Hanna Rolueta’s Point of View Kagabi palang ay hindi na ako mapakali dahil sa nalaman ko tungkol kay Aga. Gusto ko siyang puntahan kaagad pero hindi ko magawa dahil nandito ako ngayon sa Quezon Province. Kung si Jade ay enjoy na enjoy niya ang pag-stay naming dito, ako naman hindi. Nandito nga ako sa Quezon pero ang diwa at isipan ko ay na kay Aga. Iniisip ko kung ayos lang ba siya, o kung nakauwi na kaya siya sa bahay nila. Hindi pa man sumisikat ang araw ay hindi na ako nakapaghintay kung na umalis. Hinayaan ko na lang muna si Jade. Hindi ko na siya hinintay pa at nauna nang bumalik sa Manila. I just texted her na nauna na ako. Hayaan ko na lang siyang magbunganga doon. Makalipas ang halos apat na oras ay nakarating ako sa condo unit na binili ko lang last month. Bihira lang din ako