CHAPTER 1

2085 Words
Pawisan kaming pareho ni Jared nang bumagsak ang aming mga katawan sa kama. Hingal na hingal kaming pareho habang may ngiti sa aming mga labi. Tumagilid siya at niyakap ang baywang ko. Bahagya akong nakiliti nang dampian niya ng mumunting halik ang gilid ng aking tainga pababa sa aking leeg. “Malapit ng maggabi. Hanggang seven lang ang curfew ko,” wika ko, nag uumpisa na naman kasing gumapang ang isang kamay niya sa bahagi ng katawan ko. “May sasakyan naman ako. Ihahatid kita,” aniya habang minamasahe ang kanang dibdib ko at pinapatakan ng mumunting halik ang aking leeg pababa sa aking balikat. Nakaramdam na naman ako ng init dahil sa ginagawa niya sa aking katawan. Naramdaman ko rin ang muling pagkabuhay ng kanyang p*********i na nakadikit sa bandang hita ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at alas singko eksakto na. May isang oras pa kami bago mag alas syete. Nagpatianod akong muli nang pumatong siya sa akin at halikan ang aking labi. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at ang aking mga binti sa kanyang baywang. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi nang maramdaman kong pumasok ang p*********i niya sa akin. Napapikit ako at mahigpit na yumakap sa kanya habang umiindayog siya sa ibabaw ko. Sa tuwing ginagawa namin ito ay wala akong ibang nasa isip kundi ang sarap. Para bang droga na hahanap hanapin mo at hindi mo na gustong tigilan pa. Alam kong bawal, alam naming pareho na bawal. Pero ito ang isang bagay na mahirap pigilan. “Good evening po, tita,” bati ni Jared kay mama nang ihatid niya ako sa bahay. Agad siyang nagmano kay mama. “Sorry po kung ginabi si Monnette,” aniya pa. “Wala namang problema basta ikaw ang kasama n’ya,” ngiting tugon ni mama. “Dito ka na mag-dinner. Nakapagluto na rin naman ako,” anyaya pa ni mama kay Jared. “Thank you po, tita, next time na lang po siguro. Kaka-text lang din po ni mommy, eh,” tanggi niya. “Okay, ingat sa pagda-drive. Paki kumusta na lang rin ako sa mommy mo,” habilin pa ni mama. Ganito kalaki ang tiwala ni mama sa amin ni Jared. Hindi nga nila alam na magkarelasyon na kaming dalawa. Ang akala nila ay bestfriends pa rin kaming dalawa hanggang ngayon. Childhood bestfriend kami ni Jared. Magkasama kaming lumaki. Bawat problema sa loob ng pamilya ng bawat isa ay alam namin. Kaming dalawa ang magkasangga. We comfort each other when we are happy and sad. Magkaibigan ang papa ko at daddy ni Jared. Si Tito Jayson ang nag-encourage kay papa na pasukin ang pagni-negosyo ayon kay mama. At hindi nga naglaon ay naging successful ang business ni papa sa tulong na rin ni Tito Jayson. Hindi rin namin alam kung kailan nga ba nagsimula na mahulog kami sa isa’t isa. Basta isang araw ay inamin niyang gusto niya ako more than friends, at ganoon rin ako sa kanya. And then, naging kami na officially. Dahil nga biglaang naging kami ay wala kaming specific na monthsary o anniversary. Pero wala namang kaso iyon sa amin, lalong lalo na sa akin dahil ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa. Nag umpisa sa pa-holding holding hands. Pa-make out make out. Hanggang sa umabot kami sa ganito. Si Jared ang una ko. Lahat ng una ko ay siya. Wala akong pag aalinlangan ng ibigay ko ang sarili ko sa kanya, dahil mahal ko s’ya. Dahil nakikita ko ang future ko na siya ang kasama. Bukod kay Jared ay nagkaroon rin ako ng mga kaibigan. Nand’yan sila sa mga oras na malungkot ako, kasama ko rin sila sa saya. Kapag kasama ko sila nakakalimutan ko pansamantala ang problema. Kapag wala si Jared at busy sa ibang bagay ay nariyan sila para samahan ako. Akala ng iba ay ang swerte swerte ko na dahil maganda ang buhay ko. Ang totoo, pressure na pressure ako dahil sa taas ng expectation ng parents ko sa akin lalo na ni papa. Grade school palang ay kasama na ako palagi sa list ng mga honor students. Sinisikap kong mag aral ng mabuti at makakuha ng mataas na marka para hindi ma-dissapoint si papa. Ako daw kasi ang magmamana ng negosyo namin. Kaya kailangan na sa pag aaral palang ay masipag na ako. Ngunit nabigo ko s’ya ng dumating ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko. “Are you okay?” nag aalalang tanong ni Jared sa akin habang hagod niya ang likod ko. “Uminom ka muna.” Inabutan niya ako ng tubig. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig at mga mata kong naluha dahil sa biglaan kong pagduwal. Nanghihina akong naupo sa kama habang nakaalalay si Jared sa akin. Nandito kami ulit sa aming tagpuan. Ito ang luma nilang bahay. Medyo malayo ito sa subdivision kung saan kami pareho nakatira, ganoon rin sa school kung saan kami nag aaral. Nang dalhin niya ako dito minsan ay naulit na nang naulit hanggang sa ginawa na naming tambayan. This is our safe haven. Nagagawa namin lahat ng aming gustuhin. Walang nagbabawal at walang nakikialam. “Okay ka na ba?” untag niya sa pananahimik ko. Tiningnan ko lang siya ngunit hindi pa rin ako umimik. Ilang araw na akong ganito. Tuwing umaga ay nagsusuka ako, minsan kapag nakakaamoy ng hindi ko gusto ay bumabaliktad agad ang sikmura ko. “B-buntis kaya ako?” nanghihinang tanong ko. Lumuwag ang pagkakahawak ni Jared sa mga kamay ko. Namutla siya at kitang kita ko kung paano siya matigilan dahil sa kanyang narinig mula sa akin. “Ilang araw ko ng nararamdaman ‘to-“ “Stop it!” mariing saway niya sa akin. “Pero-“ “You’re not pregnant, Monnette!” He cut my words again. “Hindi ka pwedeng mabuntis!” “Paano kung buntis nga ako?” giit ko. Biglang tinambol ng matinding kaba ang puso ko. “No! Hindi mangyayari ‘yon! Hindi ka buntis!” galit na sabi pa niya. Hindi na kami nagtagal doon dahil nagyaya na siyang umuwi. Wala na rin naman ako sa mood kaya pumayag na rin akong umuwi na. Hinatid niya ako sa bahay, sa gate lang niya ako ibinaba at tumanggi na siyang pumasok sa loob ng bahay namin kagaya ng dati niyang ginagawa para bumati kay mama. Maluha luha ko siyang tinanaw paalis sakay ng kanyang motor. Wala sa sariling nahawakan ko ang impis kong tiyan. Paano nga kung buntis ako? Ano ang gagawin ko? After that day ay naging cold na ang treatment ni Jared sa akin. Palagi niyang iniiwasan ang topic tungkol sa hinala kong buntis ako. Nagagalit siya tuwing ino-open up ko ang tungkol doon. Araw araw ay binabagabag ako dahil sa nangyayari sa aking sarili. Halos araw araw na ang aking pagsusuka, naiirita ako kapag nakakaamoy ng hindi maganda sa pang amoy ko. Mabilis rin akong maiyak sa mga simpleng bagay na hindi ko magustuhan. Nasa basketball practice si Jared kaya mag isa akong umuwi. Dati kapag may practice siya ay hinahatid muna niya ako sa bahay. Ngunit ngayon ay hindi, ni hindi nga siya nagpakita sa akin ngayong araw. Nagpasya akong magpalipas muna ng oras sa mall dahil sa dami ng gumugulo sa isipan ko. Kailangan kong libangin sandali ang isipan ko. At ayaw ko ring umuwi. Maaga pa naman kaya dito muna ako mag iikot ikot. Balak ko ring bumili ng pregnancy test kit ngayon. Malakas kasi talaga ang kutob ko na buntis na nga ako. Pero ano nga ba ang gagawin ko sakaling ganoon nga? Ngayon pa lang ay naiiyak na ako sa mga mangyayari sa akin. Tiyak kong isusumpa ako ni papa sa galit. Habang nag iikot ay napadaan ako sa cake shop. Nanubig agad ang bibig ko ng makita ng aking mga mata ang black forest cake na naka tarpulin sa gilid ng pintuan nila. Best seller nila iyon. Walang pag aalinlangang pumasok ako sa loob. “Good afternoon, ma’am, can I take your order, please?” nakangiting ani ng cashier. “Black forest cake po. Saka strawberry shake,” wika ko at naglapag ng pera sa ibabaw ng counter. “Okay, ma’am, pakihintay na lang po ang order n’yo in a minute. “Oh! Sorry!” Inalalayan ako ng lalaking nakabunggo sa akin. Mabuti na lang at hindi ako natumba. “I’m sorry.” He apologized sincerly. “It’s okay,” tugon ko. Nasundan ko pa ito ng tingin habang paalis. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Nasagot ang tanong sa isipan ko nang mabasa ko ang apelyido niya sa varsity jacket niyang suot. “Si Luther pala,” kibit balikat ko pang saad. Pinili kong maupo sa pinakasulok ng cake shop. At wala pa man ay nai-excite na akong matikman ang cake at shake na binili ko. “Oh! Maaga ka yata?” takang tanong ni mama nang pumasok ako ng kusina. Nagmano ako sa kanya at pagod na naupo sa kabisera. “Gusto mo bang mag meryenda?” ani mama pa. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang maalala ang cake at shake na kinain ko kanina. “Nag meryenda na po ako, ma,” ngiting tugon ko pa. “Mukhang masaya ka?” nangingiti ring sabi ni mama. “Ang sarap po kasi ng cake na kinain ko kanina, eh.” Kumunot ang noo ni mama nang tumingin sa akin. “Cake?” “Opo,” tumatangu tango pang sagot ko. “Himala! You hate pastries ‘di ba? Sabi mo ayaw mong tumaba kaya ayaw mo ng mga sweets,” pahayag ni mama. Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Oo nga pala! Simula bata pa ako ay ayaw ko na sa mga sweets. Ayaw ko kasing tumaba “Pero ngayon po gusto ko na!” sansala ko. “Nakaka relax po pala kapag kumakain ng ganoong pagkain ‘no,” dagdag ko pa. “Kahit tumaba ka?” taas kilay na tanong ni mama sa akin. “Love mo pa rin naman ako kahit tumaba ako ‘di ba?” Natatawa akong yumakap sa baywang ni mama. “Oo naman!” tugon ni mama at yumakap sa akin pabalik. “Kahit ano pa ang hitsura mo ikaw pa rin ang nag iisang prinsesang mahal na mahal ko!” ani mama pa, saka ako hinalikan sa aking noo. Mas malapit ako kay mama kaysa kay papa. Pero hindi kagaya ng sa ibang mga kaibigan ko na super close sa mother nila. Nagkukwento ako kay mama pero hindi lahat ng tungkol sa akin at mga nangyayari sa akin ay alam niya. Ayaw kong sabihin iyon sa kanya dahil alam ko na hindi siya naglilihim kay papa. O, mas tamang sabihing takot si mama kay papa. Takot rin naman ako kay papa. At kung magkatotoo nga ang hinala ko, baka katapusan na talaga ng aking mundo. Alam kong hindi rin ako maipagtatanggol ni mama dahil si papa ang batas sa pamamahay na ito. Utos niya ang dapat masunod. At sigurado na mapapalayas ako oras na totoo ngang buntis ako. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang pinapatakan ng urine sample ang dalawang pregnancy test kits na binili ko kahapon. Katatapos ko lang maligo pero pawis na pawis na agad ako dahil sa tensyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kabang kaba ako. Hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng gagawin ko ngayon. Pinahid ko ang pawisan kong noo at hinintay na may lumitaw na guhit sa mga kit. Ang sabi kasi nila kapag nag two red lines ay positive at kapag isa lang ay negative naman. Parang gripong bumuhos ang aking mga luha nang tumambad sa akin ang dalawang pulang guhit sa magkaibang kit. Impit akong napahagulgol at nanghihinang napaupo sa sahig na tiles ng aking banyo. “Nette, anak, handa na ang almusal!” Natigilan ako nang katukin ni mama ang pintuan ng aking banyo. “Baka ma-late ka sa school!” sigaw pa niya mula sa labas. “Nagbibihis lang po, ma!” tugon ko. Tumayo ako at hinamig ang aking sarili. “Bababa na rin po ako!” Narinig ko pang sumara ang pintuan ng aking kwarto. Lumabas na si mama. Muling nag unahan sa pag agos ang aking mga luha nang humarap ako sa malaking salamin. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang dalawang pregnancy test kit. Lumakas ang aking pag iyak nang dalhin ko iyon sa tapat ng aking dibdib. “Buntis ako… buntis ako…” sambit ko habang hilam sa luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD