Chapter 11: Project Proposals

1005 Words
Chapter 11: Project Proposals Mahigit isang linggo na ring lutang ang pakiramdam ni Skye. Nagpaka-busy siya nang husto sa paggawa ng mga decors at ilang paintings. Apat na piraso na lang ang hindi niya pa natatapos sa mahigit dalawampu’t limang order ni Winston para sa bahay nito.      Mabigat pa rin ang pakiramdam niya nang makatanggap siya ng overseas call mula sa isng empleyado nito sa Korea. Isa raw ang empleyadong iyon sa mga managers na humahawak sa design and planning ng ospital na ipinapagawa ng pamilya ni Winston sa Korea.      Nagpapasalamat na lang siya na nakakausap niya si Vanessa kapag pumapasyal ito sa workshop niya. Ito ang nakakakuwentuhan niya tungkol sa ‘raket’ niya dahil aliw na aliw ito sa ginagawa niya.      Minsan ay isinasama pa nito ang bestfriend nitong si Stella kaya nalilibang din siya kahit mas madalas ay nag-iisa siyang gumagawa ng mga decors doon sa apartment niya na ginawa niyang workshop. Hindi pa kasi siya nagha-hire ng makakatulong niya para sa production.      “Ang sabi ni Mr. Lee, naipadala na ni Doctor Tiwaquen ang pictures ng mga gawa ko sa kanila. Nagustuhan daw iyon ng mga involved sa project. Nag-order sila ng kinse piraso at ang sabi sa akin, kapag nagustuhan daw nila ang mga iyon ay iimbitahan nila ako na pumunta sa Korea para doon pag-usapan ang magiging kontrata ko sa kanila.”      “Sa Korea?! Talaga? Wow! Sana all… makakapunta sa Oppaland!” nanlalaki ang mga matang kinikilig na sabi ni Vanessa. Disisyete anyos ito at kasalukuyang grade 11 sa senior high school. “Ang sosyal mo naman, Ate Skye!” napapapalakpak pang dagdag nito.      Napangiti siya. “Oo nga eh. Hindi keri ng powers kong imagine-in. Gagawin nilang exclusive ang mga designs ko para sa kanila.”      “Ang bongga mo talaga, Ate Skye! Grabeh,” umiiling-iling pang wika nito. “Ang lagay eh, may sakit ka pa sa puso niyan ha.”      “Alam din nila ang tungkol sa heart condition ko. Ang sabi nila, kung mabibigyan ko lang sila ng assurance na matatapos ang bulto ng order nila ay hindi iyon magiging problema. Nakatanggap na nga ako ng advanced p*****t para sa order nila sa akin na kinse piraso eh. Inaasahan nila na darating ang mga iyon sa Korea in five week’s time, kaya dapat kumuracha ako ng bonggang bongga.”      “Hay, bongga ka talaga. Bukod sa projects ang aatupagin mo pag natuloy kang magpunta sa Korea, possible pang makakita ka ng oppa! Baka ma-meet mo pa si Lee Min Ho don Ate! Tiyak na maiinggit din sa ‘yo si Stella ‘pag nalaman non ang tungkol dito.”      Nginitian lang niya ito. Nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan silang dalawa ni Vanessa.      “Si Stella na siguro ‘yan, Ate.” Ani Vanessa saka tinungo na ang pinto para pagbuksan ang kung sinumang kumakatok. Gaya nang inaasahan, si Stella nga iyon. Agad namang ibinida rito ni Vanessa ang magandang balita.      “Talaga, Ate Skye? Makakapunta ka na sa Korea?! Sana all! Baka makita mo doon ang crush kong si Song Joong Ki! Nakakainggit ka naman, Ate Skye!” Sunod-sunod na sabi nito, hindi maitago ang excitement para sa kaniya.      Natatawa niyang tinanguan ito saka pinagpatuloy ang ginagawa.      “Gusto kong matuto ng ganyan, Ate Skye. Para magkaroon ako ng sideline sa ‘yo kapag to the highest level na ang kabonggahan mo. Hala, turuan mo naman kami ni Vanessa paanong gumawa niyan!”      “Sana nga, ‘no? Kinausap din ako ng interior designer ni Doctor Tiwaquen. May mga pinagpakitaan daw siya ng mga gawa ko na fellow designers niya at ilang homeowners. May mga interesado raw. Iniimbitahan niya ako na maging bahagi ng kompanya nila. GGawa raw sila ng bagong department na ako ang head. Ang mga designs ko raw ang bentahe ng division.”      “Talaga? Ano’ng sabi mo?” magkapanabayang tanong pa ng dalawa.      “Pag-iisipan ko muna ‘kako. Hindi ako interasadong magkaroon uli ng amo. Bakit ko ibibigay sa kompanya nila ang ideas ko, ‘di ba? Kukunin nila ang designs ko, ‘tapos, porsiyentuhan lang naman ako. Empleyado. Samantalang puwede naman akong magtrabaho at kumita nang walang boss.”      “Kunsabagay, tama ka diyan, Ate Skye. Teka, naririnig mo na ba ‘yong tungkol sa f*******: group na Home Buddies? Pwede ka ring magpost doon ng mga gawa at obra mo. Tiyak na papatok iyon, marami kang mabubudol na alta doon!” suhestiyon ni Stella sa kaniya.      “Oo nga ‘no? Bakit ba hindi ko naisip sabihin sa ‘yo iyon Ate Skye. Magandang marketing strategy din iyon. Ang galing mo talaga, Stella!”      “Sige, susubukan ko. Pero kailangan ko munang tapusin ang mga orders sa akin ni Doctor Tiwaquen sa ngayon.” Saka muling binalingan ang décor na kaniyang ginagawa.      “Napaka-wonderful ni Doctor Tiwaquen, ‘no, Ate Skye? Iyong naikuwento mo sa amin na pagtulong niya sa ‘yo, unti-unting lumalago. Sayang at hindi ko siya nakita no’ng sinabi ni Vanessa na nagpunta siya rito.” Sabi ni Stella.      “Oo nga,” pangsang-ayon na lang niya. “Minsan, gusto ko siyang puntahan para kausapin at pasalamatan. Pero lagi akong nagdadalawang isip.”      “Ha? Bakit naman?”      “Mas mabuti na iyong hindi ko siya makita. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang panghihinayang ko sa kaniya,” natatawang sagot niya. Naikuwento na niya sa mga ito kung sino si Yoonah Park sa buhay ni Winston. “Saka dapat na akong magsanay na wala siya sa buhay ko. Kumbaga, sa ngayon ay walang personalan, trabaho lang. May utang na loob ako sa kaniya at habang buhay ko siyang pasasalamatan, pero hanggang doon na lang iyon.      Kung anu-ano pa ang napag-usapan nilang tatlo. Hindi hadlang ang agwat ng mga edad nila para maging close friends sila. At sa totoo lang, sina Vanessa at Stella ang kauna-unahang mga tao na matatawag niyang mga totoong kaibigan niya. Hindi naman kasi siya palabarkada palibhasa ay fragile nga siya mula pagkabata kaya lumaki siya sheltered at overprotected.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD