NASA kalagitnaan ng klase si Airelle ng ipatawag na naman siya ng lalaking kinaiinisan niya.
Sinadya niyang bagalan ang paglalakad, mula kahapon ay hindi niya ito nakita at hindi rin siya inabala ang buo niyang akala ay nakalimutan na nito ang pinag-usapan nilang kontrata noong nakaraan. Gusto na sana niyang magsaya kung ganoon nga ang nangyare ang kaso ay nabigo siya sa pag-aakalang nakalimutan na nito ang nangyare.
Pagdating niya sa EMPIRE padabog niya itong sinara, "Ano na naman? Ang hilig mo talagang mang-istorbo tuwing may klase ako. Kung ikaw hindi inaalala ang grado pwes ibahin mo 'ko ayoko bumagsak dahil lang sa lintik na kontrata bilang slave mo."
"Can you just shut up, and take a sit first."
Hindi niya tinapunan ng tingin ang kausap at umupo sa sofa.
May inilapag itong paper bag sa harap niya.
"Ano na naman iyan?"
"Open it,"
Kunot-noo niya itong kinuha,"Cellphone?" tanong niya nang may pagtataka.
"Yes cellphone, bakit parang gulat ka ngayon ka lang ba nakatanggap ng ganiyan kamahal na cellphone," bigla naman pinanliitan ng mata ni Airelle ang lalaking kinaiinisan niya dahil sa pagmamayabang nito.
" Excuse me? anong tingin mo sa'kin mahirap? walang pangbili ng cellphone para bigyan ako nito?"
"Iyan ang gamitin mo, whenever I need your service as my slave, and its easy for me to contact you, get it?"
"Talagang iba rin ang trip mo e no? Mr. Whatever. Pwede ba? tigilan mo na ang trip mong ito. Hindi ka nakakatuwa alam mo ba iyon?"
Sa halip na patulan siya ay tumayo ito saka siya nilapitan at kinulong sa mga dalawang braso nito,nakahawak ang dalawang kamay sa ulohan ng sofa. "Zion Daemon Cervantes, Remember that name Ms. Whatever."
Iniwan ni Zion si Airelle na nakatulala matapos ng ginawa niya. Habang si Zion naman ay pasimpleng ngumisi palabas ng hideout nila.
"Zion your face, bwesit ka!" habol ni Airelle nang sumara ang pinto
Nang makauwi sila Airelle at Aicelle sa bahay nila ay sinalubong sila ng mga magulang nila.
"Mom?Dad?" gulat niyang aniya.
"Mommy!" patakbong niyakap ni Aicelle ang Ina.
"Welcome back Mommy, Daddy" humalik din siya sa Ina saka nag-iwas ng tingin.
Hindi kasi siya tulad ni Aicelle na close sa Mommy nila. Daddy's girl kasi siya kaya mas close siya sa Daddy niya.
Mas madalas ang Daddy niya kung umuwi sa bansa kumpara sa Mommy nila na minsan lang kung umuuwi inaabot pa ng taon. Minsan na rin siyang nagtampo sa Ina dahil wala itong oras sa kanila.
"Hi Dad," niyakap nila pareho ni Aicelle ang Ama.
"How's your studies ladies? okay lang ba kayo sa bago niyong School?"
"Yes Dad, and you know what Airelle already had---" hindi na natuloy ni Aicelle ang sasabihin nang takpan ni Airelle ang bibig nito.
"Are you both keeping secrets?"
"No Dad, huwag niyo nalang po intindihin sinabi ni Aicelle. Lately kasi ang dami talaga niyang pinupuna lalo sa sa'kin. She's a bully." pagdadahilan niya sa Ama, saka niya nilingon ang kapatid at pinadilatan ng mata.
"Anyway, dahil malapit na ang eighteenth Birthday niyo kaya naisipan namin umuwi. Hindi ko naman pwedeng palagpasin ang pagdadalaga ng dalawa kong prinsesa." masayang anunsiyo ng Daddy nila.
"Talaga dad? Thankyou! akala ko nakalimutan mo na birthday namin ni Aicelle e," masayang niyakap ulit ni Airelle ang ama.
"Of course not, invite your friends and schoolmates anak, next week darating na iyong pinagawa kong invitation kay Lanie" aniya ng Ina.
Tuwang-tuwa silang magkapatid, hindi kasi talaga nila laging nakakasama ang magulang. Naalala pa nga ni Airelle last year ay ang kuya lang nila ang kasama nilang nag-celebrate ng birthday. Late na sila nag-celebrate ulit kasama ang mga magulang nila.
KINABUKASAN, maaga ulit nagising si Airelle dahil binulabog lang naman ni Zion ang mahimbing niyang tulog. Sabado at walang pasok imbes na mahaba ang tulog niya ito siya ngayon nag-aayos at pinapasundo sa driver ni Zion. Hindi niya alam kung ano ipapagawa ng magaling na Amo niya sa araw na'to.
Hindi na niya ginising si Aicelle nag-iwan nalbg siya ng note baka hanapin siya ng mga magulang. Hindi pwedeng malaman ng mga magulang nila na ginawa siyang slave ng isa sa mga schoolmate nila.
"Good Morning Ma'm I'm Harry, Kung hindi po ako nagkakamali ay kayo si Miss, Airelle?" tanong ng isang matipunong lalaki. Hindi mo iisipin na driver lang ang trabaho nito dahil napakaayos pumorma.
Katulad na katulad ng assistant ng Daddy niya ito kung umasta.
"Yes, ako nga."
"Let's go Ma'm, hinihintay na po kayo ni Master."
"Huh?"
"I mean hinihintay na po kayo ni Sir.Zion"
"Ah, okay.."
Pinagbuksan siya nito ng pinto agad naman siyang sumakay. Alas sais palang ng umaga. Antok na antok pa siya, panay hikab niya habang nasa byahe. Sinabihan siya ni Harry na umidlip muna pero nag-aalangan siya. Wala siyang tiwala sa mga bagong kakilala lang mahirap na baka mapahamak pa siya. Iyan ang laging bilin ng Kuya niya.
"Nandito na po tayo Ma'm" aniya ni Harry, Mahigit kalahating oras din pala ang binyahe nila.
"Villa Esmeralda?"
"Sunod po kayo sa akin Ma'm"
Naglakad pa sila hanggang sa makarating sila sa malaking gate, may isang golf cart doon.
Inalalayan siya ni Harry pasakay sa golf cart.
"Excuse me Sir? Harry right? Saan na po ba si Zion. Bakit dito niya ako pinapunta?"
"Hindi ko po masasagot ang tanong niyo Ma'm. Malapit na po tayo kayo na lang po ni Sir ang mag-usap." ngumiti ito sa kaniya at hindi na muling nagsalita.
Ayaw na rin niyang magtanong dahil wala rin itong masasagot sa gusto niyang malaman.
Huminto sila sa harap ng isang malaking bahay. No, its a mansion.
"Pasok na po kayo Ma'm" giniya pa siya ni Harry hanggang sa pinto.
Namangha siya sa loob nito, bumungad sa kaniya ang iba't-ibang painting sa mismong sala at baba ng mansion. Nilibot niya pa ang paningin niya, nawili sa mga magagandang painting na nakikita.
"You're finally here," kumunot bigla ang noo iya ng makitang pababa si Zion sa hagdan.
Naka-putiing polo ito at maong pants, Ngayon lang niya nakitang maayos manamit ito, tuwing nasa School sila ay hindi niya maintindihan ang fashion style ng lalaking harapan parang adik na ewan panay itim pa sinusuot.
"Anong maipaglilingkod sa inyo, kamahalan at kailangan pa talaga istorbohin mo ang masarap kong tulog." inismiran niya si Zion sa paraang naiinis na siya na parang gusto na niya ito suntukin.
"I heard na matalino ka at top sa dati mong school, I need your help sa report ko. Tinatamad akong gumawa kaya ikaw na, tutal slave naman kita. Part iyan ng pagiging slave mo."
"Baliw ka ba? ginising mo'ko ng maaga para lang magpagawa ng report. Ang yaman-yaman mo nakatira ka pa sa mansion, bakit hindi ka kumuha ng tuitor. Alam mo ikaw, papansin ka masyado."
"What did you say?"
"Whatever, bwesit ka talaga. Akin na iuuwi ko nalang iyan sa monday ko na ibigay sayo. Uuwi na ako baka hanapin ako nila Daddy sa bahay."
"So you're daddy's girl huh?"
Sinamaan niya lang ito ng tingin, saka dinampot ang papel na nasa maliit na table at basta nalang niya tinalikuran si Zion.
Mabuti nalang at umalit ang mga magulang niya pagdating niya. Dinahilan nalang ng kapatid niya na natutulog pa siya.
"Saan ka ba nagpunta? ang aga mo nagising kanina sabi ng katulong alas sais ka umalis. Gaano pa kaimportante iyang nilakad mo at kailangan talaga ganoon kaaga." agad na bungad sa kaniya ni Aicelle pagkapasok niya palang sa kwarto niya. Nakapamaywang pa itong nakaharap sa kaniya.
Napabuntong hininga siyang umupo sa kama saka hinarap ang kapatid, "Remember that guy, na ginawa akong slave. Pinagawa niya sa'kin ang report niya kuno." inilapag niya sa kama ang papel.
"Ano ba iyan, sino ba ang lalaking iyan. Ako kakausap sa kaniya hindi pwede iyang ginagawa niya sayo!"
"Naku, Aicelle huwag na. Saka hindi naman ganoon kahirap pinapagawa niya. Naiinis lang ako dahil nabubulabog siya iyong basta nalang tatawag may ginagawa man ako o wala. Hayaan mo na 100 days lang naman ang pagiging slave ko sa kaniya pagtitiisan ko nalang."
Iling-iling naman siyang tiningnan ni Aicelle, pilit na iniintindi ang pinanggagawa niya.
Alam niyang hindi talaga maiintindihan ni Aicelle dahil hindi rin naman kilala talaga ng kapatid niya si Zion.