CHAPTER 2

1307 Words
PAIKOT-IKOT lang si Airelle sa higaan niya. Kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi nang lalaking nagawan kuno niya ng kasalanan. Hanggang sa sumikat ang araw ay hindi talaga niya nagawang makatulog ng maayos. Kaya naman bumangon nalang siya at nag-ayos para pumasok. Sa kanilang dalawa ni Aicelle ay siya ang mas maagang nagigising gusto niya kasi nasa ayos na ang mga gamit niya kaya maaga siyang gumigising para naman wala siyang makalimutan sa mga gamit na dadalhin. Minsan naman ay pati gamit ni Aicelle ay siya na rin nag-aayos alam niya kasing nagmamadali lagi iyon kaya naman madalas ang daming nakakalimutan. Nang bumaba siya ay naabutan niya ang Kuya niya sa baba. "Kuya?" "Hi, Good Morning! Halika na umupo kana para makakain na. Ako maghahatid sa inyo sa School." Nagtataka siya bigla nang umuwi ang Kuya niya. "May nangyare ba Kuya? napauwi ka?" "Nothing, Namiss ko lang mga kapatid ko. Bawal na ba kayo ma-miss?" Saka niya tinitigan ng seryoso ang nakakatandang kapatid na para bang hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinasabi nito. Magsasalita na sana siya nang tumingin ang kapatid sa likuran niya. "Kuya Aice?" "Yes, Sweety. How are you?" "Kuya! I miss you." agad naman na yumakap si Aicelle sa Kuya nila. Pinandilatan siya ng mata nito, inaasar na naman siya nito. Alam niya kasi sa kanilang tatlo si Aicelle ang mas malambing. Kumpara sa kaniya na tahimik lang at hindi showy kapag sinasabi ng kapatid na namimiss siya nito. "Buti ka pa sweety namiss mo ako e si Airelle kasi hindi man lang niya ako ki-niss mula ng makita ako." kunwaring nagtatampong aniya ni Glen "Kuya, Hindi bagay sayo. Kumain na nga tayo." pagputol niya sa usapan. Pero hindi nagpatinag ang dalawa niyang kapatid na para bang ilang taon hindi nagkita e every year naman umuuwi ang Kuya at parents niya. Napaaga lang ngayon ang uwi ng kapatid. Hindi kasama ang magulang nila. Nasanay na sila na sabay umuuwi ang magulang at kapatid niya kaya nagtataka siya kung bakit umuwi ito nang hindi kasama ang magulang nila. May pakiramdam siyang may nangyare, hindi lang siya sigurado pero malakas ang kutob niya. Madalang lang siya magkamali sa mga hinala niya. Matapos mag-agahan ay hinatid nga sila ng Kuya nila sa bago nilang School. "Dito ako nag-High School," nakangiting tiningala ni Glen ang building sa labas ng School. "Talaga Kuya? akala ko sa States ka nag-aral?" tanong ni Aicelle. "Hanggang second year lang ako dito, After that ay kinuha na ako nila Granny para doon mag-aral sa States." Tumango-tango lang ang dalawa sa sinagot ni Glen Hindi naman masyadong nagtatanong si Airelle sa Kuya niya kaya ilan lang din ang alam niya. Hindi tulad ni Aicelle na curious sa lahat kaya palaging nagtatanong. "Mag-ingat kayong dalawa, mag-aral ng mabuti ah!" habilin ni Glen sa dalawang kapatid bago tuluyang umalis. Naunang maglakad si Aicelle habang si Airelle naman ay panay lingon sa paligid. Hindi siya mapakali, nag-aalala pa din siya sa kung ano ang maaaring mangyare sa kaniya sa araw na'to. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makarating sila sa room nila na walang nangyare. Hanggang sa matapos ang first subject nila. "Excuse me?" isang estudyante ang sumilip sa room nila. Nilapitan naman agad ito ng Class room president nila maya maya pa ay. "Sino si Airelle sainyong dalawa?" tanong ng Classmate nila. "Ako, Bakit?" sagot ni Airelle saka siya tumayo. "Pinapatawag ka daw sa office, sumunod ka nalang sa kaniya siya magtuturo sa'yo saan iyon." baling ng classmate niya doon sa babaeng sumilip sa room nila. Saglit siyang nagpaalam kay Aicelle bago lumabas. Tahimik lang siyang sumunod sa babae na hindi niya kilala kung sino. Ngunit hindi niya maintindihan ang kakaibang kaba na nararamdaman niya habang nakasunod siya sa babae. Mas lalong hindi niya alam saan siya nito dadalhin. Sa lawak ng campus nila ay talagang hindi niya agad makakabisa ang bawat pasikot-sikot dito. "Excuse me? talagang dito ang daan papunta sa office? at sinong nagpatawag sa'kin?" sunod-sunod niyang tanong pero wala siyang sagot na nakuha. Tahimik lang sila at panay sunod lang siya. Ilang minuto pa ay huminto sila sa isang pinto. May karatula sa labas niyon. "EMPIRE?" binasa niya ito nang patanong sabay lingon sa babaeng kasama. Saka siya nito sininyasan na pumasok. Kumatok pa muna siya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Naabutan niyang walang tao sa loob. Gaya ito nang kwartong pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nakilala niya kahapon ngunit hindi niya alam ano ang pangalan. Basta nalang siya niyon hinila at dinala sa silid na iyon. "Have a sit," halos mapatalon siya ng may biglang magsalita sa likod niya. "Gosh! Bakit ka nanggugulat?" Hindi pinansin nito ang sinabi niya at umupo ito sa sofa. Saka inilapag ang isang folder sa harap niya. "Read and signed it." kumunot naman ang noo niyang nakatitig sa mismong folder. Ilang sigundo niya itong tinitigan bago kinuha. Isa itong Contract Agreement "Bakit kailangan may ganito?" "Just sign the contract. All the conditions you need to follow are written there." "What for? Ginawa mo akong slave ni hindi mo nga ako tinanong kung gusto ko ba? at isa pa, bakit ko naman susundin nga sinulat mo dito?" Nagsalubong na talaga ang dalawang kilay ni Airelle sa inis niya. Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang makipag-sagutan sa taong hindi niya kilala at basta nalang ginulo ang buhay niya. "You have no choice but to signed the contract, Sa ayaw at sa gusto mo magiging slave kita dahil sinabi ko. Hindi ako magdedepende sa kung ano ang gusto mo at hindi." halos maduling na siya nang inilapit nito ang mukha sa kaniya habang seryosong sinasabi sa kaniya ang mga iyon. Nabuhay ang kakaibang kaba sa puso niya. Ngayon lang siya kinabahan ng ganoon sa tanang buhay niya. "Bakit mo ba ginugulo buhay ko? Dahil lang nadumihan ko ang damit mo gagawin mo na akong slave! Baliw ka ba?" Imbes na sagutin siya at bigla nalang siyang tinalikuran ng lalaki akma na itong lalabas ng lingunin siya nito. "Hindi ka lalabas dito hangga't hindi mo pinirmahan iyan." pabagsak nitong inisara ang pinto. Kinuyom niya ang mga palad para pigilan ang inis at galit na nararamdaman. "Palabasin mo'ko dito ano ba!" "Pirmahan mo muna ang contract, huwag mo pagurin ang sarili mo kasisigaw diyan dahil hindi ko bubuksan iyan hangga't hindi ko pini-permahan iyan." napalingon siya sa kung saan ng marinig ang boses ng lalaki. Nakita niyang may malaking speaker sa gilid ng pinto. Doon nanggaling ang boses, sa kabilang banda naman nakalagay ang CCTV. Ibig-sabihin nakikita ng kausap niya ang ginagawa niya at wala siyang takas kahit anong pakiusap ang gawin niya dahil ang gusto lang nito na pirmahan niya ang kontrata para maging slave siya nito. Dahan-dahan niyang dinampot ang ballpen na nasa maliit na table sa harap ng sofa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang pinirmahan ang kontrata. Kahit sisihin niya ang sarili niya ay wala pa rin siyang ibang pagpipilian. Ayaw niyang mabulok sa kwarto na iyon. Baka din hanapin siya ng kapatid niya ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Kahit pa alam nito ang nangyare sa kaniya at sa lalaki nabangga niya. Hindi naman alam nito na ito pala mangyayare sa kaniya mas malala pa kaysa sa unang nangyare kahapon. Nag-aalala din siyang baka makarating ito sa Kuya nila. Baka mas lalo lang niyang ikapahamak kapag ganoon nga mangyayare. Pipilitin niyang hindi mangyare iyon hangga't maaari. Kahit pa ayaw niya magsinungaling kay Glen pero kailangan. Nababahala siya dahil alam niyang over protective ang kuya niya sa kanilang dalawa ni Aicelle. "Ayan na! pwede palabasin mo na ako may klase pa ako." Agad naman bumukas ang pinto. Paglabas niya ay nandoon pa rin ang babaeng naghatid sa kaniya kanina. Hindi na niya ito hinintay magsalita at dere-deretso siyang naglakad pabalik sa room nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD