IX

2126 Words
Zillione POV Isang linggo  narin ang lumipas mula noong mangyari ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung anong katangahan ang sumapi sa akin kung bakit hindi ko itinuloy ang pagsusumbong sa aming headquarters. Hindi ko itinuloy ang pagtawag sa kanila dahil may parte sa akin ang pumipigil na sila ay tawagan ko. Hindi ko maintindihan. Basta magulo. Napakagulo ng isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko tapakan. I am in the gray line right now and I know I should not stay in it for so long. Sabi ng daddy ko panget daw ang hindi pumipili sa dalawang option. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Basta ang alam ko dapat may piliin akong isa. Ngayon naman nasa kwarto lang ako at hawak hawak ang aking phone. Nagdadalawang isip ako kung paghahandain ko na ba ang mga kapwa ko hunters para hulihin si Mr. Grey Lacoste. Napakagat ako sa aking labi. Sapat naman na iyon na dahilan para sabihin nating bampira siya.. Hindi normal sa isang tao na magpahilom ng sarili niyang sugat sa loob lamang ng ilang segundo. Wala naman siyang maidadahilan sa akin kung tatanungin ko pa siya. At bakit ko pa naman siya tatanungin about doon? Nasisiraan ka na ata ng bait Zillione kung itatanong mo pa kay Grey kung bakit naghilom ang kanyang sugat! Isa itong malaking katangahan!  Hindi ko kinausap si Grey magmula pa noong isang linggo at mukha naman na wala siyang pakielam. Kailan ba siya nagkaroon ng pakielam sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako na hindi niya ako tinatanong. Talagang nadisappoint ako na parang wala talaga siyang pakielam kahit hindi ko siya pansinin ng ganoon katagal. Like I mean hindi niya ba itatanong sa akin kung bakit ang tahimik ko? Hindi niya man lang ba uusisain yon? Ininat ko ang batok ko. For what? Bakit naman kailangan ka pa niya tanungin Zillione? Bakit gusto ko pa tanungin niya ako? Dapat mas matuwa ako na hindi niya ako kinakausap kasi dapat kinamumuhian ko na siya ngayon! Kasi lahi siyang bampira! Lahi siya ng mga pumatay sa mommy ko! Napahinga ako ng marahan. Ganon lang lagi ang routine niya sa araw araw. Para na nga siyang isang robot na nakalista na ang mga dapat gawin. Nagtataka lamang ako dahil ang normal na routine niya sa isang araw ay matutulog tapos aalis tapos uuwi tapos matutulog at tapos pagkagising aalis ulit pero ngayon iba. Pagkadating niya kanina ay naidlip lang siya ng dalawang oras pagkatapos tumayo na. Palakad lakad siya at paikot ikot. Tila ba merong bumabagabag sa kanya. Kakaiba ang mga kilos niya sa normal na kilos at pagnapapatingin siya sakin agad niyang iniiwas ang mata niya. Napakatapang ko talaga para manatili pa sa bahay na ito kahit natuklasan ko na ang kanyang sikreto. Talagang kasama ko pa siya ngayon sa kwarto. Walang nagsasalita sa amin at ayaw ko rin naman unang magsalita. Gusto kong sapakin  na ang sarili ko dahil umaasa ako na siya ang unang kakausap sa akin. Sinusundan ko lamang siya ng tingin. Syempre hindi mawawala ang latigo ko na nakatago sa aking tagiliran pati na ang baril na nakalagay sa pocket sa bandang tuhod. Dapat handa ako lagi kung ano man ang mangyari. Nakasuot ako ngayon ng mahabang cardigan na may butones at nakasara ito para hindi niya makita ang mga armas ko. “May problema ba?” Tanong ko. Napapikit ako bigla dahil kusang nagsalita ang aking bibig. Bakit ba hindi ko mapigilan ang magtanong. At napahiya pa ako dahil hindi niya ako pinansin at palakad lakad lamang. Aba! Siya pa ngayon ang galit? Wala naman akong ginawa sa kanya pero siya pa ang galit? Hindi ba dapat ako yung suyuin niya? Siguro nga dapat ganon kung mahal namin ang isa’t isa kaso oo nga pala! Hindi ganoon ang sitwasyon naming dalawa. Inirapan ko na lamang siya at nagkutikot pakunwari sa phone ko habang palihim siyang tinitignan. Naiinis talaga ako! Maski yung mga sugat na nakuha ko hindi man lang niya tinanong? Hindi niya ba tatanungin kung bakit meron akong mga gasgas? Kung tutuusin mas okay sa akin na hindi niya tanungin ang patungkol doon pero mas gusto ko parin na tanungin niya ko. Madali lang naman magpalusot. Magtatanong na lang talaga ang kulang. Napatingin ito sa akin kaya bigla akong tumingin sa phone ko. Tapos nag akto akong nag iiscroll at nagbabasa saka tumango tango na kunwari may naiintindihan ako sa cellphone ko kahit ang totoo nasa kanya ang atensyon ko. “Tsk.” Tanging sinabi nito tapos nakita ko sa gilid ng mata ko na tinanggal niya na ang tingin sa akin. Tumingin ako uli sa kanya at palakad lakad lamang ito. Itext ko na nga lang sila Razie. Napapikit ako at biglang napayuko noong may mapagtanto ako. Lamunin na sana ako ng lupa. Hell! Sa sobrang focus ko sa kanya hindi ko napansin na nakabaliktad pala ang cellphone ko at sa kanya nakaharap. All this time yung likod pala ng cellphone ko ang nakaharap sa akin. Hindi ko napansin kasi black rin ang case ng phone ko at hindi ko naman sinindihan ang screen. May patango tango pa ako at paiscroll iscroll na nalalaman kanina. Mukha siguro akong tanga sa harap niya kanina. Hindi niya naman siguro napansin yung katangahan kong iyon. Napahawak ako sa sentido ko. Magaling naman ako magdisguise lalo na pag nasa misyon at never pa sa akin nangyari ang baliktad na iyon. Bakit feeling ko kailangan kong magpaliwanag sa  kanya? Basta iisipin ko na lamang na hindi niya iyon napansin. Napatingin ako sa kanya noong pumasok siya sa bathroom. Tumingin ako sa malaking wall clock na nasa dingding ng kwarto. Alas kwatro na ng hapon. Ang weird ni Grey ngayon. I mean oo, weird talaga siya kasi nga bampira siya pero sadyang may kakaiba sa kanya ngayon. Hindi kaya nagpreprepare na siya para patayin ako? Hinanda ko ang sarili ko at wala pang limang minute ay lumabas na siya ng bathroom. Ang bilis. Ligo itik lang ata ang ginawa niya. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya.  Habang pinupunasan niya ito ng tuwalya. Malakas ang ulan sa labas at tila may bagyo. Pinapasayaw ng malakas na hangin ang malalaking puno sa may gubat. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Mahilig ako maligo sa ulan. Ngayon naman ayaw na ayaw ko na mabasa pa ng ulan. Tumihin ako kay Grey na pakamot kamot sa balat niya. Bakit? Wag mong sabihing may allergy siya? “Damn!” Mahinang sabi nito. “So hot.” Naglakad ito patungo sa akin kaya agad akong napatayo. “B-bakit?” Tanong ko ngunit nilagpasan niya lamang ako at inabot ang glass door sa likod ko. Isinara niya ito pati na ang mga makakapal na kurtina. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa akin bago tuluyang tumalikod. Lumapit siya sa may table sa gilid ng kanyang kama at binuksan ito saka may kinuha sa loob noon. Remote pala ng aircon. Wag mong sabihin… At ayon na nga at binuksan niya ang airco ng kwarto. Ako itong ginaw na ginaw na dahil sa hangin na hatid ng ulan siya naman ay parang balat ng kalabaw na hindi man lang giniginaw at nakahubad pa ng pang itaas ngayon. Take note na tinodo niya pa yung aircon. Gusto kong magreklamo kaso hindi naman niya ako papansinin. Pumunta na lamang ako sa kama at nagkumot. Mabuti na lang at makapal ang kumot namin kaya kahit papaano naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Malamig na nga siya gusto niya pa magpalamig. Hell. Sinundan ko lamang siya ng tingin at kamot talaga siya ng kamot sa kanyang leeg at katawan. Ako ang nahihirapan sa ginagawa niya. Pumunta siya sa malaking aparador sa gilid ng kwarto at naglabas ng polo roon. Polong puti. Sinuot niya iyon at kumamot uli. Gusto ko siyang tanungin uli kung ano ang problema kaso ayokong mapahiya. Isa pa ewan ko ba at nahihiya ako dahil sa cellphone kanina. Sana lang talaga hindi niya iyon napansin. Pakiramdam ko aantukin ako habang pinapanood si Grey. Pumunta ito sa glass door at ilang oras na siyang nakatayo roon. Ano naman kaya ang tinitignan niya sa labas? Kaonting siwang lamang ang ginawa niya na sapat na para makita ang labas kaya hindi ko rin tanaw kung ano ba ang tinitignan niya. Napailing na lamang ako at tinanggal ang baril at latigo sa katawan ko saka unti unting inilagay sa ilalim ng kama. Inaantok na ako at baka makatulog pa. Napapikit na ako ng mata. Gabi na nang tumila ang ulan tapos iyong oras rin na iyon noong maramdaman kong lumabas ng kwarto si Grey. Dumilat ako at syempre dakila tayong tsimosa kaya tumayo rin agad ako at lumabas ng kwarto. Baka mamaya mawala siya sa paningin ko nanaman. Kay bilis pa naman gumalaw nito. Misyon ko ito! Palihim ko siyang sinundan at puno ng pag iingat dahil baka mamaya ay mapansin niya ako. Saan siya pupunta? Hindi siya sumakay ng kotse niya. Nakita ko na dumiretso siya sa likod ng aming bahay kung saan may malaking gate at padlock na nakalagay. Wag mong sabihing pupunta siya riyan. Sabi niya maraming mababangis na hayop diyan bakit niya pupuntahan? Nagtago lamang ako habang nakasilip sa kanya. Nakita ko na may kinapa siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos ay paglabas ng kamay niya ay may hawak hawak na itong susi. Ang susi ng malaking padlock. Kung ganoon ay lalabas nga siya sa gate. Nakita ko pa si grey na tumingala sa may terrace ng kwarto saka bumaling sa may gate at binuksan ang padlock nito. Kita ko kung paano na dahan dahan niyang inalis ang pagkakagapos ng kadena sa gate at tapos ay tumingala uli ito sa terrace. Malamang akala niya nakasilip ako. Ang tanga tanga naman nito. Hindi nagiingat ang laki kaya ng posibilidad na sumilip ako sa terrace. Talagang binuksan niya pa kung kailan narito ako sa bahay. Hindi kaya isa itong bitag? Hindi kaya pinapasunod niya talaga ako sa kanya para pag napunta na kami sa kalagitnaan ng gubat at doon niya ako papatayin. Siguro akala niya tulog ako. Nakita ko na lumabas siya ng gate at isinara muli ito. Iniharang ko ang buhok ko sa aking leeg. Matapang pa naman ang mga pang amoy ng mga ito. Mabuti na lamang at may mga pabango rin na ginawa ang mga hunter laban sa lakas ng pang amoy nila. Matapos ang isang minute ay naglakad rin ako patungo sa gate at lumabas roon. Medyo madilim ang paligid dahil wala namang buwan sa kalangitan dulot ng pagulan kanina. Basa pa ang lupa at napakamaputik kay nahirapan akong maglakad. Matataas ang d**o sa lugar na ito at malamok. Nakakatakot rin ang paligid. Huni ng mga insekto ang maririnig mo sa kapaligira. Pati na ang kokak ng mga palaka. Natatanaw ko pa naman siya kahit napakadilim at patuloy lang akong sumunod sa kanya. Nakahawak ako sa mga puno habang naglalakad upang gawin alalay. Baka bigla kasi akong madulas dahil sa maputik na daan. Medyo malayo na rin ang narrating namin. Jusmiyo marimar. Bakit ang layo naman ng kanyang pupuntahan. Pakiramdam ko ay maliligaw na ako pabalik. Saan kaya pupunta itong lalaki na ito. Napatigil kami sa liblib na lugar at may bahay. Bahay? Merong bahay sa kagubatan na ito? Wala siyang nasabi sa akin about dito. Hindi kaya headquarter nila ito? Dito namumugad ang mga bampira?   Sinungaling ka Grey. Sabi mo mapanganib ang gubat na ito kaya hindi dapat puntuhan pero ikaw mismo ang pumunta rito. Nakita ko na may maputing babaeng nakasuot ng puting bestida ang lumabas ng bahay. Babae?! Isang babae?! May babaeng nakatira rito??! Naglakad it patungo kay Grey. Sino ang babaeng ito? Naglakad ako ng kaonti papalapit sa kanila dahil parang namumukhaan ko ang babaeng iyon. Inisip ko kung sino ang babaeng ito. Pamilyar ito sa akin at alam kong nagkita na kami.  Tama! Sekretarya niya ang babaeng ito. Nakita ko ito noong minsan na pumunta ako sa kompanya ni Grey. Lumapit si Grey sa babae. Anong katrayduran ito?! Kabit niya ba ang babaeng ito? Wag mong sabihing magkasama sila sa kasamaan at bampira rin ang kanyang sekretarya?! Biglang lumiwanag ang kapaligiran kaya napatingin ako sa langit.Sumilip ang bilog na bilog na buwan. Bilog pala ang buwan ngayon. Bakit kanina ay hindi ko napansin ang buwan. Siguro ay dahil sa makakapal na ulap na humarang dito.Nagbigay liwanag ito sa madilim na kagubatan. Napatingin ako uli kila Grey at nanlaki ang mga mata ko ng biglang kagatin ni Grey yung babae sa leeg. Hell. *Dug *Dug* *Dug* Lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Ngayon hindi na ako pwedeng magkamali pa. He's a vampire. He's really the vampires  king.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD