Agapito Agato’s Point of View
“Ma! Alis na ako!” sigaw ko mula sa living room namin. Narinig ko ang sagot ni Mama mula sa kwarto niya kaya lumabas na ako ng bahay. Inayos ko pa ang kwelyo ng polo shirt ko at maging ang bulsa ng pantalon ko. Ngayong araw ay maghahanap na naman ako ng trabaho. I know, sinasabi niyo na masyado akong mapride dahil kung tutuusin ay halos trabaho na ang lumalapit sa akin sa Rolueta. Gusto ko kasing tumayo sa sarili kong mga paa. Noong nag-aaral palang ako ay ang dami kong naririnig na tsismis tungkol kay Mama. Na baka kabit siya ni Tito Ricardo kaya na-promote sa trabaho at marami pa silang sinasabi. Ayokong isipin ng lahat na nakasandal lang kami ng nanay ko sa pamilya Rolueta.
Talagang mababait ang pamilya Rolueta. Mula kay Tito Ricardo at sa asawa nitong si Tita Evelyn, mas lalo na si Hanna. Sobrang bait ni Hanna to the point na noong highschool sila ay niloloko ito. Kinakaibigan lang si Hanna noon ng mga kaklase nila dahil sa mapera ito at talaga namang may talino Hanna.
“Boss, hiring kami!” Napatigil ako sa paglalakad. Nasa may Cubao na kasi ako, naglalakad papuntang Farmer’s Plaza, malapit sa isang hotel. Isang lalaki na nakasuot ng polo shirt na kulay itim ang humarang sa akin.
“Hiring kayo?” tanong ko at tumango naman siya. May kinuha siyang isang flyer mula sa envelope na hawak niya pagkatapos ay ibinigay niya sa akin. Kinuha ko ito at binasa. Nakalagay dito na hiring sila for waiter, waitress, and kitchen staffs.
“Saan ito?” tanong ko at ngumiti naman siya sa akin.
“Kita mo ‘yung building na ‘yan? Pasok ka lang diyan, second floor. Room 205. Nandoon ang HR,” sagot niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Thank you!” sabi ko at pumasok na sa building na itinuro niya.
Pagdating ko doon ay medyo madaming applicant. Pagpatak ng alas diyes ng umaga ay pinapasok kami sa isang maliit na kwarto at pinag-exam kami. Ang sabi ay qualifying exam daw at kapag naipasa naming ay iinterviewhin na kami. Hindi naman ako nahirapan sa exam. More on situations and logic ang lumabas sa exam. After an hour ay natapos na din at malalaman daw namin ang results.
“Ang mga tatawagin ko ay hindi nakapasa sa exam. Okay? Lilinawin ko ah. Mga hindi nakapasa ang tatawagin ko. Better luck next time,” sabi ng lalaking matangkad, nakasuot ng kulay puting polo, naka-bun ang kulot nitong buhok, at may suot na salamin. Nagsimula na niyang tawagin ang mga pangalan. Sa tantya ko ay nasa fifty kaming applicants. Isa-isa ng lumalabas ang mga tinatawag hanggang sa kumalahati na ang bilang naming doon. Patuloy pa din sa pagtawag hanggang sa lima na lang kaming natira. Apat na babae at ako ang nag-iisang lalaki na natira sa mga applicants. Maya-maya ay pumasok ang isang babaeng may katabaan. Maliit lang ito at medyo dark ang skin tone niya. Maikli ang buhok at nakasuot ng pencil cut skirt at gray na blouse.
“Congratulations, applicants! Kayo ang mga nakapasa sa aming exam. Sa ngayon ay final interview na ang gagawin naming,” sabi nito. Nagkatinginan kami ng mga kapwa ko aplikante at bakas sa mga mukha naming ang saya.
Isa-isa kaming tinawag for the interview. May mga itinanong sa akin katulad ng tell me something about myself, what are my plans for the next five years, at marami pang iba na maayos ko namang sinagot.
“Congratulations, Mr. Agato. You’re hired!” sabi sa akin kaya ako naman ay napangiti. Nakipag-shakehands pa ako sa babaeng nag-interview sa akin.
“Thank you so much po!” sabi ko.
“To ensure your spot sa resto, you need to sell that one,” sabi niya sabay turo sa isang water purifier na nasa tabi ko. Nagsalubong na ang kilay ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Like, bakit ko kailangang ibenta ang bagay na iyon?
“Ibenta po?” tanong ko at mabilis siyang tumango.
“Yes. Kailangan mong ibenta ‘yan para ma-secure mo ang spot mo sa position. That water purifier is five thousand pesos and you need to sell it until five o’ clock pm only. Otherwise, ibibigay namin ang position sa ibang applicants. Pero, if you have money right now, ikaw na lang ang bumili ng water purifier na ‘yan at talagang ise-secure naming ang position mo,” sabi niya sa akin. Ako naman ay napatulala lang sa kanya.
What the heck? Kaya nga ko nag-aapply dahil kailangan ko ng pera tapos kailangan kong maglabas ng pera? At anong klaseng policy ‘yan? Ano bang mayroon sa water purifier na ito? Kapag ba inilagay ang tubig ay magiging holy water na? Napurify na ang lahat ng mga kasalanan sa mundo? Naku, iisa lang ang naisip ko. This is a scam! Can’t believe na sinayang ko ang oras ko dito.
Walang pasabing tumalikod ako at mabilis na lumabas ng opisinang iyon. Sumigaw pa sila at tangkang pipigilan ako kaso hindi na talaga ako nagpapigil.
Scammer ang mga hayop! Nag-aksaya ako ng oras sa kanila!
Sa aking paglalakad ay nakadama na ako ng gutom. Nalipasan na ako ng gutom dahil sa mga scammers na ‘yun. May pa-exam pa silang nalalaman. They are giving the applicants false hope. Sana mapasara ang opisinang iyon. Ipa-tulfo ko kaya sila? Hay buhay!
Nagpasya akong kumain muna sa isang fast food chain sa Farmer’s Plaza. Pagkatapos ay gusto kong dalawin si Hanna sa office niya. Better luck next time talaga ako. Bukas ulit, sasabak na naman ako sa job hunting.
Malapit na ako sa office ni Hanna nang may madaanan akong isang fine dining restaurant. Binasa ko ang pangalan ng resto at Steak and Go ang pangalan nito at sa glass wall nito ay may nakapaskil na job hiring. Ang sabi ay nangangailangan sila ng waiter kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok. Pagpasok ko ay napakaganda ng ambiance. Aakalain mong nasa isang five0star hotel.
“Yes, sir? May I help you?” sabi ng isang waiter. Ngumiti ako. Napaka-out of place ng suot ko sa lugar na ito.
“Umm… I saw the notice. Need niyo po ng waiter? Gusto ko sanang mag-apply,” sagot ko. Ngumiti sa akin ang waiter.
“This way, please,” sabi niya at itinuro ako sa isang opisina. Kumatok siya at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto.
“Manager, may gusto pong mag-apply sa atin,” sabi nito. Tiningnan ko ang manager at nakita kong isang babae. Pixie cut ang buhok nito at nakasuot ng isang puting long sleeves na pinatungan ng kulay maroon na vest. Ganoon din ang kulay ng pencil cut skirt nito at nakasuot siya ng itim na stockings. May itim na ribbon din sa leeg nito.
“Come in. May dala ka bang resume? Bio-data? Curriculum vitae?” sabi nito sa akin. Agad ko namang ibinigay ang resume ko. Binasa niya ito ng ilang segundo lang pagkatapos ay ngumiti sa akin. “You’re hired,” sabi niya kaya napalaki ang mga mata ko. Scam ba ulit ito? May kailangan na naman ba akong ibenta to secure the position?
“Totoo po? Hired na? Hindi kayo scam? Wala akong kailangang ibenta? Bakit walang interview?” sunod-sunod na tanong ko at tinaasan lang ako ng kilay ni manager.
“Do we look scammers? Besides, hindi ko naman masusukat ang kakayahan mo sa ilang minutong interview sa’yo. I’m sure naman na half truth lang ang sasabihin mo, well most of the applicants saying na okay sila sa mga policies ng resto but ended up protesting and resigning,” sabi niya sa akin.
“Hired na po talaga ako?” tanong ko ulit.
“For the second time, yes. You’re hired. You can start the day after tomorrow. Jerome—” tinuro ang waiter na una kong nakausap. “—will give you your shifting schedule pati na din ang uniform mo. Sabihin mo lang kung anong size mo. Ipapaliwanag na din niya ang magiging working contract mo, magkano ang salary, and benefits mo. Kung may katanungan ka, sa kanya ka na din magtanong, Okay?” Mabilis akong tumango.
“Yes, ma’am! Thank you so much po!” sabi ko. Tinawag na ako ni Jerome at lumabas na ng office.
***
“Yep. I hired him, just like you said. Mukha namang dedicated sa work. Hindi nga siya makapaniwala na hired na siya agad.”
“Thank you so much, Lanie. Ayoko lang na mahirapan pa siya ng husto.”
“You really love him, do you?”
“Yes. Please don’t tell him na nirecommend ko siya sa’yo. Don’t tell him about me.”
“I will. Your secret is safe with me. May nakakaalam ba bukod sa akin?”
“Wala na. Ikaw lang talaga ang sinabihan ko.”
“Good. But I hope na hindi ito mag-back fire sa’yo.”
“I am hoping also. Thank you so much, Lanie.”