NAKALUMBABA si Airelle habang nakatingin sa kung saan. "Hoy! tulala ka diyan ano na? wala ka bang plano para sa birthday natin? e parang ilang araw ka ng wala sa focus." kinalabit siya ng kapatid niya,bumuntong hininga siya saka ito nilingon.
"Alam mong ayoko ng bonggang party, sapat na sa akin na tayo nalang lima."
"Naku my dear sister, wala na tayong magagawa alam mo naman si Mommy. For sure mas madami pa silang bisita kaysa sa atin."
Lagi naman kasing ganiyan Mommy nila, ginagamit lang ang mga okasyon sa pamilya nila para makapag-imbeta ng mayayamang negosyante na pwedeng mag-invest sa company nila. Mas madaming investor mas lalago ang negosyo nila. Iyan lang ang mahalaga sa magulang nila.
Iyon bang isinilang lang sila tapos bibihisan, pinag-aral pero hindi naman kayang alagaan talaga. Inaasa lang sa iba ang pagpapalaki sa kanila.
Kaya ayaw ni Airelle ng mga party dahil hindi rin naman siya mag-eenjoy sa ganoon . Ayaw din nila makihalubilo sa maraming tao. Hindi kasi siya iyong tipong nakikipag-socialize sa mayayaman na katulad nila.
Well except sa kapatid niyang si Aicelle na sanay na sanay makipag-usap sa iba. Kaya paborito ito ng Mommy nila dahil hindi daw mahiyain.
Hindi naman sa mahiyain siya, kaya din naman niya makipagsabayan sa ibang mayayaman. Pero mas pinili lang niyang hindi. Mas gusto niyo simply lang, iyong tahimik lang siya sa isang tabi.
"Bakit kasi hindi nalang simpleng birthday celebration gaya last year."
"Hayaan mo nalang ayaw mo niyon si Mommy mismo nag-asikaso ng birthday natin bihira lang iyon ah, baka matatagalan bago niyo ulit maisipan bigyan tayo ng birthday party."
"Ano pa nga ba? nandiyan na iyan e wala na din naman tayong magagawa." aniya saka niligpit ang mga gamit. "Halika na nga umuwi na tayo nandiyan na sundo natin."
Sasakay na sana siya sa sasakyan nang tumunog ang cellphone na binigay ni Zion sa kaniya. "Aice saglit lang," saka siya lumayo ng konti para sagutin ang tawag.
Nagbaba siya ng balikat sabay buntong-hininga matapos ibaba ang cellphone.
"Aice, mauna kana may babalikan lang ako sa loob. Pakisabi nalang kay Mommy na dumaan ako sa mall magta-taxi nalang ako pauwi."
"Airelle sandali---" hindi na natapos ni Aicelle ang sasabihin nang magmadaling bumalik sa loob si Airelle.
"Halika na po Manong,"
"Hindi na po ba natin aantayin si Ma'm Airelle?"
"Hindi na po, matatagalan pa po iyon."
Habang nasa byahe pauwi si Aicelle ay hindi niya maiwasang mag-isip kung sino talaga ang lalaking kinaiinisan ng kapatid niya, Curious siya sa pagkatao nito.
'Makikilala din kita' aniya sa sarili.
Curious sa lahat ng nangyayare sa paligid niya si Aicelle. Kapag may gusto siyang malaman ay ginagawan niya ito ng paraan. Sa ngayon ay hahayaan niya na muna ang kapatid niya sa ginagawa nito. Hindi rin naman siya mahilig makialam sa desisyon ni Airelle dahil may kaniya-kaniya naman silang buhay. Pero hindi naman ibig-sabihin niyon ay papabayaan na niya ito. Gabay at payo lang sa ngayon ang magagawa niya. Ayos lang naman din si Airelle gaya ng sabi nito sa kaniya kaya wala siyang dapat ipag-alala.
Saktong pagkababa niya ng sasakyan at nakasalubong niya ang Kuya niya.
"Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan si Airelle?"
"May pinuntahan lang saglit Kuya, Babalikan nalang siya ng driver nauna na kasi ako."
"Ah, ganoon ba? halika muna sa loob may ipapakita kami sayo."
"Ano iyon?"
"Basta halika na,"
Sa halip na magtanong pa ay nagmadali nalang siyang sumunod sa kapatid niya. Mahilig sa surprise ang kuya niya kaya naman nae-excite siyang malaman kung ano ang ipapakita nito sa kaniya.
Pero nawala bigla ang excitement niya ng makita kung sino ang nakita niya.
"What are you doing here?" kunot-noo niyang tanong saka nilingon ang kapatid.
"Kuya? anong ginagawa niya dito?"
"Si Mom nag-invite sa kaniya. May dinner mamaya, mas maaga lang siyang dumating kaya ayan."
"Seriously Kuya? Tingin mo matutuwa akong makita siya!"
Naiinis niyang aniya sa kapatid.
"I think I should go," biglang sabat ni Ezequiel
"No, Eze."
"Ano bang nangyayare sayo Aicelle? kailan ka pa natutong maging bastos sa harap ng bisita." napabuntong-hininga si Glen, pilit na kinakalma ang sarili dahil malapit na din itong maubusan ng pasensya sa inaasal ng kapatid niya.
"Magpapahinga nalang muna ako, gusto kong mapag-isa kaya please lang kuya."
Matapos ang sagutan nila ay nagmadali siyang umakyat patungo sa kwarto niya. Padabog niya itong sinara. Saka sumampa sa kama at umiyak.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa din napatawad si Ezequiel sa ginawa nito sa kaniya.
Samantalang si Airelle naman ay badtrip na rin sa pinapagawa sa kaniya ni Zion.
"Matagal pa ba iyan?"
"E kung ikaw nalang kaya gumawa nitong assignment mo tutal sayo naman 'to bwesit ka talaga kahit kailan. Huwag mo isisi sa'kin kapag bumagsak ka!"
"Tss, Kaya nga kita slave kasi ikaw gagawa ng mga iyan."
Sinamaan ni Airelle ng tingin si Zion.
"Demonyo ka talaga bagay sayo ang pangalan mo, Daemon, Daemonyo."
"Anong sabi mo ulitin mo nga?"
"Whatever!"
Inirapan niya lang ito. Minamadali ang ginagawa. Hindi talaga niya kayang tagalan na makasama sa iisang lugar si Zion. Daig pa nila ang aso't-pusa kung magbangayan.
Naglabasan na yata mga ugat niya sa ulo sa sobrang inis niya sa lalaking nasa harap niya. Gustong-gusto na niya itong sapakin sa pinapagawa nito. Mula kanina ay nasa hideout na sila ng Empire, Mahigit dalawang oras na sila sa loob at mahigit dalawang oras na din siyang napapagod sa dami ng pinapagawa ni Zion sa kaniya. Kung pwede nga lang punitin niya ang mga papel sa harap niya ay ginawa na niya. Pero naisip din niyang baka mas pahirapan siya lalo kapag ginawa niya iyon. Kaya mas lalo siyang nainis kasi parang wala na talaga siyang ibang pagpipilian para makatakas.
"I'm done, bye." aniya saka nagmadali tumayo at akma ng lalabas ng pinto nang bigla siyang harangan ni Zion.
Huli na para tumakas ng maikulong siya nito sa dalawang braso ni Zion. Napayuko siya sa gulat, hindi siya sanay sa ganoong eksena. Hindi siya sanay na may lalaking humawak sa kaniya maliban sa kuya at daddy niya. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay amoy na amoy ni Airelle ang mabangong hininga ni Zion. Bigla naman siyang kinilabutan.
Dahan-dahang inilapit ni Zion ang mukha niya kay Airelle, umiwas naman ito agad at saka inilapit ni Zion ang bibig niya sa tenga ni Airelle, "Relax,Bakit ba lagi kang kinakabahan? wala naman akong ginagawa sa'yo?. Are you scared of me me? or takot ka na baka may magawa akong hindi mo magugustuhan?" bulong niya kay Airelle.
"Let go of me," halos pabulong na pakiusap ni Airelle. Nawawalan na yata siya ng lakas para sigawan pa si Zion.
"In one condition."
Muling inilapit ni Zion ang mukha niya kay Airelle. "Be my date."
Kunot-noong nilingon ni Airelle si Zion at ganoon nalang ang gulat niya ng makita ito sa unang pagkakataon na ngumiti sa kaniya ng kusa. Matamis na ngiti ang nakita niya sa mga labi ni Zion. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakikita niya o namamalikmata lang siya. Sa ilang araw siyang binubwesit nito hindi niya naisip na marunong itong ngumiti sa harap ng ibang tao. Kasi lagi niya lang itong nakikitang seryoso palagi at di makuhang mamansin ng tao sa paligid niya.