Zillione POINT OF VIEW “BITAWAN NIYO AKO!” Sigaw ko sa kanila habang hinahatak ako. “Shut up, Traitor!” Ani sa akin ng isang may hawak sa akin. Nagpupumiglas ako at nakawala sa kanilang pagkakahawak pagka’t nagawa kong luwagan ang pagkakahawak nila sa akin. Siniko ko sa mukha ang na sa kaliwang panig at saka sinapa ko naman sa tiyan ang na sa kabilang panig. Pareho silang napaatras sa ginawa ko. Lumapit naman sa akin ang iba pa at sinugod ako ng mga nakakuyom nilang kamao. Hindi tumama ang kanilang mga suntok at nanatiling amba na lamang. Sinalo ko ang kamao ng isa saka ito sinuntok sa may tiyan. Napaatras ito ng apat na hakbang. Tumingin ako sa likod ko ng maramdaman ko na may nakaambang panganib dito at nakita ko ang isa sa mga tauhan ni dad na may hawak hawak na upuan. Ang upuan