Chapter 22: Against All Odds
Isang buwan na mula nang magkaayos sila ni Winston, kaya isang buwan na rin mula nang maging engaded sila nito. Gayunpaman, hindi pa rin niya nami-meet ang pamilya nito na nasa Korea. Dahil naging abala na silang pareho—si Winston sa mga indigent patients nito at siya, sa kaniyang pag-aaral at sa paggawa ng mga sunod-sunod na orders ng decors.
Nagpa-plano pa lang sila na bumisita sa Korea pagkatapos ng kanilang mga commitments ay naunahan na sila nang biglaang pagbisita ng ina ng binata. Dumating ito kahapon, although hindi pa sila ganap na nagkikita.
Kaninang umaga ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ginang. Labis na ikinagulat ni Skye iyon.
“Skye, hija, puwede ba tayong magkita mamayang lunch sa Luciana’s?” anang tinig ni Mrs. Tiwaquen sa kabilang linya, alam niyang Koreana ito kaya mas nagulat siya sa kaalamang matatas pala itong mag-Tagalog. Malumanay ang tinig nito pero may kaakibat na awtoridad sa bawat pagbigkas nito nang kataga.
“B-bakit po, Ma’am?” tanong kaagad niya.
“May importante lang tayong pag-uusapan.”
Hindi na siya nag-atubili sa pagtugon. “Sige po. Pupunta po ako roon.”
“Good. And, Skye…”
“Ano po ‘yun?”
“Can you please not tell to Winston about this? Gusto ko sana na manatiling sa pagitan lang nating dalawa ang pagkikitang ito. Can you give me your word on that?”
Saglit siyang natigilan. Bakit? Tanong ng isipan niya, ngunit hindi niya isinatinig iyon. “S-sige po,” sabi na lang niya. “Hindi ko po ipapaalam kay Winston ang tungkol dito.”
“Thanks hija.” At agad nang pinutol nito ang tawag.
Hanggang nang mga sandaling iyon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung ano ang sasabihin ng ginang sa kaniya. May kinalaman kaya iyon kay Winston at sa kaniya? Naisip niyang maaari dahil wala naman silang ibang puwedeng pag-usapan. At malamang na malaki ang kinalaman niyon sa nalalapit nilang pagpapakasal ng anak nitong si Winston.
Nasa loob na siya ng Luciana’s Restaurant. Nag-order na muna siya ng orange juice habang hinihintay ang pagdating ni Mrs. Tiwaquen.
Nagulat si Skye nang tumunog ang kaniyang cell phone. Inilabas niya ang cell phone mula sa kaniyang bag. May text si Winston sa kaniya. Itinatanong nito kung nasaan siya. Tumawag daw kasi ito sa bahay nila at sinabi nga raw ni Troy na lumabas siya.
Bahagyang nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lang at sinunod ng kaniyang kapatid ang ibinilin niya na hindi dapat malaman ni Winston ang pakikipagtagpo niya kay Mrs. Tiwaquen.
Nagreply siya kay Winston. Sinabi niya na nasa bookstore siya at bumibili ng magazines.
Nag-text uli ito. Okay. I got another operation @ 1pm. See you tonight, sweetheart. Love you!
Inilapag na lang niya ang kaniyang cell phone sa ibabaw ng mesa.
Mayamaya ay napatingin siya sa entrance door ng restaurant. Papasok na roon ang isang sopistikadang ginang na nakasuot ng mamahaling damit. Nasa edad singkuwenta na ito at may malaporselanang kutis. Hawig ito sa mga korean actress na napapanood niya sa mga kdrama. Singkit na singkit ang mata nito. Nahinuha niyang si Mrs. Tiwaquen na ito, ang kaniyang katatagpuin roon.
Napatayo kaagad siya at nginitian si Mrs. Tiwaquen.
“Annyeong, you must be Skye?” nakangiting bati nito sa kaniya nang makalapit sa kaniyang kinauupuan. Nakipagbeso pa ito sa kaniya.
“Annyeong, Mrs. Tiwaquen,” tugon niya habang saglit na yumuko bilang pagbati rito.
Naupo na silang dalawa.
Lumapit sa kanila ang isang unipormadong waitress. “Good afternoon, Mrs. Tiwaquen,” magalang na bati nito sa ginang.
Tumango ito. Nag-order na ito ng pagkain para sa kanilang dalawa.
“Nakipagkita ako sa ‘yo dahil nalaman kong engaged na kayo ni Winston mula nang makabalik na siya rito galing Korea,” panimula nito.
Sabi ko na nga ba! Sa loob-loob niya. Biglang may bumundol na kaba sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Walang kangiti-ngiti ito.
“The truth is, I’m against to that. You know, he was once engaged to Jenny. Nasabi naman na niya siguro sa ‘yo?”
Hindi siya nagsalita.
“Why, because you’re too weak. I’m aware na isa ka sa mga indigent patient na naoperahan ng anak ko, ng libre. Gusto ko sana, kung mag-aasawa si Winston ay iyong makakatuwang niya sa pagma-manage ng aming chains of hospital. Korean too, if possible.”
Hindi pa rin siya nagsasalita pero bumabangon na ang kirot sa kaniyang dibdib. Sa tinutumbok ng mga salita nito, alam na niya na hindi ito pabor sa hangarin ni Winston.
Ipinagpasalamat niya na dumating na ang waitress dala ang kanilang pagkain.
Pero habang kumakain sila, nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Sa akin pa lang sinasabi ni Winston ang balak niyang iyon, Skye.” Kaya natakot si Winston.”
Ikinabigla nang labis ni Skye ang sinabi ni Mrs. Tiwaquen.
Saglit siyang natahimik. Mayamaya ay naalala niya ang minsan ay nasabi ni Winston sa kaniya. Sa ngayon ay kuntento na muna ako sa pamamahala ng family business namin. At alam niyang ang pagmamanage ng mga pinatayo ng mga itong hospitals ang tinutukoy nito.
Napalunok siya. Ni sa hinagap ay hindi niya napaghandaan ang tungkol sa bagay na ito.
“Hindi ba nabanggit ni Winston ang plano niyang iyon sa kaniya, Skye?”
Umiling siya. “H-hindi po, Ma’am.”
“Ngayong alam mo na, gusto ko sanang intindihin mo ang ang magiging kalagayan ni Winston by the time na malaman ng mga tao na ang asawa ni Winston ay isang payak at simpleng Pilipina. Na kung hindi dahil sa paisponsor ng aming pamilya ay hindi maooperahan.” Saglit itong natigilan at nag-atubili sa pagsasalita. Pero nagawa pa ring magpatuloy kapagdaka. “I’m sorry to tell this, but we have to face the fact na ang pamilyang pinagmulan mo ay—well, let’s say na hindi kanais-nais sa paningin ng madla. Tiyak na kukutyain si Winston lalo na kung sa Korea kayo maninirahan. Maaatim mo ba na ma-bully ka doon? I’m sure aware ka sa bullyin in Korea.”
Napasinghap siya.
Pero walang anumang nagpatuloy ito. “Umpisahan natin sa mga magulang mo. You’re an orphan. Although, aware akong lately ay may small business ka nang pinatatakbo together with your siblings. Hindi sapat iyon para maabot mo na ang level ng aking anak. Of course, you understand what I’m trying to explain, Skye. Sa tingin mo kaya ay makakaya mong tulungan si Winston na mapagbuti ang pagma-manage sa mga pagmamay-ari naming mga hospital gayong sa aking nalaman ay isa ka lang high school graduate?”
She felt numb. Parang pinipiga ang kaniyang puso sa bawat katagang binitawan nito tungkol sa kaniyang background. Gustung-gusto niyang sumigaw ng ‘foul’ subalit hindi naman niya magawa.
Gustung-gusto niyang mag-walk out at iwan na lang itong mag-isa sa mesang iyon. Pero wala siyang lakas na gawin iyon. Besides, sa kabila ng mga pamimintas nito sa kaniya, atleast, napatunayan man lang niya rito na lumaki siyang may breeding kahit paano.
Besides, ayaw rin naman kasi niyang bastusin nang harap-harapan ang ina ng lalaking pinakamamahal niya. Ang ginawa niya ay yumuko na lang siya at kunwari ay namuti ang mga kamay niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa kutsara at tinidor.
Nagsalita ulit ito. “I didn’t mean to be rude on our supposed to be first meeting, Skye. But there are people who’d delight in finding the least little things to use para sirain ang anak ko in the future. Alam mo na, usong-uso ang ganoon sa Korea. Lalo pa’t marami rin kaming kalaban sa negosyo.”
Hindi pa rin siya makapagsalita.
“Alam mo naman siguro kung gaano ka-demanding ang trabaho ni Winston. Hindi lang isa, kundi maraming hospital ang kailangan niyang i-manage here and abroad.”
Hindi pa rin siya umimik.
“Now, my question to you is…” Pinagmasdan nitong mabuti ang kaniyang mukha. Nakipaglaban naman siya rito nang titigan. “Kakayanin mo ba na maging asawa ni Winston? As much as possible, nais kong medisina rin ang hilig na mapapangasawa niya. You know, the wife’s position is as demanding as of that of her husband.”
Hindi nila napapag-usapan ni Winston ang tungkol sa bagay na iyon. Akala niya ay okay naman kahit magkaiba sila ng hilig nito. Nama-manage naman nila pareho, not until his mother came to see her.
Umiling siya. “I… I’m not suited for it…” mahinang saad niya. “I-I will never be the perfect wife to help him in managing your chains of hospital around the globe. I-I’m the kind of person who’s a nobody.” She found herself voicing out her real thoughts. “Nasanay ako na maging abala lang sa paggagawa ng mga decors at pagpipinta. Hindi ko ho kakayanin na matulungan si Winston sa pagmamanage ng mga hospitals ninyo. I’m sorry, Ma’am, pero ganoon ho ako.”
“In that case, ang gusto ko sanang mangyari ay hiwalayan mo na si Winston.”
Nag-angat kaagad siya ng kaniyang mukha at napatitig dito. “Ho?” aniya sa medyo napalakas na tinig.
“You heard me, Skye,” kampante pa rin ang tinig nito. “Let Winston go. Break with him. At gusto ko ay sa lalong madaling panahon.”
Napakurap-kurap siya. “M-mahal ko po si Winston, Ma’am.”
“Yes, I know. Pero kung talagang mahal mo siya, you have to sacrifice, Skye. In the first place nagkaroon kayo ng relasyon ng anak ko kahit engaged na siya noon sa iba. So I’m sure you’re prepared in the idea na anytime kailangan mo siya i-let go. And this is the time. Set him free and let him soar. Hindi ikaw ang nararapat para sa anak ko at alam kong alam mo ‘yan.”
Kumibut-kibot ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay itinulos siya sa lupa.
Kakayanin ba niya ang ipinapakiusap sa kaniya ni Mrs. Tiwaquen?
Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pagpatong ng isang kamay nito sa isang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. “Nakikiusap ako sa iyo, Skye. Hiwalayan mo na si Winston.”
Nag-iwas siya ng tingin dito. Kulang na lang ay sabihin nitong tahasan sa kaniya: “And wealth is what you lack, hija.” Hindi na niya napigilan ang sarili nang tumulo ang kaniyang luha.
“I know you’re a bright girl, Skye. Bakit hindi mo muna i-pursue ang pag-aaral mo ng Interior Designing? Who knows, kapag naging isang sikat ka na sa larangan ng Interior Designing eh magkabalikan kayo ni Winston. Reach for your dreams first.”
Napahagulgol na siya nang impit sa pangambang lumikha sila ng eksena. Baka naman isipin ng ibang naroroon sa restaurant na inaaway siya ng ginang. Ayaw naman niya ng ganoon.
“Gusto kong ang pinag-usapan nating ito ay maging lihim kay Winston, Skye para walang maging problema. You can make up a story, any reason para makipag-hiwalay sa kaniya. Say… you found another guy?”
Hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan na niyang binitawan ang hawak na kutsara at tinidor, saka tumayo. “G-gusto ko nang umalis, Ma’am.”
Lumarawan ang pagpoprotesta sa magandang mukha nito. “Pero hindi pa tayo tapos mag-usap, hija—”
Napahugot siya ng malalim na hininga. “Wala na po tayong dapat pag-usapan pa, ‘di ba? Ako na lang po ang tatawag sa inyo mamayang gabi kung ano ang magiging desisyon ko.”
Napilitang tumango ito. Inilabas nito ang mamahaling pitaka, saka naglabas ng calling card doon. “Here, take this. Diyan mo ako tawagan. Nandiyan ang cell phone number ko.”
Tinanggap na lang niya iyon at halos wala sa sariling isinuksok iyon sa bulsa ng kaniyang shoulder bag na dala.
“Remember, ang pinag-usapan nating ito ay sa ating dalawa lang. Ayokong ipaalam mo pa ito kahit kanino, lalo na kay Winston.” May himig pagbabanta ang tinig nito bagaman nakapagkit sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti.
Akala niya ay nanunuod siya ng kdrama. Si Mrs. Tiwaquen ang siyang kontrabida. Pero hindi, sa tunay na buhay pala ay talang nangyayari ang ganoon. At iyon ang nangyayari sa buhay niya ngayon.
Hindi na niya matagalang makipag-plastikan pa sa ginang.
“Aalis na po ako,” sabi niya sa magalang pa ring tinig. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Nagmamadaling tumalikod na siya at halos patakbong lumabas ng restaurant.