Chapter 6: Canvass Painting

1591 Words
Chapter 6: Canvass Painting Pumunta si Skye sa hotel na tinutuluyan ni Dr. Tiwaquen. Nais niyang ibigay rito ang painting na ginawa niya bilang token of appreciation para sa lahat ng kabutihang ginawa nito sa kaniya. Maganda ang panahon ng umalis siya ng bahay pero inabot siya ng ulan bago tuluyang nakarating sa Shangri-La. Nasa entrada siya ng lobby nang matanaw ang pakay na lalaki. As usual, guwapung-guwapo at preskung-presko itong tingnan. May kausap ito sa cell phone nito. “Doctor Tiwaquen!” excited na tawag niya saka ito kinawayan. Napatigil ito, sabay lingon sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay nagmamadaling nilapitan niya ito. “Hello, Doc. Good morning,” masiglang-masiglang bati niya nang makalapit siya rito. “Skye?” Nakakunot ang noong binalikan nito ang kausap sa cell phone. Nagsalita ito ng Korean at pagkatapos ay isinuksok sa bulsa ng pantalon ang gadget. “Ano’ng ginagawa mo rito? Ang lakas ng ulan ah.”      “Inabot ako sa daan. Pero huwag mong intindihin ‘yon. Eto…” Inilahad niya rito ang dala niyang canvass painting.      “What is this?”      “Ginawa ko para sa ‘yo.” Iniabot niya ang canvass rito. “You can put this to decorate your wall.”      “Ikaw ang gumawa nito?” maingat nitong hinawakan ang iniabot niyang canvass rito.      “Oo. Tumatanggap ako ng order ng mga ganiyan,” may pagmamalaki pang sabi niya. “Tinawagan ako ni Apple nitong nakaraang araw. Sabi niya, kasama na raw ako sa mga ooperahan mo. Ang saya-saya ko kaya naisip kong igawa ka niyan bilang pasasalamat.”      “You didn’t have to,” umiiling na sabi nito. “Baka malaki ang nagastos mo rito ha. Tiyak napagod ka yatang ipinta ito?”      “Hindi naman. May materials pa naman ako sa bahay kaya dinagdagan ko lang ‘yong mga kailangang paints para diyan. Isa pa, magaan lang para sa akin nang gawin ko iyan.”      Ngumiti ito. “Salamat. The least that I can do is offer you something to drink. Halika muna sa loob.”      “Alam kong busy ka kaya huwag ka nang mag-abala pa sa mga drink-drink na ‘yan.”      “No. I insist.” Hinawakan siya nito sa braso at saka iginiya sa elevator.      Isang suite pala ang inookupa nito doon. Pagpasok nila roon ay nalula siya sa karangyaang sumalubong sa kaniya. First time niyang makapasok sa hotel na gaya niyon kaya manghang-mangha talaga siya.      Iniangat nito ang telepono na nasa may pasimano doon. May kinausap ito roon. Lumayo muna siya rito at namintana at hinayaan itong makipag-usap sa telepono. “Umorder ako ng breakfast para sa ating dalawa,” sabi nito nang makalapit sa kaniya. “I don’t usually eat in the morning. Bukod sa late akong magising, I feel stupid eating alone in this hotel room. I’m glad you came. May kasabay akong kumain. Wait… let’s check your gift.”      “Naku, mamaya na, Doc. Pagkaalis ko. ‘Pag hindi mo nagustuhan iyan, itapon mo na lang pag-alis ko.”      “Tumaas ang isang kilay nito. Hindi kita maitindihan. Pinaghirapan mo ito, ‘tapos, gusto mong itapon ko lang?”      “Eh kasi masyadong baduy,” nahihiyang sabi niya.      “There’s no such thing. A gift is a gift.” Kinuha nito sa pinagpatungan nito ng canvass na dala niya kanina nang magpunta siya roon. Tinanggal nito ang mga papel na nakabalot roon upang makita nito ang kaniyang ginawang painting para dito. “This is very nice. Beautiful.” Mukhang legit naman ang paghanga nito sa kaniyang likha kaya naman hindi rin niya maitago ang tuwang nararamdaman.      Painting iyon ng isang larawan ng doktor, at syempre ay si Dr. Tiwaquen iyon. Ilang gabi rin niyang pinagpuyatang gawin iyon dahil gustong gusto niyang maibigay iyon dito bilang kaniyang pasasalamat dahil sa wakas ay malapit na siyang maoperahan.      Napangiti siya kahit alam niyang nagpapaka-polite lang ito. “Puwede mo iyang i-display sa may salas mo ‘pag nakalipat ka na sa condo or sa office clinic mo.”      “Yeah.” Muli ay pinasadahan nito ng tingin ang tangan-tangang canvass na pinagpuyatan niyang gawin nang ilang gabi. “You know how to paint, huh? You’re so talented.”      “Hmm… Kind of hobby lang at first. Naisip ko baka magustuhan mo. Pag inspired akong mag-paint nakakailang canvass rin ako, saka ko ibinebenta kapag may gustong bumili ng mga gawa ko. Gumagawa rin ako ng mga hanidcrafts, eto ho oh tignan mo.” Kinuha niya ang kaniyang cell phone at ipinakita rito ang ilang larawan ng kaniyang mga gawa. Natuwa naman siya sa naging reaksiyon nito. Hangang-hanga ito sa kaniya.      “At doctor pa talaga ang ginawa mong subject? Hmmm… Ang ganda ng pagkakagawa mo.” Maingat na binusisi pa nito ang larawan ng kaniyang painting. “This is really good. Come to think of it, marami akong kakilalang Korean friends ko dito sa Maynila na tiyak magugustuhan ang mga painting na gawa mo. They would appreaciate it for sure. Tumatanggap ka ‘kamo ng order nito pati handicrafts?”      “Oo, Doc. Ang kaso humihingi ako ng advance… pambili ng materials.”      “Pa-order ako.”      “Huh?”      “Nag-lease na ako ng bahay for one year. Semi-furnished lang iyon dahil gusto ko ring maglagay ng sarili kong mga gamit. Puwede ka sigurong gumawa ng maraming handicrafts gaya niyang pinakita mo sa aking mga pictures diyan sa cell phone mo. Magaganda iyon. Pag-usapan natin ang preferences ko, ‘tapos tingnan natin kung kaya mo.”      “Sige. Libre na lang sa ‘yo.” Kinindatan pa niya ito.      “Kapag inilibre mo ako, hindi kita ooperahan.”      Ngumuso siya. “Libre na nga ang operasyon ko, pagbabayarin pa ba naman kita sa ipapagawa mo?”      “Business ito, Skye. Magbibigay ako ng downpayment para makapagsimula ka na. Samahan mo ako sa bahay para maipaliwanag ko kung ano ang mga gusto kong ipagawa. Sa Friday, pagpunta mo sa clinic, idi-discuss ko sa iyo ang findings sa sakit mo at kung kailan ka mai-schedule ng surgery. Pagkatapos ay puwede mo na siguro akong samahan sa bahay.”      “Okay.”      “In the meantime, gawan mo ako ng mga magagandang decors at paintings. Kapag nagustuhan ko ang mga finished products, ikokomisyon kita to create several hundred of those things—in varieties, of course. Ipapadala ko sa ospital na ipinapatayo namin sa Korea. Puwede ring souvenir sa grand opening n’on sa susunod na taon.”      “Nagpapatayo kayo ng ospital?” namamanghang tanong niya. “Diyos ko, ang yaman mo pala talaga!”      “It’s a family business,” matipid na saad nito. Tumango siya. “Bukod sa mga iyan, marami pa akong puwedeng gawin. Maganda rin ang handcrafted baskets. Puwede ring souvenir giveaways iyon para hindi magkakapareho,” sabi niya na tuluyan nang na-excite. “Totoo bang marami kang oorderin?” “Oo. I suggest na gumawa ka ng portfolio ng mga nagawa mo na para kapag nag-meeting kami ng interior decorator ay maipakita ko ang creations mo para doon siya magbe-base sa pagbe-blend ng designs.” “Grabe…” Nasapo niya ang kaniyang dibdib. “Naloloka naman ako. Baka hindi ko kayanin. Nagtatrabaho pa mandin ako.” Napakagat-labi siya. “Iyon mismo ang gusto kong sabihin. In-offer ko ito para magresign ka na sa trabaho mo. Besides, kapag kinomisyon kita, hindi naman kailangang ikaw mismo ang gumawa ng lahat ng iyon. Kumuha ka ng mga tauhan para matapos agad ang mga orders. Kapag okay ang products, kukuha pa uli kami para sa iba pang ospital na balak naming ipatayo sa iba’t ibang probinsiya sa Korea.” “Talaga?” Nanlaki ang mga mata niya, sabay pitik sa ere. “’Langya! ‘Pag nagkataon…” Nangangati na ang palad ko! “’Pag nagkataon, magiging negosyante ka. After your surgery, puwede na tayong mag-usap tungkol sa decors for the hospital. By then, hopefully, nakapagsimula ka na kahit paano.” “Kailangan n’on ng kapital,” aniyang tila biglang umimpis na gulong. “Pauutangin kita,” sabi nito na nagpataas ng kilay niya. ‘I’m not kidding. Ang sabi mo ay scraps lang ang ang material na ginawa mo para sa painting na ito. Then I’m impressed. I am willing to bet my money on you. Mukhang de-kalidad din ang mga handicrafts na gawa mo base sa mga pinakita mong larawan sa akin.” Naningkit ang mga mata niya. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” “Oo,” nandidilat na sagot nito. “Pero pagkatapos na iyon ng operasyon mo. In the meantime, bbigyan kita ng trabaho. May unused structure sa likod ng bahay ko. Walang gamit doon, siguro puwede mong gamitin ‘yon para maumpisahan mo na ang business mo. Malapit ka pa sa akin kaya madali kitang makokonsulta sa mga gagawin mo.” “Parang ayokong maniwala, Doc—” “’Winston,’” pagtatama nito. “So, titingnan mo iyong bahay pagkatapos ng konsultasyon mo sa Friday?” “Oo,” masayang tugon niya. “Good.” Nang dumating ang room service nila ay niyaya siyang kumain nito. “Tara, breakfast na tayo. I have an operation at eleven this morning.” Guwapo na, dalisay pa ang puso, napapatulalang naisaloob niya habang kasalo niya itong kumain. Winston Tiwaquen, huwag mo akong sisisihin kung mahulog ang loob ko sayo. Nakaka-inlove ka masyado! Napahagikgik siya. Nagtaas ito ng kilay na tila nawi-wirdohan na sa inaakto niya. Pero hindi na ito nagtanong o nagkomento pa, masaya silang sabay kumain ng breakfast. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD