"Seryoso ka talaga na magkukulong ka lang dito sa lungga mo buong bakasyon?" itinigil ko ang pag-aayos ng paso at tinignan ang kapatid na bigla na lang sumulpot. Muntik ko pa ngang nabitawan ang paso dahil sa labis na gulat sa pagsulpot nito. Ngumiti ako rito sabay senyas na maupo muna ito.
"Hindi naman sa nagkukulong, saka nakaka-enjoy kaya ang ginagawa ko." Ani ko na muling ipinagpatuloy ang pag-aayos ng paso.
"Anong nakaka-enjoy d'yan? Girl, kulang na lang magsalita ang mga 'yan the way na kausapin mo." Ani nito.
"Mas nagkakaroon ako ng kapayapaan dito. Tignan mo itong bagong halaman ko, sobrang nahirapan nga akong patubuin itong halaman na ito. Pero tignan mo naman ngayon, malapit nang mamulaklak."
Iniharap ko iyon dito. Ngunit umiling lang ito na halatang hindi interested sa sinasabi ko.
"Elle, lumabas ka naman dito sa lungga mo. Minsan na nga lang akong mapirmi rito sa bahay pero hindi naman kita nakaka-bonding." Reklamo ni Audrey na bigla na lang dinampot ang gunting saka ginupit ang isang stem ng rose.Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.
"Drey..." labis na gulat na ani ko rito. Takang napatitig ito sa akin na waring walang idea sa ginawa nito.
"W-what? Why?" ani nito.
"Bakit mo ginupit? Oh noooo, my rose." Ani ko na binalot ng lungkot ang puso habang nakatitig sa rose na basta na lang nitong ginupit.
"Ang OA mo naman. Isang bulaklak lang, eh. Saka tiyak naman na marami pang tutubo d'yan." Ani ni Drey na bumalik sa kinauupuan nito at sa panlulumo ko ay napatitig na lang ako ng isa-isahin nito ang petals.
"Pero iyan ang unang bulaklak n'ya." Malungkot kong ani rito.
"Dah, for sure marami pang tutubo d'yan. 'Wag ka ngang magpaka-sad girl. Bumalik ka na sa ginagawa mo. 'Wag mo na akong pansinin dito." Ani nito sa akin na nagpatuloy sa pagkakalat ng petals. Napabuntonghininga ako at tumango na lang.
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng bulaklak. Ayaw ko namang pahabain pa ang usapan. Nasabihan na nga ako nitong OA.
Pero medyo masama ang loob ko. Tuwang-tuwa pa naman ako na may bulaklak na iyon. Ang tagal ko ring hinintay na magkabulaklak iyon.
Hindi ko pansin na panay ang buntonghininga ko.
"Heay, sorry na." Natigilan ako sa muling pagdampot ng rose sa sinabi ni Audrey."Akala ko kasi okay lang, after all, ako naman ang favorite mong kapatid." Ani nito sa akin.
"Drey, tayo lang ang magkapatid."
"That's the point. Tayo na nga lang ang magkapatid tapos sasama pa ang loob mo sa akin dahil lang sa isang bulaklak."
"Drey, hindi masama ang loob ko. Nalungkot lang ako." Mahinahong ani ko rito. Napabuntonghininga naman ito at nagkibitbalikat. Ayaw kong palalain pa dahil lang sa bagay na iyon.
"Bulaklak lang 'yan. Baka naman itapon mo pa ang pagiging magkapatid natin dahil lang d'yan." Ani nito sa akin.
"Never." Mahinhing ngumiti ako rito saka ipinagpatuloy na ang ginagawa.
"Alam mo, hindi ko talaga gusto ang ugali ni Dalhia." Kahit hindi ko ito tignan ay pakiramdam ko'y nakasimangot ito.
"Bakit naman? Dalhia is so nice naman ah," ani ko rito na patuloy sa ginagawa.
"Nice ka d'yan? Hindi kaya. Kung makapagsalita akala mo naman ang galing-galing n'ya. Mas matalino pa nga ako sa kanya."
"Drey, baka hindi lang kayo nagkakaintindihan. Medyo prangka lang si Dalhia. Mabait s'ya." Ani ko rito. Prangka nga lang talaga ang pinsan naming iyon. Ka-edad ko lang at madalas kong makakwentuhan kapag narito sa bahay.
"Tsk, I still don't like her. Ang plastic, bida-bida, tapos akala mo ang ganda-ganda."
"She's pretty," ani ko rito.
"Hoy, ako ang kapatid mo. Pero balik feeling ko sa kanya ka kampi?" ani nito sa akin na ikinabungisngis ko.
"Of course not. Wala akong kinakampihan, 'no."
"Ano? Dapat mayroon. Ako kaya ang kapatid mo. Mali 'yan." Nang sulyapan ko ito ay napatawa na ako. Nanlalaki kasi ang butas ng ilong nito."Bakit ka tumatawa? Dapat sa akin ka kampi."
"You're so cute, Drey. Kaya love na love kita, eh." Ani ko rito.
"Hhmm, love mo nga ako pero hindi ka naman kampi sa akin."
Natawa na ako sa sinabi nito. Tumayo na rin at lumapit dito. Saka sinapo ang magkabilang pisngi nito.
Nanlaki ang mata ni Audrey sa ginawa ko.
"OMG! You're so disgusting..." tili nito na mabilis na tinabig ang dalawang kamay ko. Tawa naman ako nang tawa rito. That's the prize nang pangungulit nito ngayon sa akin.
"Still beautiful." Ani ko rito.
"Tsk, nagsalita 'yong kahit hindi maligo ay maganda." Parungit nito.
"What do you mean? Mukha ba akong hindi naliligo?" tanong ko rito.
"Mukha..." ani nito na mabilis nang tumayo at mabilis na lumayo sa akin.
"Naliligo ako, ha! 2 times a day pa nga, eh." Depensa ko rito.
"Ah, basta! Ipagkakalat ko na si Lorielle Valdemor ay hindi naliligo." Natatawang ani nito saka tumakbo palayo. Mabilis ko namang hinabol ito. Tili ito nang tili.
"Mommy, mommy!" ani nito na mabilis tumakbo sa pwesto ni Mommy na natigilan sa biglang pagsulpot namin. Nagtago si Drey sa likod ni Mommy na takang-taka.
"What's going on, girls?" takang ani nito. Nagpigil akong mapabungisngis nang pasimpleng ipunas ni Drey sa laylayan ng dress ni Mommy ang mukha nitong may putik.
"Inaaway n'ya ako, Mommy." Sumbong ni Drey sa aming ina na si Daniah Smith-Valdemor.
"That's not true, Mom." Tangi ko sa sinabi ni Drey na ngingisi-ngisi.
"Tsk, kayo talagang dalawa. Imbes na magharutan kayo rito, pumasok na tayo sa loob. Nandyan na ang mga pinsan n'yo," ani ni Mommy. Nagkatingin kami ni Drey.
"Elle, maligo ka na kasi. Mommy, ano bang nangyayari kay Lorielle? Hindi na s'ya naliligo." Nanlaki ang mata ni Mommy paniwalain pa naman ito. Kaya ganoon na lang ang reaction nito.
"May problema ka ba, anak?" takang tanong ni Mommy sa akin.
Napanguso ako sa sinabi nito.
"Wala, Mommy. Don't tell me naniniwala kayo na hindi na ako naliligo." Napapadyak na ani ko.
Bumungisngis si Mommy.
"Im just joking. Mag-ayos na kayong dalawa. Para mas maipakita n'yo sa mga bisita ang tunay ninyong ganda," ani nito na humarap kay Drey at pinalo ito sa pwet.
"Akala mo siguro hindi ko napansin. ang mahal ng suot kong dress, Audrey." Tatawa-tawang lumayo si Drey kay Mommy. Saka ako binalikan at hinawakan na sa kamay.
"Papasok na po kami, Mommy. Pipilitin ko po si Lorielle na maligo muna." Ani nito na ikinasimangot ko.
"Naliligo nga sabi ako." Depensa ko rito. Pero malakas lang itong tumawa. Nagpatianod na lang kami at sa back door dumaan upang hindi mapansin ng mga bisita ang itsura namin. Lalo na ako na madusing dahil sa maagang pagtambay ko sa garden ko.
"May paper bag akong inilagay sa room mo, check it. Tiyak kong bagay sa 'yo ang dress na nabili ko," ani nito. Napangiti naman ako at tumango.
"Thank you, Drey." Ngiting-ngiti na ani ko rito. Nag-flying kiss lang ito saka pumasok na sa silid nito.
Pagpasok ko sa silid ay gumuhit ang ngiti sa labi ko. Tama nga ito. May paper bag nga na nakapaibabaw sa bed ko. Naghugas muna ako ng kamay upang hindi madumihan kung ano man ang gift n'ya sa akin. Pagkatapos ay agad kong tinuyo ang kamay ko at lumabas ng banyo.
Nang lapitan ko iyon ay mas lalo pa akong napangiti nang makita ang card na nakalagay roon.
For my not so pretty sister. Iyon agad ang bungad na ikinabungisngis ko.
"Isuot mo ito para magmukha kang tao, I love you."
"Ano bang tingin ng babaeng iyon sa akin? Hayop? Baliw talaga." Ani ko na napabungisngis na lang.
Sa aming dalawa, obvious naman kung sino ang pilya. Minsan nga'y napapapadyak na lang si Mommy sa kakulitan nito.
Binuksan ko ang paper bag. Para akong kinilig nang mapagmasdan ko ang bestidang naroon.
Madalas akong sabihan ni Audrey na manang ako. Pero ito naman ang madalas mang-spoil sa akin ng mga pangmanang na damit.
Isang bestida iyon na may pagka-vintage ang style. Floral iyon na tiyak na lagpas tuhod. Long sleeve din s'ya at de-ribbon ang tali sa likuran.
Tuwang-tuwa na pumasok ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos maligo ay excited na tinuyo ko ang aking katawan. Kapag si Audrey ang nagbibigay ng regalo sa akin ay may kakaibang excitement akong nararamdaman. Madalang din naman kasi itong umuwi kapag may pasok ito. Pero sa tuwing umuuwi ito ay may palagi itong uwi sa aking gift.
"Tapos ka na?" tanong ni Audrey. Sanay na ako rito na bigla-bigla na lang pumapasok ng silid. May times pa nga na katabi ko itong matulog.
Nang tignan ko ito mula sa salamin ay napasinghap ako.
"Wow, pareho tayo. Bawas nga lang ng tela 'yong sa 'yo." Tuwang-tuwa ani ko rito na hinarap na rin ito nang tuluyan.
Umikot pa ito dahilan para mapasinghap ako.
"Are you for real? Nagkulang ba ang tela?" nanlalaki ang matang tanong ko rito.
"Nope, hindi naman nagkulang. Pero pinadagdag ko kasi sa bestida mo." Pabirong tugon din nito. Malakas akong natawa at muling pinagmasdan ang ayos naming dalawa.
Kung 'yong akin ay lagpas tuhod, ito naman ay maiksi masyado. Litaw na litaw tuloy ang legs nito na malabong gayagin ko dahil hindi ako comfortable sa ganoong klase ng damit. Naka-long sleeve pa ang style, habang ito ay strap lang at backless pa ang likuran.
"You're so sexy." Puri ko rito na ngiting-ngiti.
"Sexy ka d'yan, mas maganda nga ang katawan mo. Itinatago mo lang sa mga ganyang klase ng damit." Ani ni Audrey na kunwari'y inirapan pa ako.
"It's very comfortable." Depensa ko naman dito.
"Nagmumukha tuloy akong hubadera." Dugtong pa nito na ikinailing ko.
"Bagay sa 'yo. Nakaka-amaze ka nga, eh. Ang taas ng confidence mo." Ani ko rito. Inakbayan ako nito. Magkasingtangkad lang kami nito. Kung ang buhok ko ay ipinusod ko, ito naman ay nakalugay at bahagya pang kinulot.
Tisay ako at morena s'ya.
"Perfect..." ngiting-ngiti na ani nito habang nakatitig sa salamin.
"Picture tayo." Excited na ani ko rito. Tumango-tango naman ito. Gamit ang phone nito ay nag-post pa kami.
"Ako naman, picture-an kita." Ani ko na kinuha ko ang polaroid camera ko upang kuhanan ito ng larawan.
"You're so pretty." Ani ko rito.
"Nagsabi 'yong babaeng kahit hindi maligo ay maganda pa rin."
"Ikaw talaga. Mukhang naniniwala na ang mga tao dahil palagi mong sinasabi 'yan," sabi ko rito.
"Tara na na ngang bumaba." Yaya nito sa akin. Magka-holding hands pa kami nito nang bumaba para harapin ang mga bisita namin.
"Oh, wow...ang mga dalaga ko." Salubong ni Daddy sa amin. Sabay pa kaming humalik sa magkabilang pisngi nito.
"Daddy." Masayang ani ko rito.
Pumagitna ito sa amin at inakbayan kaming dalawa ni Drey.
"Minsan lang lumabas ng lungga ang panganay ko, tapos ang bunso ko naman madalang umuwi. Susulitin ko ang araw na ito."
"Magpapabunot ka na naman ba ng white hair?" ani ni Drey.
"That's for sure." Nakangising ani ko.
"Shhh, wala akong white hair, 'no. Bata pa ang daddy n'yo." Ani nito na ikinabungisngis namin. Nang mabaling ang tingin sa amin ni Mommy ay agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito.
"Picture perfect." Usal nito habang nakatitig sa amin.
"Guys, may I have your attention please." Napatingin tuloy sa amin ang mga pinsan namin, uncle and auntie.
"Dahil bakasyon ngayon ng mga dalaga at binata natin, sagot ko na ang trip patungo sa San Ildefonso." Excited na ani ni Daddy na ikinagalak ng mga nakapwesto sa sala.
"Bigla mo kaming pina-excite, Uncle." Ani ni Dalhia. Nginitian ko ang pinsan kong ito na kumindat pa sa akin. Nang sulyapan ko si Drey ay nakatitig ito kay Dalhia at pasimpleng inirapan ito. Pasaway talaga. Mabait naman si Dalhia, hindi ko talaga alam kung bakit hindi sila magkasundo nito.
Kay Dalhia ako agad lumapit nang tapikin ni Daddy ang balikat ko. Si Drey naman ay kay Mommy lumapit.
"You're so pretty." Ngiting-ngiti na ani nito sa akin saka bahagyang pinisil ang pisngi ko.
"You too," ani ko na yumakap dito.
"Panay na naman ang irap ng bruha mong kapatid sa akin. Ang sarap bunutin ng tsani ang kilay, eh."
"Pagpasensyahan mo na lang." Mahinang ani ko rito.
"Parang laging sinisilihan ang pwet sa tuwing nakikita ako. Tsk, hindi n'ya matanggap talaga 'yong sinabi ko noon na mas maganda ka kaysa sa kanya." Ani nito na ikinailing ko na lang.
"Mga pasaway." Ani ko rito.
Nang sulyapan ko si Drey nasa mata nito ang disgusto habang nakatingin sa amin. Baka topakin na naman kaya umalis na lang ako sa tabi ni Dalhia at nilapitan ito. Agad naman itong napangiti at yumakap sa bewang ko. Pasaway rin talaga itong bunso namin.
----
"Drey, gusto mo bang sumali tayo sa kanila?" pukaw ko sa atensyon ni Drey na nilalaro lang naman ang straw sa juice nito. Bahagya itong nag-angat nang tingin sa akin.
"Bakit? Bored ka bang kasama ako?" natigilan ako saka marahang umiling.
"Hindi naman, gusto ko lang malaman kung gusto mong sumali sa kanila."
"No. I don't like. Kailan ba ako nagkaroon ng interes na sumali sa kanila? Nandito lang naman 'yang mga 'yan kasi gipit na naman."
"Drey, that's not nice." Saway ko rito."May problem lang sa business sina Uncle, you see... kausap na ni Uncle si Dad. Tiyak na masusulusyonan nila ang problem nila." Mahinahon kong ani rito pero waring umirap lang ito.
"Doon na nga lang tayo sa garden mo," ani nito na biglang tumayo at iniwan na ako. Bumuntonghininga ako at mabilis na sumunod dito.
Well, mas gusto ko nga rin roon. Tahimik at malamig. May tree house rin ako roon na paborito ko talaga lalo't pinalilibutan ang loob ng tree house ng mga libro.
Pagdating namin sa garden ay binuksan ko muna ang ilaw. Saka kami nito umakyat sa tree house. Sanay na sanay na kaming gawin ito lalo na noong mga bata kami. Kapag may mga bisita rito kami nagtatago ni Audrey.
"Lorielle, hindi ka pa nagsasawa sa mga books mo?" tanong nito sa akin na iyon talaga agad ang binungad nito. Nakapwesto na ito sa lapag. Habang ako ay kasasampa lang. Hinubad ko muna ang suot kong flat shoes. Saka paggapang na tumabi sa pwesto nito.
"Bakit naman ako magsasawa? Bukod sa pagtatanim, kumakalma rin ang isipan ko kapag nagbabasa ng books."
"Weirdo," bulong nito na ikinabungisngis ko lang naman. Hindi ako nao-offend sa mga ganoong salita nito. Mas na sad nga ako sa pagputol nito sa rose ko, eh.
"Weirdo talaga?"
"Oo, imbes na nagpa-party tayo sa mga clubs, ito at nandito tayo sa tree house mo."
"Alam mo namang hindi ako fan ng mga ganyan."
"Kaya ang dami mong nami-miss na happenings sa buhay mo, sis. Sino ba naman kasing nasa matinong pag-iisip ang ibuburo ang sarili sa ganitong lugar."
"Lumalabas din naman ako."
"Once a month? Kapag may planong bilhing books, kapag may mga tools sa garden mo na kailangan personal mong bilhin kasi mabusisi ka? Come on, sayang ang opportunity na makapagbilang ng boyfriend."
"Magbilang ng boyfriend? Bakit? Nagka-boyfriend ka na ba?" sita ko rito. No secrets kami nito, ganoon kami ka-close. Hinintay ko itong sumagot.
"No, hindi pa." Ani nito na kunwari'y kumuha ng libro. Sign lang na gusto nitong i-distract ako.
"Are you sure? No secrets tayo, wala pa?"
"W-wala, saka sasabihin ko naman sa 'yo kung mayroon na." Ani nito na kumindat pa sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi nito.
"Better, bata pa naman tayo para mag-boyfriend." Ani ko rito na inagaw ang librong hawak nito.
"Bata? Hoy, kaloka ka. Pwede na nga tayong gumawa ng bata. Matanda na tayo, Lorielle. Nasa legal age na nga."
"Bata pa tayo. Hindi pa tayo ready sa mga ganyang klase ng responsibility." Ani ko rito.
"Whatever..." ani nito na humiga at ipinatong ang kamay sa kanyang noo."Na-miss kita, Elle." Sinulyapan ko ito. Sobrang busy rin ng isang ito sa studies n'ya. Mas nauna akong grumaduate rito. Kaya ngayon ay nag-aaral pa rin ito.
"Malapit ka naman ng maka-graduate. Palagi mo na akong makakasama kapag nandito ka na sa bahay." Ani ko rito.
"Sa tingin mo ganoon ang mangyayari kapag graduate na ako?" natigilan ako at napatingin dito.
"Bakit? Mag-aasawa ka na agad? Magse-settle down ka na at sa ibang bahay na titira? Oh no..." bumungisngis ito saka tumingin sa akin.
"Seriously? Ako ba 'yong tipo ng taong magse-settle down agad? Mukha ba akong wifey material? Girl, kabahan ka. Baka ilang minuto pa lang kaming kasal ng asawa ko ay nasa club na ako at nilalaklak ang pinakamahal na alak na naroon. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ganyang estado...my plan...is to enjoy my life, alone." Napabungisngis ako rito.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka pang nakikitang lalaki na makakasama habang buhay. Pero kapag dumating 'yon, tiyak na gugustuhin mo agad." Ani ko rito pero umiling ito.
"Ayaw kong matulad sa iba, ilang araw, buwan, taon lang masaya. The rest ng marriage impyerno na." Ani nito sa akin.
"Bakit mo naman naisip 'yan? Happy naman sina Mommy and Daddy. Sobrang healthy ng marriage nila." Ani ko rito.
"Sa kanila, iyong ibang cousin natin? 'Yong mga relatives natin, kita mo naman."
"Pero magkakaiba tayo ng kapalaran..."
"That's the point, magkaiba. Hindi natin alam kung matutulad ba tayo kina Mommy and Daddy, or matutulad tayo sa ibang kamag-anak natin." Ani nito na ngumisi pa sa akin.
Totoo rin naman ang sinabi nito.
"Ah, basta. Bata pa naman tayo." Ani ko rito na sumiksik dito at niyakap s'ya.
"Kung walang dumating na right guy, never papasok sa isip ko ang mang-agaw." Ani nito. Napangiti naman ako sa sinabi nito.
"That's right. Wala sa pamilya natin ang mang-aagaw." Kinindatan ko pa ito.
"Mabalik tayo sa usapan, wala ka pa bang plan na mag-work?" tanong nito sa akin. Mabilis akong bumangon sabay upo paharap dito. Ang siko ay itinukod sa pillow na ipinatong ko sa hita ko saka nangalumbaba.
"Plan? Well, nakausap ko si Daddy. Sinabi ko sa kanya na nag-e-enjoy pa ako sa ginagawa ko ngayon. Naintindihan naman daw n'ya."
"Sa tingin mo ba matutulad din tayo sa ibang pinsan natin na kinailangan magpakasal dahil sa negosyo?" tanong nito sa akin. Natigilan ako at bahagya nag-isip. Malabo naman siguro 'yon. Stable naman ang business ni Dad, malakas si Daddy at tiyak na hindi kami no'n ipagkakatiwala sa iba para lang sa negosyo nito.
"Malabo siguro 'yon. Over protective kaya ang tatay natin." Napabungisngis ito sa naging sagot ko.
"You're right, baka nga abutin na tayo ng trenta hindi pa rin s'ya sang-ayon kung magpakasal na tayo, eh."
"Pero alam mo, naisip ko na ito matagal na. Pansin ko kay Daddy wala s'yang tiwala sa mga kapatid n'ya when it comes to business." Biglang hina ng tinig na sabi ni Drey. Nauunawaan ko naman ang ibig nitong sabihin. Bata pa lang kami noon ay na obserbahan na namin kung paano ni Daddy igapang ang company. 'Yong mga time na dapat kami naman ang kaharap nito, kaloro nito, ay naisasantabi dahil may kailangan pa itong tapusing trabaho na iniuwi nito sa bahay.
Pero dahil nasa tabi namin si Mommy, naipaliwanag naman nito kung bakit iyon ginagawa ng ama namin.
Sa laki ng sakripisyo nito, tiyak nanaisin nito na isang mahusay na tao ang magpatuloy nang nasimulan n'ya.
"Kung hindi man tayo ang humawak ng company, naisip ko na rin 'yan. Parang malabo na ipa-handle ni Daddy sa mga relatives natin ang company. May mga uncle tayo na reckless when it comes to money." Bumuntonghininga ako.
"Feeling ko talaga matutulad tayo sa mga pinsan natin," sabi nito dahilan para pareho kaming matawa.
Nang matapos tumawa ay nagkatingin kami nito.
"Hay, sana palagi ka na lang nandito. Na-miss kita." Lambing ko rito.
"Na-miss daw, pero ayaw naman sumama sa akin kapag niyayaya kong mag-bonding sa labas."
"Sorry na, hindi ko lang talaga gusto 'yong ibang trip mo." Honest na ani ko rito. Inirapan ako nito na ikinatawa ko.
Medyo adventurous kasi si Audrey. Halos 'yong mga hilig ni Daddy na sports ang nagustuhan nito. Habang indoor activities ang trip naman namin ni Mommy. Medyo malala nga lang 'yong akin dahil hindi ko talaga hilig 'yong lumabas talaga. Introvert akong klase ng tao. Para ngang nagkaka-panic attack ako kapag napalilibutan ng mga hindi ko kilala.
"Whatever..." parungit nito dahilan para muli akong matawa. Ang cute talaga nito, alam ko namang nauunawaan ako ng kapatid kong ito, eh.
"May magazine ka rito..." ani ni Drey na luminga-linga sa shelf ko.
"'Yon, kalalagay ko lang ng mga bago. 'Di ko naman tinitignan, display lang." Ani ko rito na ikinailing nito.
"Mas masaya pang magbuklat ng mga magazine kaysa sa books mo." Dinilaan p ako nito saka kumuha ng tatlong piraso ng magazine at muling bumalik sa pwesto n'ya kanina.
"Wow! Latest ito, oh." Excited na ani nito na iniharap sa akin ang magazine na ang front page ay mukha ng nasa top 15 successful businessman sa bansa.
"Display ko lang naman 'yan." Ani ko na napabungisngis at humiga para ma-relax ang likuran.
"Ang gwapo nito, oh." Iniharap nito ang front page at turo-turo ang gwapong lalaki na nasa pinakagilid. Maamo ang mukha ng lalaking iyon. 'Di tulad ng mga kasama nito na makikita at dama mo agad ang authority. Opinion ko lang naman iyon.
"Mas gwapo itong isa." Ani ko na itinuro ang pinakagitnang lalaki.
"Si Hendrix Zimmer? You're right, pero mas bet ko talaga ang isang ito." Inilapit pa talaga nito ang magazine.
"He's cute." Tipid na sagot ko rito.
"He's pogi, gwapo, yummy." Exaggerated na sabi nito na ikinatawa ko at bahagyang inilapit ang daliri sa tagiliran nito at bahagyang tinusok iyon. Mabilis naman nitong pinigil sa pangingiliti ang kamay ko.
"May pa yummy ka pang nalalaman d'yan."
"S'ya si Dane Luigi Alvarez. Single rin s'ya at successful sa field na tinatahak n'ya."
Mukhang natipuhan nga nito. Pero ako? Mas attracted pa ako sa mga bulaklak sa hardin ko at sa mga nakahilerang libro rito sa tree house ko, kaysa sa mga lalaking ngayon ay tinititigan nito.
"Ganito ang gusto kong lalaki. Mukhang maginoo pero mukha ring may itinatagong bastos sa katawan." Nanlaki ang mata ko at kumibot-kibot ang butas ng ilong sa narinig dito.
"Maghunos-dili ka." Pabirong ani ko rito na gulat pa rin sa labis na pagkamangha sa sinabi n'ya.
"I'm just joking. Your reaction is so cute." Ani nito. Saka initsa ang magazine sa paanan. See, hindi na nito inayos. Pasaway talaga itong si Audrey.
Pareho na kaming nakahiga. Biglang natahimik.
"Anong iniisip mo?" tanong ko rito. Bumuntonghininga kasi ito na waring ang bigat ng dibdib at malalim ang iniisip.
"Kung matalino kaya ako katulad mo sa tingin mo 'yong grandparents natin magiging close ko?"
"Matalino ka naman. Ikaw nga naa-apply mo sa reality lahat nang natutunan mo, samantalang ako magaling lang sa libro, not in application."
"Pero hindi naman ganyan ang batayan nina Lolo and Lola pagdating sa galing at talino."
"Para sa akin magaling ka. Saka kung ayaw nila sa atin, 'di don't." Pabirong ani ko rito.
"Tsk, nasasabi mo 'yan kasi paborito ka ng lahat."
"That's not true. Saka ang mahalaga lang naman sa akin ay kung ako ba ang pinakapaborito mo sa lahat. Iyon lang. Ako ba ang pinakapaborito mong kapatid?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito.
Natawang pinitik nito ang tungki ng ilong ko.
"Sira, ikaw lang naman ang kapatid ko. 'Wag ka ngang mag-drama d'yan. Saka higit kanino man, ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Tiyak naman na hindi magagalit sina Mommy and Daddy kung malaman nila iyon. Masyado ka kasing deserving na pahalagahan. Ikaw nga lang 'yong nagtitiis sa akin kahit 'yong mga pinsan natin ay pikon na pikon na sa akin."
"Of course, love na love kaya kita." Ani ko rito.
"So? Sang-ayon ka na nakakapikon ako?" biglang bago ng mood nito.
"Sometimes?" ani ko na sinabayan pa ng pabirong pag-angat ng kilay.
"You're so mean." Ani nito na nanulis ang nguso.
"Ang importante naman, sisters for life tayo." Ani ko rito.
"Tama! Walang titibag." Ani nito na ikinangiti ko.
"Ahmm..." napukaw ang atensyon namin sa narinig naming pagtikhim. Nang lumingon kami sa pinto ng tree house ay nakasilip na roon si Mommy.
"Mommy?" ani ko rito. Pumanhik ito at umupo sa gilid ko.
"Naggi-girls talk kayo tapos hindi n'yo ako sinama." Pabirong ani nito.
"Busy ka kaya." Ani ni Drey na tumulis ang nguso saka bumangon at tumabi kay Mommy. Naglalambing na yumakap ito sa bewang ni Mommy.
"Kaya kong iwan ang lahat ng ginagawa ko para sa inyong dalawa." We both know that. Family is our Moms' priority.
"Weh?" pabirong ani ni Drey rito.
"What do you mean by that? Hindi ka naniniwala?" heto na naman po si Drey, pagtri-trip-an na naman n'ya ang kawawa naming ina. Pero habang pinagmamasdan ko ang mga mukha nila habang tumatawa, hindi ko maiwasang mangiti. Picture perfect kasi ang nakikita ko. Hindi maju-justify ng isang larawan ang tunay na pakiramdam na makita ang mga ito sa ganitong akto.