CHAPTER 5

2461 Words
Kung saan saang NGO’s na ako lumalapit para lang madugtungan ang buhay ng anak ko. Kahit na nga ang sabi ng doktor ay nasa kritikal na kondisyon na siya. Ayaw kong sumuko. Hinding hindi ko susukuan ang anak ko dahil alam kong may pag asa pa. Kakapit ako hanggang kaya pa. Halos hindi ko na rin nakakausap ang anak ko dahil palagi na lang siyang tulog. Kung gising naman ay umiiyak dahil alam ko na nahihirapan siya. Sa tuwing natutulog siya ay doon ako umiiyak ng tahimik. Awang awa na ako sa kanya. Sa tuwing umiiyak siya ay dinudurog ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Pero wala akong magawa! Kung pwede lang na akuin ko na lang ang sakit niya para hindi na siya mahirapan ay ginawa ko na. “Hello, Nurse Fe,” wika ko ng sagutin ang tawag ng nurse na in charge kay mama. Narito ako ngayon sa isang NGO at maaga pa lang ay nakapila na para humingi ng tulong para kay Jannet. Dito ako itinuro ng isa sa mga kasamahan kong bantay rin sa ward namin. Ang sabi niya ay magtyaga lang daw akong pumila para makahingi ng financial assistance. Iniwan ko rin muna si Jannet sa nurse na naka-duty ng pang umaga dahil nga kailangan kong pumunta dito. Kahit magkano ay tatanggapin ko. Kapag naipon naman iyon ay malaki pa rin namang tulong at ipagpapasalamat ko dahil kahit paano ay mayroon. “Ang mama n’yo po kasi nagwawala na naman. Kanina po muntik na s’yang makalabas ng facility dahil hinahanap ka n’ya, saka ang papa n’yo,” paliwanag ni Nurse Fe. Kinabahan ako sa isiping muntik na siyang makalabas ng facility. Kapag ganoong nagta- tantrums si mama ay pinupuntahan ko siya agad para kumalma siya. Ako lang din kasi ang nakakapagpatigil sa pagwawala niya. “Ay! Kuyang guard!” “Nurse Fe?! Hello, Nurse Fe?!” sunud sunod na tawag ko sa kanya sa kabilang linya. “Ma’am, ang mommy n’yo po tumalon po sa terrace- wait! Papunta na ‘ko d’yan!” Napatulala na lang ako sa hawak kong cellphone nang mamatay ang tawag. Napatingin ako sa unahan at pang lima na ako sa pila. Pero binabagabag ako sa isiping tumalon si mama sa terrace. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya! Humahangos ako ng dumating sa facilities. Mabilis kong ipinakita sa guard ang i.d ko at agad pinuntahan si Nurse Fe. Naghalo ang inis at pagkaawa ko kay mama nang makita ko siyang nakahiga sa kanyang kama. Umiiyak siya. “Monnette! Monnette, anak!” Umiiyak na tumakbo sa akin si mama nang makita ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Anak, ayaw nila akong payagang lumabas. Gusto ko lang namang makita ang papa mo, eh! Miss na miss ko na ang papa mo, eh!” Tiningnan ko ang kabuuhan niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil abot abot ang takot ko kanina habang papunta dito at baka kung napaano na siya. Nasapo ko ang aking ulo dahil sa pagsakit noon. Kung anu ano pa naman ang naisip ko kanina. Iyon naman pala ay galos lang ang natamo niya. “Mabuti at puro galos lang ang nakuha niya sa pagtalon sa terrace kanina,” ani Nurse Fe sa akin. “Monnette, umuwi na tayo. Sige na! Baka hinahanap na tayo ng papa mo-“ “Ma!” saway ko na sa kanya. Pagalit kong pinahid ang mga luhang kusang kumawala sa aking mga mata. Naghalo halo na ang inis, pagod at pagkaawa ko hindi lang sa kanya kundi maging sa sarili ko. Kung alam lang niya. Pagod na pagod na ako! “Anak, kasi ang papa mo-“ “Patay na si papa, okay! Patay na s’ya kaya ‘wag mo na s’yang hanapin!” umiiyak na sigaw ko. “Hindi na s’ya babalik!” Nanlaki ang mga mata ni mama. Nabigla s’ya! “H-hindi! Hindi totoo ‘yan!” umiiyak na sigaw niya sa akin pabalik. “Sinungaling ka! Sinungaling ka!” “Tama na! Tama na!” Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para matigil siya sa paghampas sa akin. “Papa is dead! Stop acting like a child, ma! Pagod na ‘ko! Pagod na pagod na ‘ko, ma!” Niyugyog ko siya para baka sakaling doon man lang ay maalog ang utak niya at matauhan na. “Papa is dead! He’s dead!” paulit ulit na sigaw ko para maintindihan niya. Pumasok ang ilang nurse at ang doktor ni mama dito sa loob. Binigyan muna niya ng pampakalma si mama at sinenyasan niya akong sumama sa kanya palabas. “Mali ang ginawa mo,” aniya sa akin. “Sorry po, dok,” nanginginig ang boses na sabi ko. “Nadala lang po talaga ako ng emosyon ko.” Hindi ko na naman maiwasang umiyak. “Alam kong mahirap unawain ang mama mo-“ “Hindi lang naman po si mama ang problema ko ngayon, dok,” sansala ko sa kanya. “May sakit rin po ang anak ko. Nasa stage four na po ang leukemia n’ya.” Nakita ko ang gulat at awa sa mukha ni Doc Ryan ng marinig iyon. “Nadala lang po ako ng inis ko dahil nakapila po ako kanina sa NGO para sana humingi ng financial assistance para sa anak ko. Malapit na po ako sa loob pero nagmadali po akong pumunta dito dahil tumalon nga daw po si mama sa terrace sabi ni Nurse Fe.” “I’m sorry to hear that, iha. Don’t worry, gagawin ko ang makakaya ko para maalagaan ko ang mama mo,” ani pa ni Doc Ryan sa akin. “Basta lakasan mo lang ang loob mo, ha, get well soon sa anak mo.” “Salamat po, dok.” Napabuntong hininga siya at tinapik tapik ang balikat ko. “H’wag kang mag alala dahil ako muna ang bahala sa mama mo. Ang anak mo muna ang asikasuhin mo, dahil alam ko na mas kailangan ka n’ya,” aniya pa sa akin. “Ito, konting tulong lang ‘to.” Sabay lagay niya ng ilang lilibuhin sa aking kamay. “Pero… dok…” “Tanggapin mo na. Mas kailangan mo ‘yan ngayon,” nakangiting sabi pa niya sa akin. Dinala ako ng aking mga paa dito sa sementeryo. Napahagulgol na lang ako nang makita ko ang pangalan sa lapida ni papa. Magkatabi sila ng puntod ni Kuya Marco. “You're dead! But why am I still suffering like this?!” nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. Halos kapusin na ako ng hangin dahil sa sobrang pag iyak. “Ano bang sumpa ang ibinigay mo sa akin? Do you hate me that much, huh?!” luhaang sigaw ko sa harapan ng puntod ni papa. “Patay ka na pero patuloy mo pa rin akong pinarurusahan!” Napaluhod na ako dahil sa panghihina. Hindi ko na kaya! Hindi lang katawan ko ang pagod kundi pati ang puso at isipan ko. “Hanggang kailan mo ‘ko sisisihin sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa? Sige na! Oo! Sana ako na lang ang namatay at hindi si kuya!” sigaw ko pa rin. “Sana nga namatay na lang ako para hindi na ako nahihirapan ng ganito!” Matapos kong maglabas ng sama ng loob ko ay bumalik na ako sa hospital. Ang sabi ng nurse na naka-duty ng hapong iyon ay nagising kanina si Jannet at hinahanap ako. Nakatulog lang daw ulit sa paghihintay sa akin at dahil sa gamot na ibinigay sa kanya. “Pinakain ko na ang anak mo kaya ‘wag ka ng mag alala,” wika ni Nanay Tess ng hapo akong maupo sa plastic na upuan sa tabi ng kama ni Jannet. “Salamat po, ‘nay, ha,” tugon ko saka tipid na ngumiti sa kanya. “Basta lakasan mo lang ang loob mo, anak. May awa ang Diyos. Makakayanan mo ‘yan, makakayanan ‘yan ng anak mo.” Agad kong pinahid ang mga luhang tumulo na naman sa aking mga mata dahil sa pagpapalakas ni Nanay Tess sa loob ko. Iyon ang isa sa mga kailangan ko ngayon. Pero ang taong inaasahan ko sa ganitong sitwasyon, ayon at nasa apat na sulok ng mental. “Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema na hindi natin kayang lagpasan. Kaya palagi kang magdasal. Saka, hayaan mo, tutulungan kita sa pagbabantay sa anak mo habang wala ka.” Simula ng ma-admit dito sa hospital si Jannet ay mabait naman siyang alagaan. Umiiyak siya pero agad ring tatahan. Nakagiliwan na rin kasi siya ng mga bantay dito lalo na ni Nanay Tess at ng mga nurse. Alam rin niyang kailangan ko siyang iwan paminsan minsan dahil kailangan namin ng tulong. Kung hindi mga nurse ay si Nanay Tess ang madalas tumitingin sa kanya kapag wala pa ako. “Mommy…” Agad nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Jannet at sabayan ng paghaplos niya sa mukha ko. Simula ng maging isa akong ina, naging mababaw na ang tulog ko. Konting kibot lang ni Jannet ay nagigising na agad ako. “Bakit?” “Kanina ka pa?” paos ang boses na tanong niya sa akin. Napatingin ako sa orasang nasa dingding. Alas tres pa lang ng madaling araw. “O-oo,” utal ko pang sagot. “Kumain ka na?” Uminit ang isang bahagi ng puso ko dahil sa tanong niyang iyon. Ngayon ko lang rin naalala na hindi nga pala ako naghapunan. Kahit tanghalian ay wala rin. Hindi ako makaramdam ng gutom dahil sa mga problema ko. “Oo naman!” Kahit ang totoo ay hindi. “Ikaw? Marami ka bang kinain kanina?” nakangiting tanong ko pa. Marahan lang siyang tumango at hinaplos muli ang mukha ko. “I love you, mommy.” Napangiti ako at hinagkan siya sa kanyang noo. “Mommy loves you too,” ani ko. “Matulog ka pa ulit. Gabi pa, oh!” Turo ko sa bintanang madilim. “Baka po paggising ko wala ka na ulit, eh. Kaya hindi po muna ako matutulog,” aniyang ginawang unan ang kanang palad ko. “Miss na miss na po kita, eh.” Huminga ako ng malalim at napakurap kurap ng aking mga mata para hindi tumulo ang aking mga luha. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Gusto kong makita niyang malakas ako para may dahilan pa rin siyang lumaban. Ayaw kong isipin niyang nahihirapan ako. Gusto kong lumaban din s’ya, dahil s’ya na lang ang mayroon ako. “Ako rin. Sobrang miss na miss na kita. Pero alam mo naman kung bakit kailangan kitang iwanan dito ‘di ba?” “Mommy, may daddy po ba ako?” Napatulala ako sa kanyang tanong. “Kasi po si Buboy dinalaw ng tatay n’ya kanina.” Tukoy niya sa anak ni Ate Rose. “Ako po? Kailan ako dadalawin ni daddy? Alam po ba n’yang may sakit ako?” sunud sunod na tanong ng anak ko. “M-meron. Nasa malayo s’ya, anak, eh.” “Gusto ko po s’yang makita, mommy.” “Hayaan mo sasabihin ko.” Simula ng araw na iyon ay palagi na ang tanong ni Jannet tungkol kay Jared. Kung kailan ito dadalaw dito sa hospital? At marami pang iba. Nauuwi na lang ako sa pagsisinungaling dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan na ang lalaking iyon. At ayaw ko siyang makita! Ang huling balita ko noon ay siya na ang humahawak ng business ng daddy niya. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil busy ako noon na pagsabay sabayin ang pag aaral, pagta trabaho at pag aalaga sa anak ko. “Ate Rose, bakit po nagkakagulo yata sa ibang ward?” takang tanong ko. Muli pa akong sumilip sa bukana ng ward namin dahil parang may pinagkakaguluhan sa labas. “May bisita yata ang hospital. Bigatin daw rinig ko kanina. Namimigay daw ng tulong, pupunta naman ‘yan dito kaya maghintay nalang tayo dito,” paliwanag niya. Namimigay ng tulong? Sans ay isa ako sa palaring matulungan. Naupo akong muli at pinakatitigan ang anak kong mahimbing pa rin ang tulog. Mahigit isang taon na kami dito sa hospital pero wala pa ring pagbabago sa kalagayan niya. Gusto ko man siyang iuwi sa bahay pero baka maging prone lang siya sa ibang sakit na lalong ikalala ng kalagayan niya. Maya maya pa ay unti unti ko nang narinig ang mga ingay galing sa labas. Marahil ay patungo na rito ang bigating taong sinasabi ni Ate Rose kanina. May ilang doktor na pumasok dito sa loob at may mga nurse ding kasama. May mga guards din na naka coat and tie pa na nagkalat agad sa paligid. Mukhang bigatin nga dahil sa suot pa lang ng mga body guards nito. Nakangiting pumasok si Mrs. Tanjaico dito sa loob. Siya ang may ari ng hospital kung nasaan kami. Natulos ako sa aking kinauupuan nang pumasok si Tita Sarah kasunod nito. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang magtagpo ang aming mga mata. Ilang taon na ba ang dumaan? Parang walang nagbago sa kanya. Parang hindi siya tumanda. Samantalang si mama. Kung titingnan mo ngayon ay parang senior citizen na. Nawala ang mga mata niya sa akin nang kausapin siya ni Mrs. Tanjaico. Tila ba may ipinaliliwanag sa kanya. Nagsimula na rin silang lumapit sa bawat kama ng mga pasyente dito sa ward namin. Hindi mahinto hinto sa pagkabog nang malakas ang puso ko habang palapit nang palapit sina Tita Sarah dito sa kinaroroonan namin. Hindi na ako mapakali nang huminto na sila sa tapat namin. Pinagpapawisan rin ako ng malamig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Jannet Alvares po ang pangalan ng pasyente, ma’am,” ani ng doktor na tumingin pa sa chart niyang hawak. “Isang taon na po sila mahigit dito.” “Ano ang sakit n’ya?” Napaangat ako ng tingin nang marinig si Tita Sarah na magsalita. Nagsalubong muli ang aming mga mata. Agad niyang iniwasan ang paningin ko at tiningnan si Jannet na tulog. “Leukemia po, ma’am. Stage four,” wika ng doktor. Nakita kong umawang ang labi niya at dumaan ang pagkabigla sa kanyang mga mata. “Ano’ng tulong ang pwede kong maibigay?” tanong ni Tita Sarah. Doktor na ni Jannet ang nagpaliwanag tungkol sa mga kailangan ng anak ko. “What is your name again, misis?” Napamaang ako. Misis? Tumingin siya ng makahulugan sa akin. “Gusto kong tulungan ang anak mo. Ano ulit ang pangalan mo?” “M-Monnette Alvares po,” tugon ko. Gustung gusto ng pumatak ng mga luha ko pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Misis… Iyon na pala ang pangalan ko sa kanya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD