CHAPTER 3

2070 Words
“Mark!” sigaw ni mama kay papa at agad akong dinaluhan. She hugged me tightly. As if papa can't hurt me again. Nanginginig ang buong katawan ni mama, ramdam ko iyon sa higpit ng yakap niya sa akin. Umiiyak siya habang sunud sunod ang pag iling kay papa. Habang si papa ay nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa akin. Taas baba ang kanyang dibdib sa sunud sunod na paghinga. At pulang pula ang mukha sa galit. Tila ba ano mang oras ay sasaktan niya ako ulit dahil kuyom na kuyom ang kanyang mga kamao. “Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito! Nakakahiya ka!” sigaw ni papa sa akin. Halos lumabas na ang mga litid sa kanyang leeg dahil sa sigaw na iyon. Mariing nakaturo ang hintuturo sa akin. “Mark, please, calm down! Let’s talk this-“ “No, Irene!” singhal niya kay mama. “Kaya lumalaki ang ulo ng batang ‘yan dahil kinukunsinti mo!” Magsasalita pa sana si papa pero tumunog bigla ang cellphone sa kanyang bulsa. It’s business again! “Hindi pa tayo tapos!” Duro pa niya ulit sa akin at tinabig kami ni mama nang lumabas siya ng pintuan. Narinig naming pareho ni mama ang pagharurot ng kanyang sasakyan paalis. Importante marahil dahil biglaan ang kanyang pag alis. May ganitong problema pero kaya niya kaming iwanan sa binggit para lang sa negosyo niya. Sabagay… even before he’s always like that. Ni wala nga akong matandaan na naging present siya sa mga importanteng ganap sa buhay ko. Umiiyak si mama habang haplos ang aking mukha. Hindi ko magawang umiyak dahil sa pagkabigla sa ginawang pagsampal ni papa sa akin kanina. Manhid pa nga ang pisngi ko at ni hindi ko maramdaman ang kamay ni mama na humahaplos doon. “Kailan pa?” sa nanginginig na labi at boses ay tanong ni mama sa akin. I saw pain in her eyes full of tears. “A-ang alin po?” maang maangan pa ring tanong ko. Muling napaiyak si mama at niyakap na naman ako. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak habang yakap ako. Ni wala ngang pumapasok sa utak ko kung bakit nangyayari ang mga kaganapang ito ngayon sa amin. Para bang naalog ang utak ko sa ginawang pagsampal ni papa kanina. Kinalma ni mama ang kanyang sarili at inakay ako sa kusina. Hindi mapatid patid ang mga luha niya habang ipinaghahanda ako ng meryenda. “Ma, may problema po ba?” nag aalalang tanong ko. Ngayon na unti unting lumilinaw ang isipan ko. Parang nakukutuban ko na ang mga susunod na sasabihin ni mama. The way papa shouted at me earlier was as if I already knew it. Do they already know that I'm pregnant? But how? “Mamaya na tayo mag usap. Kumain ka muna at mukhang gutom ka,” sisinghot singhot na sabi ni mama sa akin. It was my favorite lasagna. At kung normal na araw lang siguro iyon kanina ko pa iyon nilantakan. These past few days I haven't been able to eat well because of my problem. Added to that, Jared and I didn't get along since he found out I was pregnant. And that he wanted me to abort the child. To end our problem. But I won’t do that to my own blood. Nakailang subo lang rin ako ng pagkain dahil ilang na ilang ako sa mga titig ni mama sa akin. At talagang wala akong gana. Bawat galaw ko nga ay sinusundan niya ng tingin. Iniligpit ni mama ang pinagkainan ko at muling naupo sa harapan ko. This time seryoso na siya. Kinuha niya ang magkabilang kamay ko na nakapatong sa lamesa at hinawakan iyon ng mahigpit. Ngumiti siya sa akin ng tumingin ako sa kanya. Pero hindi gaya ng mga ngiti niya dati ay hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Napabuntong hininga na naman siya at hinaplos ang aking pisngi. Makailang ulit pa niyang hinaplos haplos ang pisngi ko bago siya bumuntong hininga ulit. Hula ko na kanina na alam na nilang buntis ako pero parang ayaw pang paniwalaan ng utak ko. Kaya naman nanlalaki ang aking mga mata at tinambol ng malakas ang dibdib ko nang ilapag ni mama sa ibabaw ng lamesa ang mga balot ng pregnancy test kit na itinapon ko sa basurahan no’ng nakaraan. “We will only be three here at home. If we have a maid, she is old enough to use that kind of thing.” Tukoy ni mama sa mga plastic ng pregnancy test kit. “And I got those from your trash. Monnette, are you pregnant?” Nakita ko ang mga luha ni mama na sabay sabay na naglandasan sa kaniyang magkabilang pisngi. Hinihintay ang sagot ko. Doon na rin ako napaiyak. Kitang kita ko kasi ang sakit sa mga mata ni mama. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan ng ganoon. I don't want to hide it. I'm just really scared. Scared of what my parents could do to me. “Sixteen years old ka pa lang, anak.” Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig kong magsalita si mama. “Sino ang ama niyang dinadala mo? Ilang buwan na?” sunud sunod na tanong ni mama sa akin. Sino ang ama? Ilang buwan na? Ilang buwan na nga ba? Kahit ako ay hindi ko rin alam… “S-sabihin ko naman po, ma,” umiiyak na sagot ko. “Pero nauunahan po ako ng takot-“ “Takot?” Halos matawa si mama doon. “Takot ka pala pero bakit mo ginawa? Bakit nangyari?” “I’m sorry, ma, I’m sorry…” “Sino ang ama n’yan?” Naging seryoso muli ang boses ni mama. “Tell me?” Nag angat ako ng tingin ngunit agad ring yumuko. “Tingnan mo ‘ko, Monnette!” matigas na sabi ni mama sa akin. Unti unti akong nag angat ng ulo. “Si Jared po.” Napaawang ang labi ni mama. Kinabukasan ay agad agad na ipinatawag ni papa ang pamilya ni Jared. Para pag usapan ang tungkol sa aking pagbubuntis at kung ano rin ang plano nila. Tahimik ang lahat habang narito kami sa sala. Walang gustong maunang magsalita isa man sa mga magulang namin. Ako man ay tahimik sa tabi ni mama. Nakayuko. Ayaw kong mag angat ng tingin dahil alam kong nakatingin si Tita Sarah sa akin. Kanina nga pagdating nila ay napakalamig ng pakikiharap niya sa akin. Hindi kagaya noon na giliw na giliw siya sa akin dahil wala daw silang anak na babae. “Ilang buwan na ba ang ipinagbubuntis ni Monnette?” bigla ay nagtanong na si Tito Jayson. “I asked her but she did’nt know also,” ani mama. “Pero dadalhin ko siya sa kilala kong obgyne sa monday para malaman natin kung ilang buwan na.” “I assure to both you that we will not run away from the responsibility to the child,” si Tita Sarah. “Hindi ba natin sila ipapakasal?” ani papa. “No!-“ natatarantang sabi agad ni Tita Sarah. “I-I mean, they are too young for that, Mark. They are both sixteen!” “Kailangang may kalakihang ama ang apo ko, Sarah-“ “Mark, may kikilalaning ama ang bata, ‘wag kang mag alala,” wika ni Tito Jayson. “Sinabi naman na ng asawa ko na hindi namin tatakbuhan ang responsibilidad ni Jared sa anak n’yo,” paliwanag pa nito. “Gusto kong maikasal sila kapag nasa wastong gulang na sila. Para may buong pamilyang makakagisnan ang apo ko,” pahayag pa ni papa. “Hindi natin hawak ang mga isip at puso ng mga bata, Mark!” giit ni Tita Sarah. “Ang tanging maipapangako lang namin sa ngayon ay ang suporta para sa ipinagbubuntis ni Monnette. Tungkol sa kasal na sinasabi mo, hayaan natin na sila ang mag desisyon tungkol doon. Dahil sila ang magsasama. Sila ang bubuo ng pamilya.” “At saka, hon, kailangang magtapos muna ng mga bata sa pag aaral,” ani naman ni mama. Kalaunan ay napag desisyunan din na ang pamilya ni Jared ang sasagot sa lahat ng pangangailangan ko. Mula sa pagpapa check up hanggang sa panganganak, kahit kaya naman iyon ng pamilya ko. Every check up ko rin ay kasama ko dapat si Jared para kahit daw nasa tiyan ko pa lang ang baby namin ay ma-feel na niya ang pressence ng kanyang ama. It was Tita Sarah said, na sinang ayunan naman ni mama. Buong akala ko ay tuluyan ng magiging malamig ang pakikitungo ni Tita Sarah sa akin dahil sa nangyari. Pero akala ko lang pala iyon. Pangalawang check up ko na ito sa kaibigang obgyne ni mama. At ito rin ang unang beses na kasama ko si Jared. Pagkatapos ng check up ko ay tumawag si Tita Sarah sa akin at sinabi na pumunta daw ako sa bahay nila dahil nag-bake daw siya ng mga cupcakes at gusto niyang ipatikim sa akin. Kagaya ni mama ay spoiled na spoiled rin ako ni Tita Sarah sa lahat ng pagkain na gusto kong kainin. Alam daw kasi nila ang feeling ng buntis. Kaya naman lahat ng cravings ko ay ibinibigay nila. Ipinarada ni Jared ang kotse sa parking area ng kanilang bahay. Bumaba siya ng sasakyan, buong akala ko ay pagbubuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan ngunit dire diretso ang lakad niya paalis. We haven't talked yet. I don't know what is his plan for the both of us. Especially now that we are going to have a baby. Palagi rin namang nauuwi sa away ang sana ay simple at mahinahon sana naming pag uusap. Magkaiba kasi kami ng gusto sa usaping ito. Gusto ko siyang tanungin sa mga bagay bagay pero iwas na iwas siya sa akin. Kagaya ngayon, kasama ko nga siya sa check up ko kanina pero parang ako lang din mag isa. Napabuntong hininga na lang ako at maingat na bumaba nalang ng sasakyan. Ang sabi ng obgyne ay twelve weeks and two days na daw ang tiyan ko. Hindi pa masyadong halata at parang bilbil lang din kapag fit ang suot ko. “Iha!” Ngiting ngiti akong sinalubong ng yakap ni Tita Sarah ng pumasok ako sa loob. “Kumusta ang check up? i asked Jared about it but he said na ikaw na lang daw ang tanungin ko.” “Maayos naman daw po at wala namang problema. Binigyan lang po ulit ako ng mga vitamins,” tugon ko. “Halika ka sa kusina! Tikman mo ang mga cupcakes na ginawa ko, tiyak na magugustuhan mo ‘yon!” ani tita pa at inakay na ako patungo sa kitchen. Kasalukuyang inaayos ng isang kasambahay nila ang mga cupcakes sa isang lagayan nang pumasok kami doon. “Give it to your mom,” ani Tita Sarah na nasundan rin ng tingin ang kasambahay nilang busy sa pag lalagay ng mga cupcakes sa loob ng maliit na kahon. Kumuha siya ng platito at tinidor saka naglagay ng tatlong cupcakes. Three flavors iyon at gusto yatang ipa-taste test sa akin lahat. Habang kumakain ay panay ang kwento ni tita tungkol sa future na gusto niya para sa amin ni Jared. Gusto niyang mag aral raw muna kami at magkaroon ng stable na trabaho. From the very beginning, she always says that they support my pregnancies no matter what. Pero ni minsan hindi ko narinig sa kanya na mag usap kami ng anak niya. Kung ano ba ang balak ni Jared sa akin at sa magiging anak namin, sa future namin. Wala! Puro balak nila ni Tito Jayson ang palagi niyang ibinibida sa akin. Kahit sa sarili kong pamilya alam kong kayang ibigay iyon ng mga magulang ko sa akin. Ang kailangan ko ay si Jared! Siya ang kailangan ko, ng magigiging anak namin hindi ang mga materyal na bagay na kung tutuusin ay maibibigay naman ng pamilya ko. Hinayaan lang sila ng parents ko na gawin iyon dahil nga lalaki ang anak nila. At obligasyon nila iyon. “We have lots of dreams and plans for Jared.” That was Tita Sarah’s always said to me. Na para bang kinukonsensya niya ako. Na para bang dahil sa akin nawala lahat ng plano at pangarap nila para kay Jared. Hindi lang naman anak nila ang nawalan. Ako rin! Pero wala akong ibang dapat sisihin kundi sarili ko rin mismo. Dahil nagpadala ako sa tukso!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD