CHAPTER 2

2399 Words
Sa pagdaan ng mga araw sa buhay ko ay napakahirap itago ang sitwasyon ko. Wala akong mapagsabihan dahil natatakot ako. Kahit sa mga kaibigan ko ay ayaw kong magkwento. Ayaw kong husgahan nila ako. “Bakit nakatunganga ka pa d’yan? Baka ma-late ka sa school,” ani mama sa akin habang nasa hapag kami isang umaga. “I need to go, hon, I have early meetings,” ani papa at tumayo na matapos ubusin ang kanyang kape. He kissed mama on her forehead and then me. Nasundan ko pa sila ng tingin nang lumabas sila ng kitchen. They are like that everyday, hatid hatid palagi ni mama si papa sa labas ng bahay. “Anak, ano na?” nakangiting sabi ulit ni mama nang pumasok s’ya dito sa kusina. Inililigpit na niya ang ibang pinagkainan namin. We have maids pero tagalaba at tagalinis lang iyon dito tuwing weekend. Sa pagluluto at mga magagaan na linisin ay si mama na ang gumagawa noon sa araw araw. Gustong tumulo ng aking mga luha habang pinagmamasdan ko si mama. May kung ano sa kaloob looban ko na gusto kong magsabi sa kanya ng tungkol sa kalagayan ko. Gusto ko ng karamay ngunit nananaig sa akin ang takot. Takot na ma-disappoint ko s’ya, sila ni papa. Malaki ang expectations nila sa akin. Lalo na si papa. Simula bata pa ako ay palagi niyang sinasabi at ipinagmamalaki sa mga kaibigan at kakilala niyang ako ang magpapatuloy ng negosyong sinimulan niya. Simula ng mamatay si Kuya Marco ay sa akin ipinasa ni papa ang lahat ng responsibilidad at pangarap niya para kay kuya. Kaya dapat lagi akong magaling. Kaya dapat lagi akong una hindi pwede na pangalawa lang. Kasi ganoon si Kuya Marco. Kaya ngayong buntis ako at sa ganito kabatang edad pa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Baka mapatay ngang talaga ako ni papa kapag nagkataon. “Something wrong?” untag ni mama sa aking pananahimik. “W-wala po.” Inubos ko ang laman ng aking baso at tumayo na. “Pasok na po ako,” ani ko, at humalik sa pisngi ni mama. I know mama loves me, pero alam ko rin na hindi niya ako kayang protektahan kay papa. Takot siya kay papa. Si papa ang bumubuhay sa amin at hangga’t narito kami sa poder niya ay wala kaming choice kundi ang sumunod. Habang dumadaan ang mga araw ay pabigat nang pabigat sa akin ang lahat. Even my friends are noticing my quietness lately. Nawawala rin ako sa sarili na ipinag aalala nila ngunit lagi kong sinasabi na problema lang sa bahay kaya hindi na rin sila nagtatanong pa. Dumaan ang christmas breaks pero hindi ako naging excited kagaya noon. Usually kasi kapag ganitong bakasyon ay pumupunta kami ng ibang bansa para doon mag celebrate ng pasko. May gift sina mama at papa sa akin, expected ko naman ‘yon every christmas and new year. At hindi katulad noon na excited ako palaging magbukas ng mga regalo. “Malamig na dito sa labas. Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?” ani mama nang tabihan ako sa pagkakatayo dito sa terrace. Nandito kami ngayon sa US dahil yearly ang reunion ng family nila mama every christmas. Narito rin ang mga relatives ni papa at gusto nila na dito na rin kami manirahan. Pero ayaw ni papa dahil maganda ang takbo ng negosyo namin sa Pilipinas. At ayaw ko rin dito. Hindi kasi ako close sa mga pinsan ko. Kaya paniguradong mabo-bored lang ako. Tama nang ganito kami every year, pabaka bakasyon lang. “Ma, masaya ka ba no’ng ipanganak mo ‘ko?” Out of the blue, I asked. Tinitigan ako ng maigi ni mama. Para bang nahiwagaan sa naging biglaang tanong ko. “Is papa happy too?” I asked again. Malapit na akong maging emosyonal, konting konti na lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako o dahil sa ambiance kaya emosyonal ako. Feeling ko kasi ang lungkot ng paligid ko, o talagang ako lang. “You and your Kuya Marco are the best things that happened in my life. Kahit maagang kinuha sa atin ang kuya mo, we’re grateful ‘cause we have you, anak,” wika ni mama habang haplos ang aking buhok. “Paano po kapag nakagawa ako ng kasalanan? Madi-disappoint po bo kayo ni papa?” tanong ko. Kinakabahan rin sa magiging sagot ni mama. “May ginawa ka bang mali?” seryosong tanong ni mama. She looked me in the eye. Hindi ko kinaya ang mga titig niya kaya ako na ang unang nag iwas ng tingin. “Wala naman po,” tugon ko. Ngumiti si mama at niyakap ako mula sa likod. Hinagkan pa niya ang ulo ko at sabay naming pinanood ang isa isang pagkalaglag ng mga snow. “Sa ngayon, ang pangarap ko lang para sa ‘yo ay ang makapagtapos ka ng pag aaral mo anak. Saka na muna ang boyfriend boyfriend na ‘yan. Kapag college o nakapag trabaho ka na marami ka pang makikilala mas gwapo, mas may sinasabi sa buhay.” My heart hurt when mom said that. I just failed her in that part. Kasi… ito na ako… buntis na ako… Nang magpasukan na ay mas naging mas malamig ang pakikitungo ni Jared sa akin. Kahit noong christmas break ay wala rin siyang paramdam sa akin. Kung hindi ko pa ini-stalk ang accounts niya ay hindi ko malalaman na nasa Ireland sila. Doon nagpasko at nag new year. Maraming uploaded photos na naka-tag lahat sa kanya. At kitang kita ko na masaya siya. Samantalang ako… ito… Konting konti na lang. Bibigay na sa bigat ng nararamdaman ko. “Jared!” Napahinto siya sa paglalakad nang tawagin ko siya. Inabangan ko talaga siya dito sa locker room ng mga male students dahil alam kong dito ko lang siya maaabutan. Nakarinig kami ng mga yabag kaya hinila niya ako patungo sa womens lockers. “Ipalaglag mo ang bata-“ Umalingawngaw sa buong locker room ang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Iyon ang sagot niya sa akin matapos kong ilahad ang tatlong pregnancy test kit sa kanya. “Hindi pwedeng mabuo ‘yan, Monnette! Marami pa akong pangarap! Baka mapatay ako ni daddy-“ “At ako hindi?!” luhaang sumbat ko. “Araw araw kinakain ako ng konsensya ko, Jared! Hindi ko na alam ang gagawin ko-“ “Kaya nga ipalaglag mo ‘di ba! May kaibigan ako. May alam s’yang manggagamot.” “Kaya mong patayin ang sarili mong anak?” nanghihinang tanong ko. “Kaya mo?” “I’m not ready, Monnette. Alam ko, ikaw rin. This is the only way. Please, don’t be ao hard on this,” naiiyak niyang pakiusap sa akin. “Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko!” Napatingin kaming pareho sa cellphone niya ng biglang tumunog iyon. Umahon ang galit sa dibdib ko nang mabasa ang pangalan ng tumatawag. “Why is she calling you?!” “Pwede ba, Monnette! ‘Wag kang ma-issue. We’re just friend-“ “Kaya ba ang cold cold mo na sa akin? Kaya ba hindi mo ‘ko mapanindigan?! Jared, ginusto nating pareho ‘to!” “Alam mo! Ang drama mo!” Sabay duro niya sa mukha ko. “Ituloy mo ‘yan kung gusto mo!” Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang ng iwanan niya ako doong mag isa. Wala kaming teacher sa last subject namin kaya pinili kong magpunta sa library. Atleast doon tahimik at walang makakakita sa akin umiyak man ako nang umiyak. “Uh... Miss, okay ka lang ba?" Napahinto ako sa pag iyak pero hindi ako nag angat ng tingin. “M-mali yata ang tanong ko.” Gusto ko ring matawa dahil may okay bang umiiyak? Pero parang pamilyar ang boses niya. “May problema ka ba? Baka makatulong ako." Pareho kaming natigilan ng magkatitigan kaming dalawa. Sabi ko na nga ba at pamilyar ang boses niya. Si Lorren… “M-Monnette!" Agad niyang akong nilapitan at tangkang tutulungang tumayo, pero hindi ako kumilos kaya siya na lang ang naupo sa aking tabi. “Ano'ng problema?" nag aalalang tanong niya sa akin. Muling tumulo ang aking mga luha at hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang sabihin. “Handa akong makinig." Para akong nakahanap ng kakampi dahil sa sinabing iyon ni Lorren. Kaya bumuhos na naman ang aking mga luha at emosyon. “Gusto ko ng mamatay, Lorren!" umiiyak na sabi ko at yumukyok na naman sa magkabila kong tuhod habang patuloy sa pag iyak. “Ano ba 'yang sinasabi mo?!" saway niya sa akin. Right now! That was the better idea that I know para matapos na ang problema ko. Para takasan ang lahat ng ito. I wish I wouldn't wake up one day para matapos na lahat. Para wala na akong problema. “Hindi ko na alam ang gagawin ko! Natatakot ako! Natatakot ako, Lorren!" Humahagulgol na saad ko. Hinagod niya ang likod ko. Ramdam ko ang pag aalala niya sa haplos na iyon. “Nandito kami, ako, handa ka naming tulungan, Nette. Ano bang problema?" “Lorren!" umiiyak pa rin na yumakap ako sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko...." Tahimik lang si Lorren habang yakap yakap ako at hagod ang likod ko. Hinayaan lang niya akong umiyak. Ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iniharap niya ako sa kanya at sinalubong ang mga mata kong namamaga na nang tumahan ako sa pag iyak. “Ano ba kasi ang problema mo? Makikinig ako,” tanong niya. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Natatakot ako, Lorren. Baka mapatay ako ni papa," sabi ko at muli na namang umagos ang panibagong luha mula sa aking mga mata na akala ko ay ubos na. Dinukot ko sa bulsa ng aking palda ang mga pregnancy test kit at inilagay iyon sa kanyang kamay. Napanganga si Lorren nang makita kung ano ang bagay na iyon. Nagtatanong ang mga matang napatitig siya sa akin. Napahikbi ako at yumakap sa kanya nang mahigpit. “Natatakot ako, Lorren. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kapag nalaman nina mama't papa? Paano kapag hindi nila natanggap?" “Ilang buwan na?" “Hindi ko alam! Hindi ko alam! Ano'ng gagawin ko?" Sunud sunod ang naging pag iling ko. “Ano'ng sabi ni Jared? Alam ba n'ya?" tanong pa ni Lorren. “Oo! Pero magulo rin ang isip n’ya ngayon. “Sabihin mo kay Tita Irene," suhestyon ko. “Madaling sabihin, pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni mama. Lalo na ni papa!" Ngayon pa lang nga ay takot na takot na ako. Paano pa kaya kapag nalaman nila ‘to? “Hindi ko alam ang tamang gawin sa bagay na 'to. Nakakabigla kasi, Nette. Bakit kasi ginawa n'yo 'yon?" pangaral niya sa akin. “Matagal na naming ginagawa 'yon. Hindi ko alam na mabubuntis ako," pag amin ko. Mas lalong napaawang ang labi niya. “Matagal n'yo ng ginagawa? Tapos hindi ka man lang natakot na pwedeng mangyari 'to?" “Nag iingat naman kami-" “Ano'ng klaseng pag iingat?" sansala niya sa akin. “Kailangang mag usap kayong mabuti ni Jared at habang maaga pa, ipaalam mo na kay Tita Irene 'yan. 'Wag mong hintayin na sa iba pa niya malaman." Since that day medyo gumaan gaan ang dalahin ko. Nandiyan si Lorren sa tuwing kailangan ko ng kausap. Lagi niyang pinapayo na sabihin ko na sa parents ko ang kalagayan ko pero hindi ko magawa. Natatakot talaga ako. Palagi ko ring kinukumbinsi si Jared na harapin naming dalawa ito. Pero ayaw niya. Nauuwi lang sa away ang pag uusap naming dalawa. At sa huli… ako itong luhaan. Nang mahimasmasan na sa kakaiyak ay tumayo na rin ako at inayos ang aking sarili. Inakay ako ni Lorren sa isang bakanteng lamesa sa isang sulok para doon muna magpalipas ng oras. Kinuha ko ang make up kit ko sa loob ng aking bag at sinimulang ayusan ang aking sarili. Tinakpan ko ng make up ang namamaga kong mga mata dahil sa kakaiyak kanina. Nilagyan ko rin ng tint ang aking labing namumutla. Hilaw akong napangiti sa harap ng salamin ng makita ang aking sarili doon. Madali talagang itago ang tunay na ikaw sa likod ng mga kolorete. Parang ako lang, durog na durog na sa loob pero parang walang problema sa panlabas na anyo. “Lorren," tawag ko sa kanya matapos iligpit ang make up kit ko. “Sana sa atin lang muna 'to, ha," pakiusap ko pa. Marahan siyang tumango. “Makakaasa ka," tugon niya. Isa si Lorren sa mga kaibigan na alam kong mapagkakatiwalaan ko. Maswerte ako na naging kaibigan ko siya. “Sasabihin ko rin naman sa parents ko. Mag iipon lang ako ng lakas ng loob dahil alam kong sangkatutak na sermon ang aabutin ko nito.” Mapait pa akong napangiti. At hindi lang sermon ang aabutin ko. Alam ko ‘yon. Knowing papa… baka nga itakwil n’ya pa ako kapag nagkataon. “Kausapin mo si Jared. Dapat kayong dalawa ang humarap sa problema.” Narito ulit kami sa library. Mas gusto ko kasi talaga ang tahimik na lugar. “Lagi lang kaming nag aaway ni Jared, Lorren. Feeling ko nga, parang lumalayo ang loob niya sa akin simula ng malaman niyang buntis ako," malungkot na kwento ko pa. “Nabigla rin siguro siya. Kailan mo balak sabihin kay tita?" “Pagkatapos ng graduation natin. Ayaw ko namang ipalaglag ang anak ko." Napatitig siya sa kanya. "Magagawa mo ba 'yon?" may takot sa boses na tanong niya. “Syempre hindi! Pero si Jared..." ani kong unti unting humina ang boses at tumulo isa isa ang mga luha. “What?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. “Pero hindi ako pumayag. Walang kasalanan ang bata sa problema namin. Handa na akong tanggapin kung ano ang mangyayari sa akin, sa amin." I’ve tried so many times to talk to him about us, about the baby. Pero isa lang ang lagi niyang sagot at sulosyon sa problema namin ipa-abort ang bata na ayaw ko namang gawin. Maaga akong umuwi ng hapong iyon dahil wala rin namang lakad ang barkada. At ayaw ko ring magliwaliw dahil tamad na tamad talaga ako lately. Isang nakakabinging sampal ang sumalubong sa akin pagbukas na pagbukas ko ng main door namin. I saw papa standing in front of me. Furious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD