Three years in the future… “Saan ka galing?” ito agad ang bungad na tanong ng kanyang asawang si Rosie pagkapasok niya sa kanilang apartment unit. Napailing na lang siya dahil sa tanong ng asawa. “Sa opisina, malamang,” sagot niya. “Opisina? Huwag mo nga akong lokohin. Ang oras ng uwi mo sa opisina ay kaninag alas sais pa ng gabi. Anong oras na ngayon? Alas onse na, malapit na maghating gabi!” sigaw sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na pinansin pa ang asawa. “Dennis, ano ba?” sigaw sa kanya ulit. Muli siyang tumingin sa asawa. “Rosie, please lang tumahimik ka na muna. Pagod ako galing sa trabaho. Huwag mo akong paratangan ng kung ano-ano,” sabi niya at pumasok na sa banyo nila. Dinig niya ang inis na sigaw ng kanyang asawa. Siya si Dennis Dela Cruz. Isa siyang mai