Five

1756 Words
Ordinaryong araw. Nasa hardin lang ako at abala sa mga halaman ko. Wala sina Daddy at Mommy, may appointment si Dad at isinama nito si Mommy, habang ang kapatid kong si Drey ay may pasok na naman. Ganito ang routine ko sa araw-araw kapag wala sila rito sa bahay. Tumambay sa tree house, o kaya naman ay rito sa garden. "Miss Elleeee..." hiyaw ng kasambahay na si Ate Marela. Nasa boses nito ang pagkataranta kaya naman gulat na gulat akong napatayo. Nabitawan ko pa ang hawak na cutter. Ang kamay ay basta na lang pinagpag sa paldang suot. Tagaktak ng pawis ang babae na waring tumakbo patungo rito sa taranta nito. "Bakit po, Ate Marela?" takang tanong ko rito. Pinagmasdan ko ang ayos nito. Nanginginig pa ang kamay nito. Hawak ang cellphone nito. "Gusto po kayong makausap ng Uncle Javier ninyo." Kapatid ni Daddy iyon. Tinanggap ko naman agad ang phone nito. Hindi naman ako kinakausap ni Uncle dahil madalas ay ilag ako sa mga ito. Mas gusto ko pang kausapin ang mga halaman ko na dahilan kung bakit ayaw rin nila sa akin. "Hello, Uncle?" hindi ko alam kung bakit labis na tumahip ang dibdib ko sa kaba. Siguro dahil na rin sa nakikita kong panic sa mukha ng kasambahay. Maligalig din ito na halatang tension na tension. "Lorielle, magpasama ka sa mga bodyguard mo. Pumunta kayo ngayon dito sa hospital." Mahinahong ani ni Uncle Javier pero sa sinabi nito, ako naman ang hindi kayang huminahon. "Why? Why, Uncle? Are you okay?" tanong ko rito. Napatingin pa ako kay Ate Marela na hinuli ang palad kong malaya. Sobrang lamig ng kamay nito, dahilan para mangilabot ako. "Ang daddy mo..." iyon pa lang ang sinasabi nito pero nanlamig na ako. Muntik ko pang mabitiwan ang phone na hawak ko. "Naaksidente ang Daddy at Mommy mo," ani ni Uncle. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko na humigpit na rin ang pagkahawak sa kamay ni Ate Marela. Mas lalong kumabog nang mabilis ang dibdib ko. "Si D-addy? Si M-mommy?" ani ko na napahikbi na at sunod-sunod na pumatak ang luha. "Tara na, Ganda. Sasamahan din kita, hindi ka mag-isa." Sunod-sunod akong tumango at nagpatianod nang hilain ako nito paalis. Wala na akong pakialam kung madungis ako, kung putikan ang mga paa ko. I want to see my parents. Alam na kaya ni Drey? Tiyak na kapag nalaman nito ay iiyak din ito. Nakabukas na ang sasakyan nang dumating kami sa garage. Nanginginig ang katawan ko sa labis na shock sa nangyari sa kanila. Sumakay agad ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa sobrang tensyon ko. Hindi ko na nga rin napansin na pinunasan na ni Ate Marela ng wet wipes ang maputik kong kamay, pati na ang paa ko. Umiiyak ako na nabablangko sa sobrang kaba para sa kalagayan ng mga ito. Parang sobrang tagal ng oras. Samantalang 25 minutes lang ang byahe patungo sa ospital. Sa sobrang bilis nga ng takbo ay narating namin ng 15 minutes lang. Agad na pinaligiran ako ng mga bodyguard. Ito rin ang isa sa ayaw ko kaya palagi akong nasa mansion lang. May mga bodyguard ako na palaging nakabuntot. Hindi ako komportable sa ganoon. Pagpasok namin ng hospital ay nag-aabang na si Ate Wendy, ang secretary ni Daddy sa entrance. Mabilis na hinawakan nito ang kamay ko at hinila na patungo sa kung nasaan man sina Daddy at Mommy. Inabutan ko si Mommy sa waiting area ng operating room na tulala. May benda ito sa ulo. May mga galos at pasa rin. Mugtong-mugto ang mata nito tanda nang pag-iyak. "Mommy?" tawag ko rito na mabilis bumitiw sa pagkakahawak kay Ate Wendy at lumuhod sa harap ni Mommy Daniah at mahigpit na yumakap dito. Muling humagulgol nang iyak kasabay ni Mommy. "What happened? Ang saya-saya n'yo pang nagpaalam na aalis kanina. Si Daddy? Ano pong balita sa kanya?" tanong ko rito na bahagya pang nanginginig sa labis tensyon. "Kinailangan na s'yang operahan agad. May bigla na lang kasing bumanga sa sasakyan na gamit namin. Napuruhan ang Daddy mo." Ani nito sa akin. Oh God! Napasalampak ako nang upo. Biglang hinigop ang natitira ko pang lakas. Iyak lang kami nang iyak nito. Sobrang tagal naming naghintay sa waiting area kasama ang mga bodyguard, sina Uncle Javier din. Dumating din sina Uncle Ben and Auntie Susana na mga kapatid ng aking ama. "Alam na po ba ni Drey?" tanong ko kay Mommy na ngayon ay kalmado na at hindi na umiiyak. "May parating na exam si Audrey. Baka ma-stress s'ya kapag nalaman n'ya ang nangyari sa Daddy ninyo." Bumuntonghininga ito at ginagap ang kamay ko. Nakaupo na ako sa tabi nito habang naghihintay. "H-uwag na po natin munang ipaalam. Mas mabuting tapusin na muna n'ya ang exam n'ya para hindi s'ya ma-stress." "Gano'n na nga, pinaghandaan ng kapatid mo ang final exam n'ya kaya naman itago muna natin sa kanya ito." Alam kong pagkatapos ng nangyaring ito ay malaki ang changes sa buhay namin. Lalo't malaki ang naging pinsala sa daddy ang aksidenteng nangyari. He's safe. Pagkatapos ng operasyon ay iyon agad ang inanunsyo ng doctor. Pero kinausap nito si Mommy saglit. Kita ko sa mukha ni Mommy ang panlulumo. Pero hindi ko magawang lumapit dahil tiyak na hindi ko rin kakayanin ang ano mang sinasabi ni Doc kay Mommy. Umupo sa tabi ko si Auntie Susana. She holds my hand and whisper something to me. "Magiging maayos din ang lahat. Magdasal na lang tayo para sa Daddy mo." Ipinatong ko rito ang ulo ko kasabay nang pagpakawala nang malalim na buntonghininga. Ang saya-saya ko pa kanina sa hardin ko. Pakanta-kanta pa ako, tapos ngayon ito, labis na nangangamba para sa aking ama. Tiyak na malulungkot si Drey sa sinapit ng magulang namin. Pero mas mabuting hindi na muna nito malaman ang kalagayan ni Dad para makapag-focus s'ya sa studies n'ya. Hindi makatutulong ang stress sa kanya lalo't marami s'yang kailangan gawin ngayon. Pansamantalang naka-wheelchair si Daddy, after the accident ay ang dami nang ipinagbawal dito. 'Yong mga normal na nitong ginagawa ay hindi na nito magagawa pa. Kahit ang mga sports nito ay matatagalan daw bago nito ulit magawa pa. Mahigit isang buwan sa hospital si Dad. Hindi ko ipinahalata rito ang epekto sa akin nang nangyari rito. Hindi nito pinasalo ang trabaho nito sa kanyang mga kapatid. Kahit malapit s'ya sa mga ito ay pagdating sa negosyo walang tiwala ang ama namin sa mga kapatid n'ya. Umabot pa sa puntong ako na ang nagche-check ng mga important documents ng company. "Tinawagan ko na si Drey. Uuwi s'ya ngayon," ani ni Mommy na hinaplos ang pisngi ni Daddy. Nandito kami sa sala ng bahay. Wala ang ibang relatives namin, narinig ko ang mga kasambahay kanina na nagsabing kaya wala ang mga kaanak namin ay dahil posibleng malugi ang company dahil hindi na kayang patakbuhin pa ni Daddy iyon. Ayaw kong mag-isip nang masama laban sa mga relatives namin. Iniisip ko na lang na busy lang ang mga ito sa kanilang mga buhay. Kailangan lang na harapin namin ito ng kami lang, ng family lang namin. Kaya namin ito. "Nasabi n'yo na po ba sa kanya ang nangyari?" tanong ko rito. "Hindi pa, anak. Magmamaneho pauwi rito ang kapatid mo. Baka kung mapaano s'ya while driving. Dito na lang natin sabihin sa kanya." Tama naman ito. Mas mabuti ngang hintayin na ito. "Daddy..." pukaw ko sa atensyon ni Dad na tahimik lang. Bahagya kong pinisil ang kamay nitong hawak ko. "I'm fine, don't worry." Ngumiti pa ito. Pero sa totoo lang nalulungkot ako, masayahin ang daddy ko. Sporty rin s'ya, kaya malaking effect dito ang sitwasyon n'ya ngayon. Ito 'yong isa sa ugali ni Dad. Kahit hindi s'ya okay, palalabasin pa rin n'yang okay s'ya kasi gusto n'yang hindi kami ma-bother sa sitwasyon n'ya. "Abangan mo na lang muna si Audrey." Sinulyapan ko si Mom at agad na tumango rito. Humalik pa ako sa pisngi ni Dad saka tumayo at iniwan ang mga ito. Panay ang buntonghininga ko. Habang nakaupo sa isang baitang ng hagdan bago ang pinto ng mansion ay nagdarasal na sana ay maging mabuti na ang lahat. Nang dumating ang sasakyan ni Drey ay sunod-sunod na kumabog ang dibdib ko. Tiyak na masasaktan ito sa ginawa naming paglilihim ng family namin about our dad's condition. Pero wala rin naman kaming choice kung 'di isipin 'yong mas ikabubuti ng nakababatang kapatid ko. Nang makababa ito ay punong-puno ng energy sa katawan na bahagya pang tumalon-talon sa sobra nitong excitement. "Lorielle..." excited na ani nito at mabilis na lumapit sa akin. Pero napansin siguro nito ang pagbabago ng expression ng mukha ko. Or, sadyang ganoon na talaga iyon mula pa kanina at ngayon ay nakita nito. "Drey?" "Are you okay? May problema ba?" ani nito na mabilis hinuli ang dalawang kamay ko at ginagap iyon. "K-umusta ang byahe?" "Ako ang unang nagtanong, eh. Pero sige, okay naman ang byahe. Maganda ako at sexy pa rin. Successful ang exam last week at gra-graduate na ako ." "Wow... congratulations, I'm so proud of you." Wala sa boses ko 'yong galak na gusto kong ipadama rito. Hindi ko magawang maging masaya lalo na sa sitwasyon ni Daddy. "Hindi ka masaya?" biglang tulis ng nguso na ani nito. Ang ganda-ganda talaga nito, pero hindi nito dapat isipin na hindi ako masaya sa success nito. I'm so happy for her. Alam ko 'yong pagsusumikap na ginawa n'ya para lang makatapos nang pag-aaral. "I'm happy. You deserve all the success. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan 'yan." "Then what's wrong?" deretso ang tingin nito sa akin. Ginagap ko ang kamay nito. "Tara sa loob." Mahina ang boses ko na ani rito. Saka hinila s'ya nang marahan papasok ng pinto. Nasa sala ang parents namin, naghihintay sa pagdating ng bunso naming kapatid. Singhap ni Drey ang dahilan kung bakit napalingon ang magulang namin. Natutop nito ang bibig habang titig na titig kay Daddy na nakaupo sa wheel chair, ang lower body ay natatakpan ng blanket. "D-ad? W-hat happened?" muntik pa itong mapaupo sa labis na shock at panghihina sa nakitang sitwasyon ng aming ama. "Audrey, bunso ko." Malambing ang tinig ni Dad. Sumenyas ito para lumapit si Drey sa kanya. Drey was shocked to see our Dad's condition. I understand her reaction. Kahit ako, kahit alam ko na ang sinapit nito ay madalas pa rin akong matigilan sa tuwing napatititig ako rito. "D-addy?" nakuha na rin nitong magsalita. Nang makalapit sa harap ng aming ama ay waring kandilang nauupos si Drey na napaluhod sa harap ni Daddy. Sunod-sunod na pumatak ang luha ni Drey kaya naman mabilis akong nag-iwas nang tingin. Nasasaktan akong makita ang mga ito, si Dad na hindi na makalakad, at si Drey na luhaan ngayon habang nakaluhod dito at hindi makapaniwala sa inabutang sitwasyon ni Yves Valdemor. "Bunso, don't cry." Malambing na ani ni Daddy. Pinunasan nito ang luha ng bunsong anak habang may pilit na ngiti sa kanyang labi. "What happened to you, D-daddy?" ani nito na hinuli ang kamay ni Daddy at mahigpit na hinawakan. Umiiyak na rin kami ni Mommy. Kahit pilit naming ipakita kay Daddy na matatag kami, hindi pa rin namin mapigil ang maluha habang pinanonood si Drey at Dad. "Drey, na aksidente si Mommy at Daddy last month." Sinulyapan ako nito. Shock ang nakaguhit sa kanyang mukha. Unti-unting nagsalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. "L-ast month? Without telling me? Are you for real, Lorielle?" galit na tanong nito sa akin. "Audrey, 'wag kang magalit kay Lorielle. Inisip lang namin kung ano ang mas makabubuti sa 'yo. Pinaghahandaan mo ang exam that time. Ayaw ka naming ma-stress dahil lang sa nangyari." "W-ait...lang? Lang? Daddy, look at you now. Nila-lang mo lang ang nangyari? Nandyan ka ngayon sa wheelchair. Hindi lang simple ang aksidente na nangyari sa 'yo. Tapos lang? My God!" napakislot ako sa gulat dahil sa biglang burst out nito. Alam ko naman na labis ito ngayon na shock dahil sa nalaman nito. "D-drey..." tawag ko rito. Ngunit hindi ako nito pinansin. "Oh God, I'm sorry. Wala ako sa tabi noong kailangan mo ako. I'm sorry, Daddy." Parang batang iyak nito at muling lumuhod sa harap ni Daddy. Pilit pa rin ngumingiti ang ama namin kahit pa ito na ang nasa pinakamahirap na sitwasyon ngayon. Gusto kong lumapit at yakapin ang mga ito. Pero sa nakikita kong galit sa paraan nang pagtingin ni Drey sa akin ay hindi ko magawang igalaw o ihakbang ang mga paa ko palapit. --- "Drey, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko rito. Ilang beses akong kumatok sa silid nito ngunit hindi ako nito pinagbubuksan. Hindi ako mapapanatag kung may tampuhan o sama ng loob ang kapatid ko sa akin. Kanina pagkatapos ikwento ni Mommy ang nangyari sa kanila ni Daddy ay tahimik na ito. Pagkatapos namang sabihin ni Daddy na gusto n'yang magpahinga at manatili muna sa silid ay mabilis na nagprisinta si Drey na ihatid ito. Hinintay ko si Drey na bumalik sa sala, ngunit pagkatapos nitong maihatid si Daddy ay mabilis itong pumanhik ng silid. Tinawag ko ito ngunit hindi n'ya ako pinansin. "Galit ka ba sa akin dahil hindi ko sinabi?" malungkot ang tinig na tanong ko rito. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam, ang bigat sa dibdib. Sumisikip iyon na kahit huminga nang malalim ay hindi sapat upang maging maayos iyon. "Sorry, naisip lang namin nila Mommy iyon dahil gusto naming makapag-focus ka sa paghahanda ng exam mo. Wala kaming bad intentions sa ginawa namin. Para lang iyon sa ikabubuti mo." Pinunasan ko ang luhang umalpas. "I hate you..." dinig kong ani ni Drey sa akin. Masakit marinig iyon sa kapatid ko. Parang mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa tinuran nito."Tinago n'yo talaga ito kasi feeling n'yo hindi ko kayang i-handle ito, mahina ako sa paningin ninyo ni Mommy." "That's not true, Drey. Huwag mo namang isipin 'yan, kasi never pumasok sa isip namin na mahina ka. Gusto lang naming hindi ka ma-distract sa studies mo. Malaking dagok sa family natin ang nangyari kay Daddy. Pero kailangan nating ipagpatuloy ang buhay. Mahal na mahal ka namin kaya ayaw naming may pagsisihan ka sa huli. Gusto naming maibigay mo ang best mo sa pag-aaral mo..." "Kasi nga iniisip n'yo na mahina ako, na hindi ako katulad mo na kahit hindi mag-review ay makapapasa pa rin sa exam kasi basic lang sa 'yo ang lahat." "D-drey, bakit mo iniisip 'yan?" iyak na ako nang iyak. Nanatiling nakasara ang pinto ng silid nito at mukhang wala talaga itong intension na pagbuksan ako ng pinto ng silid nito. "Kagi gusto mo nasa iyo lang ang atensyon ng lahat. Attention sicker ka kasi. Siguro nga iniisip mo na kapag ikaw ang nakita ng lahat na best girl, sa 'yo ang lahat ng papuri. Sa 'yo iiwan ni Daddy ang lahat ng properties kasi nga naman ikaw lang 'yong nagmalasakit sa kanya." "Audrey!" hindi ko na napigil ang pagbigkas ng buong pangalan nito."That's not true! Never akong nag-isip ng ganyan." Frustrated na ani ko rito. Bakit pumasok sa isipan nito iyon? Never kong naisip na kunin ang lahat ng atensyon sa paligid ko. Kung pwede nga lang magkaroon ako ng sariling mundo sa sobrang introvert ko ay gugustuhin ko iyon. "No, kunwari ka pa..." napahikbi na lang ako sa sobrang frustration ko."Bakit ba hindi ko napansin iyon noon pa? Ganyan talaga ang ugali mo, Lorielle." Bahagya kong nakagat ang labi ko para pigilin ang sarili na magsalita pa para depensahan ang sarili. Masama lang siguro ang loob nito ngayon. Siguro naman kakausapin ako nito para ayusin namin ang misunderstanding na ito. "I hate you, Lorielle. Selfish ka!" "I u-nderstand, kung galit ka ngayon. S-iguro kapag kalmado ka na pwede sigurong pag-usapan natin 'yan. Nasa tree house lang ako palagi at sa garden, puntahan mo lang ako roon para makapag-usap tayo. Please, 'wag kang aalis na hindi tayo okay. Please, bunso." Nakikiusap ang tinig na ani ko rito."Mahal ka ni Ate." Bagsak ang balikat na iniwan ko na ang harap ng pinto nito. Sa tree house muna ako, kailangan ko ring kalmahin ang sarili ko. I'm shaking, siguro dahil sobra akong nalulungkot at nasasaktan para sa kapatid ko. Pero naging unfair si Drey sa akin, hindi s'ya nagsabi na aalis s'ya. Wala man lang sa lahat ng tawag at text ko ang sinagot nito. Kinakausap nito si Mommy sa phone, pero kapag sa akin na ay mabilis na nitong tinatapos ang tawag. Sabi ni Mommy ay ayos lang daw iyon, kakalma rin si Drey at uuwi rito sa bahay para kausapin ako. Wala akong ibang mapagsabihan ng frustration ko, kahit pa biglang patong ng responsibility sa akin. Magaling ako, matalino ako, pero 'yong labis na pressure sa balikat ko ay hindi ko kinakaya. "Kumilos ka na, Lorielle!" mainit ang ulo ni Daddy. May meeting daw ako at kailangan kong siputin iyon. Kahit pa may mga trusted employee ito na pwedeng gumawa ay ipinapasa n'ya sa akin ang lahat nang gawain. 'Yon tipong ikamamatay ko ang labis na bigat ng mga ipinapasa nitong trabaho sa akin. Halos hindi na ako makatulog dahil sa stress at pangamba na baka magkamali ako at madamay ang negosyong pinaghirapan ng mga ito. "O-po." "Ayusin mo ang trabaho mo. Tiyakin mo na mahihikayat mo ang investor na iyon para sumosyo sa panibago nating proyekto." Hindi ito nakikinig na masyadong risky ang plano ng mga ito. Maglalabas din sila ng pera para sa new project na prinopose ni Uncle Javier na mukhang hindi naman pinag-aralang mabuti. Kahit ako na s'yang magdi-discuss later ng project ay hindi kombinsido. "Alis na po ako." Paalam ko kina Mommy na napatingin sa akin. "Anak, you can do it. Malaki ang tiwala namin ng Daddy mo sa 'yo." Tinapik pa nito ang balikat ko, as if pinalalakas ang loob ko. Sa nangyari kay Daddy, parang biglang nawala sa balanse ang lahat. Tapos lahat ng bigat sa akin bumagsak. Maingat kong inayos ang suot kong salamin. Kanina sabi ni Mommy hindi raw bagay ang suot kong outfit ngayon. Masyado raw old fashion. Tinanong pa nga n'ya ako kung gusto kong pumili sa mga damit ni Drey. Hindi naman ako nagsusuot ng ganoon kaya tinanggihan ko. "Ma'am Elle, dadaan pa po ba tayo sa office? Magpapalit ka pa bo ng damit?" natigilan ako sa secretary ni Daddy dahil sa sinabi nito. "Hindi na po, deretso na po tayo sa appointment ko." "Nang ganyan ang suot?" takang tanong nito sa akin. Napatingin ako sa suot ko, wala naman akong nakikitang mali sa suot ko. Mukhang nalipasan ng panahon ang desenyo? I don't care. Dito ako komportable, dito ako masaya sa suot kong ito. Bakit big issue sa iba? "Opo, wala naman pong mali sa suot ko, 'di ba?" nakangiwing tanong ko rito. May mali siguro sa mga mata nila. "Oo, w-ala." Sabay kibitbalikat at itinuon na sa kalsada ang tingin. Panay ang buntonghininga ko, hindi ko alam kung tamang galingan ko sa presentation, or aminin sa investor na risky ang project. Pero tiyak na madi-disappoint ko si Daddy at sina Uncle. "Kaya n'yo po 'yan. Kahit babae kayo, alam ko pong manang-mana kayo sa Daddy ninyo pagdating sa negosyo." Nag-iwas ako nang tingin dito. Malakas ang loob ni Daddy. Ako hindi, namamawis na nga ang palad sa sobrang kaba. Narating namin ang gusali kung saan katatagpuin ko ang investor. Pagdating sa board room ay pinalabas ang secretary ni Daddy. Kaya naman mag-isa ko roong naghintay. Mas lalo tuloy dinoble ang kabog ng dibdib ko sa labis na kaba. "Lorielle Valdemor?" tinig ng matandang papasok ng board room. Kahit kabado ay agad akong tumayo sa kinauupuan at sinalubong ito at naglahad ng kamay rito. "I'm Lorielle Valdemor." "Hindi ko akalain na sa babae ipahahawak ni Yves ang proyekto." Hindi man lang tinanggap ng lalaki ang inilahad kong kamay. Nasa tinig din nito ang disappoinment. "I'm here to present to you the project proposal..." "Hija, you really think na maisasara mo ang project na ito ngayon?" nasa tinig nito ang pangmamaliit. Hinagod pa nito nang tingin ang katawan ko. "Nandito po ako para sumubok." "Honestly, sumaglit lang ako rito to inform you na ayaw kong ituloy ang project na ito." Nakahinga ako nang maluwag. Mas mabuting hindi na ito matuloy dahil risky masyado ang proyektong ito. Pero tiyak na madi-disappoint ang aking ama. "Pero wait..." napatingin ako rito na nagtaka sa biglang pagpukaw nito ng aking atensyon. "Pwede rin namang magbago ang isip ko. Kung papayag kang sumama sa akin." Biglang ngisi sabay, labas ng dila at waring binabasa ang kanyang labi ang inakto nito. Sunod-sunod na kumabog ang dibdib ko. "No, Sir. Hindi ko po 'yan gagawin. Excuse me po." Tumalikod ako rito para balikan ang gamit nang mabilis nitong nahawakan ang braso ko. Takot na pumiksi ako at inihanda ang sarili sa posibleng gawin nito. "Hija, huwag kang masyadong pakipot. Alam mo ba sa pamilya ninyo, ang purpose ninyong mga babae ay para lang gamitin sa negosyo. Ang mga Auntie mo, ang mga pinsan mo...hindi ka iba sa kanila. Darating ang panahon na ipagkakasundo ka nang walang silbi mong ama sa mga negosyanteng magagamit n'ya." Tumawa pa ito at akmang hahaplusin ang pisngi ko nang tabigin ko iyon. "Aalis na po ako." Mabilis na kinuha ko ang mga gamit at dali-daling tinahak ang daan patungo sa pintuan. Nanginginig pa ang tuhod ko nang makalabas ako roon. Narinig ko pa nga itong tumawa na nakakainsulto. I don't deserve that kind of treatment, kahit sinong babae ay hindi deserve iyon. Nang magtama ang tingin namin ng secretary ni Daddy ay agad itong nag-angat ng kilay na waring nagtatanong kung anong nangyari. Nang makalapit ako rito ay napakapit ako sa balikat nito. "What happened, Ma'am Elle?" "P-wede bang umalis na muna tayo rito?" kabadong tanong ko rito. Nagtataka man ay mabilis nitong kinuha ang gamit ko at mabilis na kaming umalis. Nang maraming namin ang sasakyan ay sunod-sunod na akong tinanong nito. Alam ko namang ginagawa lang nito iyon dahil iyon ang utos ni Daddy. "Ma'am?" pagod na siguro itong magtanong. Dahil umusad na ang sasakyan pero wala pa akong nasagot sa mga tanong, kaya ma'am na lang. "Namumutla ka po," puna ng driver. Sa rearview mirror ito nakatitig. Buti pa ito napansin ang itsura ko. "B-astos ang taong 'yon." Ngayon ko lang naibuka ang bibig ko sa dami ng question nila. Inabutan ako ng tubig na mabilis kong kinuha at ininom. Huminga nang malalim upang subukang ikalma ang sarili. Sa nakikitang reaction ng katawan ko dahil sa nangyari ay nanahimik na si Ate Wendy. Nakabalik kami ng bahay na tahimik ako. Sumalubong agad si Mommy. Nasa mukha nito na umaasa s'ya sa magandang balita. Nang makita nito ang expression ng mukha ko, agad na naglaho ang excitement nito. "W-hat happened?" tanong nito. "Hindi naman po n'ya ako hinayaang magsalita at mag-present. From the very beginning, wala rin naman po s'yang tiwala sa akin. Saka b-inastos n'ya po ako." Nangingilid ang luhang sumbong ko rito. Unti-unting nagsalubong ang kilay nito. "What? Ulitin mo nga 'yong huling sinabi mo." Parang tigresa na handang sumugod, iyon ang nakikita ko sa Mommy ko. "M-mommy..." naiiyak na lumapit ako rito at yumakap nang mahigpit dito. "That bastard...anong ginawa n'ya sa 'yo?" isinalaysay ko rito ang nangyari. Mas lalo itong nangigigil. "Okay na po, Mommy. Huwag na lang po nating palakihin," ani ko rito nang sabihin nitong susugurin nito si Mr. Francisco. "Binastos ka n'ya. Hindi 'yon okay." Gigil na ani nito sa akin. Napabuntonghininga ako at muling yumakap dito. "Iyon lang?" mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap kay Mommy nang marinig namin ang tinig ni Daddy. He's disappointed. "D-ad?" hindi makapaniwala sa tinuran nito na napatitig ako rito. "Yves!" galit na ani ni Mommy. "That's really the problem. Walang kaide-idea ang anak mo sa realidad ng buhay. Normal na nangyayari 'yan sa mahihinang babae." "Dad!" "Yves, stop." Galit na si Mommy."How dare you? Inuunawa ka namin pero hindi mo dapat sabihin sa anak mo 'yan." "It's o-kay, Mommy. Stress lang po si Daddy. Susubukan ko pang pag-aralan pang mabuti ang project tapos ako na lang po ang hahanap ng client. Hindi rin naman po agad..." "Useless." Hindi pa man ako tapos magsabi ay pinutol na nito. "S-orry po." Inikot na nito ang wheelchair n'ya at iniwan kami ni Mommy. Hindi ganito si Daddy, epekto lang siguro ito nang nangyari sa kanya. Hindi lang sa physical kung 'di sa emosyonal na rin. Kailangan lang talaga naming unawain ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD