Hanna Rolueta’s Point of View Nagising ako dahil sa sinag ng araw na lumulusot sa makakapal kong kurtina. Dama ko ang sakit ng katawan ko especially down there. Pakiramdam ko nag-exercise ako nang hindi nag-stretching. Para bang panaginip ang lahat. Hindi ko inakala na aangkinin ako ng lalaking matagal ko ng inaasam. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang mahimbing at maamong mukha ni Aga. Bumangon na ako para mag-asikaso. Baka kasi bigla siyang magising at hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon. Hindi ko pa alam kung papaano ipapaliwanag. Hindi pa ako nakakaalis sa kama nang marunig ko siyang umungol kaya napalingon ako. Dito ko nakita ang pagdilat ng kanyang mga mata. Mabilis akong tumalikod. Shi*t! bakit gising na siya kaagad? Na