Chapter 20: Business Opportunities

1302 Words
Chapter 20: Business Opportunities Naunang dumulog sa hapag sina Suzy at Skye. Sumunod sa kanila si Troy.      “Wow! Broken hearts’ club na ito,” sabi nito pagkaupo nito sa silya. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong mga iyak kagabi—kung sa kuwarto ni Ate Suzy o sa kuwarto mo, Ate Skye,” nakangisi pang dagdag nito. Uminom ito ng kape sa tasa nito.      “Walang pakialamanan. Para namang hindi ka umaatungal noong nakaraang nagbreak kayo ng gf mo. Tumigil ka nga, Troy,” pambabara niya rito.      “Ano bang nangyari,” sabad naman ni Ate Suzy.      “Bumuntung-hininga siya bago nagsalita. “Magpapapakasal na si Winston sa babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng mga magulang niya. May pre-wedding party sila rito sa Pilipinas pagbalik niya,” lulugu-lugong paliwanag niya. “Ako ang gagawa ng decorations.”      “Aww… ang sakit n’on.”      “Utang ko kay Winston ang buhay ko. It’s the least I can do.”      Hindi makasagot ang mga ito.      “Anyway, kung libre kayong dalawa, kunin natin iyong tseke natin sa insurance ni Lola. Pagka-kobra natin sa tseke, pumunta tayo sa lumang bahay at darating mamaya roon ang uupa. Nasabi ko na iyon sa inyo, ‘di ba?”      Sabay sila ni Troy na napatingin kay Ate Suzy.      “Ngayon na ba iyon?” tanong niya.      “Oo,” sagot nito.      “Malaking silbi si Kuya Travis dahil sa pagrerekomenda niya kay Attorney Salazar sa atin. Kaya huwag mo na siyang masyadong iyakan,” sabi ni Troy.      Hindi pinansin ni Ate Suzy ang sinabi ng kanilang bunsong kapatid. “Kailangang matapos natin iyon ngayong umaga dahil may job interview ako mamayang tanghali.”      “Mag-aapply ka na ulit? Paano ang modeling career mo?”      Kibit-balikat lang ang itinugon nito. “Isang linggo na rin akong naghahanap ng trabaho.”      Tumango na lang siya.      “maligo na kayo para mahugasan ang mga mata ninyo,” ani Troy. “Ano ba naman itong buhay natin? Sa hirap, sa ginhawa… pati sa kabiguan sa pag-ibig ay hindi pa rin tayo mag-iwanan.”      Sabay-sabay silang natawa roon. Kahit paano ay pare-parehong gumaan ang pakiramdam nila. For all it was worth, naroon silang magkakaptaid para sa isa’t isa. Lahat ay kaya nilang lampasan dahil hindi sila mag-iisa.   Sa loob halos ng isang buwan ay nakatulong ang pagkalibang ni Skye sa handicrafts niya para kahit paano ay mawaglit sa kaniyang isip ang tungkol sa pagkaunsyami ng love life niya kay Winston.      “Mula nang makipagkalas ka kay Doctor Tiwaquen, hindi na siya nangulit, Ate?” urirat sa kaniya ni Stella na nakatanghod na naman sa ginagawa niya. Naroon ngayon ang dalawa ni Vanessa sa workshop niya.      “Bakit naman siya mangungulit? Pag-aaksayahan ba naman ako n’on ng oras? Ikaw talaga.”      “Malay mo, ‘di ba? Kung talagang may pag-ibig—” singit naman ni Vanessa.      “Naku, iyan ang nakukuha ninyo kakabasa ng w*****d!” putol niya sa litanya nito. “Inuna ko nang tapusin iyong mga decorations para sa party niya at ngayon ay ginagawa ko na ang finishing touches dito sa mga ipapadala ko sa Korea. Kaya puwede ba, huwag ninyo akong abalahin at baka maatrasado ako sa delivery nito.” kunwa ay pagtataboy niya sa dalawa.      “Tutulungan ka na namin, Ate Skye.” pagboboluntaryo naman ng mga ito. Hindi na niya pinigilan ang mga ito dahil talagang kailangan na rin niya ng katulong sa paggawa.      “Mabuti pa nga. Hayan, magtahi kayo ng beads para sa mga baskets na proposed giveaways ng inauguration ng ginagawang hospital sa Korea. Madali lang ‘yan.” Iyon ang ini-assign niya sa mga ito dahil ilang beses na siyang nagkatusok-tusok sa paggawa niyon. Distracted siya lately dahil alam niyang malapit nang dumating si Winston kaya ipinahuli niya ang trabahong iyon.      “Fully paid na iyong ginawa mo para sa bahay niya, ‘Te?” tanong ni Vanessa.      “Oo.”      “So, wala ng chance na kontakin ka niya, ‘no?”      “Van…” Bumuntung-hininga siya. Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito kaya pinagbigyan na niya ito. “Alam mo, si Jenny na mismo ang nagbanggit sa akin na ilang buwan siyang nag-stay sa Korea habang naroroon si Winston. Siguro ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasama at magkakilala nang husto kaya nagkahulihan na sila ng loob. Kaya dapat ay huwag ko nang guluhin pa si Winston. Okay?”      Ngumiti ito. “Sige na nga. So, kamusta naman iyong sinabi mong lakad ninyo ng mga kapatid mo?” pag-iiba nito ng usapan.      “Okay na. Natanggap na namin ang insurance at cash benefits ng tatay at lola namin. Bukod doon, nabawi na namin iyong house and lot na minsang inagaw sa amin ng bruhang madrasta namin. Pinauupahan muna namin iyon.” Malaking pera din ang nakatanggap nila mula roon. Nang pagsama-samahin niya ang kaniyang pera, pakiramdam niya ay ang yaman-yaman niya. “Kahit paano ay nakakagaan sa dibdib na maluwag na ang pamumuhay namin kahit pare-pareho kaming sawi sa pag-ibig.”      Kung anu-ano pa ang napagkuwentuhan nilang tatlo hanggang sa tuluyan nang nagpaalam ang mga ito. Magsasagot pa raw ng modules nila ang dalawa. Pagkaalis ng mga ito ay huminga siya nang malalim.      “Grabe, ang lalim n’on ah. Kung nahulog ako roon, hindi ako makakaahon.”      Napalingon siya sa may pinto. Nakatayo roon si Troy. Sa pagkakangiti nito, nahinuha niya na may magandang balita ito. Nagdala kasi ito ng mga gawa niya sa bagong opisinang pinagtatrabahuhan nito. Pagkaalis nito sa hotel na pinagtatrabahuhan nito ay lumipat ito sa isang architectural firm. Receptionist ito roon.      “Kamusta? Anong nangyari?” usisa niya.      “Maganda ang reception ng mga interior decorators namin nang makita iyong portfolio mo. Narinig na nga raw nila ang pangalan mo mula sa mga nakakita ng handicrafts mo sa bahay ng isang doktor. Sabi pa niya, panay raw ang endorse sa iyo n’ong isang sikat na interior designer. Si Pat siguro iyon.”      “’Tapos?”      “Gagamitin daw nila ang mga produkto mo, kaya kailangang kasama ka kung papayag iyong ibang home and and office owners na gamitin ang mga decors mo. Medyo may kamahalan kasi kaya talagang dapat pulido.”      “Hindi ko rin kasi maibaba iyong presyo dahil nakakahiya naman kay Winston. Bukod doon, bababa ang value ng mga ipinagawa niya sa akin.”      “Okay lang daw iyong price, basta pumayag lang iyong kliyente.” Lumapit ito sa personal refrigerator na nasa isang sulok at kumuha ng canned orange juice doon. Binili niya ang fridge na iyon mula nang maging puspusan na ang pagtatrabaho niya sa shop. “’Pag nag-go iyon, puwede ka na sigurong lumipat ng workplace. Masyado itong maliit. ‘Tapos, kumuha ka na rin ng mga tauhan.”      “Tingnan muna natin. Hihintayin ko pa rin ang response sa akin nitong sa Korea. Malakihang order din ito pag nagkataon.”      “Kapag okay ‘yan, click na click na talaga ang business mo.”      “Gagawin kitang kasosyo. Ikaw na alng ang mag-manage ng mga dapat i-manage at ako na lang dito sa production. Wala akong alam sa business management eh.”      “Aba, okay ‘yon ah. Magiging negosyante na rin ako.”      “Kung interesado si Ate Suzy, puwede rin natin siyang isosyo. Malakas ding kumita iyon sa pagmo-model niya, pero iba na ang may business, ‘di ba?”      “Good idea ‘yan, Ate Skye. Mas may dating kung siya ang haharap at kakausap sa ibang kliyente natin in the future.” Ngumiti ito. “Susuwertehin na yata tayo talaga,” sabi nito habang binubusisi ang mga nakahilerang dekorasyong ilalagay na sa crate para kunin ng cargo truck. Nakahanda nang ipadala sa Korea ang mga iyon.      “Oo. Suwerte sa career at negosyo, pero malas sa pag-ibig.”      “Amen,” pagsang-ayon niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD