1 - Prologue
"Paano mong nagawa sa akin ito?" walang tigil sa pagbagsak ang luha ko habang titig na titig sa babaeng isa sa pinagkatiwalaan ko. Bahagya itong nagkibitbalikat na waring wala lang dito ang tanong ko at ginawa nito.
"Hindi naman kasi pwedeng ikaw na lang palagi. Hindi pwedeng sa 'yo na lang ang lahat."
"Kaya pati ang asawa ko? Kaya pati si Dane?" sigaw ko rito. Nagpupuyos ang dibdib sa sobrang galit na titig na titig dito.
Gusto kong hilain ang buhok n'ya, gustong-gusto ko s'yang saktan. Pero alam kong hindi iyon sapat para maibsan ang puso kong ngayon ay labis na tumatangis sa sakit ng dahil sa kanila.
"Hindi pa ba enough na lumaki kang lahat ng gusto mo ay ibinibigay sa 'yo? Lahat ng gusto ko sa 'yo ibinigay, masyado kang mapalad to the point na tanggap ka na lang nang tanggap." Sumbat nito sa akin. Walang kabulugang sumbat. Dahil kahit kailan ay hindi naman ako naging madamot dito.
"Kasalanan ko ba? Kasalanan ko pa ba 'yon? So, dapat ba mag-sorry ako sa 'yo dahil lang hindi mo nakuha 'yong gusto mo sa tamang paraan?" napaatras ako nang humakbang ito palapit sa akin.
"Wala na akong pakialam kung paano ko nakuha ang lahat ng mayroon ako ngayon. Ang mahalaga nasa akin na lahat ng mayroon ka." Ngumisi ito saka bahagyang pinahid ang luhang umalpas sa mga mata nito. Ang isang kamay nito ay nanatiling naka tago sa likod nito. Tiyak akong patalim ang nakakubli roon.
Napaka-selfish n'ya. Bakit hindi ko iyon nakita noong una pa lang? Bakit hinayaan kong mapalapit ako ng labis dito? Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit minahal at pinagkatiwalaan ko ito, itinuring na kapatid kahit hindi ko kadugo, bakit? Kaya damang-dama ko 'yong sakit. Ngayon, nailalabas at nagagawa ko itong tanungin at sumbatan, na hindi ko nagawa noong natuklasan ko ang panloloko nila sa akin.
"Dito na matatapos ang lahat, Lorielle. Umalis ka na sa buhay namin. Ikaw ang hadlang sa inaasam kong buhay. Sa buhay ng pamilya natin, sa buhay ni Dane, sa lahat ng mga plano kong nasira dahil lang nandyan ka. Iisipin ko na lang na aksidente ang lahat, hinding-hindi ako lalamunin ng konsensya na matagal naman ng wala sa akin. Mamatay ka na, Lorielle. Iyon lang naman ang dasal ko."
Napasinghap ako sa sinabi nito. Nasa gilid na ako ng yate. Wala na rin namang aatrasan.
Nanlalabo na ang paningin ko sa matinding pag-iyak. Ang salamin ko ay waring nag-moist na. Walang ibang tao sa bahaging ito ng yate. Tulog na ang ibang kasama namin, si Dane? Hindi ko alam kung saang banda ng yateng ito nakapwesto. Baka pinanonood n'ya kami nang palihim? Baka nagbubunyi s'ya sa nangyayari ngayon sa aming dalawa ni Audrey. Hindi alam, at ayaw ko nang malaman pa.
Wala akong matawag na pwedeng tumulong sa akin. Lahat kasi sila alam ang kagaguhan ni Audrey pero nakatikom ang kanilang mga bibig.
Lahat sila ay trinaydor ako. Lahat ng mga taong mahal ko ay nagawa ni Audrey na kunin ang loob.
Habang ako? Mag-isa, mag-isa at sakal na sakal na.
Napasinghap ako nang ilabas nito ang patalim.
"Hindi ka minahal ni Dane. Bago ka mamatay ay gusto kong marinig mo 'yan. Hindi ka n'ya mahal, nagtiis lang s'ya sa 'yo para magawa n'ya ang plano n'ya." Ngumisi ito at muli pang humakbang palapit sa akin. Saka ito huminto. Nanginginig ang tuhod ko, ang katawan ko sa labis na takot sa posibleng gawin nito sa akin.
"A-udrey?"
"Hindi ka minahal ng lalaking iyon. Pera mo lang ang ginusto n'ya, at alam mo ba? Kasama n'ya akong lulustay ng lahat ng pera mo." Tumawa ito. Gahaman, hindi pa na kontento sa ibinigay ng family namin para sa kanya.
"Hindi kayo magiging masaya." Malungkot ang tinig na ani ko rito. Pakiramdam ay sukol na sukol na ako. Wala na ring tumutulo pang luha. Napagod na siguro, natapos na sa pagbagsak.
"Magiging masaya kami, Lorielle. Magiging masaya kami kasi wala ka na. Ikaw lang ang sagabal sa kasiyahan naming lahat." Ani nito na bahagyang bumungisngis. Nakukuha pa nitong bumungisngis sa kasalukuyang kalagayan namin?
Grabe talaga ang kasamaan nito.
"Mali ang binabalak mo."
"Sino ang makapagsasabi na mali ito? Walang makakakita, walang magiging saksi sa magiging kamatayan mo. Kung mayroon man, sino sa tingin mo ang kakampihan?" tama s'ya, sino pa nga ba ang kakampihan? Malaman si Audrey rin. Nakuha na nga kasi nito ang loob ng lahat. S'ya na ang paborito, s'ya na ang mahal nilang lahat. Ako? Ito, mukhang mamamatay na habang wasak ang puso dahil na rin sa kanilang lahat.
"Tama ka, walang makakakita. Isipin na lang natin na wala mang makakita, titiyakin ko namang uusigin ka ng konsensya mo." Natigilan ito sa sinabi ko."Patayin mo na ako, Audrey. Patayin mo na ako, para naman at least nadungisan ng dugo ko ang palad mo. Tiyak na kahit anong mangyari ay iisipin ng mga tao na pinatay mo ako, na mamamatay tao ka."
Kitang-kita ko na labis itong naguluhan.
"Nakalimutan ko nga pa lang sabihin, ilang oras mula ngayon ay lalabas ang video ninyo ni Dane. Malalaman ng lahat kung gaano ka kadumi." Napasinghap ito sa labis na gulat.
"Anong sabi mo? Ano..." humakbang pa ito at tuluyan na ngang nakalapit sa akin. Itinutok nito ang patalim sa leeg ko.
Biglang nawala ang takot sa akin. Bigla na buhay 'yong kumpyansa ko na kahit papaano ay waring na yanig ko ang pader na promoprotekta rito.
"Kung mamamatay man ako, tiyak na hahangarin mo ring mamatay pagkatapos nang inihanda kong ito." Malawak ang ngising ani ko rito.
"Bwisit ka talaga sa buhay ko, Lorielle! Mamatay ka na nga lang sanaaaaa!" sigaw nito. Nanginginig na nga rin ito sa matinding galit. Bahagya ko itong tinapik.
"Kahit mamatay ako, tiyak na maaalala pa rin ako ng lahat. Walang liligaya, walang matatahimik oras na mamatay ako. Tiyak na sa 'yo nila ibabagsak ang sisi." Ngumisi ako rito sabay tulak dito. Napaatras naman ito, ang ngisi sa labi ko ay hindi nawala.
"Paalam, Audrey. Paalam kapatid ko." Nakangising ani ko rito. Nanlalaki ang mata nito. Mukhang pinoproseso pa sa utak ang sinabi ko.
"L-orielle?" isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko rito bago itinuloy ang plano. Lumusot ako sa railing saka nagpatihulog.
"Lorielleeeee!" hintakot na hiyaw ni Audrey, bago pa man ako tuluyang lamunin ng tubig kitang-kita ko ang pagsulpot ni Dane.
Tinatawag ang pangalan ko, nasa mukha nito ang labis na pag-aalala, ang labis na takot. Pero huli na ang lahat. Kung ito man ang katapusan ko, siguro nga'y mas mabuti na rin. Hindi ko na rin naman nais pang magpatuloy.