CHAPTER 5

1450 Words
ARAW ng hwebes, dalawang araw nalang ay gaganapin na ang kaarawan nilang Magkapatid, Kaya naman abala din sila sa paghahanda. Lalo na si Aicelle na excited na sa darating nilang debut, Namigay na rin sila ng invitation sa mga kaklase nila. "Airelle, halika pili ka dito ng isusuot mo napatahi na'to ni Mommy. Pili nalang tayo nakapili na ako ikaw pumili kana ng anong gusto mo. Saka mamaya pala ang last practice natin ng sayaw ah. Huwag mong kalimutan." Basta nalang niya nilapag ang bag niya sa sofa, saka kinuha ang mga letrato ng mga gown na isusuot nila. Hindi naman siya maarte sa sinusuot niya . "Ikaw nalang pumili para sa akin, alam ko naman ikaw ang magaling sa ganiyan e." aniya kay Aicelle. Totoong magaling sa damit si Aicelle kasi ito ang mas maarte sa kanilang dalawa. Nasanay din kasi siyang simply lang ang sinusuot ni hindi nga siya naglalagay ng make-up sa mukha hindi gaya ng kapatid niya. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aaral ng lesson nang biglang tumunog ang cellphone niya. And Speaking of the devil, alam na agad niya kung sino ang tumawag. "Anong kailangan mo? Nag-aaral pa ako may quiz kami bukas. Kung may sasabihin ka pakibilisan." walang kabuhay-buhay niyang sabi. "Nandito ako sa labas ng bahay niyo, kung ayaw mo bulabugin ko bahay niyo lumabas kana." "What? baliw ka ba? baka makita ka nila Mommy!" "Edi sasabihin ko na boyfriend mo ako." "Bwesit ka talaga, Huwag mo gagawin iyan." Pagkasabi niya niyon ay dali-dali siyang bumaba at lumabas ng bahay. Wala talagang pinapalampas na araw si Zion para bwesitin siya. Napaka-consistent neto, Ultimo maliit na bagay na kahit kaya naman niya ay iuutos pa niya kay Airelle. Mabuti nalang at nasa kaniya-kaniyang silid na ang mga tao sa bahay nila. Kaya naman dahan-dahan siyang lumabas ng pinto, nag-iingat pa rin siya dahil mahirap na baka kung ano pa sabihin ng magulang niya anong oras na ay lalabas pa siya. Wala rin siyang maisip na idadahilan kung sakaling mangyari iyon. Salubong ang mga kilay niya nang makita si Zion. Nakasandal ito sa mamahalin nitong sasakyan. "Ano na naman? Gabing-gabi na nang-iistorbo ka!" "Nasaan ang invitation ko?" "Anong pinagsasabi mo diyan?" Nagulat siya nang bigla siyang hinila ni Zion sa beywang. Sa sobrang dikit ng katawan nila ay parang gusto na niyang magpalamon sa lupang kinatatayuan niya. Kinilabutan siya sa kakaibigang kuryenteng dumaloy sa buong niyang katawan. "Hindi ba't kaarawan mo na sa makalawa, bakit hindi ako invited?" halos idikit na ni Zion ang mukha niya kay Airelle na siyang nagdulot ng panibagong kaba. Agad niyang tinulak si Zion at basta nalang tinalikuran ng walang paalam. Dali-dali siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Saka dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga kung hindi pa siya aalis sa harap ni Zion. Bwesit na lalaking iyon ah, Pero teka? bakit ba ako kinakabahan? e muntik lang naman niya akong mahalikan kanina. Arghhh bwesit siya, Isa siyang salot sa buhay ko. HUH? akala niya yata madadaan niya ako sa paganoon-ganoon niya pwet niya color blue, hindi talaga siya invited baka masira lang debut ko. Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Nang maikalma niya ang sarili niya ay saka lamang siya bumalik sa kwarto niya. Kinabukasan ay nagising siyang matamlay. Kasi naman ilang araw na siyang walang maayos na tulog dumagdag pa si Zion na laging nang-bubwesit sa kaniya. "Okay ka lang ba? bakit parang namamaga iyang mata mo?" agad na tanong ni Aicelle nang bumaba ito. "Napuyat kasi ako sa pag-aaral hindi ba nga may quiz tayo sa dalawang subject ngayon." pagdadahilan niya kahit hindi naman talaga iyon ang totoong dahilan. Kailangan din nilang matapos ang lahat ng quiz sa linggong iyon dahil nagpaalam na sila sa mga teacher's nila na liliban muna sila sa klase ng dalawang araw sa kaarawan nila. "Airelle, pinapatawag ka ni Zion." aniya ng isa niyang kaklase. At nagbulungan na naman ang iba, Simula noong naging slave siya ni Zion ay palagi nalang siyang laman ng bulong-bulongan dahil bakit sa lahat siya lang ang nakakalapit at nakakausap ni Zion ng malapitan. Hindi rin niya ugaling mang-usisa pero hindi maalis sa kaniya ang magtaka. Nahihiwagaan pa rin siya kung sino nga ba si Zion. Bukod sa pangalan nito at sa pagiging slave niya dito ay wala na siyang ibang alam. "Woi Airelle tawag ka daw ni Zion, nakapa-arte mo ah, si Zion pa talaga nagpatawag sayo." aniya ng isa sa mga maarte niyang kaklase Tatayo na sana si Aicelle para ipagtanggol siya pero pinigilan niya. Ayaw niyang napapahamak ang kapatid niya dahil lang din sa kaniya. "Huwag mo nga akong pigilan, sumusobra ba mga impaktang 'to akala naman nila ay sobrang ganda na nila ni hindi nga nangalahati sa ganda ko mga iyan." Matapang talaga ugali ni Aicelle. Minsan na nga napaaway ito sa dati nilang School. "Ano ka ba? hayaan mo na sila. Hindi tayo pumasok dito para makipag-away. Hayaan mo na't magsasawa din ang mga iyan e wala rin naman akong pakealam sa kung anong sasabihin nila. Kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila. Hindi ba? iyan ang sabi ni Kuya sa'tin." sa ganoong paraan niya napapakalma si Aicelle kapag aakma na itong mang-aaway. Maagang natapos ang Quiz nila kaya naman nagmadali din siyang lumabas ng room. Ayaw niyang makita si Zion sa araw na iyon kaya kahit pinatawag pa siya ay hindi niya ito pinuntahan. Palabas na siya nang gate ay may biglang humila sa kaniya at tinakpan ang bibig niya. Nauna na kasing lumabas si Aicelle sa kaniya kaya hindi siya nagkasabay dahil may pinasa pa siyang report sa teacher nila. Nagpumiglas siya pero sobrang lakas ng humila sa kaniya kaya hindi siya makapalag. Agad niya nitong sinakay sa isang van. "Ano ba pakawalan niyo ako. Mga walang hiya kayo!" pagpupumiglas niya. "Pwede ba nakakairita boses mo." gulat niyang nilingon ang katabi na noon ay simpleng nakasandal sa tabi niya at nakapikit ang mga mata. "Bwesit ka kahit kailan." pinaghahampas niya si Zion. Dahil sa bigla nalang siya nitong tinakas ng walang paalam. "Ano ba! ibalik mo na ako d'on, hahanapin ako ng kapatid ko. Paano nalang kung malaman nila Mommy na nawawala ako. Nag-iisip ka ba?" "Will you please shut up, Mag-uusap lang tayo. Iniwan mo ako sa labas ng bahay niyo noong isang gabi. Tapos iniiwasan mo pa ako, baka nakakalimutan mo na slave pa rin kita." "Hindi ko nakakalimutan, Busy ako okay? hindi lahat ng oras ko ay sayo lang nakatuon ano ka sinuswerte?" Minsan gusto na talaga niyang sakalin ang lalaking nasa harap niya. Eh, paano ba naman sa lalaking ito lang niya nagagawang makapag-salita ng hindi maganda dahil sa pangbu-bwesit nito sa kaniya. Kung tutuusin ay hindi naman siya ganoon magsalita, hindi niya nagagawang maging matapang at lumaban. Pero kay Zion ay parang madali lang sa kaniya ang gawin iyon. Hindi na nga niya maintindihan ugali niya minsan. Kaya mas gusto na lang niyang iwasan si Zion, pero tuwing iiwasan niya ay mas lalo din silang pinaglalapit ng panahon. Gustong-gusto na niyang matapos ang kontrata bilang isang slave. Para wala ng dahilan si Zion na lumapit pa sa kaniya. Sirang-sira na ang araw niya palagi. Hindi na niya nagagawa mga gusto niyang gawin dahil panay din ang utos ni Zion sa kaniya. Gaya ngayon, kahit iniwasan na niya ito buong araw ay nagawa pa din siyang bwesitin. Ang malala pa ay tinakas pa siya. "Bakit ba galit na galit ka hindi naman kita inaano. Aki na invitation ko bago kita ibalik sa school. Kung wala kang ibibigay hindi kita iuuwi. Kahit magsisigaw ka diyan wala naman makakarinig sayo maliban sa'kin at sa mga bodyguards ko. Dahil ayaw niya talagang makasama ng matagal si Zion, Wala siyang ibang choice kundi ang bigyan ito ng invitation kahit ayaw niya din talaga itong makita sa araw ng birthday niya. "Oh ayan! isaksak mo sa baga mo!" padabog niyang binigay ang sobre. "Ibalik mo na ako sa School." aniya. Naubusan na siya ng lakas kaya hindi na niya nagawang magsalita pa ulit habang pabalik sila ng school. Hindi na rin niya pinansin pa ang katabi. Nang makarating sila sa parking lot ng school ay dali-dali siyang lumabas ng sasakyan saka hinanap ang sasakyan nila. Naabutan niya si Aicelle na nagpipindot ng cellphone. "Aicelle!," "Airelle, Diyos ko naman saang lupalop ka ng mundo nanggaling? kanina pa ako nag-aalala sayo muntikan ko ng tawagan si Kuya sa pag-aalala ko. Saan ka ba nagpunta." "Tara na! mamaya ko na ikukuwento sayo pagdating natin sa bahay." palinga-linga pa niyang tinulak si Aicelle papasok sa sasakyan. Baka makita sila ni Zion baka ano na naman balakin niyon. Alam pa naman din niyang loko-loko mag-isip iyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD