Zillione Point of View "Grey is not here" Sabi ko sa kanila. Lumapit naman sa akin yung babae na may mahabang buhok na kulay abo. Tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo saka ngumiti sa akin. Isang ngiting nakakainsulto. Yun bang parang sinasabi niya na eto na iyon? Ito na ba ang babaeng pinakasalan ni Grey. Tinignan ko lamang siya at hindi umimik. Hindi ko papatulan ang isang gaya niya. Yung mga tingin niya. Mga tingin na para bang diring diri sa akin. Mga tingin na animo’y isa kang tao na may nakakahawang sakit kaya ganoon ka na lamang nila layuan. Lumapit siya lalo sa akin saka naman hinawakan yung medyo pacurly kong buhok na kulay itim saka niya binitawan na parang nandidiri. "Jenny ? Stop it!" Bawal ni Steph sa kanya. “Huwag mo