Chapter 12: Unexpected Meeting
Tinawagan ni Skye si Pat nang nagdaang gabi at sinabi niyang kailangan nilang mag-usap regarding sa mga decors na ipinapagawa ng mga ito sa kaniya. Kaya naman kinaumagahan, pasado alas otso pa lamang ng umaga ay huminto na ang kinalululanan niyang taxi sa tapat ng building kung saan naroroon ang opisina nito. Bitbit niya ang apat na centerpiece na natapos niyang gawin.
Maingat siyang bumaba mula sa taxi saka nakangiting tinahak ang papunta sa opisina ni Pat.
“Oh, Skye! Salamat naman at naririto ka na,” salubong nito sa kaniya pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito.
Napakunot-noo siya. Ang aga-aga ay tensiyonada ito. Hindi pa siya nakakaapat na hakbang papasok sa opisina nito. “Bakit?”
“Tumawag si Doctor Tiwaquen. Naroroon na raw siya sa bahay niya sa Alabang. Sinabi ko sa kaniya na nandito pa ako sa opisina at hinihintay kang dumating. Goodness! Ganoon na ba ka-traffic para hindi ka makarating agad dito sa Sta. Rosa?” bira nito sa kaniya palibhasa ay sa Pacita lang siya nagmula papunta roon.
“Wala ka namang sinabing oras kagabi ah. ‘Buti nga at inagahan ko ang punta,” paingos namang sagot niya.
Ikinumpas nito ang kamay nito. “Sorry, I must have forgotten. Anyway, he called up last night. He said he wants to see the house with your artworks in it.”
“Nasa iyo naman na lahat ng mga finished products, ‘di ba?”
“Pati iyang dala mo.” Inginuso nito ang mga bitbit niya. “Para pala sa master’s bedroom ang mga iyan. He wants to see them.”
Biglang kumabog ang dibdib niya pagkarinig sa salitang ‘master’s bedroom’. Master’s bedroom nina Winston at Jenny malamang. Lihim siyang nakadama siya ng panibugho dahil doon.
“Eh di dalhin mo na sa kaniya ang mga iyan.” Sabay abot niya kay Pat ng mga artworks niya. “Uuwi na ako, Pat.”
“Isasama kita para in case na gusto pa ni Winston ng mga additional decorations, eh mapag-usapan agad natin. Sa laki ng bahay niya, he has to have some more.” Sabi pa ni Pat, walang kamalay malay sa kaniyang nararamdaman.
“Ano ka ba? Kayo na lang ang mag-usap na dalawa, ‘tapos saka mo ako kontakin.” Ayaw niya namang sabihin dito na iniiwasan niyang magkita sila ni Winston.
“Are you kidding me?” Pinandilatan siya nito. “Ako ba ang gagawa at titingin kung saan ipupuwesto ang mga decorations? Hello?!”
“Pagod kasi ako, Pat. Puyat pa. Masama sa akin iyon. Gusto mo bang mag-collapse ako sa daan?” pagdadahilan niya.
“Pagbigyan mo na ako, please. Kahit ngayon lang, Skye.” pakiusap pa nito sa kaniya. “Ano ka ba naman? Ang daming puwedeng ipasok na referrals si Doctor Tiwaquen here and abroad. Ikaw rin…”
Gusto sana niyang mainis dito, pero sa isang banda ay naiintindihan niya ang ipinapakiusap nito. Isang valued client si Winston at gusto nitong paluguran ang lalaki. Iyon nga lang, at my expense, napapangiwing naisaloob niya. “Hay, sige na nga. Huwag na lang tayong magtatagal at kailangan ko pang magpahinga. ‘Tapos ihahatid mo ako sa amin ha.”
“Okay, okay. Tara na?” May pagmamadaling iginiya siya nito patungo sa parking lot ng gusali. “Naghihintay na ang van na sasakyan natin. Kaninang pang maaga naihatid roon iyong ibang finished products mo at naibaba na raw, sabi ng mga tauhan ko.”
Habang nasa biyahe sila ay tensiyonado siya. Matagal na silang hindi nagkikita ni Winston. Hinihintay na lang niya ang schedule ng kaniyang operation. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagkaharap sila ng binata. Malay ba niya kung kasama nito si Jenny?
Pagpasok ng van sa gate ng bahay ni Winston ay bumilis agad ang t***k ng puso niya. Ang akala niya, porke matagal na silang hindi nagkikita ay humupa na kahit paano ang damdamin niya para dito.
Nagkamali siya.
Pagkakita niya pa lang rito ay na-possess na agad siya ng matinding pangungulila para sa binata. Hinamig niya ang sarili at pilit na pinayapa ang paghinga para huwag magtuluy-tuloy ang pagsasal ng dibdib niya.
Nagulat siya nang lapitan at hawakan siya ni Winston sa magkabilang balikat. “Are you all right?”
“O-oo.” Huminga siya ng ilang beses. “O-okay lang ako.”
Hinawakan nito ang kaniyang baba at saka itinaas iyon. Napakunot-noo ito bago binalingan si Pat. “Pat, can you get some water, please?”
“Yes. Sandali lang.” Natatarantang talima nito saka sila iniwan para kumuha ng tubig.
“How are you feeling?” tanong sa kaniya ni Winston.
“Na-miss pala kita.” Nanlaki ang mga mata niya. Huli na para bawiin ang nasabi niya. Idinaan na lang niya sa biro upang pagtakpan ang pagkapahiya. “Bumilis tuloy ang t***k ng puso ko.”
“Ako rin naman eh,” sabi nito at saka ngumiti. “Kung may sakit ako, baka nag-collapse na ako pagkakita ko sa iyo kanina.” Halos pabulong ang huling sinabi nito habang minamasahe ang kaniyang dibdib, dahilan upang mapapikit siya. “Hindi ba namamanhid ang pakiramdam mo?”
“Nakakahinga naman ako nang maayos, Winston. Kumakalma na ako.”
“Huminto ito sa pagmamasahe sa kaniya pero nakahawak pa rin ito sa braso niya. “Breathe in, breathe out.”
Sinunod niya ang sinabi nito hanggang sa tuluyang lumuwag na ang kaniyang paghinga.
“Just like old times.”
Napangiti siya. Yeah, old times.
Tahimik sila pareho kahit nang makabalik na ang natataranta pa ring si Pat na may dalang isang bote ng mineral water, na hindi niya alam kung saan nito nahagilap.
“Hang on, Skye. ‘Eto na ang tubig, Skye.” humahangos na iniabot nito sa kaniya ang mineral water.
Nginitian niya si Pat at saka niya kinuha mula rito ang bote. Naging regular na ang paghinga niya pagkatapos niyang uminom.
Hinawakan siya ni Winston sa ulo. “Are you okay now?”
Tumango siya. Nagkangitian sila. Nakalimutan niya ang presensiya ni Pat nanag hayaan niyang malunod ang sarili sa pagtitig sa mga mata ni Winston. God, I love you, Winston. Akin ka na lang sana…