Hanna Rolueta’s Point fo View Pumasok kami sa loob ng kanyang opisina at ako na ang nagsara nito. Sumandal siya sa kanyang office table at tiningnan ako ng maiigi. Bumuntong hininga siya at napahilamos ng kanyang mukha. “Hanna, I’m sorry. I’m sorry dahil nangyari sa atin ito. Tama ka, hindi ka lang ang dapat na sisihin dito. Kung hindi ako drunk and wasted ay hindi mo ako pupuntahan. If I just got hold of myself, hindi mangyayari ito,” sabi niya at umiling ako. Kahit na ganito ang nangyari dahil ay wala naman akong pinagsisisihan. Narealize ko, I am ready to do what he wants, mapasaakin lang siya. Na makasama ko lang siya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang kamay. I can feel the roughness of his palm. Ang kamay na sumamba sa katawan ko nang gabing iyon. “Aga, I know