Zillione POV Napakagat ako ng labi at naglakad lakad sa may kwarto. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano ko sosolusyonan ang problemang pinasok ko. Bakit baa yaw nilang maniwala sa akin. Bakit ayaw nilang maniwalang hindi naman masamang bampira si Grey. Sa reyna sila dapat magfocus at hindi sa hari. Napakuyom ang aking kamao noong maisip ang reyna ng mga bampira. Pinatay niya si Razie! Pinatay niya ang kaibigan ko! Sisiguraduhin ko na ako mismo ang tatapos sa bampira na iyon. Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng aking kaibigan. Hindi namatay si Razie para lamang sa wala. Napailing iling ako. Ano kaya ang dapat kong gawin? Anong paa ang dapat kong ihakbang ng hindi maiipit sa dulo. Hindi pwedeng macheckmate na lamang ako ng walang ginagawang hakbang. Hindi