Zillione POINT OF VIEW Mag gagabi na pero wala parin si Grey. Lubog na ang araw sa kalangitan at sumilay na ang kalahating buwan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sa bahay na ito ang aking asawa. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na patibong ang lahat ng mga ito ngunit mukha namang mapakakatiwalaan ang mga bampirang nakapaligid sa akin lalo na ang kanyang kapatid na si Steph. Hindi ko alam kung ano ang gagawin gayong bisita lamang ako rito. Hindi ko maramdaman ang salitang komportable. I mean hindi naman awkward pero iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa bahay mo ikaw mismo. Lalo na at pinaparamdam sa akin ni Jenny na hindi ako belong sa kanilang pamilya. Maya’t maya niya sa akin pinaparamdam na hindi ako dapat nasa bahay nila. Gaya na lamang ng sinabi sa akin ni Steph ay pinagpasensyah