Chapter Eight: Steak and Go Restaurant

1263 Words
Agapito Agato’s Point of View “Talaga? May work ka na? Saan?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Hanna. Kasalukuyan kaming nasa opisina niya dito sa building ng Rolueta. Pagkatapos ng mga naging pag-uusap namin ng manager ng restaurant ay ipinaliwanag na sa akin ng magiging kasama ko na si Jerome ang mga conditions bilang isang waiter doon. Pagkatapos ay umalis na ako at agad na dumeretso dito sa Rolueta at si Hanna ang unang-unang tao na nakaalam. “Oo. Hindi ko nga akalain na matatanggap ako. Biruin mo, I was just passing by kanina tapos nakita ko ang karatula na in need sila ng waiter. Hindi na ako nagdalawang isip na mag-inquire. Hindi na nga ako ininterview eh,” sabi ko at mukhang gulat na gulat naman si Hanna. “Hala? Hindi nga? Eh kahit dito sa Rolueta nagko-conduct pa din tayo ng interview,” sabi niya sa akin. “Anyway, hindi ba galing kang Cubao? Nabasa ko kanina sa text mo nasa isang office ka,” sabi niya sa akin at sumimangot naman ako. “Lokong opisinang iyon. Mga scammers. Kaya nga ako nag-aapply para magkapera, ang ginawa naman nila kailangan kong maglabas ng pera para magkatrabaho. Scammers sila. Hindi na sila naawa sa mga aplikante na wala namang ibang inasam kung hindi ang magkaroon ng trabaho,” I said at tumango-tango naman si Hanna sa akin. Nakarinig kami ng katok at bumukas ang pinto ng office ni Hanna. Maya-maya ay pumasok si Jade na may dalang isang tray na may mga drinks. “Para sa special visitor ni Ma’am Hanna,” sabi ni Jade at ibinigay sa akin ang isang baso ng mango juice. “Thank you,” sabi ko. “Mukhang may magandang balita ka ah. May love life ka na?” sabi nito sa akin kaya mabilis akong umiling. “Ano ka ba Jade? Wala pa sa isip ko ‘yan. Anyway, may work na ako! Magsisimula na ako sa isang araw,” sagot ko at gulat na gulat naman si Jade. “Talaga? Naku Papa Aga, super congrats talaga sa’yo! Nagbunga ang ilang linggo mong paghahanap ng trabaho.” Hindi pa man tumutunog ang sinet kong alarm sa cellphone ko ay gising na gising na ako. Wala akong inaksayang oras at agad na nag-asikaso. Steak and Go Restaurant opens at exactly seven o’ clock. Pagdating ko doon ay dumaan ako sa back door dahil doon ang entrance ng mga employees. Pagpasok ko sa locker room ay nandoon na si Jerome. Matangkad si Jerome. Ang buhok niya ay ash gray at bagsak ito. Maputi at medyo singkit ang mga mata. Matangos ang ilong nito at medyo manipis ang mga labi. “Here’s your uniform. May index card diyan at nakalagay na ang mga dapat mong gawin sa araw na ito. Reminder lang, no cellphone allowed during working hours. If may complain si customer, just apologize and call the manager. If someone spills their drink, just give them refill. Always remember that customer is always right. Naiintindihan mo ba?” sabi niya sa akin. “Oo naman. ‘Wag kang mag—” hindi ko natapos ang sinasabi ko nang makita ang name plate na nasa kaliwang dibdib niya. Kitang-kita ko ang salitang assistant manager. “Yes sir! Naiintindihan ko po,” sabi ko at tumango siya. Tatalikod na sana siya pero muli siyang humarap sa akin. May kinuha siya mula sa bulsa ng kanyang pantalon at ibinigay ito sa akin. “Welcome to Steak and Go,” sabi niya at tuluyan ng lumabas ng locker room. Tiningnan ko ang ibinigay niya sa akin at name plate ko pala ito. Maganda ang pagkakasulat ng nickname ko na Aga. Wait, papaano nila nalaman ang nickname ko? Sabagay, medyo oldie nga naman kung buong Agapito ang nakalagay. Nagbihis na ako ng ibinigay nilang uniform. Para talagang sinukatan ako ng husto. Bumagay sa akin ang kulay maroon na vest at slacks. Kulay itim ang apron at ang bow tie na nasa leeg ko. Sa unang araw ko ay aminado akong nangangapa pa ako. May pagkakataon pa na maling order ang ibinigay ko at katulad ng sinabi ni Assistant manager Jason ay humingi lang ako ng paumanhin. Ang unang araw ko ay naging linggo. Ang unang linggo ko ay naging buwan. Ang unang buwan ko sa Steak and Go ay hindi ko namalayang naging tatlong taon na. Napakabilis lumipas ng panahon. Parang noong isang araw lang ay naghahanap ako ng trabaho at na-scam pa sa Cubao pero ngayon, ikatlong-taon ko na bilang empleyado ng Steak and Go. Masasabi kong masaya ang magtrabaho sa restaurant na ito. Siguro, bonus na lang ang sweldo at benefits na nakukuha ko. May peace of mind kasi ako palagi at hindi toxic ang work environment dito. Halos ako lang ang tumagal din sa mga ka-batch ko na pumasok dito. Katulad ng sabi ni Manager Lanie ay kapag nahirapan sila sa isang bagay ay mabilis na nagbabago ang mga isip at umaalis ng resto. Pasado alas onse na ng gabi at sarado na ang resto. Inaayos ko na lang ang mga upuan at lamesa then I will call it a day na. After that ay dumeretso na ako sa locker room. Pagbukas ko ay para akong tinakasan ng kaluluwa ko. Maging sila ay nagulat sa pagpasok ko. Mabilis akong tumalikod. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. “Wala akong nakita!” sigaw ko kahit pa kitang-kita ko sina Manager Lanie at Assistant manager Jerome na magkayakap at naghahalikan. “Aga,” tawag sa akin ni Manager Lanie at mabilis akong umiling. “Manager, wala po akong nakita. Promise! Cross my heart!” sabi ko. “Aga, listen carefully. Humarap ka nga sa amin,” sabi ni Manager. Dahan-dahan naman akong lumingon at nakitang magkahiwalay na sila. Namumula ang mga mukha nila at umiiwas ng tingin sa akin si Jerome. “Manager, sorry po talaga. Akala ko kasi walang tao dito—” “Aga, we are leaving,” sabi ni Manager Lanie. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Po? Aalis kayo? Sino kasama mo?” tanong ko at napatingin kay Jerome. “Mag-aabroad na kami ni Jerome,” sabi niya at dito ko nakita na magkaholding hands silang dalawa. “I know nakakagulat at nakakapagtaka. Me and Jason are in a relationship for almost five years. Now, we decided to settle down. I actually own the Steak and Go but kailangan ko itong iwanan sa pangangalaga mo,” sabi niya sa akin. Mas lalong hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Ha? Teka Manager Lanie. Hindi kita maintindihan,” sabi ko. Nameywang naman siya at tinitigan ako ng maiiggi. Maya-maya ay tinanggal niya ang kanyang name plate na may nakalagay na manager at ikinabit sa dibdib ko. “From now on, you are Manager Aga,” sabi niya. Napatulala lang ako sa kanya. “Pero… ako manager? Hindi ba dapat si Sir Jerome muna?” tanong ko at umiling si Jerome. “Dalawa kami ni Lanie ang mag-aabroad. Doon na din kami magpapakasal. We are very thankful sa hardwork mo. You deserve it,” sabi nito sa akin. “Kung aalis kayo, sino ang magmomonitor ng Steak and Go? Manager lang ako.” Ngumiti si Manager Lanie sa akin. “One of my friend will look after the Steak and Go. Hindi mo na kailangang makilala siya because she likes to work in shadows. Anyway, starting next week ikaw na ang bagong manager ng Steak and Go.” Maybe I am too good for the past years. God gave me so much blessings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD