CHAPTER 4

2150 Words
Kahit na nga puro panlalait ang mga naririnig ko sa mga schoolmates at classmates ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pagpasok sa eskwela dahil iyon ang gusto ni papa. Ilang buwan na lang rin kasi ay graduation na. Iyon man lang daw ay may pakinabang ako. At nanghihinayang rin si mama dahil konting buwan nalang rin ang titiisin ko. Even all my teachers looked at me as if I had committed a big crime. They’ll even look at me from head to toe. Na para bang sobrang sama ng ginawa ko. Malaki rin ang pasasalamat ko dahil nasa tabi ko palagi ang mga kaibigan ko na handa akong ipagtanggol sa lahat ng oras. Especially Lorren, lagi ko siyang naiiyakan ng mga sama ng loob ko. Nariyan sina Kristha at Sabrina na palagi akong pinapatawa at si Carmina na kagaya ni Lorren ay nahihingahan ko rin ng mga problema. Ganoon rin sana ang gusto kong makuha mula kay Jared. Pero wala. Stress lang ang nakukuha ko mula sa kanya. Gusto ko sana na alalayan niya ako, samahan niya ako sa lahat ng oras at ipagtanggol sa mga taong mapanlait pero wala s’ya. Hindi na rin siya madalas sumama sa barkada o baka sumama pero kapag wala ako. Lagi siyang busy sa hindi ko malamang bagay. Patuloy pa rin ang check ups at pagpunta ko sa bahay nina Tita Sarah. Pero sa mga pagkakataong iyon ay walang usapang nagaganap sa pagitan namin ni Jared. Ayaw niyang makipag usap sa akin kahit ako na ang unang mag-initiate. Kasama ko siya pero para lang rin akong hangin sa kanya. Mas focus pa siya sa cellphone kaysa sa akin. Bored na bored palagi ang expression ng mukha niya sa tuwing ako ang kasama. “Mag iingat ka do’n. Remember bawal ang sobrang puyat at magpagod sa buntis,” ani mama sa akin habang inaayos ang mga gamit ko. Pupunta kasi kami sa beach kasama ang buong barkada. Kasama namin ang parents nina Lorren at ng kambal na sina Micko at Nicko. And speaking of Nicko… Sobrang lungkot ko ng malaman ko na may sakit siya at my taning na rin ang buhay. Isa pa naman sana siya sa mga kukunin kong magiging ninong ng anak ko. Napuno rin ng iyakan ang huling araw namin sa Infanta dahil ng araw na iyon ay binawian rin ng buhay si Nicko. Simula rin ng mailibing si Nicko at maka-graduate kaming lahat ay para bang nagkaroon na kami ng kani kanyang buhay. At ako… Nagpatuloy pa rin ang buhay para sa akin. A life without Jared. Nakakausap ko pa rin naman ang mga kaibigan ko pero limitado na dahil through social media nalang ang communications namin. Nang manganak ako ay wala si Jared. Even his parents are not there. Tanging pamilya ko lang ang naroon. Kaya naman abot abot ang galit ni papa. Iyon din kasi ang araw ng pag alis ni Jared papunta sa Canada para mag aral. Iiwan n’ya kami ng anak n’ya. At hindi ko alam kung babalik pa ba s’ya. Mas naging malayo ang loob ni papa sa akin simula ng makapanganak ako. Pero ayos lang dahil hindi nagbago si mama. Tinuturuan niya ako ng mga bagay na dapat kong matutunan ngayong isa na rin akong ina. Iyon nga lang, limitado rin dahil takot siya kay papa. Kung ano ang sabihin ni papa ay dapat iyon ang masunod. At kapag sinabi ni papa na hayaan akongmag isa sa pag aasikaso sa anak ko ay hindi na nakikipagtalo pa si mama sa kanya. Nang mag isang taon si Jannet ay tumigil na rin sa pagsuporta ang pamilya ni Jared sa aming mag ina. O, baka mas tamang sabihin na, nanawa na rin dahil simula ng manganak ako ay ibinabalik lang rin ni papa sa kanila ang ano mang ibinibigay nila sa amin. Isa pa sa ikinasama ng loob ko ay ni minsan hindi man lang nila dinalaw si Jannet dito sa bahay. O, kahit sabihin na dalhin ko ang anak ko sa bahay nila. Simula ng ipanganak at ngayong one years old na siya ay hindi pa siya nakikita kahit minsan nina Tito Jayson at Tita Sarah ng personal. Siguro sa mga social media accounts ko, oo, pero sa personal ay hindi. Ni kumustahin nga ay wala. At si Jared… Simula ng umalis s’ya, wala na rin akong naging balita pa sa kanya. At ayaw ko na ring maki-balita pa. Kaya naman itinuon ko ang lahat ng atensyon ko sa pag aalaga kay Jannet at sa pag aaral ko. Wala akong inisip noon kundi ang makapagtapos ng pag aaral at makapag trabaho dahil unti unti ng nalulugi ang negosyo ni papa. At syempre… ako ang isa sa mga pinaka sinisisi niya kung bakit nangyayari ang sitwasyon na iyon sa amin ngayon. “Ikaw ang malas sa buhay namin!” Duro ni papa sa akin. Lasing na lasing siya. “Sana ikaw na lang ang namatay sa aksidenteng iyon hindi si Marco!” Sobrang sakit! Ang sakit marinig mula sa bibig ng sarili mong ama na gusto ka niyang mawala. Hindi ko rin naman ginusto na mamatay si kuya noon. Pero nasa akin ang sisi dahil ako ang dahilan. At ng hindi na nakaya ni papa ang lahat. Mas pinili niyang wakasan ang kanyang buhay. Na siyang nagpabago rin ng buhay namin ni mama. Galing kami ni Jannet sa check up niya sa pedia noon nang madatnan ko si papa sa mismong kwarto ko. Nakabigti. Nang mamatay si papa ay kasabay noon ang pagbawi ng ilang mga ari arian namin sa amin. Ang negosyong itinayo niya ay tuluyan ring nawala at nagsara. Sa dami ng nagsusulputang mga in na printing business ngayon at mas bago ang mga gamit na teknolohiya ay talagang mapag iiwanan kami. Napangiti si mama nang iabot ko sa kanya ang diploma ko. Sa wakas! Nakapagtapos na rin ako. After four years. Graduate na rin ako! “Sorry, ma,” Nanginig pa ang boses ko. I feel sorry for everything happened in our lives. Pakiramdam ko kasalanan ko talaga lahat. Pakiramdam ko, tama si papa, malas nga yata akong talaga. “Bakit ka nagso-sorry?” ani mama. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang naglandas doon. “K-kumain ka na ba?” Pag iiba ko. “Pasensya ka na at prutas lang po ang nadala ko-“ “Kailan ako uuwi, anak?” Tanong na nakapagpatigil sa akin saglit. Tinapos ko ang paglalagay ng mga prutas sa lagayan at nakangiting naupo muli sa harapan niya. “Basta po sundin n’yo lang lagi ang mga sinasabi ng doktor. At tulungan n’yo po ang sarili n’yong gumaling, makakauwi ka po agad,” nakangiting paliwanag ko. “Nami-miss ko na ang papa mo, eh,” nakangusong aniya sa akin. Parang tinusok ng libu libong karayom ang puso ko dahil sa tindi ng pagkirot no’n. Akala ni mama buhay pa rin si papa. Nawala sa katinuan si mama nang mamatay si papa. Halos panawan siya ng bait nang makita rin niyang nakabigti si papa sa loob ng aking kwarto. Hindi ko man gustong ipasok si mama sa mental health facility pero hindi ko sila kayang alagaan ng sabay ni Jannet. “Mommy!” sigaw ni Jannet nang makita ako. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang teacher bitbit ang kanyang maliit na bag. “Thank you po,” wika ko matapos kunin ang bag ng anak ko. “Pasensya na rin po at medyo na-late po ako ng pagsundo kay Jannet.” Hingi ko pa ng paumanhin. “Okay lang po, mommy. By the way congratulations po.” Kinamayan pa ako nito. Mabilis kong inabot ang kamay ni Teacher Lyka at nakangiting nagpasalamat sa kanya. Kalaunan ay nagpaalam na rin kami na uuwi na. “Mommy, how’s your graduation po?” tanong ni Jannet habang naglalakad kami pauwi. “Maayos naman. How about you? Okay ba ang mga exams mo today?” “Yes naman po! Mamaya sa bahay I’ll show you my test papers. And I have stars!” Ngiting ngiti pa niyang itinaas ang kanyang dalawang brasong puno ng stars. Pagdating sa bahay ay agad ko siyang binihisan at pinagpahinga. Nagbihis lang din ako para ipaghanda siya ng meryenda at titingnan ko na rin kung ano ang maiuulam namin ngayong hapunan. “Mommy, tumatawag po si Ninang Carmi,” ani Jannet sabay abot sa akin ng aking cellphone. Dinala ko sa maliit naming sala ang meryenda ni Jannet at doon ko na rin sinagot ang tawag ni Carmina. “Congratulations!” Bungad agad niya sa akin. Napangiti ako at kumaway kay Rocky na biglang sumulpot sa screen. “Thank you!” “Natanggap mo ba ang gift ko?” “Masyadong malaki, pero salamat,” tugon ko. “Kailangan n’yong mag ina ‘yon ‘no!” pairap na aniya sa akin. “Ano na ang plano mo ngayong graduate ka na?” “Natural maghanap ng trabaho!” natatawang sabi ko. Marami pa kaming napag usapan ni Carmina. At ang sabi niya ay ipapasok daw niya ako sa airlines na pinagtatrabahuhan rin nila ni Rocky. Ever since ay malaki na ang naitulong ni Carmina sa akin. Siya rin ang nagpasok sa akin sa trabaho kung saan ay naroon pa rin ako hanggang ngayon. At kanina lang ay pinadalhan niya ako ng pera. Regalo daw niya sa akin ngayong graduation ko. Malaking tulong rin iyon sa pang araw araw namin ni Jannet. “Anak, masakit ba ‘to?” Bahagya kong pinindot ng aking hintuturo ang nakita kong pasa sa kanyang braso. “What is it, ma?” “Napaano ang pasa mo? Nabunggo ka ba?” “I don’t know po. Hindi ko naman po nararamdaman na masakit,” tugon niya. Hindi lang naman ngayon nangyari na nakitaan ko siya ng ganoong pasa. Dati pa man, pero hindi ko gaanong binibigyang pansin dahil sa sobrang busy ko sa school, trabaho, pag aalaga sa kanya at pagbisita palagi kay mama. Tiningnan ko ang kabuhan ng anak ko. Ngayon ko lang napansin na maputla siya. Payat at nangangalumata kahit maaga naman lagi ang tulog namin. Ngayong trabaho na lang ang kahati ko sa oras sa kanya ay mas natututukan ko na siya. At napapansin ko na madalas ang mga hindi ko nakikita at napapansin sa kanya noon. Isa na roon ang pagiging matamlay niya. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na mas aalagaan ko na siya ngayon. Magaan naman ang trabaho ko sa flower shop at malapit lang rin iyon sa school niya kaya nasusubaybayan ko na siya ngayon palagi. “Thank you, mommy!” Tuwang tuwang yumakap sa akin si Jannet nang bilhin ko ang favorite niyang Minnie Mouse stuff toy. Itatabi ko po ‘to sa pagtulog, mommy!” Niyakap niya iyon ng mahigpit habang sumasayaw sayaw pa. Regalo ko iyon sa kanya dahil top one siya sa klase. At tuwing pupunta kami ng mall o kahit saang lugar na may ganoong cartoon character ay hinahabol talaga niya ng tingin. Iyon din ang favorite niyang panoorin sa t.v palagi. “Promise ko po, mommy, lagi ko pong gagalingan sa school!” “At ano pa?” “Syempre! Magiging good girl palagi at makikinig kay mommy! I love you, mommy!” Natawa na lang ako nang pupugin niya ako ng halik. Jannet is my stress reliever ever since. Isang yakap at halik lang niya sa akin ay tanggal na ang lungkot at pagod ko. “Mommy! Mommy! Mom!” Halos madulas ako sa paglabas ng banyo dahil sa sunud sunod na pagtawag ni Jannet sa akin. Tinambol nang malakas ang puso ko nang makita ang dugong umaagos sa kanyang ilong. Agad akong kumuha ng towel at tinakpan ang kanyang ilong para hindi na kumalat pa ang dugo. “May lagnat ka!” Kanina naman ng linisan ko siya ay hindi naman siya mainit. “Hawakan mo muna ‘tong towel. Kukunin ko lang ang gamot mo para hindi na lumala ‘yang lagnat mo.” Hinaplos ko pa ang kanyang buhok. Simula ng araw na iyon ay palagi ng ganoon ang nangyayari sa anak ko na labis ko na talagang ikinababahala. Madalas na rin ang pagliban niya sa klase dahil pasulput sulpot ang lagnat niya. Kaya naman ng lagnatin na naman siya ng mataas at sinabayan ng pagdugo ng kanyang ilong ay isinugod ko na siya sa hospital. Ang akala kong simpleng lagnat lang ay hindi pala. May malubhang sakit ang anak ko na labis kong ikinawindang. “Leukemia po ang sakit ng anak mo, misis. And I am sorry to inform you that her leukemia is in stage four.” “Agad, doc?” gulantang na saad ko. “Yes.” Maraming sinabi ang doktora sa akin pero hindi na pumapasok iyon sa utak ko lahat. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang anak ko. Paano na ang anak ko? Paano na ako kapag nawala ang anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD