Chapter 9: Fianceé

1619 Words
Chapter 9: Fianceé      Hindi inaasahan ni Skye na ang shop pala na pupuntahan nila ay iba sa pagkakaintindi niya ng mga salitang ‘stylist’ at ‘designer’. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang unti-unti iyong ma-grasp ng kaniyang isip. Buong akala niya ay related iyon sa kaniyang ginagawang mga decors. Hindi pala! Naroroon sila ngayon sa shop ng isang sikat na designer na kaibigan ni Bobbie.      “Pipili tayo ng mga damit at kung anu-ano pang abubot para sa iyo, Miss Skye,” sabi ni Bobbie kay Skye na nang mga sandaling iyon ay namamangha pa rin sa naggagandahang damit na ipinapasukat sa kaniya ng stylist.      Parang tangang tinanguan lang niya ang sinabing iyon ng baklang stylist. Masyadong disoriented si Skye nang mga sandaling iyon habang si Apple naman ay thrilled na thrilled para sa kaniya.      Matapos makapili ng mga damit para kay Skye ay dinala siya nito sa isang department store. Ipapamili naman daw siya nito ng mga sapatos at accessories.      “Oy, Bobbie, baka nakakalimutan mong may sakit sa puso si Skye ha at kung hindi pa tayo titigil sa kalalakad ay baka atakihin na siya rito sa Mega Mall,” nakataas ang kilay na paalala ni Apple sa baklitang kasama nila.      “Hayyy… sige na nga. Okay na siguro ang mga ito. Let’s take these na to Doc Winston’s car. Miss Apple, will you please call up the driver so he can these na? Ayokong magka-muscle ang aking feminine arms,” maarteng sabi ni Bobbie.      Tinawagan naman ni Apple ang driver na si Mang Fred para magpatulong na buhatin ang kanilang mga ipinamili. Mayamaya pa ay bitbit na ng driver ang sandamakmak na shopping bags patungo sa SUV na sasakyan nila.      “Diyos ko! Magkano ang inabot ng mga pinamili natin, Bobbie?” nag-aalalang tanong niya nang naglalakd na uli sila. Patungo naman daw sila sa isang beauty salon.      Tinawanan lang siya ni Bobbie bilang tugon.      “Apple?” aniya nang balingan ito.      “My lips are sealed, sorry.” Sabay peace sign pa sa kaniya. “Bawal magdiscuss ng price.”      Pagdating sa salon ay ipina-hair relax ni Bobbie ang hanggang balikat na buhok niya. Nagpamanicure at pedicure din siya.      “Hay, chika. Kung hindi nga lang sa maraming meds na iniinom mo para diyan sa heart condition mo, tiyak na sa isang beauty clinic ka hahantong,” may panghihinayang na sabi nito.      “Ang kaso, hindi tayo puwedeng mag-take ng risk at baka maka-develop pa siya ng allergy o kaya’y hindi umepekto ang ibang gamot na iniinom niya para sa puso niya kapag napasabay ang mga treatments sa beauty clinic kung sakali,” sabi naman ni Apple.      Nagpatianod na lang siya sa dalawa. Nang sa wakas ay matapos ang mga ginawa sa kaniya sa salon, nagyaya si Apple na magdinner. Humiwalay na si Bobbie sa kanila bago pa siya ihatid ng driver sa apartment building na tinutulyan nila     magkakapatid.      “Magpahinga ka na, Skye,” bilin ni Apple bago ito tuluyang magpaalam.      “Sige. Salamat ha. Ingat ka sa pag-uwi.”      Pag-alis nito ay pinagmasdan niya ang mga shopping bags na nagkalat sa unit nilang magkakapatid. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Winston. Hindi ito nagpaliwanag kung bakit ginagastusan siya nito nang sobra-sobra. Parte pa rin ba ng pagiging potential business partners nila ang paggastos nito sa personality development niya?      “Wow! Ang dami naman niyan, Ate Skye.” ang salubong na bati ni Troy, kadarating lang nito buhat sa trabaho.      “Oo nga eh,” kiming sagot niya. “Kumain ka na ba, Troy? Ipaghahain na kita, iimisin ko lang ito saglit.”      “Saan galing ang mga iyan?” usisa pa nito sa kaniya, hindi pinansin ang tinanong niya.      “Ahm, kuwan. Ipinamili ako ni Doc Winston. Siguro ay nais niyang maging presentable ako dahil magiging mag-business partner na kami in the future.” Naisip niyang idahilan.      “Hmm… Hindi kaya may gusto sa ‘yo si Doc Tiwaquen, Ate? Aba, ang mamahal kaya ng mga ito oh.” Pinandilatan na lang niya ito ng mga mata para matigil na sa pag-uusisa ito. Natatawa naman itong tumungo sa kuwarto nito para magbihis. Mayamaya pa ay ipinaghain na niya ito. Sinamahan niya itong kumain sa komedor at nakipagkuwentuhan sa kaniyang bunsong kapatid habang hinihintay nilang dumating ang kanilang Ate Suzy na malamang ay OT na naman.   Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Winston kay Skye. Hanggang sa sumulpot na lang bigla sa apartment nila si Bobbie. May dala itong magkaternong damit.      “Isuot mo ito para chic na chic ang dating mo,” sabi nito sa kaniya. “May lakad tayo.”      “Ha?”      “Pakidala mo ang portfolio mo at sasamahan kita sa opisina ng interior designer ni Winston.”      Tumalima siya.      Pagtuntong nila sa opisina ni Pat Jimenez ay nagulat siya nang makilala ang interior designer. Babae pala si Pat. ‘Patricia’ ang pangalang nakasulat sa marble plate sa harap ng desk nito. Hindi niya alam kung napapraning lang siya, pero pagkatapos ng maikling pag-uusap ay napansin niyang tila sinusukat ng eleganteng babae ang kabuuan niya.      Mabuti na lang at pumayag siyang isuot ang damit na dala ni Bobbie kanina. Nagdagdag iyon ng kumpiyansya sa kaniyang sarili. Thanks to Bobbie. Through Winston’s money, she looked and felt good. She smelled good, too. Kasama sa mga ipinamili nila ng baklita ang bagong labas na Chanel’s Coco Mademoiselle perfume na mainit na mainit daw sa merkado ngayon.      “I believe you have the sketches for me?”      “Yes, here’s the portfolio,” gagad niya sa paraan ng pagsasalita ni Pat. Nagpapasalamat siya na nang mga sandaling iyon ay lumambot ang matigas na dila niya.      Kinuha nito ang clear book at saka inisa-isang buklatin ang mga pahina. Hindi nagtagal ay tinalakay na nila ang preferences ni Winston para sa bahay nito.      “Your designs are really nice. I wouldn’t wonder if Doctor Tiwaquen is paying good money for them,” komento ni Pat kapagkuwan.      “Yes, I believe he does.” Nakangiting tumango siya.      “So, how come it’s only now that I’ve come across such fine works as yours?”      Diyos ko! Malilimas yata ang Ingles ko! “I only accept orders from a very selected few,” sabi niya. Charing! Ang angas mo, Skye Elizabeth! Naisip niya ang bukbuking boutique na pinagbebentahan niya ng mga gawa niya. Gusto niyang mapahalakhak. “Winston made me an offer I can’t refuse.”        “Should we decide to use your decorations and materials, will you always be available?”      “We’ll see,” paarteng tugon pa niya. Nagpasalamat siya ng lihim kay Bobbie para sa mga banat niyang iyon. Habang nasa sasakyan kasi sila kanina ay panay ang pag-coach nito sa kaniya.      “I hope we can do business together. Magaganda ang mga ito. Can you make at least two or three pieces of these in two weeks’ time?” Itinuro nito ang isang disenyo.      “Yes, I’ll call you up once I’ve finished them.”      “Thank you. I’ll be expecting your call.”      Nagpaalaman na sila at tinapos ang usapan sa isang handshake.   Lumipas ang isang linggo at missing in action pa rin si Winston. Nakapagbigay na si Skye kay Pat ng dalawa sa mga disenyo niya. Dapat ay masaya siya dahil nagustuhan ni Pat ang ginawa niya pero nalulungkot at naguguluhan siya sa biglaan at matagalang absence ni Winston. Nami-miss na niya ang presensiya ng binata.      Hindi kaya na-turn off ito sa kaniya nang bigla siyang atakihin habang hinahalikan nito? O maaaring iniisip din nito na gold digger siya? Marami siyang teorya pero ayaw niyang gumawa ng konklusyon. Sa ngayon ay ine-enjoy niya ang sarili sa kaniyang designs. Dumating na ang full p*****t para sa mga bagong sketches at layout na ginawa niya. Mayroon pa siyang natanggap na isang tseke mula kay Pat para diumano sa tatlong disenyo na dinala niya rito. Nagpapadagdag pa pati ito ng isang canvass painting na ididisplay daw nito sa office nito para promotion na rin para sa mga magiging future clients niya.      Tila alam naman ni Winston ang lahat ng nangyayari sa kaniya habang siya ay clueless kung nasaan ito at ano ang nangyari dito. Nang sumunod na araw ay nagtungo siya sa klinika nito para sa kaniyang follow up check up. Iba na ang doktor na hahawak sa check ups niya hanggang sa maoperahan siya.      Nilalaru-laro niya ang laminated card na may nakasulat na numero nang may dumaang silky long legs sa harap niya. Takaw-pansin din ang high-heeled shoes na suot nito na tumataguktok sa sahig. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang isang babaeng Koreana ang hitsura. Matangkad, balingkinitan ang katawan, makinis na makinis ang kutis kagaya ng mga napapanood niyang korean actress sa mga pinapanood niyang kdrama, pang-beauty queen ang postura at tindig, well-poised at sobrang confident nito.      Binuksan nito ang pinto ng klinika. “Oh… I’m sorry, I was told this is where I can find Winston.”      May American accent ang babae. Hinahahanap nito si… Napamaang siya. Kaanu-ano kaya nito si Winston?      “Oh, I’m sorry. I’m Doctor David Calayan, one of Doctor Tiwaquen’s associates. He’s operating on a patient right now. You are…?”      “I’m Yoonah Park, his fianceé. He’s not expecting me, I wanted to surprise him.”      Parang bombang sumabog sa pandinig ni Skye ang narinig. Fianceé? Ni Winston?      “That’s explains it…” Lumapit si Dr. Calayan sa babae. Nang isaranito ang pinto ay wala na siyang narinig.      Pero sapat na ang salitang ‘fianceé’ na nahagip ng pandinig niya para maintindihan kung bakit hindi niya mahagilap si Winston. Ikakasal na pala ito. Hindi niya maintindihan kung bakit labis siyang nasaktan sa kaniyang nalaman.                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD