Zillione Point of View
"Pinakeelaman mo ba ang phone ko?"
Lakas na loob na tanong ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa higaan at umupo sa tabi ko.
"Tumawag si Razie kanina one of your friend?"
Tanong niya at lumapit pa sa akin na parang close na close kami habang nakatitig ang kanyang mga mata sa pares ng mata ko.
Hindi ko mapigilan mapalunok dahil sa kaya. Kalma Zillione! Si Mr. Lacoste lamang ang kaharap mo, tandaan mong si Ms. Trinix ka at hindi ka nagpapatalo sa mga bampira! Hell! Ano kaya ang sinabi ni Razie? Nako naman po! Sa dami ng makakausap niya si Razie pa talaga. Iyong babae na iyon kapag sagot mo pa lamang ng phone ay rumaratsada na ng kwento kahit hindi ka pa nakaka hello. Bakit sa dami ng makakasagot si Grey pa. Gaano ba kalalim ang aking tulog at hapon na ako nagising.
"Yes. Razie is one of my friend and hindi pa kayo nagkita. Hindi ka naman interesado na makilala ang mga kaibigan ko." sagot ko.
Tumango tango naman siya.
“Okay, Introduce her to me next time.” Sabi nito sa akin habang inaayos ang kulay pula na polo.
Seryoso ba siya? Gusto niya makilala si Razie. Sa akin nga wala siyang interes tapos kay Razie meron?
“Bakit?” Tanong ko.
He looked at me and raise his left eyebrow.
“You just said I have no interest to know more about you and I guess you are offended that is why I suggest to introduce her to me.” Sabi niya sa cold na boses.
Tumango naman ako ng marahan.
“Ah, sige. Kapag may time ka ipapakilala ko sa iyo ang mga kaibigan ko.” Sabi ko at ngumiti sa kanya ng kaonti.
Ang tanong may time ba siya?
“Friends? Marami ka pa lang kaibigan.” Sabi niya at inaayos ang belt sa bewang.
Sarkastiko ba siya?
“Ikaw ba meron?” Hindi ko napigilan na maitanong.
“I do,” Sabi niya at hinagod ang kanyang buhok. “But I do not have that much.”
“Sungit mo kasi.” Sabi ko.
Damn this tongue. Masyadong madulas. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit tila hindi siya naapektuhan. Pati ata ang puso ng lalaking ito ay nagyelo na kaya namanhid at hindi na makaramdam ng sakit.
“That is totally fine with me,” Sabi niya. “My friends are not that much but they are more loyal than you.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Wag mong sabihin na may alam na siya. Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya sa akin. Tinamaan ako ng masyado.
“Loyal? Loyal than me?” Ulit ko. “I guess that cannot be true. I am your wife. In better and in worst I will stay by your side. Kung meron mang magiging tapat sa iyo ng husto ay walang iba kung hindi ako.”
Kahit hindi naman. Dahil nasa headquarter ang loyalty ko. Once na mahuli namin siya I will be definitely stabbed him at the back. Yun naman kasi talaga ang misyon ko at hindi maiiwasan ang betrayal. Isipin na lang natin na kinukuha ko ang buong tiwala niya ngunit sa huli ay tratraydorin ko siya at iiwanang luhaan. Tama lang naman kung mapatunayan namin na siya totoo ang aming hinala ay karapat dapat siyang patawan ng parusang kamatayan. Nararapat iyon sa isang salot na katulad nila. Marami na silang kinuhang buhay na dapat na nilang pagbayaran. Buhay bayad sa buhay. Yes, Kinamumuhian ko ang kanilang lahi at kahit siguro mahulog ako sa kanya ay handa kong isakripisyo ang pag ibig ko para sa hustisya. Para sa hustiya na kinuha mula sa aking ina. Walang kapatawaran ang kasalang kanilang ginawa! Kahit kailan ay hindi ko sila kayang patawarin. Ipinangako ko sa sarili ko na handa akong ibuwis ang aking buong buhay maubos ko lang ang kanilang lahi! Para ba akong baliw sa pagpatay sa mga katulad nila.
“Do you know?” Tanong niya at muling tumingin sa akin. “Those friends of mine are ready to sacrifice theirselves for me. Even it means losing their life. How about you? Are you willing to die for me?”
Natameme ako sa tanong niya. Gusto kong tumawa. Ako? Magpapakamatay para sa kanya? Si Zillione Trinix? Handang magbuwis ng buhay para sa lalaking ito? Never! Kailanman ay hindi mangyayari iyong sinasabi niya. Kailanman ay hindi ko ibubuwis ang buhay ko para sa katulad niya. Hindi ako ganoon katanga! Maayos pa ang pagiisip ko at nasa tamang wisyo pa ako.
“Of course!” Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis. “Bakit hindi? Ikaw ang kabiyak ng aking buhay. Ikaw ang aking mahal na asawa. Handa akong mamatay para sa iyo.”
Gusto ko atang masuka sa sinasabi ko. Well, kung hindi naman siya yung pinaghihinalaan namin ay baka sakaling magkatotoo lahat ng sinasabi ko pero kung tama an gaming hinala. Asa ka Mr. Lacoste. Hindi mangyayari iyon!
“I was surprised to hear that from you,” Sabi niya at inalis ang tingin sa akin. “I never expected that you are willing to sacrifice your life even you don’t love me.”
“Sinong nagsabing hindi kita mahal?” Tanong ko sa kanya. “Papayag ba akong magpakasal sayo kung hindi kita gusto?”
Tumingin muli siya sa akin.
“Let’s end this plasticity Mrs. Lacoste,” Sabi niya sa akin. Ang cold niya talaga. “We all know that you were just forced to marry me.”
Alam niya? Alam niya ba talaga? Yung totoo? Alam niya ata na hunter talaga ako.
Pero hindi makakatakas sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng Mrs. Lacoste. Oo nga pala dala dala ko na ang apilido niya. Legal kami sa papel at lacoste na rin ang apilido ko alinsinod sa kanyang apilido. Zillione Lacoste? Why do it feels so good?
“A-alam mo?” Tanong ko. “Paano mo nasabi?”
“Come on,” Sabi niya. “That is why we call it arrange marriage right? Because we are forced to marry each other even there is no love between us.”
To be honest I was hurt by those words that came out from his mouth. The words which say there is no love between us. Bakit kaya?
“Tama ka,” Sabi ko. “Pero minsan may mga pagkakataon talaga na nagugustuhan natin ang isang tao ng hindi namamalayan.”
“Do you like me?” Tanong niya at lumapit sa akin. Napalayo naman ako ng kaonti.
“I do,” Sagot ko. “Oo gusto kita.”
“Then I was still right.” Sagot niya sa akin.
“Anong right?” Tanong ko.
“You just like me but you don’t love me,” Sagot niya. “There is a big difference between the two.”
“Okay, Sige tama ka na.” Sagot ko. Ayoko ng humaba pa ang konbersasyon namin patungkol roon baka kung saan pa mapunta.
“Oo nga pala,” Sabi ko. “Ano ang sinabi sayo ni Razie?”
"Pakisabi daw sayo na tumawag siya.” Sabi ni Grey sa akin at umupo sa kama habang nag aayos naman ng kanyang itim na slacks.
“Iyon lang ba ang sinabi niya sa iyo?” Tanong ko.
“Bakit may iba ka bang inaasahan na sasabihin niya?” Tanong nito sa akin pabalik.
Masama bang magtanong? Parang sasagutin niya lang naman hindi pa magawa o baka may nasabi talaga si Razie? Sana naman wala dahil kung hindi ay mababalewala ang lahat ng plano at paghihirap namin para sa misyon na ito.
“Wala,” Sagot ko. “Gusto ko lang malaman baka may iba pa siyang sinabi.”
“Like what?” Tanong niya.
Bakit parang ako pa ang dapat sumagot eh ako itong nagtatanong.
“Gaya na lamang ng kamusta ako.” Sagot ko.
“Kamusta?” Tanong niya. “Bakit? Matagal ba kayong hindi nagkita?”
“Bakit? Yung mga matatagal lang ba na hindi nagkita ang dapat magkamustuhan?” Tanong ko.
“May sinabi ba ako?” Tanong niya.
Gusto kong batukan itong lalaki na ito. Bakit ba ganito siya sumagot.
“Ano nga kasi ang sinabi niya pa sa iyo?” Tanong ko. “May iba pa ba siyang sinabi bukod roon.”
“Yes.” Sagot niya.
“Ano?” Tanong ko habang tumitibok ng malakas ang aking puso.
Patay tayo rito. Ano kaya ang sinabi ni Razie sa kanya?
“May sinabi siya about sa libro.” Sagot niya sa akin.
Huh? Anong libro naman kaya ang sinabi ni Razie?
“Libro?” Tanong ko. “Anong libro?”
He looked at me and paused. Ano kayang iniisip nitong lalaki na ito at ganito makatingin sa akin.
“May bibilin daw kayong libro,” Sabi niya sa akin. “Yung paborito niyo. Anon a nga ulit iyon?”
Napatitig ako sa kanya. Bakit tinatanong niya ako? Diba sila ni Razie ang nagusap. At may ganoon nga bang sinabi si Razie? Bakit tila isang patibong itong tanong niya sa isang maling sagot ko lamang ay mamatay ako.
“Oo meron.” Sagot ko.
“Anong libro iyon?” Tanong niya.
“Bakit interesado ka?” Tanong ko.
Hindi ko kasi alam kung ano ang libro na tinutukoy ni Razie eh hindi namin kami palabasa. Baka mamali pa ako ng sagot.
“Oo,” Sagot nito. “Gusto ko rin basahin.”
“Huwag na,” Sagot ko. “For sure hindi mo iyon magugustuhan.”
“Pero gusto kong malaman kung anong libro iyon.”
Ano kaya ang magandang isagot sa tanong niya? Hinuhuli nga talaga ako nitong lalaki na ito.
“Hapon na pala,” Sabi ko at saka nag-inat ng kamay. “Nagugutom na ako. Kakain muna ako.”
Tumayo ako ngunit hinawakan niya ako sa pulsuhan at pinaupo.
“Iniiwasan mo ang tanong ko?” Tanong niya.
“Kailan ka pa naging interesado sa mga bagay bagay na ginagawa namin?”
“Ngayon lang.” Sabi niya.
Mukhang wala siyang balak tigilan ako hanggang hindi ko siya sinasagot.
“Yung libro…” Sabi ko. “Yung libro tungkol sa… sa… sa dalawang taong nagmamahalan ng lubos. Hindi pa kasi tapos yungs series na iyon eh. Nakakabitin pa naman yung love story ng dalawang bida sa istorya. Yung author kasi pinutol pa kung saan ang ganda na kaya naman hinihintay namin yung book na iyon ng sobrang tagal.”
Nakatingin lang siya sa akin.
“Bakit?” Tanong ko. “May gusto ka pa bang marinig? Gaya ng?”
Matapos niya akong tapunan ng malamig na tingin ay tumayo na siya.
"Aalis ka na? Pwede ba akong sumama?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Interesado ka sa trabaho ko?" Tanong niya na para akong pinilosopo.
"Medyo,” Sagot ko sa kanya. “ Saka gusto rin kitang samahan sa trabaho mo kahit minsan lang pwede ba?"
“Kailan ka pa naging interesado sa trabaho ko?” Tanong niya.
Pinipilosopo talaga ako nito. Ibinabalik niya lang sa akin yung mga sinabi ko sa kanya kanina.
“Ngayon lang.” Sagot ko at ngumiti ng sarkastiko.
Ibabalik din natin sa kanya yung mga sinagot niya sa kain kanina.
“Your presence is not necessary there.” Sabi niya sa napakacold na boses.
Grabe talaga itong lalaki na ito magsalita. Walang padalos dalos. Nakakaoffend.
“Gusto ko lang makita yung workplace mo.” Sabi ko.
“But you already saw it before.” Sabi niya sa akin.
“Gusto ko uli makita,” Sagot ko. “May itinatago ka ba sa akin?”
“Naghihinala ka?” Tanong niya sa akin.
Umiling iling naman ako.
“Gusto ko kasi sumama.” Sagot ko. “Pwede ba?”
Inilapit niya naman ang mukha niya at bumulong sakin.
"No, and tell to your friend that I'm not a fool to not comprehend what is happening." He said in a cold voice tapos lumabas na siya ng kuwarto.
Umalis na siya at naiwan akong tulala.
Ano ang ibig niyang sabihin? May nasabi ba si Razie na hindi nagustuhan ni Grey? Hell. Ano naman kaya ang sinabi ni Razie sa kanya? Baka naman namali ako ng dapat na isagot? Razie naman kasi. Kailangan ko sila tanungin about sa pagtawag ni Grey. Baka mamaya malintikan ako nito.
Lumabas ako ng kuwarto upang tignan ang pag alis ni Grey ngunit wala na ang kanyang kotse. Ang bilis talaga kumilos ng lalaking iyon. Wala pa atang limang minute ay nakalabas na ng lote.
Naghihinala na kaya si Grey sa akin? Paano kung may alam na talaga siya? Masisilayan ko pa ba ang liwanag bukas? Kinakabahan ako sa mangyayari. Baka mamaya naghanap lang iyon ng kasama tapos pagbalik papatayin na ako. Hell!
Sabagay hindi niya na kailangan pang humanap ng kasama dahil kahit mag isa lang siya ay kaya niya akong patayin yun ay kung siya nga talaga ang pinaghihinalaan namin. Kung tama talaga na siya ang pinakapinuno nila ay tiyak na kayang kaya niya akong patayin.
Ngunit kung naghihinala siya hindi ba dapat ay pinatay niya na ako kaagad? Dahil magiging mapanganib ang kaniyang buhay oras na matuklasan ko ang lihim niya. Hindi ba siya natatakot sa akin?
Napailing iling na lamang ako sa mga naiisip.
Zillione POV
Sumakay ako ng kotse at tinahak ang daan papunta kila Razie. Paguusapan namin ang tungkol sa reyna ng mga bampira. Iyon pala ang dapat na sasabihin niya sa akin noong tumawag siya sa may phone ko at si Grey ang nakasagot. We're not sure pero mukhang ang lumipol sa squad ng isang hunters ay ang reyna na sinasabi nila. Bukod pala sa hari ay may reyna rin sila. Hindi naman siya siguro asawa ni Grey diba? Kasi diba ang hari ay asawa ng reyna? Yun ay kung si Grey nga ang hari. Pero good thing at may nakuhang impormasyon ang mga hunters patungkol sa reyna na ito. Hindi sila madaling makuhanan ng impormasyon dahil masyadong matahimik ang bawal galaw ng mga ito na maging ang pinakamagaling na hacker sa organisasyon namin ay hindi sila matrace. Biruin mo matatalino sila at nagawa nilang magtago ng ilang years. Hanggang ngayon ay hindi parin sila nahuhuli. Ilan na kayang lugar ang napuntahan nila para lamang magtago? Hindi pa ba nauubos? Sabagay napakalawak ng mundo at ang bawat sulok nito ay hindi pa nakikita ng tao. Hindi ko sinasabi na sulok talaga na literal dahil bilog an gating mundo. Yung sulok na sinasabi ko ay ang lahat ng lugar dito sa mundo. Naikwento niya na rin sakin ang napagusapan nila ni Grey kanina sa telepono at ang babaita ay kinuwento pa sa akin kung gaano siya kinabahan noong kausap na niya si Grey. Tinanong niya pa ako kung paano ko ito natatagalan. Ako rin hindi ko alam pero siguro ay nasanay na nga ako sa ugali niya kaya okay lang sa akin. Nagreklamo pa si Razie dahil Arogante daw si Grey at binabaan siya agad ng telepono ng hindi pa siya tapos magsalita. Si Grey pa ba? Hindi na bago sa akin iyon. Nabanggit pala ni Razie ang tungkol sa mga bampira kanina dahil sa bilis niya magsalita pero wala naman sinabi sa akin si Grey patungkol sa bampira. Sinasabi ko na nga ba at hinuhuli niya ako kanina. Mabuti na lamang at hindi ako padalos dalos sa pagsasalita at inilihis ko ang mga sagot ko sa tanong niya pero for sure ay nagtataka na ang lalaking iyo dahil gaya nga ng sabi ko sa itsura ni Grey ay hindi siya madaling mauto ng ganun ganon lamang. Isa pa may sinabi sa akin si Grey bago sa umalis. Mukhang kahit nagpalusot si Razie ay alam niya agad ang ibig sabihin nito. Mas lalo tuloy akong kinakabahan at nagdadalawang isip kung uuwi pa ako sa bahay namin mamaya. Baka mamaya bigla na lamang ako sunggaban ni Grey ng walang kalaban laban. Mahirap na. Ayoko pa agad mamatay ng hindi nauubos ang lahi ng mga bampira. Siguro ay ihahanda ko na lamang ang aking sarili mamaya paguwi. Para laging handa at tayo ay may laban. Laking bonakid tayo. Syempre biro lang. Hindi ko alam kung anong gatas ang pinainom sa akin ng mga magulang ko noong bata pa ako. Alam niya na siguro na may alam kami patungkol sa mga bampira pero hindi niya naman siguro alam na kabilang ako sa mga hunter diba? Hunter na pumapatay sa mga lahi nila? Paano kung alam na niya? Papatayin niya na ba ako? Kakayanin ko kayang makatakbo palabas ng bahay kung sakaling bigla siyang magpakilala bilang hari ng mga bampira? Alam ko na meron akong taglay na galing dahil isa ako sa miyembro ng guns and leaves pero kung iisipin natin hari ang kalaban mo. Kung baga sa isang kaharian. Siya ang hari at ako ang heneral di hamak na mas makapangyarihan siya sa akin. Isama mo pa ang mga abilidad nila na hindi pangkaraniwan. Doble ang kanilang lakas ang mabilis sila kumilos. Kahit siguro sanay na ako ay hindi ko siya kayang patayin. Hindi ako natatakot pero alam ko ang limit ko. Alam ko kung kaya ko ba o hindi. Kailangan ko pa magsanay ng mas maigi. Kung mas lalakas pa ako ay mas lalaki ang porsyonte na maaari ko siyang matalo. Pinakasalan ko siya dahil isa siya sa hinihinalang King of Vampires. Wala naman akong choice bilang miyembro ng hunters. Kailangan ko iyong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sa dami namin ako pa talaga ang napili na ipakasal sa kanya. Kasal kami sa papel lamang ngunit walang kasal na naganap sa simbahan. Walang handaaan. Walang ganoon. Hindi ata uso sa kanya iyon. Sabagay baka maging abo siya pag tumapak siya sa loob ng simbahan. Hindi ba ganoon iyon? Ang mga masasamang elemento o espirito o mga demonyo ay nasasaktan kapag tumatapak sa may simabahan.Baka kaya hindi niya ako hinarap sa altar dahil natatakot siya sa krus. Subukan ko kaya sa kanya yon? Kaso baka mas lalong buminggo ako sa kanya. Mahirap na at kaming dalawa lamang ang nasa kanyang bahay. Wala akong kasamang makikipaglaban. Napaisip tuloy ako sa kasal. Lahat ng babae pinangarap maiharap sa altar ngunit hindi iyon nangyari sa akin noong ikasal ako sa kanya. Sabagay, bakit pa niya ako ihaharap sa altar eh hindi naman namin mahal ang isa’t isa. Arrange marriage lang ang lahat. Hindi rin siya dapat ang taong iharap ko sa altar ng simabahan kundi ang taong minamahal ko talaga. Sa ngayon wala pa ang taong iyon. Sana pag nakilala ko ang taong magpapatibok ng puso ko ay pakasalan niya ako sa simabahan. Gusto ko rin maglakad papunta sa kanya ng mabagal. Suot suot ang putting gown habang may hawak na mga bulalak. Sarap siguro ng pakiramdam pag ganoon. Hindi ko man lang naranasan sa unang kasal ko. Nakapanghihinayang na pagtapos ng misyon na ito ay kinakailangan kong makipaghiwalay sa kanya. Divorce. Hindi ko pa naman gusto ang ganoong senaryo kasi ang gusto ko ay yung tipong isang ebses lamang ako magpapakasal at gusto ko panghabang buhay na iyon. Kung kanino ako kinasal ay mananatili ako sa tabi ng taong iyon kahit anong mangyari at kung sinuswerte nga naman ako ay naging arrange marriage pa ang kasala ko. Kay Grey Lacoste pa talaga. Siguro kung mali kami ng hinala ay baka hindi na rin ako makipaghiwalay sa lalaking iyon. Mukha naman matutunan ko siyang mahalin. Ngayon naman ay wala akong ibang mahal. Hindi pa ako nahulog sa kahit kanino. Tunay nga ba talagang siya ang hari ng mga bampira? Masyadong delikado kung aaksyon kami ng biglaan .Kung siya nga ba o hindi dapat siguro ay malaman ko na agad. Kung isa nga siya siguradong patay pag nalaman niya na isang hunter ng mga bampira ang asawa niya. Dapat maunahan ko siya bago mangyari yon pero hinihiling ko parin na sana mali ang hinala nila na nagkamali lang sila. Sana hindi ako biguin ni Grey kasi umaasa akong nagkamali lang kami ng tingin sa kanya. Hindi ko nga baa lam sa sarili ko kung bakit umaasa ako sa kanya ng ganito. Dapat hindi. Dapat hindi ganito ang nararamdaman ko. Dapat kung misyon lang ay misyon lang! Pero hindi ko naman maiiwasan ang ganito. Isipin mo na lang araw araw kami magkasama at kahit madalas kaming hindi magpansinan ay hindi parin mawawala yung fact na magkasama kami. Yung bang lagi ko siyang nakikita sa araw araw. Yung lagi ko siyang nakakatabi sa sa higaan. Yun bang pinakasalan ko siya. Yung asaw ko siya. Syempre hindi naman ako isang robot para walang maramdaman sa mga nangyari na iyon. Naaapektuhan parin ako kahit misyon lang ito. Hindi ako katulad niya na parang isang bato. Manhid na manhid. Baka kahit sampalin mo iyon ng dos por dos ay wala siyang mararamdaman na sakit. Puro trabaho lang ata ang alam non sa buhay. Baka siguro magkakaroon lang iyon ng pagkabroken kapag nireject ang offer niya sa trabaho. Nareject na kaya iyon? Sa pagkakaalam ko isa siya sa pinakamayaman na businessman dito sa mundo kaya imposible naman na ireject ang isang katulad niya pwera na lang kung meron talaga na nagrereject kahit gaano ka pa kaganda kapartner. They offered a big thing para lang mapapayag si Grey na pakasalan ako. Grabe hindi ko rin inaasahan na kakagat si Grey sa pain namin na iyon. Sa bagay malaki laki rin yung nakuha ni Grey noong pinakasalan niya ako. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala. Good thing he's a business man. I wonder kung meron ba siyang ibang babaeng gusto bago niya ako pinakasalanan. Meron kaya? Kung meron sino naman? Mas maganda sa akin? Gusto kong makilala kung meron. Gustong makita kung sinong babae ang magugustuhan ng isang Grey Lacoste. Gusto kong malamanb kung ano ang taste niya sa isang babae. Maitanong ko nga sa kanya minsan.
Mas gusto ko kung wala. Mas gugustuhin ko kung sasabihin niya sa akin na workaholic siya kaya wala siyang panahon sa mga bagay na iyon.
Napapadyak ako sa preno ng sasakyan dahil may biglang sumulpot sa daan na dalawang babae. Binusinahan ko sila pero nanatiling nakatayo parin ito sa harap ng kotse ko. Nakailang busina rin ako ng ilang beses ngunit matigas ang mga ito at hindi nagpapatinag kahit anong busina ang gawin ko. Ano naman kaya ang gusto ng mga ito? Modus?
Ilang minute na rin ang nagdaan at hindi sila umaalis sa tapat kaya naman bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanila.
"Excuse m-ah." Bigla akong napatilapon sa kotse ng hampasin ako ng isa sa kanila.
Hell ang lakas ng pagkakahampas sa akin ng isang babae. Sa lakas ay napatilapon ako sa sasakyan ko. They are vampires?
Malamang meron bang taong ganon kalakas humampas!
Naramdaman ko ang pagbaon ng glass sa likuran ko dahil narin sa nabasag ito. Ganoon kalakas ang impact. Kinuha ko agad ang latigo ko na nakatago lang sa bewang ko. Mabuti na lamang at lagi kong suot ito kahit saaan ako magpunta. Hindi ordinaryong latigo dahil sandata ko ito laban sa bampira ang dulo ng hawakan ng armas ko ay matulis. Kinuha ko rin ang gintong baril na nakalagay sa may bulsa na nakakabit sa tuhod ko. Mabilis sila kumilos pero isa ako sa mga professional na hunter na sinanay ng pagkatagal tagal na panahon para kalabanin ang mga tulad nilang bampira. They were just an ordinary vampire dahil sa kilos nila. Kinasa ko ang aking baril saka itinutok sa kanila. Inasinta ko sila ng mabuti at matapos ay nagpakawala ako ng dalawang magkasunod na putok. Dalawang bala para sa dalawang ulo. Agad ko silang napatumba. Matapos umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng baril ay bigla nalang tumahimik. Wala kang makikitang mga kotse sa daan kaya siguro rito nila naisipan mangharang ng mga kotse. Modus pala nila ito para makapatay ng tao. Buti na lang pala at ako ang naharang nila sa oras na mga ito. Nabawasan nanaman ang kanilang lahi. Ilan na kaya ang napatay ng dalawa na ito sa modus nila? Sana naman wala. Sana wala silang ibang nabiktima bukod sa akin. Kung alam ko lang na mga bampira ang mga ito ay baka finullspeed ko pa ang kotse ko saka sila sinagasaan ng buong lakas. I feel great whenever I had the chance to kill them. Dahil siguro sa galit ko sa kanila kaya ako ganito. Tinignan ko ang siko ko.
Tsk. Kinuha ko ang mga bumaon na basag roon ng salamin galing sa kotse. Ang liliit. Sanay na ako sa sakit at hindi na bago sa akin ang masugatan kapag may kalaban na mga bampira. Sa dami ng laban ko sa kanila ay halos labinsiyamnapu’t porsyente ang nagkakasugat ako sa pakikipaglaban lalo na kapag ako lang mag isa. Madalas ay nagiiwan sila sa akin ng mga galos. Napakalakas naman kasi. Doble ang lakas nila sa mga taong katulad namin. Mabuti nalang at handa ang aking katawan sa mga ganoong bagay. Napatingin ako sa salamin ng kotse ko. Naiinis ako. Pwede naman ako nilang iitsa na lamang sa sahig at talagang patama pa talaga s akotse ko. Danyos na naman ito. Dagdag trabaho.
Napatingin ako sa madilim na bahagi nang mapansin kong may nakatingin sa akin. Pulang mga mata? Hella may isa pa?! Tinutukan ko ng baril ang bahaging iyon pero bigla itong nawala. Sumakay na ako ng sasakyan at dumiretso sa hospital doon nalang siguro kami mag-usap ni Razie. Napatingin ako sa salamin may gasgas ako sa mukha baka mapangitan na sakin si grey dahil dito tsk.