Zillione Point of View “Nireport sa akin ni Monic ang balita.” Sabi ng head na kaharap ko ngayon. “Nabantayan mo ba mabuti si Mr. Grey Lacoste?” Tanong niya pa. “Yes, maam,” Sagot ko. “Negative.” “Kung ganoon mali pala tayo ng minammanan,” Ani niya. “Hindi pala si Mr. Lacoste ang hinahanap natin.” “Anyway,” Saad niya habang may kinukuha sa may drawer niya. “Here is the divorce paper. All you have to do is to make your husband sign it. Then, we are all done.” Initsa niya sa may harapan ng lamesa ang isang brown na envelope. Kinuha ko naman iyon at binuklat. Laman niyon ang isang papel na patungkol sa divorce ugnay sa amin ni Grey. “You can go now,” Sabi nito. “Your mission #201 has been ended.” Nagbow naman ako ng hindi ganoon kababa. “Kung ganoon ay mauuna na ako.” Paalam ko saka