil kakakain lang naman namin.
“Kumusta ang job hunting niya, Hanna?” tanong ni Mommy.
“Wala pa daw siyang nakikita pero hindi daw siya susuko. Pero kung talagang wala siyang makita, sabi ko ay welcome naman siya sa company natin.”