One year in the future… “Sige lang, titigan mo lang hanggang sa matunaw,” sabi ni Jade sa kanyang kasamahan na si Richard. Bigla namang sumimangot si Richard at tumalikod sa kanya. “Ikaw, palagi mo na lang ako nakikita, pinapansin,” sabi nito sa kanya. Tumawa naman itong si Jade. “Anong gusto mo? Hindi kita pansinin? Ganern?” sabi niya at naiiling na lang. breaktime nila ngayon at pareho silang nasa backdoor ng resto. Nakasandal si Richard sa pader at nakatitig sa kasamahan nilang italyana na cook. Siya naman ay nakaupo sa isang plastic bench at umiinom ng tonic. “Alam mo pareng Richard, bakit hindi ka mag-confess? At least naging honest ka sa nararamdaman mo. Huwag mong gayahin si Hanna. Umamin pero huli na ang lahat,” sabi niya. napatingin sa kanya si Richard. Nakakunot ang noo nit