Chapter 18: Surprised

1063 Words
Chapter 18: Surprised   Wala pang isang linggo mula nang ibalita ni Winston kay Skye ang tungkol sa pagbabalik nito ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Pat at niyaya siya nitong samahan sa pagbisita nito sa bahay na ipina-renovate ni Winston.      “Tapos na ang renovation at nandoon na ang lahat ng mga ginawa mong decoration. Finishing touches na lang ang gagawin para pag-uwi ni Doctor Tiwaquen ay doon na siya didiretso,” sabi nito habang nasa biyahe sila patungo sa Alabang.      Napangiti si Skye. “Excited na nga akong makita ang kinalabasan ng bahay. Hindi biro ang ginawang renovation doon, ‘di ba? Bago siya lumipad papunta sa Korea ay isinama niya ako para tingnan ang mga developments sa bahay, pero ngayon ko lang uli makikita iyon. Excited akong makita ang end result.” Kinuwento niya rito ang naging huling pagbisita nila ni Winston sa bahay nito sa Alabang.      “Dati ay simpleng alterations lang sa interior ng bahay ang pinag-uusapan namin ni Doc. Pero nang mabili niya iyon, he changed his plans. Naging mas matagal ang renovation. Medyo ni-rush namin ito para nakahanda na bago siya umuwi. Siguradong magugustuhan niya iyon.”      “That’s for sure.”      “Actually, kaya kita isinama ay para makita mo ang interior ng bahay. Hindi kasi kami makapagdesisyon kung saan ko ilalagay iyong mga structures na gagawin para sa pre-wedding party ni Doctor Tiwaquen. Hindi ko alam kung sa loob o sa labas ng bahay mas magiging dramatic iyong effect ng makeshift stage at iba pang props na napagkasunduan naming gawin ng wedding planner na ipina-contact ni Doc sa akin.”      Napamaang siya rito. Pre-wedding party? Wedding planner?      Walang anumang nagpatuloy si Pat. “Kaya kita isinama ay dahil gusto kong ikaw ang gumawa ng decorations para sa buong bahay. Gusto ko’y akma sa interior ng bahay ang mga ilalagay na decors. Sky is limit daw ang budget kaya wala akong nakikitang problema kahit pa mahal ang ipresyo mo sa mga gagamitin natin. Interasado rin iyong wedding planner sa mga gagawin mo. Kapag nagustuhan niya, bibilhin daw niya ang mga iyon pagkatapos gamitin sa party. ‘Pag nagkataon, maraming makakakita ng mga decors mo, Skye. Mas marami ka nang magiging bigtime client. Magandang break din ito para sa ‘yo, I’m sure of that.” Patuloy pa ring pagkukuwento nito, halata ang sobrang excitement. Hindi naman makahuma si Skye sa nalaman. Hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon.      Daldal pa rin ito ng daldal habang nasa buyahe sila, pero wala na siyang naintindihan sa iba pang sinabi nito. Nagpapasalamat na lang siya at maayos na ang puso niya. Kung hindi, tiyak na tumimbuwang siya sa loob ng van.      “Oy! Natulala ka na riyan,” pukaw sa kaniya ni Pat.      “P-pre-wedding party ‘kamo ang okasyon?” sa wakas ay sabi niya.      “Yes,” sagot nito. “Wala pa namang naka-set na date ang kasal nila ni Miss Kim, pero dahil marami na ring mga kaibigan dito sa Manila si Doc, he felt he owed it to them na magpa-party rito kahit simple lang. Hindi pa rin naman nila alam kung saan gaganapin ang formal wedding.” Tiningnan siya nito. “Sana dito na lang, ‘no? Para ako uli ang kunin ni Doc na decorator niya sa kasal. Partner tayo. ‘Pag nagkataon, siguradong bongga to the max iyon.” Muling pagpapatuloy nito, wala itong kaalam-alam na bawat usap nito ay para ng pinagsasaksak ang puso niya sa sakit.      Hindi siya makasagot. Gusto niyang himatayin. Kung kailan niya kailangan ang dispalinghadong puso para atakihin na lang siya at mamatay on the spot, saka naman strong as a bull iyong nasa rib cage niya ngayon.      Alam niyang darating ang araw na kinatatakutan niya pero hindi niya inaasahan na mapapaaga iyon. Ang masakit pa, wala man lang ipinahiwatig si Winston sa kaniya tungkol doon.      “Oo nga pala, Skye. Nasa bahay si Miss Jenny ngayon. Hinihintay niya tayo ngayon roon. Pumunta siya rito sa Pilipinas para personal na asikasuhin ang preparation sa party. Excited siya nang makausap ko three days ago. Kunsabagay, kung si Winston ang magiging groom, sino ba ang hindi maeexcite?”      Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Gusto man niyang isigaw na siya ang mahal ni Winston ay hindi niya magawa. Mistulang natuklaw siya ng ahas sa kaniyang puwesto. Hindi siya makahuma. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Deep inside her, sobra siyang nasasaktan sa revelations na kaniyang nalaman nang mga sandaling iyon.      “Napaka-graceful ng fianceé ni Doctor Tiwaquen, Skye. And she’s really nice. I thought she is one of those obnoxious society bitches. Hindi pala. Kung masuwerte siya kay Doctor Tiwaquen, masuwerte rin si Doc sa kaniya. Wala akong maipintas sa kaniya. Tama lang na sila ang magkatuluyan dahil bagay na bagay sila.” ani pa ni Pat, clueless sa nararamdaman ni Skye. Para iyong bubog na humihiwa sa kaniyang puso. Hindi naman niya masawata ang mga sinasabi nito sapagkat wala siyang karapatan. In the first place, sa una pa lang ay alam na niyang engaged sina Winston at Jenny. Pero nasasaktan pa rin siya sa kaniyang nalaman. Para siyang sinampal ng katotohanan.      Inobliga na lang niya ang sariling makinig pa rito. Kahit pa sabihing arranged wedding ang mamamagitan kina Jenny at Winston, magiging mag-asawa pa rin ang dalawa.      At ichapuwera na siya.      Nakarating sila sa bahay sa Alabang. Halatang nagulat si Jenny nang makita siyang kasama ni Pat subalit wala itong sinabi. Hinayaan niya lang ang dalawa na mag-usap. Hindi niya maramdaman ang kaniyang presensiya sapagkat lutang na lutang ang kaniyang pakiramdam.      “This is quite a surprise. I have no idea that you will come here, Skye.” sabi ni Jenny sa kaniya, nakangiti man ito nang sabihin iyon pero iba ang dating sa kaniya. Isang tipid na ngiti lang ang nagawa niyang itugon dito. Pekeng ngiti sapagkat walang kapares na sakit ang nararamdaman niya nang makahrap na niya ito sa magiging bahay ng mga ito, kasama ng lalaking pinakamamahal niya.         Hindi na niya alam kung paano niya nairaos ang appointment nilang iyon kasama ang babae. Lumilipad ang kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. Iisa lang ang nais niyang gawin nang mga oras na iyon, iyon ay ang magkulong sa kaniyang kuwarto at iiyak ang sakit ng kaniyang nararamdaman.      Paano nagawa ni Winston sa akin iyon? Ni hindi man lang ako nainform…     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD