MAMAMATAY NA AKO
HABANG ISINUSULAT KO ‘TO, NANGANGANIB ANG BUHAY KO. HABANG NASA MGA LETRA ANG MGA MATA KO, MAY MGA MATA NAMANG PINAGMAMASDAN AKO. GUSTO NIYA AKONG PATAYIN. NAND’YAN LANG SIYA. DUDUKUTIN NIYA AKO AT DADALHIN SA ABANDUNADONG BAHAY NA NASA LIBLIB NA LUGAR. DUDUKUTI NIYA ANG MGA MATA KO. KAHIT MAGSISIGAW AKO NANG MALAKAS, WALANG MAKARIRINIG SA ‘KIN. SASAKTAN NIYA AKO AT PAHIHIRAPAN. SASAKSAKIN NANG PAULIT-ULIT AT LALASLASIN NIYA ANG LEEG KO. PERO HINDI NIYA AKO TULUYANG PAPATAYIN, DAHIL GUSTO NIYANG SOBRANG MAHIRAPAN AKO AT MARAMDAMAN ANG BAWAT SAKIT AT KIROT NA GAGAWIN NIYA SA ‘KIN. TATLONG BESES NIYANG PUPUKPUKIN NG MARTILYO ANG ULO KO AT TATANGGALAN NIYA AKO NG MGA KUKO AT ISUSUNOD ANG ILANG DALIRI KO. HABANG NAHIHIRAPAN AKO AT HUMIYAW SA SAKIT, AT HALOS MALIGO NA AKO SA SARILI KONG DUGO, MAS LALO SIYANG NASISIYAHAN. GUSTO NIYA NA HALOS HINDI NA AKO MAKAGALAW. HABANG NASA SITWASYON AKONG GANO’N, LALAGARIIN NIYA ANG KALIWANG PAA KO. SA PAGSIGAW KO, PARA SIYANG MABABALIW SA TUWA. MASIYAHIN SIYA, AT MARAMING ALAM NA JOKE. KAPAG HINDI AKO TUMAWA, BUBUNUTAN NIYA AKO NG NGIPIN GAMIT ANG PLIERS. KAPAG NAHIRAPAN SIYANG MAGTANGGAL, HAHAMPASIN NIYA NG MARTILYO ANG BUNGANGA KO. MAY GARAPON NA PUNO NG IPIS AT DAGANG MALILIIT, IPAPAKAIN NIYA ANG MGA ‘YON SA ‘KIN. KAPAG HINDI KO IBINUKA ANG BIBIG KO, GAMIT ANG MALAKING GUNTING, PUPUTULIN NIYA ANG LAHAT NG DALIRI KO AT IPAPAKAIN DIN ‘YON SA KIN. IPAGDARASAL KO NA MAMATAY NA LANG AKO, PERO HINDI PA AKO MALAGUTAN NG HININGA. PUPUTULIN NIYA PA ANG DILA KO AT PUPUNITIN ANG BIBIG KO. PANGARAP NIYA MAGING DOKTOR, HIHIWAAN NIYA ANG TIYAN KO AT IPAPASOK ANG ILANG IPIS, TAPOS TATAHIIN NIYA ‘YON PARA MAGSARA AT PAPAHIRAN NIYA NG ALCOHOL PARA DI RAW MA-INFECTION. MAHILIG SIYA SA APOY, BUBUHUSAN NIYA AKO NG GASOLINA AT SUSUNUGIN. ISANG RASON KUNG BAKIT NIYA GAGAWIN YUN DAHIL GUSTO NIYA RAW ANG AMOY NG BARBEQUE. KAPAG NAGSAWA NA SIYA, DAHIL NA-BORED NA SA ‘KIN, PAPATAYIN NIYA NA AKO. GAMIT ANG PALAKOL, PUPUTULIN NIYA ANG ULO KO. AT ICHA-CHOP-CHOP NIYA PA ANG BUONG KATAWAN KO.
MAMAMATAY NA AKO. PAPATAYAIN NIYA AKO… AT ISUSUNOD KA NIYA. HABANG BINABASA MO ‘TO, NAKIKILALA KA NA NIYA. ALAM NA NIYA KUNG SAAN KA PUPUNTAHAN. MAARING NAKATINGIN NA SIYA NGAYON SA ‘YO SA LABAS NG BINTANA. MAARING ANG NARIRINIG MONG KALUSKOS O INGAY, SIYA NA ‘YON. SUSULPOT LANG SIYA KUNG SAAN, SA LAHAT NANG MAARING PAGTAGUAN. KAYA ‘WAG KANG GAGALAW, AYAW NIYA NANG MALIKOT. GUSTO NIYA ANG MGA BAGAY NA HINDI GUMAGALAW AT HINDI HUMIHINGA. KAYA GAGAWIN NIYA SA ‘YO ‘YON. KAYA MAGING ALERTO KA. HINDI MO PA LUBOS NA KILALA ANG MGA NAKAPALIBOT SA ‘YO. MAARING KAIBIGAN MO, KAPITBAHAY, NAGLALAKO NG TAHO O BALUT, JEEPNEY DRIVER, TAXI DRIVER, KA-CHAT MO, BISITA SA BAHAY, LAHAT MAARING PAPATAY SA ‘YO. MAGING SARILING PAMILYA MO.
AT SIYA NGA PALA, DAHIL SUSUNOGIN NIYA AKO, MAARING IKAW NAMAN AY BABALATAN NIYA NANG BUHAY. UUNAHIN NIYA SA NOO MO, PABABA HANGGANG SA BUONG KATAWAN MO. HINDI KA AGAD MAMAMATAY, HIHILAHIN NIYA PA ANG MGA UGAT MO SA KATAWAN. MAMAMATAY NA TAYO. MALAPIT NA. PAPATAYIN KA NIYA.
PAALAM NA. MAMAMATAY NA AKO. MAMAMATAY NA AKO. MAMAMATAY NA AKO. MAMAMATAY NA AKO.
PS: KAPAG TULOG KA, NANDIYAN SIYA.