Zillione Point of View
Napahawak ako sa sentido ko habang nakatingin sa hagdan.Tanghali na pero hindi parin ako umaakyat sa taas. Hindi ko alam kung dapat pa ba ako umakyat dahil sa aking nakita. Baka mamaya ay bigla na lamang akong sunggaban ng lalaking iyon at wala akong kalaban laban. Nasa taas pa man din ang aking phone. Tatakbo na ba ako palabas? Nasa itaas rin ang susi ng kotse ko pati na ang wallet ko. Wala akong dala na kahit ano ngayon kundi ang sarili ko lamang.
Tumayo ako at naglakad sa pinto. Pagdating ko sa pinto ay hinawakan ko lamang senadura tapos ay tumigil saglit. Tatakbo na ba ako palabas at iiwan ko siya? Magsusumbong na ba ako sa headquarter?
Napailing ako at napakagat ng aking labi. Binuksan ko ang pinto ngunit bakit ayaw humakbang ng aking mga palabas ng bahay na tila may malaking kadena at bolang metal ang nakali rito na pinipigilan ako humakbang palabas.
Ilang minute rin akong nakatayo sa harap ng pinto bago ko ito tuluyang sinira at bumalik sa may sofa.
Napatingin ako sa hawak hawak ko na damit. Hell. Bakit dala ko pa hanggang dito ang damit ni Grey?
Pinagiisipan ko parin kung totoo ba yung nakita ko o ilusyon ko lang. Ilusyon ko lang ba iyon? Pero kitang kita ko na nasugat ko siya. Nakita ko kung paano naghilom ang sugat. Unti unti itong lumiit na parang walang nangyari. Hindi naman ako nanaginip hindi ba? Kinurot ko ang aking kamay at napaouch sa sakit. Hindi nga.
Tinignan ko ang damit ni Grey na hawak hawak ko ngayon. Tinignan ko ang bandang balikat na parte nito at may pulang mantsa ito. Kinuskos ko ito ng kuko at tuyong tuyo na ang mantsa. Para siyang dugo kung titignan. Napakunot ang nook o noong mapansin na parang may tastas ang damit ni Grey. Lumapit ako roon at tinignan mabuti. May mga tastas nga na parang nasabitan ng pako. Anong nangyari? Hindi naman nagsusuot si Grey ng sirang damit dahil maarte rin yon. Never siyang magsusuot ng damit na may sira o may mantsa. Chineck ko ito gamit ang daliri ko. Ngayon araw lang ito nasira.
Paanong nasira? Sinong sumira? Dugo ba ito ni Grey? Pero wala naman siyang sugat sa balikat. Siguro ay naghilom na rin. Tumitig ako ng mabuti sa mantsa.
Wine nga ba ito. Tumingin muna ako sa may taas ng hadgan tapos ay dahan dahan akong yumuko at saka unti unting idinikit ang ilong ko sa may mantsa upang amuyin ito.
"Zillione" Napatayo ako bigla at napalayo sa damit ng tawagin niya ang pangalan ko.
Naiitsa ko pa sa semento ang damit niya. Napatingin ako sa taong pababa ng hagdan.Tinignan ko ang orasan.
11 am palang. Limang oras ng mas maaga kaysa sa gising niya. O baka hindi pa siya natutulog? Di ba dapat tulog na siya ng ganitong oras?
Bihis pa siya at mukhang may lakad. May lakad? Saan siya pupunta? May pupuntahan siya?
.
"Bakit?" Mabilis na sagot ko.
"I said put that shirt in the laundry. Are you smelling it?” Tanong ni Grey habang kunot ang noo.
“Hindinoh!bakitkoasmlamsa” Mabilis kong sagot.
“Slow down,” He said. “Speak slowly. I can’t understand you.”
“Saka bakit hindi ka pa umakyat ?" Tanong nito sa akin.
Tinignan ko lamang siya tapos inirapan. Hindi rin ako sumagot at dumiretso sa laundry para ilagay yung damit niya. Pagkalabas ko nakita ko na papaalis na siya at pasakay na ng kotse kaya dali dali akong tumakbo palabas
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at napatigil naman siya.
"Sa trabaho" Sagot nito
"Linggo ngayon hindi ba? Saka an gaga mo ata aalis ngayon." Tanong ko
"And so?" Tanong nito
"Saan ka nga pupunta?" Tanong ko ulit.
Hindi ako naniniwalang sa trabaho siya pupunta.
"Sa trabaho" Ulit niya. Hell.
Bakit hindi niya na lang sabihin kung saan siya pupunta.
"Linggo nga ngayon" Madiin na sabi ko.
"And so?" Tanong niya ulit. Aba palaban.
“Mr. Lacoste saan ka pupunta?” Tanong ko uli.
“Sa trabaho.” Sagot niya. Iirapan ko n asana siya pero pinigilan ko lamang.
“Linggo nga ngayon.” Sabi ko.
“And so?” Sagot niya. Ano ito loop? Parang sa programming?
“Wala kang pasok ng linggo.” Sabi ko.
“I’m the boss and I’m going to work whenever I want.” Sagot niya.
Hindi na and so ang sagot niya ngayon. Mabuti naman.
"Sasama ako," Sabi ko. “Hintayin mo ako magbibihis lang ako.”
Oh diba. Sa sobrang kawittyhan ng ate niyo sasama pa siya sa bampira. Boba. Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.
"No. You stay here" Sabi niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya. Oh galeng ng paa ko. Kanina hindi makalabas pero nakalapit pa sa kanya.
"I said, I'll come with you !" Madiin na sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse.
Agad niya namang sinarado iyon.
"When I said no. No." Cold na sabi niya at tumitig sakin.
Napalunok ako sa titig niya. Nakikipagtalo pa sa akin ang lalaki.
“Bakit ba ayaw mo?” Tanong ko.
“You presence is not necessary there.” Sagot niya sa akin.
Sakit talaga magsalita nito.
“And so?” Tanong ko.
“So,” Sabi niya. “You don’t have to come with me.”
“But I wanted.” Sagot ko.
“And I said no.” Sagot niya sa akin.
Minsan na nga lang kami magusap puro pagtatalo pa.
Binuksan ko ang pinto ng pilit pero mas malakas ang pwersa niya kaya hindi ko mahatak ang pinto.
“Open it.” Sabi ko.
“Don’t be stubborn Mrs. Zillione Lacoste.” Sabi nito na biglang nagpatibok g malakas sa puso ko.
Hell. How can he make my heart beat so loud like they were racing just by saying my whole name with his surname?! That is unfair!
Calm down Zillione. The man in frnt of you is a vampire. I repeat. He is a vampire! YOU MUST STAY AWAY FROM HIM because he is too dangerous.
Napakagat ako ng labi ko. Bakit pag tatakbo kanina halos hindi ako makalakad pero pagdating sa kanya para akong kabayo sa bilis.
“Saan ka nga kasi pupunta?” Tanong ko.
“ I have some things to do,” Sabi niya sakin. “I don’t have to explain it all to you.”
“Anong mga bagay naman iyon?” Tanong ko.
Narinig ko ang malalim na paghinga niya.
“Do I have to repeat it again to you?” Tanong niya sa akin.
“Oo.” Sagot ko.
"Get a rest you doesn't look okay" Sabi nito sa akin.
Napatingin naman ako sa itsura ko sa may side mirror ng kotse. Mukha akong losyang. Napahawak ako sa mukha ko at napayuko.
Ang haggard ng mukha ko. Para akong stress na stress. Mukha akong pagod sa paglilinis ng bahay.
“See,” Sabi niya at hinawi ako at sumakay na ng kanyang kotse. “Get a rest.”
Pinaandar niya na ang kotse tapos lumabas.
Agad akong umakyat ng kwarto at kinuha ang susi ng kotse ko. Dapat kong makita kung saan siya tutungo. Ayaw niya ako isinama? Malamang pupuntahan niya ang mga kapwa niya bampira. O baka naman maghahanap siya ng mga mabibiktima?
I need more evidence. Pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko na parang nakikipagkarera mahabol ko lang siya. Hindi naman ako nabigo dahil natanaw ko na ang sasakyan niya sa di kalayuan.
Huminto naman ito sa isang grocery store. Anong gagawin niya riyan? Ako ang nagrgrocery sa araw araw. Ni minsan nga hindi siya nagrocery para sa bahay. Ngayon nasa grocery store siya??
Inilabas ko ang baril ko mula sa lalagyan sa taas ng kotse. Hawak hawak ko ito habang minamaneho ang manibela. Dapat ako maging handa sa mga susunod na mangyayari.
Pagkatapos sa isang restaurant naman siya huminto at wala pang sampung minto siya sa loob ng restaurant ay lumabas na uli siya habang may mga bitbit na plastic at sumakay na uli ng kotse.
Aanhin niya yung mga bitbit niya? Yung luto ko ayaw niyang kainin gusto niya pa sa iba? Hella!
Hindi kaya gagamitin niya iyong pain para sa mga biktiman niya?
Sinundan ko lang siya at biglang nagflash sa akin ang larawan ni mommy.
Nakakaramdam ako ng galit at nakakaramdam rin ako ng lungkot na hindi ko mawari.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
All this time hinihiling ko na sana nagkamali lang sila, na sana nagkamali lang ako pero mismong ebidensya na ang naghanap sa akin kanina.
Huminto naman siya sa isang malaking bahay saka bumaba ng kotse.
Bahay niya ba ito? May ibang pamilya ba siya dito? Dito ba nakatira ang pamilya niya? Never ko pang nakita ang pamilya ni Grey.
Nagulat ako ng makita ko ang maraming bata na sumasalubong sa kanya at dalawang madre.
Ibinigay niya yung mga bitbit niya kanina.
Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan siya. Nakangiti siya ng kaonti sa mga bata at tila lumabot ang puso ko sa nakita.
Pagkaalis niya ay bumaba ako agad ng kotse at kinausap ko yung madre.
"Lagi bang dumadalaw yung lalaking nandito kanina lang sa inyo ?" Tanong ko.
"Ah yung lalaking sakay ng kotse kanina? Tatlong beses sa isang buwan lang siya dumadalaw dito. Lagi siyang may dalang groceries at mga damit para sa mga bata. Lagi naming tinatanong yung pangalan niya pero hindi naman niya sinasabi .Lagi rin siya umaalis agad bakit kilala mo ba siya?" Sagot nito sakin.
Ngumiti naman ako sa madre
“ Ah alam niyo ba kung bakit siya pumupunta dito?" Tanong ko
"Hindi ba dahil para dalawin ang mga bata at bigyan sila ng mga pagkain at damit saka laruan." Sagot nito sa akin.
Oo nga naman.
Tumango nalang ako at nagpaalam na.
Umuwi na ako at naabutan kong natutulog si Grey. Nauna pa siya sa akin nakauwi.