Chapter 7: First Kiss

2074 Words
Chapter 7: First Kiss “I think kung hindi next month pa kita maooperahan Skye, ay within two months pa. Puno na ang schedule ko sa susunod na buwan. Priority cases ang mga iyon, talagang kailangan ng surgery as soon as possible. Ang evaluation naman namin sa iyo ay healthy ka compared to most cases in our list, so you’ll have to wait for a few more weeks before I conduct your operation.”      “Okay lang sa akin, Doc. Maganda naman ang response ng katawan ko sa mga gamot na inireseta mo,” aniya kay Winston. “Hindi ko na nararamdaman iyong mga sintomas ng sakit ko.”      “Oo, pero kailangan mo pa ring maoperahan. The medicines can only help you as much.”      Tumango siya. “Okay lang sa akin iyong schedule ko. Medyo ninenerbiyos nga ako na ewan. Normal naman siguro ito.”      “Oh, don’t worry, Skye. I won’t let anything happen to you.”      “Nakakatakot kasi. Baka hindi ko kayanin ang operasyon at—”      “Hindi ka mamamatay sa operating table ko. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Stop scaring yourself. Oo nga pala, mas makakabuti kung sabihin mo na sa mga kapatid mo ang tungkol sa operasyon mo.”      “Saka na lang. Kung puwede nga lang na operada na ako bago nila malaman. Ang kaso , sabi mo nga, hindi puwedeng mag-isa lang akong magpapa-admit. Hindi rin ganoon kalakas ang loob ko. Gusto ko lang sanang huwag na silang mag-alala para sa akin.”      “At hindi ako papayag na wala kang support sa mga oras na iyon. Kung hindi mo sasabihin sa kanila, ako ang magsasabi sa kanila bago ka operahan.”      “Sasabihin ko na sa kanila… pero kapag malapit na ang operasyon ko. Huwag muna ngayon.”      “It’s your decision but I am strongly advising you to tell them soon.” “Saka na lang. Baka mag-alala pa sila sa akin, eh. Mukhang abala sa trabaho si Ate Suzy kasi kapo-promote niya pa lang. Hassle kung sisingit ako sa eksena. Siyanga pala, nakalipat na kami ng bahay noong isang linggo. Tinulungan kami ni Sir Travis na maghanap. Feeling ko jowa-jowaan na siya ni Ate Suzy. Sa tingin ko’y malapit nang maging sila. Baka nagpapakipot lang ang lukaret na si Ate Suzane. Pero ngayon ko lang siya nakita na maaliwalas ang mukha at palaging nakangiti na parang eng-eng. Nahihinuha kong si Sir Travis ang dahilan no’n.” “The sypmtoms of being in love, I presume,” napapangising komento ni Winston. “Anyway, bibigyan kita ng iba pang gamot at ng bagong prescription sa mga tine-take mo ngayon. Gamitin mo na iyong card mo sa pharmacy mamaya bago tayo umalis, okay?” “Okay.” “Every week kailangan mong bumalik rito para sa regular consultation mo. Bale hindi na ako ang gagawa ng mga follow-up check up na ito sa ‘yo. Ang ibang doktor na bumubuo sa team ko ang maghahandle muna sa ‘yo.” Imporma sa kaniya ni Winston. Nadismaya si Skye sa narinig. “Ganoon ba?” “Yes. Tapos na ang pagtanggap ko ng mga pasyente. Booked na ako halos for three months. Kapag natapos ko na iyon, saka uli ako kukuha for next batch. Magsisimula na akong harapin mag-opera. Hopefully magtuluy-tuloy ito kahit wala na ako ay marami pa rin ang makatanggap ng libreng operasyon. Babantayan ko ang programang ito sa ilalim ng mga doktor na kasama ko.” “Aalis ka nga rin pala ng Pilipinas,” wala sa loob na saad niya. Ang isipin pa lang ngayon ay nanlulumo na siya, paano pa kaya pag dumating na ang araw na umalis na ito at mawala na sa paningin niya. Habang tumatagal ay nagka-crush na siya sa butihing doktor. “Magiging business partner kita, remember? Kaya magkikita pa tayo.” “Pero hindi na tulad nito na akhit anong oras ay puwede kitang abangan sa hotel o puntahan dito sa clinic,” parang batang maktol niya. Huli na ng maisip kung ano ang sinabi niya. Tahimik niyang sinaway ang sarili niya at baka kung ano pa ang sipin ni Winston sa kaniya. Tumawa naman ito. “Alam mo ba kung gaano ako kahirap hagilapin, Skye?” “Huh?” “Mahirap para sa iba na hagilapin ako, pero sa iyo ay hindi. Now, since you’re my last patient, puwede na siguro tayong umuwi. Magmeryenda muna tayo bago dumiretso sa bahay.” “Sige. Excited na nga akong makita ang bahay mo para malaman ko na kung ano ang mga puwede kong gawing décor para doon.” Hindi na niya idinagdag pa na buong linggo niyang hinintay ang araw na iyon para makita niya ulit ito at makasama nang matagal.” Hindi ito mawaglit sa isip niya. Higit pa sa pagiging mabait nito, may kung ano sa pagkatao nito na waring nanghahalina sa kaniya. Kung ano iyon ay ayaw muna niyang analisahin. “Ang alam ko, wala namang side effects na nakakapagpatulala iyong mga gamot na inireseta ko sa ‘yo. Baka mamaya ay hinaharana mo na ako rito ha, Skye Elizabeth?” Nag-init yata pati dulo ng mga tainga at pilik-mata niya. Hindi rin niya inaasahang babanggitin nito ang buo niyang pangalan! Kinuwit nito ang tungki ng ilong niya at saka natatawang tumayo, sabay hubad sa suot nitong medical gown. Isinabit nito iyon sa sabitang naroon. “Let’s go, Skye. I’m done for the day.”      Agad naman siyang tumalima at sumama na rito paglabas sa clinic room nito. Magkasabay na silang pumunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan nito na maghahatid sa kaniya sa bahay nito para puntahan nila.   “Gusto ko ring mayroon dito. Ilan na ba iyong nailista natin, Skye?” tanong sa kaniya ni Winston nang balingan siya nito.      Nakalimutan na niyang mag-jot down ng notes dahil napatulala na naman siya sa likod nito. Nagiging sabaw ata lately ang utak niya dahil dito. Napakura-kurap siya at pasimpleng nagsulat sa tangan niyang notebook. I LOVE YOU, WINSTON. Nang ma-realize kung ano ang naisulat niya ay nagpapanic na binura niya iyon.      Binalikan niya ang listahan niya. “Lampas sampu na ito, fifteen to be exact,” sabi niyang nag-iiwas ng tingin dito, sabay porma ng cell phone niya at kinuhanan niya ng larawan ang espasyo ng itinuro nitong area ng bahay na gusto nitong gawan niya ng décor. “Sigurado ka bang mag-isa ka lang titira dito?” kapagkuwan ay tanong niya kay Winston.      “Oo, bakit?”      “Ang laki-laki masyado nito! Mansiyon na ito, ‘di ba?”      “Probably,” nagkibit-balikat lang na tugon nito. “Pero aapat lang ang kuwarto.”      “Oo nga, pero kasinlaki naman ng isang bahay ang isang kuwarto pa lang nito. Baka may mumu rito, ha.”      Tumawa ito. “Parang type ko iyong simpleng bamboo tree with birds on its branches. Magagawa mo ba iyon? Saka maganda kung may mural painting dito sa visitor’s area. What do you think?”      “Kayang-kaya ko iyon.”      “All right. We still have the basement and the lanai. Sa basement muna tayo.” Nagpatiuna ito sa pagpunta sa basement. “Sana ay makausap mo na sa isang linggo iyong interior designer na hahawak dito. Gusto ko sanang pag-usapan ninyo kung paano niya isasama ang mga gagawin mong decoration sa tema ng bahay. Pati na rin kung paano niya iyon ibe-blend sa mura painting na gusto ko.”      “Sige. Gagawa ako ng sketches at magpi-print na rin layout, ikaw na ang bahalang pumili doon at pag-uusapan na lang namin ng interior designer mo.”         “Okay lang, tiwala naman ako sa inyo ni Cookie.” Tukoy nito sa interior designer.      “Iiwan mo rin ang lahat ng ito pagkatapos ng project mo dito sa Pilipinas?” kapagkuwan ay tanong niya rito nang marating na nila ang basement ng bahay.      “Kapag nagustuhan ko rito, baka bilhin ko na rin ito nang tuluyan para may bahay ako dito sa ‘Pinas. Since madalas rin naman kasi ako rito eh. Hindi ko pa talaga alam. Ayoko pang magplano sa ngayon.”      “Gagastusan mo, ‘tapos, iiwan mo rin pala.” Napapalatak na sabi ni Skye. “Hindi ko talaga ma-gets ang utak ng mayayaman.”      “At least, maganda kapag iniwan ko,” natatawang sagot nito. Huminto ito sa gitna ng basement. May malaking sofa roon na light brown ang kulay at saka coffee table. “Let’s see… Gusto ko ay mayroon doon, saka banda roon… doon. At doon pa.” Nagtuturo ito sa paligid habang abala siya sa pagkuha ng litrato sa bawat lugar na ituro nito sa kaniya.      Nang tumapat siya sa isang sulok ay umatras siya nang bahagya para makuhanan nang buo ang dingding. Paghakbang niya paurong ay natapakan niya ang paa ni Winston na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa bandang likuran niya. Napahawak ito sa magkabilang balikat niya bago pa siya tuluyang mawalan ng panimbang. Nabitawan niya ang kaniyang cell phone at notebook at saka siya napakapit rito.      “S-sorry.” Hinging paumanhin niya rito. Laking pasalamat niya at wall-to-wall ang makapal na carpet sa basement kaya tumalbog lang ang kaniyang cell phone. Nagmamadaling yumuko siya para damputin iyon. Ganoon din ang ginawa ni Winston. Nakaluhod na siya nang yumuko ito dahilan para sila ay magkauntugan. “Ouch!” daing niya nang maumpog siya sa noo nito, sabay atras.      Hinawakan ulit siya nito upang huwag siyang bumaligtad. Sa pagkakataong iyon ay kinabig at niyakap siya nito. Napatingala si Skye sa mukha ni Winston. Lahat ng isinantabi niyang pagnanasa para dito ay biglang nanariwa. Bumilis ang t***k ng puso niya. Ganunpaman ay hindi siya nahirapang huminga. “W-Winston…”      “You’re making this very difficult for me.”      Nabuhayan siya ng pag-asa. Kung hindi lang masagwa ay baka naglulundag siya. She was twenty-five years old and finally, she was in love. Ginagap niya ang mga braso nitong nakapulupot sa baywang niya at saka pinisil iyon para ipadama rito ang epekto sa kaniya ng pagkakalapit ng mga katawan nila.      “N-no, Skye. Ayokong—”      “Gusto ko.”      “This is not right, Skye,” tila nahihirapang sabi nito. “Paano mo nasabing mali? Hindi ka naman teacher. Hindi ka rin pari,” pamimilosopo niya, saka tuluyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Bago pa siya takasan ng hiram na tapang ay nagawa na niyang idikit ang pisngi niya sa pisngi nito. Hindi naman ito kumibo, sa halip ay hinayaan lang siya sa kaniyang ginagawa. Pumikit siya. This chance may never come again, sa isip-isip niya habang dahan-dahang inilalapit ang mga labi niya sa malambot na pisngi nito. Kusang iniharap nito ang mukha nito sa mukha niya nang hahalikan niya ito sa pisngi sa ikalawang pagkakataon. Sa pagkakataong iyon ay ang mapupulang labi nito ang tinamaan ng kaniyang nguso. Nanlaki ang mga mata ni Skye nang magtama ang kanilang paningin. Huli na para umatras pa siya. Hinigit naman siya nito hanggang sa magkadikit nang husto ang kanilang mga katawan. Napaluhod ito habang pinalalalim ang kanilang pinagsasaluhang halik. Naramdaman niyang dahan-dahan siyang inihihiga nito sa malambot na carpet sa flooring.      Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso niya. Nang dumapo ang isang kamay nito sa kaliwang dibdib niya ay saka lang siya naging aware na natanggal na pala nito ang clasp ng mumurahing bra niya. Sa realisasyon ng puwedeng mangyari sa kanila ay bigla niyang naramdaman ang paninikip ng air passage niya. Sumakit ang kaniyang dibdib at nahirapan siyang huminga.      Dagli naman iyong naramdaman ni Winston. Naaalarmang inihinto nito ang paghalik sa kaniya at saka biglang bumalikwas. Sinamantala niya ang pagkakahiwalay ng mga labi nila; umubo siya nang umubo.      Minasahe ni Winston ang dibdib niya. “Huwag kang suminghap nang suminghap,” sabi nito. “Kontrolin o ang paghinga mo. Breathe in, breathe out…”      Nanlupaypay siya sa mga braso nito. Nakakahinga na uli siya nang maayos. Parehong tumatagaktak ang kanilang mga pawis kahit pa malamig naman ang paligid dahil centralized ang aircon sa bahay na iyon.      “Can you breathe easier now?” mayamaya ay pagcheck nito sa kaniya.      Nanlalambot na tumango siya.      “Now rest. Huwag kang matutulog.” Tumayo ito at saka binuhat siya at iniupo sa sofa. Nagmamadaling kumuha ito ng tubig at pinainom siya. “You’re goona be fine. Masyado ka lang na-excite.”      Napangiti siya sa sinabi nito, saka nanghihinang pumikit. Excited, all right…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD