Ken POINT OF VIEW Tinakpan ko ang sugat ko sa dibdib ngunit hindi sapa ang kabuuan ng aking palad upang pigilan ang mga dugong dumadaloy mula sa sugat na nakabukas dito. Nakalmot ako ng reyna nila. Yung kalmot na akala mo isang oso. Napakatulis ng kanyang mga kuko at talagang bumaon ito sa dibdib ko. Masyadong malalim ang sugat na natamo ko sa kanya. Masyado siyang malakas. Napakaliksi niyang kumilos at sa dami ng baling pinatama ko sa kanya ay ni hindi ko man lang siya napuruhan tulad ng nagawa niya sa akin. Damn! Napahigpit ang hawak ko sa aking dibdib dahil kumikirot ito. Nawa’y walang lasong kasama ang mga matutulis nitong kuko. Mukhang hindi ganoon kadali lumabas sa teritoryo niya ng buhay. Sa itsura pa lang ng reyna ay alam mong wala na siyang balak pang buhayin kami! Para siyan