Zillione POINT OF VIEW Kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay at humahanap ng butas kung saan pwedeng tumakas pero bantay sarado at puno ng cctv ang buong bakuran. Kahit kilala ko ang bahay na ito ay hindi ko magawang makahanap ng daan palabas upang tumakas dahil masyadong mahigpit ang pagbabantay sa akin ng mga hunters na ito. Tila ba isa tala akong kriminal na nakagawa ng napakalaking kasalanan kung bantayan nila ako. Sabagay, isa nga naman pagkakasala ang isang pagtataksil. Isang napakabigat na pagkakasala. Wala akong dapat ikagalit o ikatampo sa kanila dahil kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit sila nagkaganoon. Dapat ay handa na ako sa kanilang pagtrato sa akin dahil noon pa man din ay alam ko naman na darating ang panahon na ito. Masyado nga lang maaga. Mas napaaga at hin