Solifa POV
"Who again?" Tanong ko sa alalay ko. Nagrereport siya habang naghihintay kami sa sa hari ng mga bampira.
"The Leaves and Roses my queen. They are the famous and the best hunters in the whole world." Sagot nito sa akin habang nakayuko.
Napataas ang kilay ko sa narinig. Leaves and hunters? Parang narinig ko na nga ang pangalan na iyon. Best hunters huh? Talaga ba? Bakit hanggang ngayon ay hinid nila ako mahuli? Baka naman sa titulo lang sila magaling pero pagdating sa talent wala. O baka naman gawawa lang nila yung titulo na iyon. Nacurious tuloy ako bigla na makita sila. Para bang gusto ko sila makaharap bigla. Ano naman kaya ang mga kaya nilang gawin? Nag eexpect tuloy ako na pakikitaan nila ako ng lakas. Lakas na hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko. Wag na wag nila ako bibiguin kung gusto pa nila makita ang susunod na umaga.
"Sino naman ang mga miyembro ng sinasabi mong best hunters sa buong mundo?" Tanong ko habang natatawa.
Pasensya na pero pakiramdam ko talaga isang nakakakatawang joke ang sinasabi sa akin ngayon ng alalay ko. Hindi naman kasi masyado maingay sa tenga ko ang pangalan ng mga hunters na iyan. Ang tanging kilala ko lang na hunter ay iyong makulit na grupo. Binubuo sila ng tatlong katao sa pagkakatanda ko pero napakatagal na panahon na iyon. Paniguradong patay na rin ang mga iyon dahil sila ay mga hamak na mortal lamang at tumatanda. Hindi tulad naming mga bampira na ang edad lamang ang tumantanda ngunit ang pisikal na anyo ay hindi.
Napahawak ako sa aking makinis na mukha. My beauty is forever. Walang kamatayan ang ganda na hatid ko. Hindi ako magkakaroon ng mga kulubot sa mukha. Hindi ako papanget tulad na lamang ng mga magagandang babae na mortal.
Napangiti ako sa naiisip ko. Kailangan ko sigurong uminom pa ng mas maraming dugo para mas umaliwalas pa ang balat ko.
"Binubuo ng apat miyembro ang leaves ganoon din ang roses. Iisang grupo lamang sila ngunit nahati sa dalawa at kung susumahin ay walo silang lahat.” Sabi ng aking alagad sa akin habang nakayuko pa rin. Ganoon talaga ang reyna, niyuyukuan ng mga mas mababang nilalang sa kanila. “Kinatatakutan ng mga bampira ang tinatawag nilang Gold Rose na base sa mga bampira ay may hawak ito palagi na latigo at ginto na baril na kayang magpatumba ng isang daang bampira sa loob lamang ng kalahating oras. Kakaiba ang galing ng babaeng ito kaya naman sa oras na makita nila ito ay napapaatras na sila at isa pa sa kinatatakitan nila ay ang Gunner ng leaves na may hawak na dalawang pistol sa magkabilang kamay. Ang mga identidad ng grupo nito ay nakatago ng mabuti kaya hindi pa namin alam ang tunay nilang pagkatao. Masyadong magaling magtago ng impormasyon ang kanilang organisasyon.”
Leaves and Roses? Gold rose and Gunner? Nagpapatawa ba sila they are nothing compare to us. Kahit baliktarin mo pa ang mundo mga wala parin silang kwenta. Umaasa sila sa kanilang mga hawak na armas at kung ikukumpara sila sa mga tuald namin na may mga pambihirang lakas ay wala silang laban. Baka isang pitik pa lamang sa kanila ay matalo na sila. Gusto kong makita ang tinatawag nilang Gold Rose at Gunner. Sa harap mismo ng mga alagad ko ay gigilitan ko sila ng leeg at uubusin ang dugo nila hanggang sila ay magkulay lila. Mas maganda kung isasabit pa namin ang mga bangkay nila sa harap ng madla kung saan maraming tao ang makakakita sa kanila.
Well, ayoko kasi na merong nanunukat ng aking kapangyarihan. Ayokong ayoko yung mga balitang ganyan. Kahit sino pa sila hindi nila ako matatakot. Kahit ilang beses pa sila magsanay ay hindi nila ako matatalo. Ako ang reyna ng mga bampira at hindin hindi nila ako mapapatumba. Ako mismo ang magpapatunay na mahihina silang nilalang. Dudurugin ko sila ng buong buo hanggang sa hindi na sila makatayo.
“Kayang lumipol ng isang daang bampira sa loob lamang ng kalahating oras??” Natatawang tanong ko. “Imposible. May taong kayang gumawa noon? Imposible at sabihin na nga nating kaya niya.”
Ikinumpas ko ang aking kamay sa ere.
“Masyado parin siyang mahina laban sa akin,” Dagdag ko saka ibinaba ang aking kamay at humawak sa aking upuan. “Kahit ilang libong bampira pa ang patumbahin niya o nila, hindi nila ako kaya.”
“Tama ba ako?” Tanong ko sa alagad ko na nakayuko parin hanggang sa ngayon.
“O-opo.” Sagot ni sa akin.
“Opo?” Tanong ko. “Opo lang ba ang dapat mong isagot?”
Malakas ko siyang tinadyakan kaya napatilapon siya sa mga malalaking mga upuan sa tabi.
“Hindi, mahal na reyna!” Sabi nito at lumuhod agad. “Patawarin niyo ako. Isa akong lapastangan upang kalimutan ang mahal na reyna! Patawarin niyo ako. Hindi na ito mauulit pa!”
Napatawa ako ng malakas. Isang tawa na mas maganda pa sa tawa ng isang mangkukulam.
Inilabas ko ang mga kuko ko saka dahan dahan na lumapit sa kanya.
“Hindi na talaga iyon mauulit.” Sabi ko.
Umatras naman siya at saka yumuko agad agad.
“Parang awa niyo na mahal na reyna,” Sabi nito sa akin na kulang na lamang ay halikan na ang sahig sa pagkakayuko. “Huwag mo akong paslangin. Patawarin mo ako!!!”
Napatigil ako at nag-inat. Nangangawit ang aking leeg. Matapos ay tumingin uli ako sa kanya.
“Patawad?” Tanong ko. “Wala kasi sa aking bokabularyo ang magpatawad.”
Mabilis kong ikinumpas ang aking kamay at malakas na pumalo sa leeg niya. Naputol ang ulo nito at tumilampon sa dingding.
Napapikit ako noong tumalsik sa akin ang kanyang dugo. Dinilaan ko ang dugo sa gilid ng aking labi.
Sumenyas ako sa nasa gilid na babaeng bampira. Isa rin sa mga alalay ko. Mabilis naman siyang pumunta sa akin at pinunasan ang aking mukha.
“May dugo pa ba?” Tanong ko noong matapos siya.
“Wala nap o mahal na reyna.” Sagit nito sa akin.
Napangisi ako sa narinig.
Idinilat ko ang aking mga mata at nakiita ko siyang nakayuko sa harap ko.
Bumalik ako sa aking upuan saka umupo uli.
Kumuha ako ng sigarilyo sa loob ng aking bulsa saka sinindihan ito. Tapos ay hinithit ko ang sigarilyo saka bumuga sa ere. Muli akong napangiti matapos ng ginawa ko.
“Saan na nga ba natapos ang usapan naming dalawa?” Tanong ko.
“Patungkol sa hunter mahal na reyna.” Sagot nito.
“Ah,” Sabi ko. “Ano nga uli ang pangalan ng mga iyon?”
“Leaves and Roses mahal na reyna.” Sagot nito.
“Leaves and Roses?” Sabi ko habang inaalala ang pangalan na binaggit pa kanina. “Gunner and Gold Rose?”
Muli akong humithit at bumuga ng usok. Darating rin tayo sa kanila pero bago sila papatayin ko muna ang babaeng pinakakinaiisan ko ngayon. Ang babaeng umagaw sa posisyon ko sa piling taong mahal ko. I'll kill Grey's wife first hindi ako papayag na isang mortal ang napangasawa niya. Hindi ako papayag na nagpakasal siya ng ganoon na lamang at ang pinaka nakakainis pa ay noong nalaman ko na isang mortal ang pinakasalan niya. Talaga naman umiinit ang dugo ko sa bawat oras na naaalala ko ang babaeng iyon. Ano bang meron sa babaeng mortal na iyon at pinakasalan siya ng aking mahal na hari? Sigurado naman walang binabat sa akin ang hamak na mortal. Baka sa pagtitig ko pa lang sa kanya ay mamatay na siya. Sinisigurado ko talaga na sa oras na magkita kami ng kanyang asawa ay hindi ko na hahayaan pang makita pa nito ang umaga. Kukuhanin ko ang lahat ng kanyang dugo pagkatapos ay ipandidilig ko sa aking mga paa. Ipapakain ko ang katawan ng babaeng iyon sa mga mababangis na hayop at saka ko gagawing palamuti ang kanyang ulo. Tignan ko lamang kung ano ang maging reaksyon ni Grey pag nangyari iyon. Kay tagal ko siyang hinintay. Walang araw na hindi ko hinintay si Grey Lacoste tapos mababalitaan ko nalang na nagpakasal na siya? Big NO. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na sa tagal kong naghintay ay masasayang ang lahat ng araw na iyon. Hindi ako papayag na mabalewala ang lahat ng ginawa ko at pinaghintay ko para kay Grey. Hindi ako papayag na sirain ng babaeng iyon ang pangarap ko. Si Grey ay para sa akin lamang at hindi siya nababagay sa kahit na sino!
Reyna lang ang bagay sa isang Hari. Saan ka nakakita na ang isang hari ay nagpakasal sa isang ordinaryong mamayan? Hindi ba at wala? Dahil hindi sila magkalebel! Masyadong malayo at hindi bagay! Kay sakit sa mata kung iyong titignan. Sumakit tuloy bigla ang aking sentido. Talaga bang sinusubukan ako ni Grey kaya ginawa niya iyon? Alam niya naman na gustong gusto ko siya pero may ginusto pa siyang iba! Alam niya naman na naghihintay ako sa kanya pero binalewala niya ako!
Biglang nasira ang araw ko sa biglaang mga bagay na aking naisip. Sino ba naman ang hndi masisiraan ng araw kapag may umagaw sa taong mahal mo? Hindi ba at wala?
Napatitig ako sa kuko ko. May mga bahid roon ng dugo. Itinapat ko ito sa labi ko saka dinilaan.
Dinalaan ko rin ang mga dugo na nasa aking kamay.
Hindi talaga masarap ang dugo ng isang bangkay. Mas masarap yung dugo mula sa maiinit pang katawan. Yung tipong bagong katay. Wala ng sasarap pa sa dugo ng isang tao.
Hindi ko mapigilan matakam sa aking naiisip. Tila ba biglang nangati ang aking mga kamay na kumitil ng isang buhay. Mali! Hindi lang isang buhay kundi dalawa. Pwede rin namang tatlo o lima. Sapat an siguro iyon para punuin ang bathtub ko pampaligo.
Tutal naman naman mainit ang ulo ko mukhang magandang oras ito upang maligo sa dugo.
“Pakihanda ang aking paligo,” Sabi ko sa aking alagad.
“Masusunod mahal na reyna.” Sabi nito at umalis na.
Napatingin ako sa taong pumasok. Sa wakas at dumating na rin siya. Kanina pa ako sa kanya naghihintay.
"Why are you here?" Tanong niya sa akin sa boses na napakalamig.
Ang tingin niya sa akin ay kasing lamig ng yelo at wala kang makikitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
Oo nga pala. Nasa kompanya niya ako. Inangkin ko lamang pala ang upuan niya. Pero sa akin rin naman iyon mapupunta sa oras na ako na ang mapangasawa niya.
"Dumadalaw sa mapapangasawa ko." Sagot ko saka tumayo sa upuan.
Inuhulog ko sa sahig ang hawak kong sigarilyo saka tinapakan ito. Ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Sorry? I'm married so what you are saying right now is not possible. " sabi niya sa akin
"Balita ko nga pinakasalan mo siya para sa libangan lamang. Pampalipas ng oras kumbaga. At hindi lang iyon may nakapagsabi rin sa akin na kakaiba ang amoy ng dugo ng babaeng kasama mo sa iyong bahay." sabi ko at mas lalong nilawakan ang aking ngiti.
“Totoo ba iyon?” Tanong ko sa kanya.
"Yeah maybe the rumors are true.” Cold na sabi nito sa akin.
Napahalakhak ako. Isang halakhak na sarkastiko.
“So paano mo siya ginawagawang libanga?” Tanong ko.
“It is none of your business.” Sagot nito sa akin.
“Alam mo, hindi mo naman kailangan ang babaeng iyon.” Sabi ko. “Sa akin lang sasaya ka na. Hindi ka mabobored. Hindi mo na kailangan pa ng libangan katulad niya. I can offer you many things.”
“You can offer me a thousand things or maybe million,” Sabi nito sa akin. “But I will never be interested.”
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon. Sinasabi mo ba na mas interesado siya mortal na babae kaysa sa akin?
“Why don’t you try me?” Tanong ko na may panghahamon.
“There is no need,” Sagot niya. “You are just a waste of time.”
Napakuyom ako sa sinabi niyang iyon. Matapos ay ngumiti sa kanya.
“You won’t know unless you try,” Sabi ko. “Divorce and marry me.”
Tinignan niya lamang ako.
“Wag mong sabihin na ayaw mong makipaghiwalay sa kanya?” Sabi ko. “Bakit may maipanglalaban ba ang mortal na iyan sa akin?”
“Marami,” Sabi nito.
“Hindi kita hinintay sa matagal na panahon para lamang magpakasal ka sa iba.” Madiin kong sabi.
“I don’t care.” Sabi nito sa akin.
I smirked at him.
“Get out of my office,” Taboy nito sa akin. “And don’t come back anymore. I do not want to see your face.”
Lumapit ako sa ng dahan dahan. Hinawakan ko siya sa balikat saka inagod ito.
Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang tenga saka bumulong.
"I'll find that girl and I'll kill her. I'll suck her blood I promise." Sabi ko sa kanya sa tono ng may pagbabanta.
"Just try it and you'll die .I dare you to touch her and I'll send you to hell."Cold na sabi nito .
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. What's with the immortal girl and the king is threatening me?
"Grey!" Sigaw ko at tumingin ako sa kanya.
Nakatingin lamang siya sa akin. Wala paring emosyon kahit nagagalit na ako.
“You will never like it when I get mad.” Sabi ko.
“Don’t try me.” He said and put away my hands from his shoulder.
Nakita ko na napatingin siya sa abo na nasa gili ng kanyang desk.
“Did you just killed someone here in my office?” Tanong niya na bumaling sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
“I just did,” Sagot ko. “Please clean it for me.”
Saka ako tumalikod paalis sa office niya.
Sinuot ko ang shades kong itim habang lumalakad palabas ng kanyang gusali.
Noong makarating ako sa aking bahay ay inaasahan kong nakahanda na ang aking paligo.
Dumiretso ako agad sa may palikuran at tumabad sa akin ang pulang likido na nasa loob ng bathtub.
Konti na lang at aapaw na. May mga petal pa ng mga putting rosas na nakaibabaw rito. Sa gilid ay may glass of wine na may lamang dugo.
Hinubad ko ang aking kasuotan at saka naglakad patungo roon.
Dahan dahan kong hinakbang ang aking paa sa loob at naramdaman ko ang mainit at malagkit na likidong tumama sa aking balat.
Matapos ay inihakbang ko na rin ang isa ko pang paa at saka umupo.
Ang sarap sa pakiramdam habang nakababad sa mainit na likido ah mali. Masarap sa pakiramdam habang nakababad ang iyong katawan sa dugo. Pinaiinit nito ang malamig kong katawan.
Kinuha ko angglass wine sa gilid at saka uminom.
Ahhh
Naginit ang aking lalamunan. Tinignan ko ang loob ng glass wine matapos ay dahan dahan kong ibinuhos ang laman nito sa aking mukha. Mainit init pa. Naramdaman ko ang pagtulo nito mula sa aking mukha hanggang sa aking leeg,
Itinabi ko ang glass wine sa gilid at bumaling sa likidong nasa bathtub. Dumakot ako ron gamit ang aking dalawang pala saka ipinanghilamos sa aking mukha. Matapos ay dinilaan ko ito.
Napakasarap. Walang kasing sarap. Nakakawala ng stress at galit kapag ginagawa ko ito. Napakarelaxing.
Tumingin ako sa bilog na buwan na kitang kita sa glass wall ng palikuran. Tumitig ako rito at nagliliwanag ito sa madilim na kaulapan. Napakaganda. Sadya talagang nadadagdagan ako ng enerhiya kapag bilog ang buwan.
Itinaas ko ang aking kamay na parang kukuhanin ko ito saka dahan dahang humiga hanggang sa lumubog ako.
Maghanda ka sa akin babaeng mortal. Sa mismong mga kamay ko kita kikitilan ng buhay.