Chapter 15: Saranghae

1121 Words
Chapter 15: Saranghae Mahigit isang linggo pang nag-stay sa ICU si Skye bago siya nailipat sa isang private room. Nagpahinga pa siya nang isang linggo bago sinimulan ang kaniyang physical theraphy.      “Ganoon pala iyon. Kapag matagal kang nakahiga, nakakalimutan ng mga paa mo kung paano maglakad,” napapagod na sabi ni Skye kay Winston pagkagaling niya sa first session niya sa kaniyang physical theraphist.      “One week lang naman ang theraphy mo, Skye. Twice a day lang. Paglabas mo, ire-require kitang bumisita sa PT mo twice a week within a month,” sabi ni Winston na nasa likuran niya at itinutulak ang wheel chair niya.      Pagdating nila sa kaniyang silid, tinulungan siya ng private nurse niya na kinuha ni Winston para sa kaniya na maihiga siya sa kama. Pagkatapos ay lumabas na ang nurse para mabigyan sila ng privacy.      “Pagod na pagod ako,” rekamo niya kay Winston.      Umupo ito sa silyang katabi ng kamang hinihigaan niya. “I know, kaya nga matulog ka na para makapagpahinga ka na.”      “Wala ka bang naka-schedule na ooperahan ngayon?”      “Wala. Dito lang ako sa tabi mo maghapon.” Pagkasabi niyon ay dumampot ito ng magazine at binuklat ang mga pahina niyon.      Napahinga siya nang malalim habang pinagmamasdan niya ito. Nakasisiguro na siyang mahal siya nito—hindi lang sa salita, sobra-sobra pa nga sa gawa. Wala na itong kailangang patunayan pa sa kaniya. Kung pakakaisipin, marahil siya na ang pinakasuwerteng babae kung naiba lang ang sitwasyon. Subalit mayroon itong obligasyon na kailangan nitong tuparin. Nakakaramdam siya ng pagguhit ng sakit sa kaniyang puso tuwing maaalala niya iyon. At kagaya nang palagi niyang ginagawa, isinasara niya ang isip sa hinaharap.      “I love you,” deklara niya bago pa siya makapag-isip nang matino.      Napatigil ito sa ginagawa nitong pagbabasa ng magazine at saka tumingin sa kaniya. “I seldom hear that from you. Thank you for loving me, Skye,” nakangiting sabi nito.      “No. Thank you for loving me.”      “You’re welcome.”      “Ang yabang naman,” aniyang iningusan nito.      “Aba, sadyang ipinagyayabang ko iyon. We love each other. Shouldn’t I be proud of?”      “Oo na.” Nangingiting umiling siya.      “Iyon naman pala eh.” Nginitian din siya nito at saka hinalikan sa noo. “Oh sleep na, sweetheart.”      Pumikit siya, ngunit saglit lang ay dumilat muli. “Si Jenny, Winston? Nasaan siya?”      “Bumalik na siya sa Korea after a week of staying here.”      “Akala ko, dito na siya titira.”      “Buti’t pumayag siyang magpakasal sa ‘yo?”      Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Mabuti ba iyon?”      “Mabait ba siya?”      “Hmm… I really can’t say.”      “Bakit? Hindi pa ba kayo nagkakasama at—”      “Bakit ba natin kailangang pag-usapan si Jenny pagkatapos mong magsabi ng ‘I love you’?” sita nito sa kaniya.      “Naisip ko lang na baka unfair sa kaniya ang nangyayari sa pagitan nating dalawa. Alam mo na—”      “Don’t bother with Jenny. Magpahinga ka na lang. Kung anu-anong pumapasok sa isip mo,” iiling-iling na sabi nito.      Pumikit siya kahit wala talaga siyang balak matulog. Gusto niyang namnamin ang proximity nila ng binata. “Winston?” kapagkuwan ay tawag niya.      “Ano na naman?”      “Anong ginagawa mo sa apartment building namin nang pumunta roon sina Marites?” nakapikit na tanong niya.      “Papunta na kasi talaga ako roon noong tawagan mo ako. Sosorpresahin sana kita. Pero ako ang na-surprise nang todo.”      “Aba, himala! Pagkalipas ng ilang linggong paninikis mo sa akin, sosorpresahin mo ako?”      “Skye, I’m only human. Pinilit kong lumakad nang diretso sa destinasyon ang tingin. Pero nang muli kitang makita after all those weeks missing you, saka ko narecognize ang malaking vacuum na ginawa mo sa puso ko. My heart is empty without you, sweetheart.”      “Sige, ituloy mo pa,” kinikilig na hiling niya. Tumagilid siya sa kama para matitigan niya ito nang mabuti.      “Tama na at baka masyado nang lumaki ang ulo mo.”      Napahagikgik siya. “Thank you for coming to my rescue. Kung wala ka noon sa apartment, baka namatay na ako.”      Nagtagis ang mga bagang nito bago nagsalita. “Nagkausap na kami ni Attorney Salazar tungkol diyan,” anitong ang tinutukoy ay ang abogadong inirekomenda ni Mr. Travis Guevarra sa kanilang magkakapatid. Sa ngayon ay ito ang nag-aasikao ng kasong isinampa nila sa kanilang madrasta kasama ng mga anak nito. “Siya na ang bahala sa mga iyon. Dapat silang mabulok sa kulungan.”      “Nahihiya ako sa ‘yo. Hindi ko pa natatapos iyong mga order mo sa akin.”      “For goodness’s sake, Skye, iniisip mo pa ba iyon? It can wait. Magpagaling ka na lang muna, okay?”      “Paano iyong order ng kompanya ninyo sa Korea?”      “Nakausap ko na sila tungkol doon. They, too, can wait.”      Tumango siya at saka ngumiti. “Hmm… puwede mo ba akong tabihan?”      Tuluyan nang ibinaba nito ang binabasa at tiningnan siya. “What?”      “Dito ka na lang sa tabi ko magbasa niyan,” nguso niya sa magazine na hawak nito, “kahit hanggang makatulog ako.”      Ngumiti ito. “Sure.” Tinulungan siya nitong umisod sa gilid ng hospital bed bago ito maingat na nahiga sa tabi niya. Niyakap siya nito. “Better?”      Tumango siya.      Humiling ito sa kaniya at kinantahan siya ng isang awitin na hindi niya masyado maintindihan ang lyrics. Kasi naman pala ay Korean love song iyon. Natawa siya, pero mayamaya lamang ay may sumungaw nang luha sa mga mata niya. Winston had such a beautiful voice. Kahit hindi niya naiintindihan ang lyrics, nahuhulaan niyang isang love song iyon. Nawala ang lahat ng alalahanin niya habang tinatangay siya ng kaniyang emosyon.      “Saranghae.”      “What?”      “Saranghae-yo, Winston-si”      “Aba…” Napabangon ito nang bahagya at saka itinukod ang siko sa kama habang nakasapo sa palad ang baba nito. “Saan mo naman natutuhan iyan?”      “Sa Google.” Nakangiting sagot niya. “Kakapanood ko rin ng mga kdrama.”      “Aba—”      “Saranghae.”      Bumungisngis ito. “Tingnan mo nga naman. ‘Eto i-translate mo,” sabi nito saka humalik sa pisngi niya. “Dangsingwa hamkke neulg-go sip-eo.”      “Ano iyon?”      “Secret. Kinindatan siya nito, sabay higa uli. “Tulog na, nililibang mo ako ah.”      Nag-iisip siya kahit nang ipikit na niya ang kaniyang mga mata. Could it be…? Hmm… I-google ko na lang, for the meantime kailangan niya munang matulog katabi ng pinaka-guwapong lalaki sa kaniyang paningin.      Sana hindi ito panaginip lang…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD