Chapter 17: Tawag

1000 Words
Chapter 17: Tawag Natutuwa si Skye sa magandang takbo ng buhay nilang magkakapatid. Nakuha na nila ang mga benepisyo ng yumao nilang ama. Dahil kasal ito at ang kanilang ina, lahat ng benepisyo nito ay sa kanilang tatlong magkakapatid napunta. Inasikaso iyon ni Attorney Salazar, ang abogadong inirekomenda ni Travis sa kanila. Pati ang bahay na ipinamana sa kanila ni Lola Milagroas ay nabawi na nila mula kina Marites. Kasalukuyan nilang pinauupahan iyon. Napagdesisyunan nilang bilhin ang unit na tinutuluyan nila mula sa perang nakuha nila sa benepisyo ng kanilang ama.      “Ayon sa aking pagsisiyasat, regular na nahuhulugan ang SSS at Pag-ibig ng inyong ama noong malakas at nakakapagtrabahao pa siya. At dahil hindi naman nagloan ang inyong ama, malaki laki na rin ang tinubo ng perang iyon dahil sa natagalan ang pag-claim ninyong magkakapatid. Wala roong habol si Marites sapagkat kasal ang inyong ama at ina. May makukuha man ang inyong mga kapatid sa ama ay gasino na lang. Kayo ang higit na makikinabang roon.” Sabi sa kanila ni Attorney Salazar noong huling mag-update ito sa kanila tungkol sa kasong isinampa nila sa kanilang madrasta at mga kapatid. Siniguro ng kanilang abogado na maipakulong ito dala nang huling pagsugod nina Marites sa kanila na muntik na niyang ikamatay ilang buwan na ang nakakalipas.      Maswerte sila sa nakuhang abogado nila dahil naasikaso nitong habulin ang mga benepisyong sila ang dapat na makinabang. Nakatulong iyon para umangat nang kaunti ang buhay nilang magkakapatid. Sa katunayan ay nagamit rin niyang pandagdag puhunan iyon sa kaniyang munting negosyo. Hindi na sila maaalangan pa kina Winston man o kay Travis dahil nanggaling ang mga ito sa mga may sinasabi sa buhay.      Na-promote na rin sa trabaho niya si Troy at naging freelance model naman si Ate Suzy. Madalas na silang magkita-kita kaya napansin na ng mga ito ang skills niya sa pagpipinta at paggawa ng mga handicrafts. Minsan ay tinutulungan pa siya ng mga ito at nagsisilbing bonding momemnts na rin nila iyon. Nagpapasalamat siya na kahit wala si Winston ay hindi siya pinababayaan ng kaniyang mga kapatid. Mas naging close sila sa isa’t isa dahil napakarami nang nagbago sa mga buhay nila.      “Ate Suzy, bakit parang Biyernes Santo ang hilatsa ng mukha mo?” pambubuska ni Troy sa kanilang ate habang magkakaharap silang naghahapunan. “Sino ang nagpakain sayo ng ampalaya ice cream at sobrang pait ng pagmumukha mo? Sino ang salarin? Ibitin natin patiwarik.”      “Heh! Tigilan mo nga ako bunso,” ingos ni Ate Suzy dito. “Kumain lang kayo ng kumain, huwag ako ang iyong pansinin.”      Nangingiti naman si Skye habang sumasandok pa ng kanin na nasa mesa. Dinagdagan niya iyon ng adobong manok na siyang ulam nila nang mga sandaling iyon.      Alam nilang si Travis ang ‘salarin’. Matagal-tagal na niyang napapansin na hindi na bumibisita sa bahay nila ang binatang negosyante. Gusto niyang damayan ang kaniyang Ate Suzy. Alam niyang brokenhearted ito may ilang linggo na pero ni minsan ay hindi ito nagkukuwento sa kanino man sa kanila ni Troy ng nangyari sa personal na buhay nito kaya kahit gusto niyang aluin ito ay hindi niya magawa. Sa ngayon ay hindi rin niya magagawa iyon dahil medyo confused at lovesick din siya sa pangungulila niya kay Winston.      Apat na buwan na rin itong nasa Korea. Hindi naman ito nagmimintis sa pagtawag sa kaniya. Lagi rin niya itong ka-videocall. Pero iba prin iyong nasa malapit lang ito. Missed na missed na niya ito.      Sa kalaliman ng gabi ay naalimpungatan siya sa narinig na impit na iyak sa kabilang silid. Gusto niyang puntahan si Ate Suzy, pero masekreto ito sa buhay pag-ibig nito kaya baka itaboy rin lang siya nito kapag kinausap niya. Alam niyang mahal ito ni Travis. Nakikita at nararamdaman niya iyon. Pero bakit nauwi iyon sa wala?      Napaisip siya, paano kung mangyari din iyon sa kanila ni Winston? Agad naman niyang iwinaksi iyon sa kaniyang isip.      Mayamaya ay muntik na siyang mapatalon nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Agad niya iyong dinampot mula sa pagkakapatong sa bed side table. “Hello?”      “Yeobo, you bad girl. Bakit gising ka pa? Nagpapahinga ka na dapat ah,” ani Winston mula sa kabilang linya.      “Iniisip kita eh,” napapangiting pag-amin niya. “At bakit ka tumawag nang ganitong oras kung ine-expect mong tulog na ako?”      Tumawa ito. “Iniisip din kita eh. May sasabihin ako. I’m going back in six weeks’ time. Ngayon ko lang na-confirm iyon, so I’ll see you next month!” masayang pagbabalita nito.      Nabigla siya sa nahimigan niyang kasiyahan sa tinig nito. Parang dumaloy iyon papunta sa cell phone niya at nasalin sa kaniya ang iba. Nag-ulap ang kaniyang mga mata kasabay ng panunuyo ng kaniyang lalamunan.      “Hello, Skye? Ae you still there?”      “Yes. Winston… Missed na missed na kita. ‘Buti na lang at uuwi ka na.”      “Nami-miss na rin kita, my jagiya. I’ll see you soon. I love you.”       “I love you, too,” maemosyong tugon niya.      “Don’t cry, sweetheart. Ayokong umiiyak ka.” Nag-aalalang sabi ni Winston.      Isang singhot pa ang pinakawalan niya bago hinamig ang sarili. Nang magsalita uli siya ay matatag na ang boses niya. “Hihintayin kita, Winston.”      “You do that. I’ll see you in six weeks. I’ll call up again. Matulog ka na, okay?” bilin pa nito.      “Oo.”      “Saranghae. Dangsingwa hamkke neulg-go sip-eo. Remember that.”      Napangiti siya. Alam na niya ang kahulugan niyon. “I love you too.”      Nang maputol ang linya nito ay napakapit siya nang mahigpit sa kaniyang cell phone. Inisip niya ang pagbabalik ni Winston. Mawawala rin siya sa iyo tulad ni Travis kay Ate Suzy. Kahit pagbali-baligtarin mo pa ang mundo, hindi maikakaila ang katotohanang may Jenny sa buhay buhay niya, panunuya ng maliit na tinig sa isip niya.      Napadilat siya at tumunganga nang matagal habang naririnig pa rin ang pag-iyak ni Ate Suzy sa kabilang silid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD