PROLOGUE
LABAG man sa loob niya ang umalis pero walang magawa si Airelle kundi ang palayain ang puso niya sa pagmamahal kay Zion, alam niyang walang patutunguhan ang pagmamahal niya dahil umpisa pa lang hindi na niya ito pag-aari.
Bawat hakbang niya tila isang saksak ng kutsilyo sa puso niya. Ayaw niyang iwan si Zion pero kailangan. Ayaw niyang masabihan siyang walang isang salita. Masaya siyang iiwan si Zion sa kapatid niyang si Aicelle.
"Ma'm nandito na po tayo," aniya ng personal assistant ni Zion na siyang naghatid sa kaniya sa airport.
Napabuntong-hininga siya bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse
"Salamat Harry, sana ay huwag ng makarating kay Zion ang pag-alis ko." pakiusap niya rito.
"Makakaasa po kayo, ngunit hindi ko maipapangako na hindi niya ito malalaman. Alam niyong hindi impossible sa kaniyang alamin ang lahat. "
Ngumiti siya, "Sige Harry, bumalik kana baka hanapin kana ng Master mo."
Hinila niya ang maleta at nagtungo na sa loob ng airport. Napagdesisyonan niyang sa Paris muna manatili. Tutal nandoon naman ang Daddy at Kuya niya kaya minabuti niyang doon pumunta.
"Airelle, sigurado ka ba sa desisyon mo? Baka naguguluhan ka lang." aniya ng kuya niya nang tabihan siya nito, nasa veranda sila.
"Bakit ganoon? Kung kailan maayos na kami saka naman mangyayare ito."
Ang tinutukoy niya ay ang pagsasakripisyo niya para sa kaligayahan ng kapatid niya.
Niyakap siya ng kapatid. "Alam kong magiging masaya ka rin."
Hindi rin alam si Glen ano ang gagawin dahil pareho kapatid niya ang nahihirapan sa setwasyon. Bakit kailangan masaktan ng isa para lang isakripisyo ang pagmamahal niya sa taong mahal niya. Bakit kailangan dalawa silang nagmamahal sa iisang lalaki. Ayaw niya sisihin si Zion dahil hindi rin nito kasalanan kung bakit minahal ito ng dalawa sa importanteng babae sa buhay niya. Ang tangi niya lang magagawa sa ngayon, ang tulungan si Airelle na ayusin ang buhay niya. Iyong bumalik siya sa dating siya bago niya minahal si Zion.