Chapter 21: Reconcile

1738 Words
Chapter 21: Reconcile Ilang linggo na ang lumipas mula nang mabalitaan ni Skye na nakabalik na si Winston sa Pilipinas. Minsan ay natatalo siya ng pananabik sa lalaki at natutukso siyang lunukin ang kaniyang pride at puntahan ito sa ospital para makita ito. Pero napipigilan siya ng ideyang tila parang kinalimutan na siya nito nang tuluyan.      Mabuti na lang at naging abala na siya sa dalawang proyektong nakuha nila mula sa pinagtatrabahuhan ni Troy. Bukod doon ay naglilipat na rin siya ng mga kagamitan sa ipinaayos nilang espasyo sa likod-bahay ng nakuha nilang bahay sa Tagaytay.      Nang maburyong siya sa pagsisimula at pagtatapos ng kaniyang trabaho, naisipan niyang kumuha ng isang special class sa interior designing na laan sa mga tulad niyang baguhan. Nagpi-fill up siya ng application form nang tumunog ang kaniyang cell phone.      “Hello, Skye?”      “O, Pat. Kamusta?”      “So-so. Busy ka?”      “Medyo. Nag-eenrol ako.”      “Puwede ka bang dumiretso sa bahay ni Winston pagkatapos mo riyan?”      “Ha? Bakit? Tapos na ako roon ah, ‘di ba?” paiwas na sagot niya.      “I know. Pero nakaayos na iyong mga gagamitin sa party. Mga bulaklak na lang ang kulang. Gusto kong makita mo iyon. Ang ganda kasi ng effect n’ong mga ginawa mong decors.”      Napangiwi siya. “Busy ako, Pat. Hindi ako available ngayon dahil mag-aaral nga ako.”      “Kahit saglit lang, Skye. Sige na, please?” narinig siyang pagsusumamo nito sa kabilang linya.      “Magsend ka na lang sa akin ng pictures. I’m sure maganda iyon dahil ikaw ang gumawa. Hindi na kailangan ang opinyon ko roon.”      “Hay, sige na nga. Nasaan ka ba ngayon?”      “Dito sa Philippine School of Interior Design sa Taguig.”      “Hmm… Excellent choice. May kamahalan diyan, but it’s worth it.”      “Mukha nga. Paano, next time na lang ha?”      “Okay. Hanggang mamaya ka pa ba riyan?”      “Babalik ako mamaya. After lunch pa kasi ako mai-interview.”      “Sige, good luck.” Nawala na ito sa linya.      Nagsalubong ang mga kilay niya habang ibinabalik sa loob ng shoulder bag ang cell phone. Ano ba namang torture ito? Naisaloob niya.      Inabot siya nang lunchtime sa school. Lumabas na lang siya para kumain. Bago mag-ala-una ng hapon ay bumalik siya para tapusin ang pagpi-fill up ng form. Busy siya sa pagsusulat habang nakatungo sa isa sa mga desks sa tapat ng registrar’s office nang may tumabi sa kaniya. Hindi lang tumabi, kundi talagang dumikit pa.      Naiinis na nagtaas siya nang tingin. Napanganga siya nang makita niya si Winston. Nakatingin ito sa sinusulatan niyang form at tila binabasa ang mga inilalagay niya roon.      “Hi,” bati nito nang magtama ang mga mata nila.      Nabiringot ang mukha niya. “Anong ginagawa mo rito?”      “Pumunta ako sa workshop mo, pero ang sabi ng malditang anak ng landlady mo, ayaw mo raw akong makita. Malaman-laman ko, hindi na pala doon ang workshop mo. Lumipat na rin pala kayo ng bahay. Ang akala ko pa naman, nagpapalit kayo ng landline number para lang iwasan ang tawag ko. Nagpalit ka rin ng cell phone number. Bin-lock mo rin ako sa f*******: kaya hindi ako maka-chat sa ‘yo. Mabuti na lang at nang lumuwag schedule ko eh, naisip kong kontakin si Pat para magtanong. Kaya heto ako ngayon.”      “Inutusan mo si Pat?”      “Why not?”      “Bakit hindi na lang ikaw ang tumawag sa akin? Puwede mo namang hingin ang bagong number ko sa kaniya.” Bahagi ng ‘pagbabagong buhay’ nilang magkakapati, ayon kay Ate Suzy, ang pagpapalit ng cell phone number.      “Eh di nag-panic ka naman.”      “Bakit naman ako magpa-panic?”      “Dahil natatakot kang gawin kitang kerida?”      Nag-iwas siya nang paningin at nagkunwaring abala sa pagsusulat sa application form. “Anong bang ginagawa mo rito?”      “Nakikipag-usap sa ‘yo.”      “Anong pag-uusapan natin?”      “Wala pa sa ngayon, pero maraming naka-line up. Tungkol sa atin, for starters.”      “Ano bang ‘atin’ ang pinagsasabi mo? Walang ‘atin’.”      “Marami, my jagiya.”      Napatingin siya rito. “Huwag mo na akong matawag-tawag na jagiya.”      “But you are my sweetheart. And you think I’ll just let you go with a simple good bye over the phone?” nakataas ang isang kilay na sabi nito.      “Ikakasal ka na.” Tinalikuran niya ito.      Hinawakan siya nito at ipinihit paharap dito. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kanino?”      “Halika nga. Sa ibang lugar tayo mag-usap.” Hahakbang sana siya pero napigilan siya nito sa braso.      “No, we will talk here. It’s a good place as any.”      Kinalma niya ang sarili upang huwag makahalata ang ibang naroroon sa tensiyong namamagitan sa kanila ni Winston. “Anong pag-uusapan natin?”      “Like I’ve said, you didn’t really expected to get away that easy, did you?”      “Mag-aasawa ka na, Winston. Mabait ang fianceé mo. Hindi ko maaatim na—”      “We broke our engagement five months ago.”      “Ha?”      “Jenny is already married to a Mexican doctor. One year na silang kasal.”      Napanganga siya. “P-pero—”      “Nalaman ko iyon nang umuwi ako sa Korea. Our families insisted that we set a wedding date. I’ve talked to Jenny and I told her I could not marry her. She agreed. Saka kami nakipag-usap sa harap ng mga pamilya namin. When they said they still want us to pursue our wedding, Jenny dropped the bomb in front of our families.”      Napamaang uli siya.      “Na-shock din ako.” Ngumisi ito habang tila inaalala ang pangyayaring iyon. “If you were there to see the chaos, riot talaga.”      “At—?”      “At siyempre, hindi na tuloy ang aming kasal. Napunta na kay Jenny ang atensiyon ng lahat. Sinabi niyang kasal na siya sa isang doktor na kasing-edad niya na nagsisimula pa lang ang career. Nagduduty pa lang daw sa hospital si Antonio ay nagkarelasyon na sila.”      “Ano naman ang reaksiyon ng pamilya mo?”      “They were insistent that I marry Jenny’s younger sister instead. Doon ako nagalit nang todo. I told them should I ever get to marry, I’d get married to a very lovely Filipina by the name of Skye Elizabeth Arellano.”      Napasinghap siya. “S-sinabi mo iyon?”      “Yes. Why not?”      Napalunok siya. “Tiyak na nagalit sila sa ‘yo.”      “After many objections, I told them I am old enough to decide on my own. It’s up to them kung tatanggapin ka nila o hindi. Ako naman ang makakasama mo at hindi sila, so I think hindi mo dapat sila masyadong problemahin. Saka ang layo naman nila eh.”      “Siguradong galit sila sa akin,” parang biglang namroblemang sabi niya.       “Ewan ko sa kanila. Bahala sila. Alam kong mahihimasmasan din sila eventually. Before I left, medyo kalmado na sila. A few weeks later kasi, nag-meeting kami at tinanong nila ako kung kailan ka pupunta roon.”      “Huh? Pero bakit? Saka ayoko!” Bigla siyang na-tense na hindi niya maipaliwanag.      “Well, you have to,” nagkibit-balikat na sabi nito.      “Hindi nila ako magugustuhan,” pinanghihinaan ng loob na sabi niya.      “Huwag mong pangunahan ang mga mangyayari, okay? Masyado kang pessimistic.”      “Wala akong maiaalok sa iyo na puwede mong ipagmalaki. Baka pagtawanan ka lang ng mga tao. Mawawalan sila ng respeto sa ‘yo—”      “What are you talking about? Ikaw talaga…” Pumalatak ito. “With a great designer and a very lovely woman for a possible wife, I’m sure given the time, matatanggap din nila ang desisyon ko. Ang importante ay okay tayong dalawa. I guess it won’t be easy at the beginning, but you would give it a try, wouldn’t you?”      “Winston…” Nangilid ang mga luha niya dahil sa narinig na paninindigan nito habang siya naman ay away nang away rito. “Sana sinabi mo agad,” naiiyak pa ring sabi niya. Hindi na sana siya nahirapan nang labis sa loob ng ilang buwan.      “Marami akong inasikaso sa Korea. Pagbalik ko naman dito ay kinailangan kong tapusin agad ang pag-screen ng mga possible patients ko. Gusto kong matapos na agad iyon para wala na akong iniisip kapag ikinasal na tayo.”      “K-kasal?”      “We’ll get married, right? Kaya nga may pre-wedding party ako eh. Pupuntarito ang pamilya ko para makilala ka nila at ang iyong mga kapatid. Gusto ko ring pormal kang ipakilala bilang fianceé ko paar hindi na ako tinatanong at natsitsismis sa ospital.”       “A-akala ko—”      “Naniwala ka kasi agad kay Pat. Jenny came here to personally see through the arrangements. It was her way of thanking me for standing up for us.”      “At ang akala ni Pat ay kayo ni Jenny ang ikakasal?” panghuhula niya.      “Napag-usapan namin ni Jenny na huwag munang ipaalam sa iyo. Hindi ka dapat kasama nang araw na iyon dahil surprise iyon sa iyo. Nagpa-panic si Jenny nang tawagan niya ako. Ang sabi niya, naroroon ka raw kasama si Pat,” napapailing na sabi nito. “Hindi ko naman masisisi si Pat dahil clueless din siya. Pero sinisi ko siya for spoiling the surprise—pati ang misunderstanding sa pagitan nating dalawa. Hinayaan kitang kumalma muna bago ako tuluyang magpakita pagkabalik ko mula sa Maynila. Pero ngayon ay hindi na talaga puwedeng hindi tayo magbati dahil maaantala ang pre-wedding party natin.”      Hindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig. “Para sa akin ang party na iyon?”      “Kanino pa ba? Sino pa bang pakakasalan ko?”      Tiningnan niya ito nang mataman. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya. “Winston, pakikurot nga ako. Gisingin mo ako—”      “I love you, my jagiya. Sinabi ko na iyon sa iyo. I won’t settle for anything less than being your husband—and you, my wife.”      Nagulat ito nang bigla niya itong yakapin nang sobrang higpit. Bigla siyang napahagulgol. Wala na siyang pakialam kung may mga miron na nanonood sa kanila. “Saranghae, Winston. Mahal na mahal kita,” umiiyak sa deklara niya habang nangungunyapit dito.      It was the best day of her life. Was it?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD