Chapter 14: Operation

1122 Words
Chapter 14: Operation Makailang beses nang nagising si Skye pero noon lang niya nagawang idilat nang matagal ang kaniyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nanlalambot pa ang kaniyang katawan at halos hindi niya maikilos.      “Skye…” narinig niya ang tawag ng taong tumabi sa kaniya. Pinilit niyang aninagin ito kahit masakit sa mga mata ang ilaw. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at saka inulit ang pagtawag sa kaniya. “Fight, sweetheart. Kaunti pa, Skye, kaunti pa. Please fight for me.”      “W-winston…” Kumirot ang puso niya sa hirap na pagbanggit niya sa pangalang iyon. Tumulo ang mga luha niya.      “Ssshh… It’s all right, sweetheart. Don’t speak. Hindi ka puwedeng mapuwersa sa ngayon. Just rest.”      Lalo siyang umiyak. May gusto siyang sabihin pero wala siyang lakas na bigkasin iyon. Gusto niyang banggitin ang tatlong salitang iyon para ipaalam dito ang nadarama niya bago man lang siya tuluyang mamahinga.      “Please don’t cry, Skye. Lalo ka lang mai-stress niyan.”      Tumangu-tango na lang siya at saka pilit na itinaas ang isang kamay para abutin ang mukha nito. I love you, Winston.      Maingat na niyakap siya nito sa tiyan. “I love you, Skye. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka sa akin ngayon. I don’t want to lose you…”      Gusto na naman niyang umiyak dahil sa ibinubulong nito, ngunit pinigilan niya ang sarili para na rin dito. Pumikit ulit siya at sakat humilig sa braso nito. Wala ng pag-aalala sa kaniyang puso. Alam niyang ligtas siya dahil naroroon si Winston. Hindi nito hahayaang may mangyaring masama sa kaniya.      Parang may sumipa sa dibdib ni Winston habang pinagmamasdan niya ang ngayon ay payapang natutulog na si Skye. Parang dinudurog ang kaniyang puso habang minamasdan niya ang kalunus lunos na sinapit nito sa kamay ng madrasta at mga kapatd nito. Napatiim-bagang siya, sisiguraduhin niyang ipakukulong niya ang mga ito sa ginawa ng mga ito kay Skye.      Laking pasalamat na lang niya at buhay pa ang minamahal.      Nasa ICU ward na ng hospital si Skye nang tuluyang manumbalik ang kaniyang ulirat. Ayon kay Winston, ilang araw na siya roon na pagising-gising lang bago siya nagkamalay nang tuluyan.      Nang pumasok sina Ate Suzy at Troy sa silid ay nakita niya ang mga tuyong luha sa mga mata ng dalawa. Mahigit isang linggo na siya naooperahan pero alam niyang araw-araw pa rin siyang iniiyakan ng kaniyang mga kapatid.      “Napaaga pala ng ilang linggo sa schedule ang operation mo, Skye. Ikaw ha, malihim ka talaga,” sabi sa kaniya ng kaniyang Ate Suzy. “Gusto mo pa kaming sorpresahin. Well, hindi ka nabigo. We were.”      “Ano’ng nangyari kina Marites?” kapagkuwan ay pag-iiba niya ng usapan.      Nagkatinginan ang mga ito ang mga ito bago nagsalita si Troy. “Mas makakabuting huwag muna natin silang pag-usapan, Ate, para huwag kang ma-stress masyado. Makakasama sa ‘yo. Basta kampante na tayo ngayon dahil nakakulong na sila at hindi sila puwedeng magpiyansa dahil sa patung-patong na kasong isinampa natin laban sa kanila. Maige na lang at magaling na abogado ang inirekomenda sa atin ni Kuya Travis.”      Nais man niyang mag-usisa pa ay minabuti niyang ipagpaliban na iyon. Pagkaalis ng mga kapatid niya ay pinatulog siya ng ICU nurse. Kinabukasan na uli siya nagising. Katatapos palang siyang paliguan ng mga nurse nang pumasok si Winston sa silid.      “Hello, good morning,” nakangiting bati nito habang binubuklat ang chart niya. “Balita ko’y ako ang doktor ng pinakamagandang pasyente sa balat ng lupa.”      Ngumiti siya habang dahan-dahang ibinaba ang kamay na may hawak na hairbrush. Mabilis siyang mapagod. Nangangalay agad ang kaniyang kamay kapag nagsusuklay siya.      “Hmmm… Hindi ka mukhang mukhang paper doll ngayon. May kaunting kulay na ang mga pisngi mo.” Hinalikan siya nito sa noo bago kinuha ang hairbrush sa kamay niya. Ipinagpatuloy nito ang pagsusuklay sa kaniyang mahabang buhok. “Huwag kang masyadong magkikikilos dahil matagal-tagal pa bago mawala ang pananakit ng katawan mo.”      Tumango lang siya. May ilang dislocated bones siyang natamo dahil sa pagsalya sa kaniya ng mag-iinang kawatan.      “There…” Sinipat siya ni Winston at sakat ito ngumiti. “You look so much prettier.” Pagkatapos ay tsinek na nito ang vital signs niya at inilabas ang latest ECG result niya, pati ang report ng lahat ng mga makinang nakakabit sa kaniya. “You’re looking good. Nasasanay na ang puso mo sa bagong routine niya. Kapag nagtuluy-tuloy ito, baka next week ay makalipat ka na sa private room.”      “Hindi pa ba ako uuwi?” marahang tanong niya.      “Hindi pa. Magpi-PT ka pa ng isang linggo. Within two weeks, tingnan natin kung makakalabas ka na.”      “Hindi ba puwedeng… sa bahay na lang ako magpahinga? Masyado na kasi akong matagal dito sa ospital. Dito pa lang sa ICU, baka hindi na namin kayanin ang babayaran,” nagpapaunawa ang tinig na sabi niya. “Hindi ko alam kung paano kami makakahanap ng ibabayad dito.”      “Wala kayong babayaran dito. Hindi pa ba nasasabi sa ‘yo ng mga kapatid mo?”      “Huh? B-bakit?”      “Everything is going to be paid for by—”      “You?” Kumunot ang noo niya.      Ngumiti ito. “I will take care of you.”      “Hindi mo ito obligasyon, Winston,” halos pabulong na sabi niya.      “I want to make it mine.” Itinaas nito ang kanang kamay na may hawak na stethoscope nang tangkang sasagot pa siya. “It’s a close argument. Mag-concentrate ka na lang sa pagpapagaling mo, okay? And quit worrying. Deal?”      Tumango na lang siya. Titig na titig pa rin siya rito nang magsalita uli siya. “D-dadalawin mo ba ako sa bahay kapag… nakalabas na ako?”      “I’m actually thinking of moving in with you. Gusto kong mabantayan kita nang husto.”      Nanlalaki ang mga matang napasinghap siya.      Tumawa ito sa reaksiyon niya. “Whooops! Bawal ma-excite,” umiiling na sabi nito. “I have to go. Mag-i-scrub na ako para sa operasyon ko ngayong araw.”      “Kung pagod ka na pagkatapos n’on, hindi mo na ako kailangang puntahan dito mamaya.”      Pinagtaasan siya nito nang kilay. “Ows? Talaga?”      Napangiti na lang siya. Mauubos lang ang energy niya pero alam niyang hindi niya mapipigilan ito.      “Take care, okay? Rest. I’ll be back later.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at saka hinalikan sa noo bago ito tuluyang lumabas ng ICU.      Hinabol niya ito ng tingin. Pagkatapos ay nakadama siya ng matinding pagod dahil sa matinding excitement. Tama ba ang narinig niya? Nagbabalak si Winston na tumira sa bahay nila para mabantayan siya nito nang husto?             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD