Zillione POV Tatlong araw na ang lumipas simula ng piliin ko si Grey kaysa sa mga kasamahan ko. Ganun pa rin naman siya. Ganoon pa rin ang kalakaran dito sa bahay at wala namang pinagbago. Ang tanging nabago lamang sa aming dalawa aty mas naging open kami sa isa’t isa at isa na talaga niya akong ganap na asawa. Patuloy ang aming buhay. Gayunpaman, hindi ko pa rin inaamin na isa akong hunter. Hindi ko pa rin sinasabi na isa ako sa mga kasapi ng organisasyon nito. Natatakot ako at wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya. Siguro ay kailangan ko pa ng ilang mga araw upang makabuo ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang katotohanan. Kung sakali man na salungat sa kagustuhan ko ang kanyang magiging desisyon ay hindi pa rin ako handa na marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Lubha ko