SHE’S GONE
Late nanaman ako sa usapan namin ni ‘Babe’. Tiyak gulo ‘to. Natatawa ako. Pero nag-aalala rin. Mabangis kasi ang girlfriend ko, parang tigre ‘pag nagalit.
Pero pagdating ko sa tagpuan namin. Mayumi siyang ngumiti sa’kin. Wala akong nakitang pagkairita at di siya galit. Nakakapagtaka.
“Sorry, babe, nahuli ako.” Kamot-ulo kong paghingi ng paumanhin.
“Okay lang. Di naman ako nainip.” Ngumiti lang siya kasabay ng pagpungay ng mga mata niya. Ang ganda talaga niya. Naka-white dress siya tulad ng lagi niyang suot. Mukhang nahihilig siya sa ganyan. Mas lalo tuloy lumulutang ang ganda niya.
Di muna ako nagsalita pagkasagot niya. Hinihintay ko kasing punahin niya ang damit kong kulay ‘orange’. Madalas kasi kung ano ang gusto niyang ipasuot sa’kin ‘yon lang dapat ang isuot ko. At ayaw na ayaw niyang nakikita akong magsuot ng napakakulay na damit. Masakit daw kasi sa mata. Pero wala siyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa’kin. Gaya ng mga nakaraang pagkikita namin, di niya pinupuna ang suot ko. ISANG HIMALA!
Nami-miss ko ang pagiging ‘nagger’ niya. Minsan sinasadya kong galitin siya pero tinitingnan niya lang ako at blanko siyang ngingiti. Siguro nagbago na siya? Dahil din siguro sa’kin yun. Madalas kasi namin pag-awayan ang ugali niyang ‘yon. Nakakapuno narin kasi minsan at nakakasakal narin. Siguro dahil sa pagmamahal niya sa’kin kaya nagbago siya. Ayaw niya siguro akong mawala. Pero mas ayaw ko siyang mawala. At mas mahal ko siya higit sa pagmamahal niya para sa’kin.
Kapag nag-aaway kami ako ang madalas nagpapakumbaba. Kahit siya ang may mali, ako ang magso-sorry. Kapag okay na kami, extra sweet siya. Naiisip niya siguro na siya talaga ang may mali.
Napakaganda niya talaga. Ang sarap niyang pagmasdan at hindi nakakasawa. I’m so much in love with this girl in front of me. Di ko hahayaang mawala siya. Nasambit ko sa isip ko habang nakatitig kami sa isa’t isa. “Saan mo gustong pumunta?” tanong ko at hinaplos ko ang maamo niyang mukha.
“Kung saan mo gusto,” matipid na sagot niya at hinaplos niya rin ang mukha. Ang lamig ng kamay niya. Siguro ang tagal niyang naghintay sa’kin dito?
HIMALA! Sabi walang himala? Pero meron! Himala nanaman ‘to! Madalas siya ang nagsa-suggest ng pupuntahan namin. Pero, oo nga pala. Sa mga nakaraang date namin ako na ang bahala kung saan kami pupunta. Pero dinadala ko siya sa kung saan mag-i-enjoy siya. Sa mga maingay na lugar, sa mall, sa bar, ‘yon kasi ang hilig niyang mga lugar. Mahilig kasi siya makipagsosyalan. Ako naman, mas trip ko ang kahit sa bahay lang. Basta kasama ko siya at hawak ko ang kamay niya, kontento na ako.
Ngayon dadalhin ko siya sa ‘Park’. Mas gusto ko kasi talaga dun dahil tahimik.
Sumama siya. Di siya nagreklamo. Hawak ko ngayon ang kamay niya na ayaw niya lalo na kapag maraming tao. Naaartehan kasi siya sa mga magkasintahan na PDA. Pero ngayon hawak ko ang kamay niya at ang sweet naming dalawa. Gabi pero marami parin tao. Maraming nakakakitang holding-hands kami. Pero di siya nagagalit.
Hindi naman sa di siya sweet na girlfriend. Kapag kami lang, dun niya pinapakita ang pagiging sweet niya. Malambing siya. Kaya nga kahit madalas niya akong barahin, love na love ko siya. Mas madalas pa nga na siya ang nagbibigay ng gift sa’kin. Pinagluluto niya rin ako minsan kapag dumadalaw siya sa bahay. Pamilya na ang turing ng family ko sa kanya. Kapag may sakit ako, kahit may pasok siya sa trabaho uma-absent siya para bantayan ako. Ganun din naman ako sa kanya. Di baleng mapagalitan ako ni boss, masiguro ko lang na maayos siya at iniinom niya ang gamot niya. Pasaway kasi siya, ayaw niyang umiinom ng gamot. Daig niya pa ang bata kung magmaktol. Na pinagtatawanan ko nalang at hahalikan siya sa noo. Kahit pa nakakahawa ang sakit niya tulod ng ubo at sipon, yayakapin ko parin siya at hinahalikan. At sasabihin kong hati nalang kami sa sakit para madaling gumaling.
Naupo kami malayo sa mga tao. Napakatahimik. Ingay ng kalikasan ang maririnig mo at ang sarap langhapin ng simoy ng hangin. Medyo malamig kaya niyakap ko siya. Inihilig niya ang ulo niya sa dibdib ko para damhin ang init ng katawan ko.
“Babe, anong gusto mong kainin?” tanong ko. Di pa kasi kami nagdi-dinner.
“Di ako nagugutom.” Muling matipid niyang sagot.
HIMALA! Sa totoo lang kasi mas malakas siyang kumain sa’kin. Sa tuwing lalabas kami, siya dapat ang masunod kung saang restaurant kami kakain. At siya ang nagyayaya kung kakain na kami. Pero di naman siya tumataba. Nakakapanibago siya. Mas magaan ang pagsasama namin ngayon dahil wala nang gaanong away. Pero sa mga pagbabago niya may iba akong nararamdaman.
Di na ako bumili ng pagkain dahil di rin naman ako ganun kagutom. Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa future namin, sa kasal at sa magiging pamilya. Pero oo lang siya ng oo sa’kin. Puro lang siya pagsang-ayon. Pati ‘yong magiging kwarto namin, na ang sabi niya dapat kulay pink dahil ‘yon ang paborito niyang kulay, e, pumayag na ako nalang ang bahala sa gusto kong kulay.
“Gawin mo kung ano ang gusto mo. Kung ano ang magpapasaya sa’yo. ‘Wag mo akong iisipin.” Siya, sa napakaseryoso niyang tono. Kanina ko pa napapansin ang malungkot niyang mga mata. ‘Yong pakiramdam na parang nagsasawa na siyang kasama ako.
“Ang laki na talaga ng pinagbago mo.” nakangiti kong sabi sa kanya at muling niyakap ko siya.
“Itigil na natin ‘to.” Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa sinabi niyang ‘yon. Natakot ako.
Ito na ba yung kinatatakutan ko?
?
?
?
?
?
Natigilan ako. Di ko alam ang sasabihin. Pumatak ang luha ko. Wala paman siyang ibang sinabi at ‘yon palang pero naiyak na ako. Itigil ang alin? Sa isip ko, na di ko magawang itanong. Natatakot ako sa magiging sagot niya.
“Tama na, Jes. Palayain mo na ako.” Dama ko ang panlalamig sa boses niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Ni di ko maibuka ang bibig ko. Nanlamig na ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Walang bakas ng pag-aalangan. s**t! Seryoso siya.
“A-Ano b-bang sinasabi mo?” pinilit kong magsalita.
“Palayain mo na ako, Jes.” Seryoso talaga siya. Nakatitig siya sa mga mata ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. Winaksi niya.
Niyakap ko siya. Pumiglas siya at tumayo.
PAK!
Narinig ko mula sa pisngi ko nang lumapat ang palad niya. Sa tunog ng sampal, masasabing malakas. Pero wala akong maramdaman. Puso ko ang masakit. Parang may asong ulol na nginangatngat ang puso. Napakasakit. Ang pinakamamahal kong babae, hininiling na palayain ko na siya.
Bakit? Yun lang ang naiisip kong tanong pero di ko mabigkas. Madalas kaming mag-away. Pero kahit kailan di niya ako sinampal.
“Pakawalan na natin ang isa’t isa. Pagod na ako, Jes.” May luha sa mga mata niya. At dahan-dahan narin pumatak ang mga luha ko sa mata.
“May iba na ba?” nanginginig kong tanong.
“Wala.” Derichong sagot niya.
“Mahal mo ba ako?” may pagmamakaawang tanong ko. Dahil ayaw ko siyang mawala sa piling ko dahil siya na ang buhay ko.
“Mahal na mahal. Kaya nga di kita maiwan. Pero nahihirapan na ako.” Iyak niya.
“So, ano? Bakit ka nahihirapan? Ano ba ang nagawa ko? Ano ba ang mali ko? Minahal kita alam mo ‘yan. Anong dahilan? Please, ‘wag mo namang gawin sa’kin ‘to, babe.” Pagmamakaawa ko.
“Dahil sa pagmamahal mo! Dahil dyan, nahihirapan na ako! Palayain mo na ako!” napasigaw na siya. Talagang gusto niyang iwan na ako.
“Naguguluhan ako. Jane, prank ba ‘to?” napaiyak narin ako.
“Gumising ka nga Jes!” mas lumakas ang boses niya. “Tatlong buwan na akong patay! Nahihirapan na ako! Pinili kong mag-stay sa’yo para di ka malungkot. Dahil ayaw kong iwan kang umiiyak at nasasaktan. Pero mali pala ako. Mas lalo kong ginawang mesirable ang buhay mo.”
Umiling-iling lang ako. Di ko alam ang sinasabi niya? Naguguluhan ako. Ano bang ibig niyang sabihin? Ano bang kalokohan ang pinagsasabi niya?
“Paalam na, babe. Paalam…” hawak niya ang pisngi ko pero di ko maramdaman ang kamay niya. Talagang nagpapaalam na siya. Nararamdaman ko sa boses niya na talagang lilisan na siya. Iiwan niya akong mag-isa.
Di ko alam ang sasabihin. May dapat ba akong sabihin? Nagpapaalam siya. Sasabihin ko bang ‘Paalam’? Tutugon ba ako ng ‘Sige’?
Hinawakan ko ang kamay niya. Pero di ko siya mahawakan. Tumagos ang kamay ko. Nangyayari ba talaga ang mga bagay na ‘to? Unti-unti na siyang nawawala. Napanganga nalang ako at nanlaki ang mga mata ko. Ano ba talagang nangyayari?
Panaginip? Panaginip ba ‘to? O isang himala? Ano ‘to?
Ang alam ko, ang gabing ‘yon ang panaginip. Ito ba totoo ‘to? At totoo ang gabing ‘yon?
Wala na akong naitugon sa kanya kundi ang patuloy na pagdaloy ng luha ko sa mga mata. Hanggang sa mawala nalang siya. Bigla siyang naglahong parang bula sa harapan ko. Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang lahat nang ‘to. Patay na siya? ‘Yon ba ang sinabi niya? Napaluhod nalang ako sa lupa at napayuko.
~~~
3 MONTHS AGO…
Sa birthday party ng isa nilang kaibigan, lasing na lasing na si Jes at nakainom narin si Jane. May tampuhan silang dalawa. Pauwi na sila at walang magmamaneho ng kotseng dala nila. Nagpumilit siyang mag-drive.
“Babe, kaya mo ba talagang magmaneho? Baka mapa’no tayo?” si Jane.
“Kaya ko. Ako lang ang sasakay sa kotse. Sumabay ka nalang kina Drake. Di uminom ‘yon. Siguradong safe ka dun. Sa kanya kana lang magpahatid.” Galit na sagot niya.
“Sumabay kana rin kaya sa’min. Iwan mo muna ‘tong kotse dito! ‘Wag kana ngang makulit!” napasigaw na si Jane dahil sa kakulitan niya. Kanina pa siya nito sinusuyo pero talagang masama ang loob niya.
“Yan kana naman! Inuutusan mo nanaman ako. Kaya ako naglasing dahil sa sama ng loob ko sa’yo! Para akong bata na kailangang manduhan mo. May sariling buhay naman ako, Jane! Napapahiya ako sa barkada dahil sa mga ginagawa mo.” Agad siyang pumasok sa kotse at pinaharurot ito na masama ang loob.
Nakauwi siyang ligtas. Pero di si Jane. Nabangga ang kotse kung saan ito nakasakay. Dead on arrival na ito ng madala sa ospital.
Hindi natanggap ni Jes ang nangyaring trahedya. Nang gabing ‘yon tinawagan siya ng isa sa mga kaibigan nila na kasama ni Jane sa kotse na nakaligtas. Pero di niya ‘yon pinaniwalaan. Natulog lang siya. At kinaumagahan ng aksidente pagmulat niya nakita niya si Jane sa tabi niya. Matamis ang ngiti nito at bumati pa sa kanya ng magandang umaga. At nag-sorry pa sila sa isa’t isa.
Hindi pumunta sa burol ni Jane si Jes. Di rin nakipaglibing. Sa isip niya buhay pa ang babaeng pinakamamahal niya. At araw-araw silang magkasama. At nagdi-date sa kung saan-saan. Pero sa mga lakad na ‘yon, mag-isa lang si Jes. Naglalakad siyang mag-isa, tumatawang mag-isa, kumakain nang mag-isa at nagsasalita nang mag-isa.
~~~
Nasa park parin si Jes at umiiyak. Nasa loob siya ng kotse niya. Kotseng kung sana pinasakay niya si Jane noong gabing ‘yon ay parehas silang makakauwing ligtas. Ini-start niya ang makina. At dericho siyang nakatingin sa kalsada.
Kailangan ba talagang magpaalam ka? Kailangan ba talagang iwan mo ako? Kailangan ba talagang mawala ka? Mahal na mahal kita, Jane. Sa isip niya. Ngumiti siyang may luha parin sa mga mata. “Magkita nalang tayo, babe.” Buong-loob na sabi niya at pinaandar niya ang kotse.
~end~