bc

The Vampire's Wife

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.0K
READ
love after marriage
arranged marriage
dominant
brave
inspirational
twisted
sweet
enimies to lovers
supernatural
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Zillione’s parents are vampire hunters but her mother died while in the mission.She grew up hating the vampires and join her father to hunt them down.She became one of the strongest hunter in their organization.They planned to find the king of the vampires believing that he is the root of all chaos and Grey Lacoste a business man is their primary suspect.To confirm their suspicion they decided to arrange a marriage between Grey and Zillione and luckily Grey Lacoste agreed.As the day goes by Zillione Trinix fell inlove with Grey without knowing it.

chap-preview
Free preview
I
Zillione POV     Napabangon ako sa higaan nang maalimpungatan ako sa kasagsagan ng gabi. Madilim at tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Tinignan ko ang gilid kung saan natutulog ang aking asawa. Wala siya roon. Wala na naman si Grey sa tabi ko. Tuwing gabi nawawala siya ngunit pagdating ng umaga ay doon siya dumadating. Tuwing umaga rin siya laging natutulog. Matagal na akong nagtataka sa mga gawain niya pero pagka't lubha itong kahina hinala ngunit pag tinatanong ko siya tinitignan niya lang ako sa mata. Sabagay kung ako ay isang kriminal aamin ba ako sa kasalanang ginawa ko? Oo siguro kung may sira ang utak ko like  a psycho. Napailing na lang ako sa naiisip. Kahit konting sagot wala akong natatanggap mula sa kanya. Para ngang hindi kami mag asawa wala kaming pakielamanan sa isa’t isa para ba kaming hindi magkilala at parehong nangungupahan lang sa bahay na ito. Let me rephrase it ako lang pala ang may pakielam siya wala.S abagay ano bang aasahan ko? Arrange marriage lang naman ang lahat ng ito. Aasahan ko ba na susuyuin niya ko? Ipagluluto at ituturing na parang reyna e hindi naman namin mahal ang isa’t isa. I mean hindi naman niya ko mahal.      Come on Zillione. Eto ka nanaman. Nalilimutan ko nanaman ang tunay na pakay ko sa kanya. Dala ng kontrata at misyon kung bakit ako nandito. Bigla nalang akong nagising na ikakasal na ako sa lalaking nagngangalang Grey Lacoste. Umiling-iling ako tila yata masyadong malambot ang puso ko para sa kanya. Nakalimutan ko na ata ang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan. Inayos ko ang aking sarili at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Zillione makinig ka.Si Grey Lacoste ay maaaring isang kaaway. Napahigpit ako sa iniisip kong iyon. Para atang hindi ko kakayanin kung sakaling totoo nga iyon. Tila ba hindi ako handa marinig iyon.     Napatingin ako sa terrace ng kwarto nang may biglang bumagsak mula sa itaas papunta roon. Mabigat at malaki ang bumagsak. Mula sa liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang isang hugis lalaki na nakaluhod ngunit hindi ko maaninag kung sino ba iyon pagka’t may nakatakip na kurtina roon. Bukas ang glass door kaya hinanda ko ang sarili ko dahil ano mang oras ay maaring pumasok ang nilalang na ito sa loob ng kwarto. Tumayo ako ng dahan-dahan saka kinuha ang gamit ko sa ilalim ng higaan at lumakad nang marahan papunta roon sa terrace. Malakas ang hangin sa labas dahil magalaw ang sayaw ng puting kurtina. Nanatili lamang ang nilalang sa kanyang kinaroroonan at hindi gumagalaw. Nang malapit na ako ay agad kong hinawi ang puting kurtina ngunit malamig na hangin at bilog na buwan lang ang sumalubong sakin. Wala na ang lalaki na kanina lamang ay nakaluhod sa labas. Dumiretso pa ako at lumabas sa terrace upang tignan ang gubat sa tabi namin. Posible kayang tumalon ito? Sinilip ko ang    ibaba namin.      Imposible!      Masyadong mataas ang terrace kapag tumalon ang sinuman ay hindi na siya makakatakbo dahil nabali na ang buto niya at dapat ay nakita ko iyon sa pamamagitan ng bulto niya na natatakpan ng manipis na puting kurtina.Masyadong mabilis ang pagkilos ng nilalang na iyon na parang isang bulang biglang naglaho na lamang.Multo? hindi ako naniniwalang multo ang aking nakita.Malinaw na malinaw kong nakita ang hubog nito. Detalyadong detalyado. Papasok na sana ako noong mapatingin ako sa sahig at nakita ko roon ang maliit na patak ng itim na likido.     Yumuko ako upang aninagin ito. Sariwang sariwa pa.Sinasabi ko na nga ba at may nilalang dito kanina.Napakunot ang noo ko ng malaman na hindi itim ang kulay nito kundo pula.Kulay dugo.      may dugo ?     "Zillione,"     Napatingin ako bigla sa likuran ko dahil sa tumawag ng aking pangalan.     Doon nakita ko ang aking asawang diretsong nakatingin sa akin. Agad kong itinago sa aking likod ang hawak hawak ko.     "Grey?" tawag ko pabalik sa kanya habang sinasalubong ang mga tingin niya. Parang isang babasaging figurine ang mga mata niya na kumikislap ngunit hindi naman at ngayo'y nakatitig ako sa kanya. Napakaganda.     Eto na naman tayo. His cold eyes are staring at me again na parang pati kaluluwa ko ay sinusuri niya.     Gwapo si Grey tila dinadaig niya si kupido sa kagwapuhan ngunit ang mga malalamig na tingin niya ang magbibigay ng pagtaas ng balahibo sayo na imbis kiligin ka ay takot ang iyong madarama.Hindi ko alam kung bakit ganyan siya tumingin sa akin.     "Gabi na bakit gising kapa?" malamig na tanong niya sa akin. Itineterno niya ang kanyang tingin sa tono ng kanyang boses. Para bang magyeyelo na ko sa lamig niya.Baka magkaroon pa ng nyebe pag sinama mo pa ang malamig na pakikitungo niya sa akin.      Isa pa dapat ako ang nagtatanong sa kanya ngunit inuunahan niya ko.     Napatingin ako sa labi niya.     Napakunot ang noo ko pagkat sa gilid noon ay may bahid ng dugo? Malayo man ay alam kong dugo iyon pagka't diretsang tumatama sa mukha niya ang liwanag ng buwan. Mas lalong kinutuban ako sa nakita.     "Ikaw saan ka galing?" tanong ko pabalik.     "Uminom lang ako ng tubig," sagot niya sa akin na parang kabisa na ang kanyang isasagot     Tubig nga ba ang ininom niya?     "Tubig? Saan ka uminom ?" tanong ko uli.      "Malamang sa baba. Lalabas pa ba ako para humanap ng balon at doon uminom?" sagot niya sa akin na may halong sarkastiko.     Hindi ako umimik at tinignan ko lang siya . Alam ko namang nagsisinungaling siya.     "May problema ba?" tanong niya sa akin.     "Wala naman. Nakapagtataka lang" ani ko sa kanya.     Kumunot ang noo niya.     “Nagtataka ka saan?” tanong niya na may mukhang naguguluhan.     Hindi ko alam na hindi lang pala siya sa negosyo magaling kundi maging sa pag arte. Pwedeng pwede na siya mag artista.     Pupunasan ko sana ang dugo sa gilid ng labi niya gamit ang kamay ko para humingi ng paliwanag kung bakit mayroon siyang dugo sa labi ngunit agad ko ring pinigilang maabot siya ng aking kamay.     Nakataas na ng konti ang kamay ko sa ere. Kung tatanungin ko siya ay baka ngayon ngayon rin ay sabihin niyang tama ang hinala ko. Siguradong wala akong panama sa pwersa niya at hindi ko alam kung makalabas pa ako ng buhay pag nangyari iyon.Itong bahay na niya ang magsisilbing libingan ko.     Kinuha niya ang kamay kong bahagyang nakataas saka tinitigan ito     “Bagay sa kamay mo ang singsing mo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.     Ngunit mas lalo akong nagulat ng halikan niya ito.     Agad kong binawi sa kanya ang kamay ko.     “Ano ang ginagawa mo?” gulat kong tanong.     Alam kong walang masama sa ginawa niya ngunit nagulat lang ako pagkat hindi niya normal na ginagawa iyon     “Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit mo itinaas ang  kamay mo?” tanong niya.     Ganon ba ang paniniwala nila?     “M-matulog na tayo,” aya ko sa kanya at dumiretso agad sa higaan.     Sumunod naman siya at nahiga na rin.     Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib ko sa ginawa niya.Mukhang mahihirapan nanaman ako makatulog nito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
619.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
538.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
282.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.8K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Stubborn Love

read
100.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook